Yuki's POV
Dahil dun sa event na pinuntahan namin, hindi ako nakapasok ng 1 week.
Kasi nga ayun, nag-emote pa ko sa bahay.
Pinilit ko pa yung sarili ko na tanggapin yung mga nangyare kaya
ayun, absent ng one week.
Monday na ngayon, kaya kailangan ko na ulit pumasok.
Andito nga pala ako sa bahay namin, ayaw pa nila ko pabalikin sa condo
ko kasi hindi pa naman sila babalik sa Japan.
Bumangon na ko at naligo, paglabas ko ng bathroom naalala ko...
Wala pala dito yung mga gamit kong pang nerd, naiwan ko sa condo ko...
at isa pa...late na rin ako pag dumaan pa ko dun.
Tss...ano gagawin ko? Hindi naman pwedeng hindi na naman ako pumasok.
~Neo eopsi I’M NOT HAPPY BUT I HOPE YOU’RE HAPPY
Meolliseo nan neol jikyeobolge
Neo eopsi I’M NOT HAPPY BUT I HOPE YOU’RE HAPPY
Modeun gieokdeureun dwirohan chae
Haengbokhage nal ijgo sarajwo
I Hope you’re H A P P Y
Haengbokhage nal ijgo sarajwo
I Wish you’re H A P P Y~
Ayy...nagulat naman ako dun.
Ayy...may tumatawag pala sakin...
Ayan nalaman nyo ang ringtone ko (HAPPY-2ne1)
Idol ko KPOP eh,blackjack here...hahaha
Tiningnan ko yung screen ng phone ko kung sino
yung tumatawag sakin...
Nagflash naman yung name ni Ashley kaya sinagot ko.
"Oh hello?" - me
["Asan ka na?"] - Ashley
"Ahh, andito pa sa bahay. Wala kong masuot eh." - me
["Aabsent ka na naman? 1 week na kong walang kausap dito."] - Ashley, parang bata lang.
"Papasok ako, wait lang." - me
["Okay...ayy oo nga pala, wash day daw ngayon."] - Ashley
Wash day? Lunes na lunes wash day...anong meron?
"Bakit? Eh monday ngayon ah." - me
["Foundation day daw eh, bilisan mo ahh. Hintayin kita sa gate. Just text me na lang ah." - Ashley
"Ah, okay. Bye." - me...in-end ko na yung call para makapagbihis. Foundation day nga pala
ngayon, sinabi na sakin ni daddy yun kaya lang nakalimutan ko. Late na ata ako.
Ipapakilala pa naman nya ko ngayon...last 2 years kasi hindi umattend sina daddy sa program
at hindi rin ata ako pumasok nun.
Haaays...wala kong attire ditong pang nerd.
Nakunaman...yaan na nga.
Sawa na rin akong magpanggap.
Makapag-ayos na nga.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at naghanap ng pwedeng suotin.
Hmm, ano bang magandang suotin sa aking pagbabalik? wiw lalim...pagbabalik
Ahh...eto, okay na to.
Kinuha ko yung leather kong short...as in short talaga.
Tapos red sleeveless shirt at black denim vest.
Oh diba...parang rarampa lang sa fashion week ang peg ko.
I'm not afraid to show my skin.
Sabi nga ng mga model, If you have it...flaunt it.
Okay...baka humangin na ng malakas dito..haha
Sinuot ko na yung mga nilabas kong damit.
Nagmake-up ng konti...pero sinadya kong red na red ang lips ko.
Medyo curl din yung hair ko.
Sinuot ko din yung favorite kong boots with 6 inches heels.
Di na ko magdadala ng bag, foundation day lang naman eh.
Wala namang gagawin dun eh, besides...I dont care kung may klase man kami.
I'm back to the real me.
Kinuha ko na yung wallet at phone ko pati yung susi ng motor ko.
Lumabas na ko ng room ko at binati naman ako ng mga maids namin.
Nakasalubong ko si mommy nung pumasok ako sa dining area.
"Good morning mom." bati ko kay mommy.
O______O reaction ni mommy...grabe para namang nakakita ng multo to si mommy.
Sabagay hindi naman sya sanay na nakikita akong ganito ang ayos.
Simple lang kasi ako pag kaharap ko sila ni daddy.
"Mom, are you okay?" di pa rin kasi nagsasalita eh.
"Ah, yes. Bakit ganyan ang ayos mo?" tanong nya na parang takang-taka.
"Ahm, wala lang. Wash day naman ngayon eh. Where's Dad?"
"Nandun na sa school, magsisimula na ata yung mass eh."
"Oh, hindi ba kayo pupunta?"
"Ah, susunod na lang ako dun."
"Okay, una na po ako. Bye mom." kiniss ko sya sa chicks nya then umalis na.
Nagpahatid ako sa driver namin sa condo ko.
Andun kasi lahat ng cars ko at yung 2 kong motor.
Pinaalis ko na si driver then naglakad papuntang parking lot.
Hindi kasi alam nila mommy na nagmomotor ako.
Ako lang kasi bumili nun, galing sa...ahm, savings ko. hehe
So yun since, I'm back to the real me.
Type kong magmotor para bongga.
Inistart ko na yung motor ko.
Uwaaaaah...i miss you na...
Tagal natin di nakapagbonding.
Ayy...baka akala nyo nababaliw na ko ahh.
Namiss ko lang yung favorite kong motor na si angel.
Hahaha...binibigyan ko kasi ng name ang mga sasakyan ko eh.
Yung isa ko pang motor Layla ang name.
Tapos yung 5 cars ko may mga name din. Tsaka ko na lang imemention.
I gotta go na eh.
So ayun...pinalipad ko na aking angel para makarating
agad sa school.
HIS POV
Good...good thing that she stop her own little play.
She's totally back now.
I miss that look of her.
Yuki...how I miss to say your name.
How I miss the old times...
I just watch her drive her angel.
She really looks like a goddess...
You'll be mine no matter what...