KAILAN

Por madyvin

33 0 0

Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin... Más

Kailan

33 0 0
Por madyvin

Let me tell you a story: Once upon a time, may isang babaeng nagkagusto sa kaibigan ng kaibigan niya. (HAHAHAH! gets niyo ba?) Noong una, akala nong babae masungit yung lalaki dahil una, mukhang masungit ito at pangalawa mukhang mapilii sa kaibigan.


Ah basta! Basahin niyo na lang kung paano sila nagkakilala. :)









~*~

K A I L A N


"Hey! Where are you? I'm here at the library, 3rd floor." 



Kasalukuyan kong hinahanap si Red ngayon kaklase ko at ang loko naman ngayon lang nagtext. May usapan kasi kami ni Red na itetext niya ako kung saan kami tatambay ngayon since vacant namin pareho. At tamang-tama oras ko rin na gawin ang mga plates ko. 



"Wow ha! Ang aga mong nagtext!" sabay lapag ko agad ng mga gamit ko sa lamesa. Sarcasm sana yun kaso mukhang di ata na gets ng mokong.


"Kanina pa kaya yang text ko sa'yo! Baka late lang dumating?" sabay ngisi niya sa akin. Babatukan ko pa sana kaso biglang naka-iwas, sayang naman!


"Tss. Mukhang chill na chill ka ngayon ah? Wala kayong plates?" tanong ko sa kanya.


"Hmm, meron naman kaso tinatamad pa akong magplano."


"Ay ganun?"


Habang si Red ay petiks lang at walang pinoproblema, ako naman abala na ako sa pag-aayos ng mga drawing materials ko sa lamesa. Hays! Life of being an architecture student.


Nagsisimula na ako sa pag te-techpen sa mga plates ko ng may biglang tinawag si Red at mukhang kakilala or kaibigan niya ata. Since abala ako sa pagte-techpen at baka magkamali pa ako, hindi ko na nilingon kung sino yung lalaking tinawag ni Red at umupo na rin kung nasaan kami.


"Oy Red!" tapos ay nag high five pa silang dalawa. 'Saka lang ako napatingin doon sa lalaking kausap ni Red.


"Chelsea this is Rafael, Rafael this is Chelsea classmate ko." agad naman akong ngumiti sa kanya at ganon din siya sa akin. 


Tss, mukhang masungit! sabi ko sa sarili ko.


"Wala kang pasok Raf?"


"Wala pa, mamaya pang alas tres. Ikaw?"


"Haha! Same!" nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa since masyadong nakaka-out of place silang dalawa.


Umupo muna ako saglit dahil sumasakit na rin yung likod ko kakayuko. Bigla naman akong kinausap nong Rafael.


"Classmates kayo?" tanong niya. Maiirita sana ako sa tanong niya. Duh! Kakasabi lang nga ni Red diba?


"Yup!" yun lang sinagot ko sa kanya. At dahil mainit sa library, pinaypayan ko muna ang sarili ko dahil sa sobrang init.


"Pwede maki-alam? Hehe" tanong naman ni Red. Ang ibig niyang sabihin ay kung pwede niya ba raw pakialaman yung plate ko. Since I badly need a help that time dahil deadline na rin namin mamayang gabi ay 'di na ako nag-inarte at hinayaan ko na lang siya na tulungan niya ako.


"Ay tae naman! May assign pa pala ako sa calculus!" agad kong nilabas yung notebook ko. 


Bwiset naman! ANG HIRAP NUNG PROBLEM!


"Red! Patulong sa math please..." matalino si Red kaya pag sobrang taghirap ako lalong-lalo na math, sa kanya ako nagpapaturo.


Inexplain niya sa akin kung papano isolve yun. Na gets ko naman siya...konti kaya lang ang hirap niya talagang intindihin! SINO BA KASING UMIMBENTO NITONG MATH?!


"Ayoko na! ANG HIRAP NG MATH! ANG HIRAP MAG ARCHITECTURE! Mag s-shift na ako!" reklamo ko sa kanya.


"Ay grabe siya! 'Wag ka nga! Malapit ka na ngang mag 3rd year tapos ngayon mo pa naisipang magshift!"


"Eh ang hirap eh! Ba't eto pa kasi ang kinuha kong kurso. 'Kala ko dati konti lang ang math sa architecture pero 'di pala! Kaya nga 'di ako kumuha ng civil engineering kasi tadtad ka naman sa math pero mukhang same lang pala sila!"


"Dapat nong bago mo palang kinuha 'tong kurso mo, expected mo talaga na maraming math yang kurso mo since under din ang course niyo sa engineering department. That's life, everyday ma-eencounter mo talaga si math."


Agad akong napatingin kay Rafael, and his very serious right now. Feeling ko pinapagalitan ako ng tatay ko dahil reklamo ako ng reklamo sa kanya. Agad ko siyang sinimangutan at nginitian niya lang ako.


WOW! Ngumingiti rin pala ang isang 'to! 'Kala ko pa naman 'di niya na ako ulit kakausapin. Napag-alaman ko rin na dapat ay ka-batch namin itong si Rafael kaso transferee pala siya dito. Kaya pala at 'di siya familiar sa akin. Habang tumatagal na nakakausap ko siya, napansin ko na madaldal din pala siya. Medjo 'di na masyadong awkward yung ambiance at sinasali na rin nila ako ni Red sa usapan nilang dalawa.


Simula nong araw na yun, 'di ko alam pero mukhang na 'love at first sight?' ata ako sa kanya. 'Saka ko lang na realize na nag-eexist pa pala yung ganun. Yung bigla mo na lang siya maiisip gabi-gabi. Pero 'di kalaunan ay mukhang nawawala na rin yung pagkakaroon ko ng crush sa kanya since 'di ko na rin siya nakikita sa school.


Hindi ko nga akalain na magkakagusto ako agad-agad sa isang taong isang beses ko lang naman nakita at naka-usap.








~*~

Summer class namin 'non at 'di ko inaakalang magiging kaklase ko pala ulit si Rafael 'non. Classmate ko rin si Red 'non kaso hindi kami magkatabi ng seats since katabi ko yung mga ka-blockmates ko.


Nasa may bandang likuran lang namin sila naka-upo at tabi naman silang dalawa ni Red. Nong araw na yun, na realize ko na wala na pala akong nararamdaman sa kanya. Siguro hindi ko talaga matatawag na crush yung sa kanya. Siguro infatuation lang...


Noong summer class din namin may bago rin akong naging crush. Eh kasi kamukha niya yung isang japanese actor. Ay 'di na ako nagtaka. Nagkalat agad yun sa mga kaklase ko at unti-unti na nila akong tinutukso sa kanya. Pati nga yung prof namin ay nakikisali rin sa pagtukso nila sa akin.


Isang araw meron kami nong pair quiz. At ayaw ng prof namin na maka-partner mo ulit yung seatmates mo. At ang talino nga naman ng mga kaklase ko! At talagang sila pa nag suggest sa prof namin na i-pair kaming dalawa nong crush ko. At medjo ka-close ko rin yung katabi ng crush ko, agad siyang tumayo sa upuan niya para doon daw ako umupo.


Nong na-upo na ako sa tabi niya, doon na naman nagsimula ang mga tuksuan ng mga kaklase ko habang ako ay tadtad na masyado ng hiya sa kanya.


Buong akala ko, tuluyan ng nawala ang feelings ko para kay Rafael at na divert ito sa ibang tao. Pero sadyang may mga panahon talaga na bumabalik yung feelings natin sa isang tao.


Pero ang masakit lang, dahil gusto nong ka-blockmate kong si Mia si Rafael. Ang sakit lang kasi ba't pareho pa kami ng taong nagustuhan. Pero ano bang laban ko? 'Di naman kami. At isa pa wala akong karapatan na masaktan kung sino man ang may magkagusto sa kanya. At iniingatan ko rin na walang makakaalam na kahit sino sa mga kaklase ko na may gusto ako kay Rafael.






~*~



To make the long story short, na repeat ko ang calculus subject namin. Marami-rami rin sa amin ang na repeat sa subject na yun. At pagkakataon nga naman! Classmates ko ulit si japanese boy at si Rafael. Minsan naisip ko, paano kung pansinin ko si Rafael? Papansinin niya rin kaya ako?



Lumipas ang ilang buwan, walang pansinang nangyari. Minsan din naisip ko, 'Kailan mo kaya ulit mapapansin? Kung kilala niya pa ba ako?' Yung mga ganong tanong...Pero ang hirap palang manghula.


Minsan nong sumasagot kami ng assignment ng kaklase ko, bigla siyang lumapit sa amin at kinausap kami. Oo! KAMI. 'Di ko alam kung mababadtrip ba ako or hindi. Unang-una, masaya ako dahil yung mga tanong na 'kailan' sa utak ko ay nangyari na.


Una ay lumapit siya sa amin at pangalawa ay kinausap niya rin kami. Kaso, KAMI ang nilapitan at kinausap niya. Pwedeng yung kaklase ko ang kinausap at pinagtanungan niya at hindi ako ang sadya. Nag-aalangan pa nga akong sumagot sa kanya eh. Pero ang lapit niya sa akin, yung tipong ako ay naka-upo at siya naman ay nakatayo sa likod ko.


Shit! Sandali yung puso ko nagkakarera ata!


Biglang lumapit sa amin si Kian,yung sabi kong katabi niya yung crush ko nong last summer. At ayon, dahil sadyang madaldal si Kian ay na itopic namin yung kaklase niyang naging crush ko at simula 'non everytime na magkikita or magkakasalubong kami ni Rafael, laging yung pangalan nong japanese boy ang tinatawag niya sa akin.


Kailan mo kaya ako tatawagin sa mismong pangalan ko?


At dahil gusto nga ni Mia si Rafael, kapag nakakasalubong ng grupo namin ang grupo nila Rafael ay tinutukso siya ng mga kaklase ko dito. Minsan nakikisali rin ako satukso-tukso nila, pero ang sakit pala. Yung pakiramdam na go ka na lang ng go kahit ayaw mo naman gawin yun.


One time, padaan kami nong kaklase ko malapit kung saan nakatambay sila Rafael at bigla niya akong tinawag, kaya lang 'di naman yung pangalan ko ang binanggit niya kundi yung pangalan ni japanese boy'. Yun na kasi ang pangtukso niya sa akin. Kaya agad din na napatingin sa akin yung iba niyang kasamahan doon.


Hoy gago! ANG MANHID MO!


At dahil medjo nahiya ako dahil sa bigla niyang pagtawag sa akin, sinakyan ko na lang kung anong trip niya. Kunwari na lang ako na naiinis sa kanya at sinabihan siyang wag akong tawagin sa pangalan na yun at baka marinig nong dati kong crush.


Kaya tinanong ako nong kaklase ko kung close ba raw kaming dalawa at sabi ko naman hindi at tinutukso niya lang ako doon kay japanese boy. Ganon lagi ang nangyayari kapag nagkikita kami. Minsan nga doon kami dumaan kung saan sila tumatambay at kasama ko ang grupo ko. 


"Chels! Diba magkakilala naman kayo ni Rafael? Reto mo raw si Mia sa kanya o 'di kaya isigaw mo pangalan niya mamaya 'pag malapit na tayo sa kiosk nila." sabi ni Dyan sa akin.


At ako naman itong si mabait, ginawa ko kung anong sinabi niya. Kahit medjo labag sa kalooban ko, ginawa ko pa rin. 'Kala ko masakit na yung sumasali ka lang sa pagtutukso sa kanilang dalawa, pero mas masakit pala kapag ikaw na talaga mismo ang unang tumukso sa kanilang dalawa at ang nakakabwiset lang nong time na yun, ni hindi man lang ako dinamayan ng mga kaklase ko at mukha akong tanga na sinisigaw ang pangalan n Mia sa kanya.


Nong time na yun, medjo kinakabahan na ako kasi yung titig ni Rafael mukhang annoyed at ewan 'di ko maintindihan. At simula 'non di niya na ulit ako pinansin. 'Di niya na ulit ako tinutukso kahit magkasalubong kami. As if para bang pati siya ay na annoy na rin sa akin...


Kaya simula 'non, 'di ko na ulit tinukso si Mia sa kanya. Kapag dumadaan kami malapit sa tambayan nila lumalapit ako sa ibang direksyon kung saan medjo hindi niya ako makikita.


Hays...sa totoo lang maganda si Mia, I admit. Matalino, madaldal at gusto ko yung pagkakaroon niya ng guts na okay lang sa kanya na tinutukso siya sa crush niya. Ako kasi kapag tinutukso ako sa taong gusto ko, nahihiya ako at agad na namumula.





~*~

 Festival day namin ngayon. So it means wala kaming pasok ngayon. Each class ay may naka-assign sa amin na color. Merong mga sari-saring palaro na talagang pang festival, may rides din, boodle fight at syempre foam party sa field after.


Buong araw feeling ko para akong detective dahil laging hinahanap ng mga mata ko sa Rafael. Nakita ko siya kasama ang mga kaklase niya papunta doon sa rides. Since 'di ko naman hilig ang mga rides, masaya na akong nagnanakaw tingin na lang sa kanya mula sa malayo.


Pagkatapos ng battle of the bands, sa wakas ay party-party na!!! Basang-basa na kami dahil binasa kami ng mga bombero. LITERAL NA MGA BOMBERO TALAGA! Huhu di pa naman ako prepared! 'kala ko naman kasi simpleng foam party lang, pero di ata kami na inform na babasain pala talaga kayo kaya ang ending mukha na kaming mga basang sisiw.


Nahagip ulit ng aking mga mata sila Rafael na papunta sa field at tulad namin ay nakapalit na rin sila ng puting t-shirt. 'Kala ko kakausapin niya ako pero heto na naman ako at nag-assume, ayun at dinaanan lamang ang beauty ko. Nalungkot ako syempre, pero inisip ko na 'di naman kami close talaga kaya ba't niya ako papansinin?


'Kala ko rin unti-unti na kami nagiging close pero mali pala ako. Yung feeling na parang na WOW MALI KA! Ganon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nakita ko pa nga ni pinat niya yung ulo nong kaklase niyang babae.


 Letse! Ang sarap mong bugbugin ate girl!


Natapos na lang ang party at walang Rafael na nag-aasar sa akin nong araw na iyon.




~*~



Ilang weeks na lang at malapit ng matapos ang week ng klase namin. Nasa field kami ngayon para i-film yung project namin about kay Rizal. Habang nagp-practice kami doon, unti-unti rin na dumadami ang tao at doon din sila prumactice. Laking gulat ko na lang na andoon si Rafael at umupo siya doon sa bakanteng upuan malapit kung saan yung isang grupo nagpa-practice.


Hindi ko mapigilang di tumingin kung saan siya naka-upo at medyo nalungkot ako nung 'di tumagal ay tumayo na rin siya at umalis.


'Di kaya nabadtrip siya nong nakita niya ako?'


Tinawag ko si Klyde, kaklase ko nong high school at kaibigan din. Dati ko rin naging crush si Klyde noong high school kami. Gwapo rin si Klyde, matangkad, mestiso at matangkad. Nagpasama ako kay Klyde na maghugas ng kamay sa likod ng canteen namin. Habang naglalakad na kami napansin ko na andoon pala si Rafael sa kiosk, naka-upo at kausap ang ibang kaibigan niya. Habang palapit na kami sa kanila at saktong papaliko na rin kami ay agad siyang napatingin sa amin. Oo kinakabahan ako nong mapatingin siya sa amin at 'di ko sigurado kung imagination ko lang ba na tinitigan niya ako or kami or namalikmata lang talaga ako.


Noong pabalik na kami ni Klyde ulit sa field at habang nag-uusap kaming dalawa, biglang tinawag ni Rafael ang pangalan ni japanese boy. 'Di ako agad lumingon sa kanya kasi naisip ko na baka andoon nga si japanese boy at siya nga tinatawag at 'di ako. Pero nong andoon na kami malapit sa kanya at pangalawang tawag niya na sa pangalang iyon, ay napalingon na ako kung saan siya naka-upo at ganon pa rin ang ekspresyon niya, poker face. That time sobrang saya ko kasi 'kala ko galit siya sa ain dahil doon sa tukso-tukso pero 'di pala. Hays! Eto na naman ako assuming.


Bago matapos ang klase namin that week ay nagkaroon muna kami ng general assembly sa department namin. Sana man lang makita ko siya dito sa court bago matapos ang araw na'to dahil ilang buwan ko rin siya 'di makikita.


Ilang minuto na lang at matatapos na ang assembly namin pero hanggang ngayon 'di ko pa rin siya nakikita. Medjo nawawalan na ako ng pag-asa na makita ko siya kahit ngayon lang. Baka nga 'di na siya umattend.


Habang abala ang lahat ng estudyante sa pagpasa ng kanilang attendance doon sa harap, nahagip ng mata ko sa Rafael, naglalakad pabalik sa likod.


'Shit heart! Kalma! ANJAN SIYAAA!'


Kahit medjo malabo ang mga mata ko, kumaklaro naman siya sa paningin ko. Tinitigan ko siya habang papalapit siya kung saan ako banda naka-upo, at ganoon din siya nakatitig din siya sa akin! This time 'di ako nagkakamali, talagang nagka eye-to-eye contact kaming dalawa! Dahil 'di ko kinaya ang mga titig niya, ako na ang unang bumitaw na makipagtitigan sa kanya. Pakiramdam ko kasi magkakaroon na ako ng heart attack any minute.




  Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala

Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Bakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayroong gasgas
Nais ko lang magpakilala

Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala

Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin

Ano'ng aking dapat gawin

Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin   




'Kailan mo kaya ako mapapansin Rafael?'  


Seguir leyendo

También te gustarán

9.5M 334K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
42.3M 831K 66
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
27.3M 759K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
108M 2.2M 51
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas