Childhood Complex

By AnAnImE

273 8 2

Si Anna at si Kenji ay magkaibigan na noong bata pa sila. unang-una ay lagi silang nag-aasaran di nagtagal ay... More

chapter 2: "K-Ke-Kenji?"
chapter 3: "Oo. Fiancée ko siya at malapit na kaming ikakasal."
chapter 4: Ano ba naman tong taong to! Pinaramdaman mo naman ako ng kakaiba.
chapter 5: "Here my dear. Wear this veil."
chapter 6: "You may now kiss the bride."
chapter 7: "WORST BIRTHDAY AND VALENTINES EVER!"
chapter 8: Ngumiti siya't halatang proud sa kanyang asawa

chapter 1: "Kenneth Jiennux Chavez. Just call me Kenji."

108 3 1
By AnAnImE

hi guys!!!! this is my first story here in wattpad.. sana magustuhan nyo po :)

thanks sa ate ko na nag-draw sa cover ng story na to so dedicated for her po ang chapter na to..

cgeh, enjoy reading (^o^)/

Childhood Complex

By: AnAnImE

CHAPTER 1

"Anna! Anna! Gumising ka na. Mali-late ka na naman sa school." Sabi ng kuya nito.

"bigyan mo muna akong 5 minutes kuya" aniyang antok na antok pa.

"Bumangon kana't maligo! Kung hindi, tatadyakin na kita diyan"

"OO na't gigising na ako." Sabay bangon niya at tayo sa kama niyang tinutulugan.

Tiningnan niya ang orasan para malaman kung anong oras na. Biglang sumigaw ito

dahil 6:30 na ng umaga at ang oras ng pasok niya ay 7:00'oclock in the morning.

NANG makarating siya ng school ay din a niya naabutan ang flag ceremony at dumiritso

nalang siya sa classroom . Pagbukas niya sa pintuan ng classroom ay wala pa ang guro nila. Napabuntong hininga lang siya at may kunting pasasalamat dahil hindi pa siya late sa pag-chicheck ng attendance.

"Magpasalamat ka na absent ngayon si Mrs. Rivera kung hindi, di' kana talaga makakapasok Miss Anna Sangre" sabi ng bestfriend niya na si Melody.

"Haha oo nga noh? Kung di pa siya absent ngayon malamang papagalitan na niya ako kasi lagi nalang akong late"

"Talagang papagalitan ka dahil 2 weeks kanang late palagi at baka di kana niya papasukin sa klase niya buong buwan."

"Wag naming ganyan. Haha sige maupo na tayo ng maayos dahil paparating na si Sir Physics."

"O sige." aniya ni Melody.

Umupo na sila ng maayos pati na ang mga kaklase nila dahil pumasok na ang Physics teacher nila na si Mr. Chan.

LUNCH break na nila at pumunta sina Anna at Melody sa cafeteria ng school. Pagdating na pagdating nila ay biglang dinumog sila sa mga babaeng nagkatakbuhan papasok sa cafeteria at nagkaguluhan dahil nandoon ang heartthrob ng campus nila na si Kenneth Jiennux Chavez or Kenji for short.

Isa ito sa mga kinababaliwan ng mga babae dito sa school nila. Fourth year highschool din siya katulad nina Anna at Melody pero nasa kabilang section ito kaya schoolmate lang nila siya.

Guwapo talaga si Kenji. Morino, matangkad, matalino, di-gaanong malalaki ang mata, pang-MODEL ang katawan nito, maganda manamit at mamorma, atsaka mayaman din.

Perpekto na sana kaso ang asal nito ay medyo masungit, istrikto, at minsan lang ngumiti.

Pero kahit ganoon ay dinadagsa pa rin sa mga kababaehan dito sa paaralan dahil "single" pa ito kaya pati na mga college students ay nababaliw na din sa kanya.

Ngunit isa sa mga kababaehan ng sikat na Unibersidad ang di matatalab sa kagwapohan o sa pagkasikat nito ay ang weirdong babae na si Anna Sangre. Oo, dreamboy nga niya ito noong pagpasok niya sa paaralang ito pero nawalan siya ng pag-asa at itinatago nalang niya ito sa puso niya si Kenji at walang pinagsasabihan tungkol nito kahit si Melody na bestfriend pa niya.

Tingin niya at sa mga tao sa kanyang sarili ay pangit siya. Maypagkabilog kasi siya, morina ang balat, makulot ang buhok, may tigyawat pa, nakasalamin, at maypagka-chinita ang mata nito.

Pero kahit ala Betty La Fea ang itsura nito, kinakaibigan talaga siya ni Melody. Appearance pa lang ay malayong-malayo pa ang dadaanan ni Anna ang pagiging kasing ganda ni Melody.

Maputi ito, makinis ang kutis, alagang-alaga ang katawan, kasingtangkad lang niya si Anna, matalino din, shaggy at bouncy pa ang buhok, at marami din itong tagahanga na mga lalaki sa school pati din sa ibang school ay maraming nakakilala sa kanya.

Medyo naiinggit siya sa kaibigan niya kaso wala siyang magawa kundi maging simple lang dahil wala naman siyang pera para magpapaganda dahil laking mahirap lang siya.

Nakapasok lang siya sa mamahaling Unibersidad na'to dahil nag-working student siya.

Patay na kasi ang nanay niya kaya ang ama nalang niya ang nagsusuporta sa kanilang limang magkakapatid.

"ANNA! Si Kenji oh! Haaayyy... Ang super gwapo niya talaga. Crush na crush ko talaga siya. Sana ma-akin siya" sabi ni Melody na parang kumukutitap ang paningin niya kay Kenji.

"Nako! Ayan ka na naman Melody. Parang mababaliw kana kung makita mo siya.Paano na kaya kung magkausap na kayo?"aniya nito.

"Magpapa-ospital talaga ako kung yan ang mangyayari. HAHAHAHAH!" pabirong sabi nito.

"Haaayy.. Kayo lang ang ginago ng lalaking yan. Nagpapanggap lang para maging sikat"

Sabay kamot ng ulo niyang pagsabi nito.

"Ikaw talaga Anna, kapag lalaki ang ating pagkukuwentuhan, kukunot ang noo mo. Sige na nga at kakain na tayo." Saka tuloy-tuloy na silang pumasok sa cafeteria na biglang nakita nilang tinitigan na pala sila ni Kenji.

"OMG!! Mababaliw na talaga ako. Tinitigan na pala tayo ni Kenji." Masayang-masayang wika ni Melody.

"Ayan ka na naman. Mag-order ka na nga!" parang galit na nagsasalita si Anna.

"Heto na oh. Nagkuha na ako ng tray. Hehe." Aniya.

Pumila na sila para makakuha ng order pagkatapos pumunta na sila sa table na nilagyan nila ng bag para di maagaw sa iba. Umupo na sila at kumain.

INILIGPIT ni Anna ang mga libro sa loob ng library at nagmarka ng stats sa mga librong nagamit sa mga estudyante o mga binabasa nito.

"Uhm, miss excuse me?" malalim na gentle na boses ng lalaki ang narinig niya.

"Yes?" sabay lingon ito patalikod.

Nagulat siya sa nakita niya. Si Kenji pala ang nakatayo sa likod niya. Halos magkasigkit ang mga katawan nila dahil doon sila sa gitna ng may bookshelf.

"Pwede padaan? May kukunin kasi ako sa may banding doon." sabi ng heartthrob sa kanya.

"Oh, I'm sorry kung nakaharang ako sa dinadaanan mo mr.?" maypagkasungit na sabi niya.

"Kenneth Jiennux Chavez. Just call me Kenji." Parang nagmamagandang loob na sabi nito.

"Ah.. ikaw pala yong kinababaliwan ng mga babae ditto. Ay sorry, HEARTHROB pala! Saying, ang gwapo mo talaga pero saksakan ka naman ng sungit." Lakas loob na sabi ni Anna. Di niya alam kung bakit nasabi niya yon.

lagot! Bakit ko ba nasabi  yun?

"Sorry miss kung sino ka man. Wala akong oras para i-entertain kita. I'm a busy person kaya excuse me please?" at tuluyang dumaan ito sa hinaharangang daan ni Anna.

Parang di makakibo ang katawan ni Anna. Sinundan lang niya ito ng tingin. Tumitibok ang puso niya at umiinit ang katawan. Di niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya pero ang naisip lang niya ay parang tumatalab sa kanya ang kagwapohan nito.

Nakita niya kasi ang magaganda at malalalim nitong mata. Brown eyes kasi siya kaya magandang titigan. Ang matangos na ilong at ang pormang-porma na labi nito.

Nakagat ni Anna ang ibabang labi niya nang lagi niyang makikita sa isip niya ang magwapong mukha nito. Lumabas nalang siya sa may shelf na kinaroroonan ni Kenji kasi parang mababaliw na siya doon dahil di niya alam kung ano ang nararamdaman at baka maparehas siya ng kaibigan niya na baliw na baliw na kay Kenji.

ALAS syete na ng gabi na nakauwi si Anna. Marami siyang trabaho sa library kapag biyernes dahil walang pasok. Marami kasing mag-istambay ng library basta Friday dahil ang mga estudyante doon ay gumagawa ng mga homework para wala ng aabalahin tuwing sumapit ang weekend.

Sa pagpasok niya sa loob ng bahay ay laking gulat niyang maraming tao sa loob. Maraming handa pero di niya alam kung may birthday o anong okasyon.

Nagkakasiyanhan ang mga tao doon. Pati na din ang mga kapatid niya na ang ngiti ay abot tainga. Malakas na halakhak ng tatay niya ang kanyang naririnig sa may sala nila. Mukhang ang saya-saya nila dahil di naman sila nakaranas ng pagdiriwang na kasing laki sa nakita niya ngayon kahit pasko o kaarawan man lang.

"Tay anong okasyon? Ang rami naman nito? Paano na tayo makakabayad sa mga utang natin? Siguro nanalo kayo sa lotto kaya ka naghanda ng ganitong kalaki.' sermong pagsasabi niya kay Mang Chito.

"Oh! Nanadito na pala ang onica hija kong si Anna. Halika't may ipakilala ako sayo" aniyang saying-saya.

Nang biglang may pumunta sa harap nila ang isang mayamang Donya at Don. Ipinakilala siya ng tatay niya sa kanila.

Mukhang pamilyar ang mga mukha nila sa pangingisip ni Anna na parang nakita na niya ito noong bata pa siya.

"Hi Anna! Kamusta ka na? Ako pala si Tita Barbara mo noong bata ka pa" sabi ng magarang Donya.

Pamilyar nga! Siya nga ang tita niyang lagi siyang pinapadalhan ng mga imported na chocolate galing Amerika. Naalala na niya ang mukha nito.

"Sorry kung di na kita napadalhan ng mga chocolates noong nag-ten ka na kasi mahirap na ang komunikasyon ng tatay mo samin noong namatay ang nanay mo."

Oo nga pala, malapit na akong mag-ten noong nawala si mama sa piling naming.:(

"Okay lang po tita. Sorry din tita dahil muntik na kitang nakalimutan. Hehe." pangatwiran naman nito.

"O, siyanga pala anak, sila ang magbabayad sa handaang ito kaya kumain ka na. marami pang pagkain sa may mesa." Sabi ng tatay niya.

"Teka, di mo pa ako ipinapakilala sa kanya pareng chito. Ang daya naman. Di pa ako kilala sa magiging asawa ng anak ko." Sabi ng Don na may bigote.

Nagulat si Anna sa narinig niya. Magiging asawa sa kanilang anak? Seryoso ba sila? Baka nagbibiro lang ito dahil parang napatama na ang mag-asawang iyon sa pag-iinom ng wine. Nagpatuloy nalang siyang lumakad patungo sa kusina.

"Oo nga pala pasensya na pareng Jordan. Teka lang at pabalikin ko lang dito si Anna." Madaling bigkas niya nito sa Don at sumigaw ito para pabalikin sa nakaroonan ng mag-asawang iyon.

Lumapit naman si Anna pabalik nang tinawag siya ng itay niya. Para kasi siyang may nadiskubrehan sa sekreto nila.

"A-a-ano po tay?" nauutal siya sa pagtanong niya sa tatay.

"Si Jordan Chavez pala. Ang asawa ng Tita Barbara mo. Pareng Jordan, si Anna. Ang anak ko at ang magiging anak mo na rin."

Nagulat na naman siya ng marinig niya ang sinasabi ng tatay niya na magiging anak siya ng mayamang Don sa harapan niya.

"Anong ibig mong sabihin tay?" pagtatanong niya.

"Sorry pala anak at di ko naibanggit sa iyo to noon. Pakakasalan mo ang anak nila. Kasunduan na naming yon eh nung di pa kayo pinanganak."

"Oo Anna! Naalala mo pa ba si Jin-jin?" singit ni Tita Barbara.

Parang narinig na niya ang pangngalan na nabanggit ng Tita Barbara niya. Inialala niya nang mabuti kung sinong Jin-jin na yon.

"Siya yong kalaro mo tuwing dadalaw ako sa bahay niyo doon sa may Negros? Naalala mo pa ba? Kasi siya, naalala pa niya ang mukha't pangngalan mo." Paalalang sabi ni Tita Barbara.

Oo nga! Si Jin-jin! Yung kalaro ko noong bata pa ako. Childhood friend niya si Jin-jin pero di na niya maalala ang mukha nito. Malabo talaga.

"Sorry pero di ko na maalala ang mukha niya pero naalala ko lang na may kalaro ako noon na nagngangalang Jin-jin." malungkot niyang sinabi to.

"Okay lang hija. Total, ipapakita ko naman siya sayo eh. Magiging asawa mo naman siya at ikaw na ang bahalang magsamba at pi-pyesta sa magwapong mukha non."

Napag-isip si Anna tungkol nito. Gwapo? Gwapo ang magiging husband ko? Oh my gosh! Dream come true ba'to? Humahagikhik siya dahil gustong-gusto niya talaga ito. Kahit di siya maganda, may high-standards din siya sa mga lalaking gusto niyang makasama sa altar. Mga lalaking pinangarap niya.

Naaalala din niya nang sinabi ng tatay niya sa pagpapakilala niya kay Don. Siya si Mr. Jordan Chavez. CHAVEZ? Baka tatay ni Kenji ito? Nakuuu, si Kenji ang mapapangasawa ko? Ahy, malamang hindi dahil maraming nag-aapilyedo na Chavez. Baka nagkataon lang.

Gusto sana ni Anna na ipagtanong kay Tita Barbara kung kilala ba niya si Kenneth Jiennux Chavez pero hindi nalang dahil baka di niya rin ito alam eh galing naman sila sa ibang bansa.

--------------------------------------------------------------------

nagustuhan nyo po ba ang chapter na to? pls vote and follow me :) thanks ;)

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 543 21
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1M 83.4K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...