Pink-Eyed Princess (The Gangs...

By MarJorie_5

120K 5.8K 306

PINK-EYED PRINCESS (THE GANGSTER PRINCESS) GANGSTER ANGEL'S [ Gang Leader ] PRINC... More

CHAPTER ONE
AUTHOR'S NOTE
ACCOUNT & FB PAGE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
GANGSTER ANGEL'S
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER EIGHTEEN
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER NINE

3.1K 180 3
By MarJorie_5

MARJORIE'S POV

Nandito na ako sa kwarto ko, nakahiga, nagbabasa ng story sa Wattpad gamit ang cellphone ko nang biglang maalala ko yung nangyari kanina.

Natawa ako sa naalala ko na away namin nung Mitch na yun pero may tanong na pumasok sa isip ko.

"Bakit kaya love ang tawag nung Mitch na yun kay Mr. Bwiset? Sila kaya?" tanong ko sa sarili ko habang nilalagay yung cp ko sa side table ng kama.

"Argggg bakit ko ba iniisip yun? pake-alam ko dun sa dalawa! Pake-alam ko kung sila!" sabi ko at umayos uli ng higa.

"Pero bakit hindi ko nakikita na mag kasama sila ni Mr. Bwiset?"

Baka naman sila? Secret Relationship lang.

Hayst!!! Bakit ba pumapasok sa isip ko yan at kinakausap ko na pati sarili ko.

Bumangon ako sa kama at kinuha yung laptop ko.

Mag iinstagram na lang ako.

Inopen ko na account ko at laking gulat ko na lang nang makita kong 1,589 ang notifications ko then yung messages ko ang dami din.

Atsaka yung.....

O__O

Dumami lalo yung followers ko.

59k followers?

Kabubukas ko lang kanina pagkauwi ko ah, ang dami na naman.

Tiningnan ko na messages ko, may chat si Bhesie Line kaya inopen ko yon.

Line: Oy kailan yon?

Nireplayan ko sya ng secret haha.

Yung tinatanong nya ay yung kailangan nyang gawin para kasali na talaga sya sa Gang namin.

Binack ko na convo namin at pagkaback ko na yon may bagong dumating na message sakin.

Inopen ko yong message na yon dahil pamilyar sakin yung nakatalikod na lalaki sa profile nya.

Red: Hi

Tiningnan ko mismong account nya dahil hindi ko matukoy kung sino sya, ang kaso walang ka post post.

Hindi ko nalang rereplayan.

Ibaback ko na sana nang bigla naman syang mag send ng picture na ikinagulat ko.

-----

KINABUKASAN.

Tapos na akong mag ayos ng sarili ko kaya kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ako ng kwarto.

"Princess! Bakit ka nakipag-away kahapon!?" bungad na tanong sa akin ni Kuya pagkababa ko.

Hay nako sesermonan na naman ako neto!

Umuwi nga pala ako kahapon ng wala sila kaya eto ngayon ako sesermonan.

"Kuya, where's Mommy & Daddy?" tanong ko wala kasi sila dito eh at tinanong ko din yun para maiba yung usapan, sana lang gumana, gumana ka please...

"Nasa business pa sila hindi sila nakauwi kahapon dahil hindi pa daw sila tapos sa ginagawa nila" sabi nya sabay talikod.

Yes, buti na lang nasa business pa sila and another yes gumana kay Kuya haha.

Nakakailang hakbang palang si Kuya paalis nang humarap uli sya sakin at lumapit.

"Teka iisahan mo pa ako ha! Iniiba mo yung usapan! Bakit ka nakipag away kahapon!?"

Sayang.

"Pag hindi mo sinabi isusumbong kita!"

Tss sumbongero!

Ting!

Parang may ilaw na pumasok sa isip ko.

Haha alam ko na kung pano lulusutan 'to, alam ko na ang gagawin para hindi ako isumbong ng magaling kong Kuya, haha.

"Sige sumbong mo ako Kuya, isusumbong din kita" sabi ko sa kanya at kumunot naman ang noo nya, lumapit ako sa kanya at bumulong sa tenga nya.

"Sasabihin ko kila Mommy at Daddy na nadetention ka nung isang araw" bulong ko sa kanya at naglakad na palabas.

Haha nalaman ko kasi na nadetention sya nung isang araw.

Pagkarating ko sa labas sumakay na agad ako sa kotse ko at pinaandar na agad papuntang University.

Pagkarating na pagkarating ko sa parking lot, pi-nark ko na kaagad yung kotse ko at bumaba na.

Habang naglalakad ako papuntang room may humarang sa akin na isang babae.

"Ms. Rivera pinapatawag ka po ni Dean" sabi nya at tumungo naman ako at naglakad na papunta sa Dean's office.

Alam ko na kung bakit ako pinapatawag, tss.

"Buti naman dumating ka na" bungad sa akin ni Mitch pagkapasok ko sa Dean's Office.

Sabi na eh yun ang dahilan kung bakit ako pinapatawag.

Umupo na ako sa katapat nya at humarap kami sa Dean.

"Ok let's start, Ms. Soberano?" sabi ng Dean na bumaling kay Mitch.

"Ma'am, I want to talk with the owner of this University, para matanggal sya sa University na'to" sabi ni Mitch sa Dean habang nakaturo pa saakin.

Napangisi naman ako sa sinabi nya.

"Oh, Ms. Rivera is the owner of this University, Ms. Rivera she want to talk to you" sabi ni Mrs. Santos yung Dean namin.

Haha gulat na gulat yung itsura ni Mitch.

And yes, ako ang may ari ng University na'to.

Kokonti lang ang nakakaalam dahil ayokong ipaalam.

At kaya hindi ako dito nag High School kasi ayoko ng special treatment pero masaya pala haha 'buti dito nga ako nag college' CHAROTTT HAHAHAHAH

"Oh, What do you NEED again Ms. Soberano?" tanong ko at tinaasan sya ng isang kilay habang nakangiti ng nakatikom ang bibig.

"Nothing" sabi nya at binigyan ako ng 'hindi pa tayo tapos' look bago umalis.

Haha awieee tapang, okay go lang Mitch, hindi ako natatakot sayo.

"Dean, I'll go now" sabi ko kay Mrs. Santos yung Dean namin at nginitian nalang nya ako sabay tango.

Lumabas na ako at naglakad na papuntang 1st Subject ko.

"I LOVE YOU BABY ZYTRON"

"BEBE CLARK"

"YAHHH PAPA JHADE"

"I LOVE YOU JHAKE KO"

Hay nako! Ano bang mapapala nila sa kaka sigaw sa mga yan, tss.

"YAHHH BABY JAY"

Tss 'Baby Jay' ewww, 'baby' ka dyan! Mukha ba yang baby? Oo tama baby nga yan baby damulag haha.

Naglagay na lang ako ng earphone sa tenga ko, karindi kasi yung mga sigaw nung mga babaeng yon eh, mga mapuputol na yung litid sa kakasigaw.

Nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad nang biglang may umakbay sa akin kaya napatigil ako.

"ANO BA!!" sigaw ko sa kanya at pabagsak kong tinanggal yung kamay nya na naka-akbay saakin.

Tinanggal ko na yung earphone ko.

"Tss, kunyari ka pa! Alam ko naman na may gusto ka saakin"

KAPAL AH!!!

Humakbang ako palapit sa kanya "Alam mo..." sabi ko at ang loko ngumiti, ano bang iniisip neto? Ahh alam ko na siguro ang iniisip neto sa sinabi kong 'alam mo' ay 'alam mo na may gusto ako sayo' haha siguro yun nga ang iniisip nya pero WAHAHAHA mali sya, mali yung iniisip nya haha, iba kaya yung sasabihin ko.

Oh I have an idea, haha.

Humakbang ng humakbang ako papalapit sa kanya hanggang sa mapasandal na sya sa pader.

Let's Begin.

Hinawakan ko yung pisngi nya gamit ang right hand ko.

"Woahhh" sabi ng mga kaibigan nya, yes may mga kaibigan sya mga sikat din dito, Heartthrob.

Oo mga heartthrob sila, sila ay sina Clark Monteverde, Jhade Santiago at Jhake Santiago.

Si Jhade at Jhake ay kambal.

Tumingin muna ako sa paligid at buti na lang kami na lang ang nandito, mga nagsisimula na kasi ang klase eh at sigurado akong late na ako, kami pala, magkakaklase nga pala kami.

Humarap na uli ako kay Mr. Bwiset at ang loko nakangiting nakangiti.

Sya yata ang may gusto sakin eh.

Hinimas himas ko ng dahan dahan yung pisngi nya at nilapit yung mukha ko ng kaunti sa kanya at maya maya lang ay pumikit at ngumuso sya.

WAHAHAHA YAWAAA Natatawa na talaga ako ng bongga.

Iniisip nyang hahalikan ko sya YAKKK! Hindi ko gagawin yun noh!

Haha nakakatawa talaga yung itsura nya at yung mga kaibigan naman nya pinipilit na hindi tumawa.

Pinanghawak ko din yung left hand ko sa pisngi nya sabay...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"ALAM MO ANG KAPAL KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!" sabi ko sa kanya habang pinipisil ng malakas yung pisngi nya.

"A-ARA-Y.." aniya nya habang pinipilit na alisin yung dalawang kamay ko sa pisngi nya, haha.

"HINDING HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA ISANG TULAD MO!" pasigaw na sabi ko sa kanya at nilakasan pa yung pagpisil ko sa pisngi nya sabay takbo, haha sobrang pula nung pisngi nya.

"HAHAHAHA" rinig kong tawa nung mga kaibigan nya.

Haha grabe, nakakatawa talaga.

Nagtuloy tuloy lang ako sa pagtakbo habang tumatawa hanggang sa makarating na ako sa pinto ng room ng first subject ko kaya tumigil na ako.

"Good morning Ma'am, sorry I'm late" sabi ko kay Mrs. Cruz pagkabukas ko ng pinto.

"It's okay Ms. Rivera" sabi nya sakin ng nakangiti at nginitian ko lang din sya bago sinara yung pinto at pumunta na ako sa pwesto ko.

"Bhesie bakit na late ka?" tanong sakin ni Bhesie Leah at ako naman ay natawa ng maalala ko na naman yung nangyari kanina.

Nakakatawa talaga kasi yung nangyari kanina, nakakatawa yung itsura ni Mr. Bwiset haha.

"Bhesie's mukhang may dadalhin tayo sa Mental mamaya, haha" natatawang sabi ni Bhesie Line sa dalawa.

"Tama ka dyan Bhesie pero may mali ka din kasi mukhang ngayon na natin sya kailangan dalhin eh, haha" natawa namang sabi ni Bhesie Jane sa dalawa.

Haha kung alam nyo lang yung nangyari haha, matatawa din kayo ng bonggang bongga.

Grabe nakakatawa talaga WAHAHAHAHA

*bogggsshh*

.
.
.
.
.
.

*****

Don't forget to vote 💕

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...