Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 197

848K 30.2K 22.7K
By eatmore2behappy

A/N: Sorry for the wrong spelling and grammar. Maganda lang ako pero hindi ako perpekto. Hehehehe

Back Attack

Jay-jay's POV

Buset talaga tong Percy na to! Mapilit-mapilit ang lintik. Ipinilit talaga nya ang lintik na amusement park na yan kahit ayoko.

"Kuhanin ko lang kotse ko." Paalam nya at mabilis na tumakbo paalis.

Ang liit lang kasi parking sa harap ng Mini Mart kaya madalas sa malayo sya nag-pa-park. Naiwan akong naka-tanga sa harap at palakad-lakad.

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni David. Kingina kasi! Ang dating tuloy sakin may feelings nga si Keifer dahil apektado sya nung ginawa ni David.

Panu mangyayari yun?! Wala ngang feelings sakin!

Umaarte lang siguro yun. Bigyan ng Oscar dinaig si Leonardo de Caprio. Kahiya!

Nagkakaroon tuloy ako ng pag-asa. Aasa na naman ako sa wala. Tapos iiyak na naman ako, eh hindi naman nagiging perlas luha ko----muta! Nagiging muta!

Habang naghihintay pa rin kay Percy napatingin ako sa grupo ng kalalakihan na papasok sa Mini Mart. Mga college student, pamilyar kasi yung uniform nila. Ang iingay kasi nila at parang nakita ko na rin sila.

"Ang sakit nga! Pagnahanap ko yung babae na yun, yari sya sakin!" Sabi nung isang nangunguna sa kanila.

"Tang'na Pre! Pinabagsak ka ng babae?!" Pang-aasar nung kasama nya.

"Sabi mo kaibigan ni Savannah. Bakit hindi mo hanapin----?"

Hindi ko na narinig yung sunod nilang sinabi. Nakapasok na kasi sila sa Mini Mart. Yung napaisip ako bigla dun sa pangalan na Savannah. Saan ko nga narinig yun?

Savannah Shane!

Putik! Yung kagabi! Bakit ba parang nagiging makakalimutin na ko? Ang masama pa nito yung lalaking nagsasalita kanina, mukang sya yung sinipa ko sa dibdib.

Lagot!

Tinignan ko yung paligid. Nagbabakasali kung nasan na si Percy. Bakit kasi ang tagal nya? Saang lupalop na ng earth nagpunta yun? Hindi ako pwedeng magtagal dito.

Pinili kong hanapin nalang si Percy. Wala kasi akong cellphone number nya. Hanep yan!

Lalakad na sana ako ng may bigla humawak sa braso ko. Tinignan ko yun ng masama pero napalitan ng gulat ng makilala ko sya.

Malas talaga!

"Tignan mo nga naman..." Maangas na sabi ni Kuya----yung sinipa ko sa dibdib. "...Pinag-uusapan lang namin pero eto na at kaharap ko."

Pilit kong binawi ang kamay ko. Magaan lang ang pagkakahawak nya kaya nakabitaw din sya agad. Tumalikod na ko at akmang tatakbo pero may nakaharang na katawan.

Napaatras ako, dun ko lang napansin na nakapalibot na pala sila sakin. Lima lang sila pero nagtatangkaran. Hindi ko alam kung kaya kong lumaban, lalu na't may dinaramdam akong sakit.

Sakit ng sawi sa pag-ibig!

"Nasan ang tapang mo ngayon?" Sabi ulit nung lalaking sinipa ko.

Mukang sya ang leader ng mga ungas na to. Sya lang kasi ang mukang mas maangas kesa sa kanilang lahat.

"Wala ako sa mood makipag-talo. Pwedeng umalis na kayo sa daraanan ko?" Mahinahong sabi ko.

"Kung hindi kami umalis?" Sagot ng kaharap ko.

"Mapipilitan akong pwersahin kayo." Banta ko at pinatunog ang kamao ko.

Kaso walang tumunog kaya nagtawanan sila. Hindi nakisama yung buto ko. Badtrip!

Sabay-sabay nilang tinaas ang kamay nila at pinatunog ang mga kamao. Sunod-sunod ang naging tunog ng mga buto nila. Napa-lunok nalang ako.

Hindi ako ready makipag-away!

Sandali silang nagtawanan at nagtinginan. Kailangan kong maka-alis dito. Wala akong balak na magpa-bugbog sa kanila.

Tinignan ko sila isa-isa. Yung nakatalikod sa kalsada ang napili ko. Huminga ako ng malalim at mabilis na tinulak ng malakas yung lalaking napili ko. Pagbagsak nya, agad akong tumakbo paalis.

"Bwisit! Habulin nyo!" Sigaw ng isa sa kanila.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta dapat makalayo ako sa kanila.

Kingina kasi!

Nasan ang tapang ko ngayon? Naiwan ko yata sa bahay. Badtrip!

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng kirot. Akala ko nawala na ng tuluyan yung sakit nung uminom ako ng gamot. Nahihirapan akong tumakbo dahil sa sakit.

Kailangan kong huminto. Lumiko ako sa isang eskenita at dun nagtago. Malalim ang bawat paghinga ko dahil sa pagod. Ang bilis ng tibok ng puso ko ang nangingibabaw sa buong katawan ko.

Wag lang sana akong makita dito!

"Asan?!" Dinig kong sigaw ng parang leader nila. "...Hanapin nyo!"

Kasalanan ni Percy to! Ang tagal-tagal kasi. Kukuhanin nalang yung kotse ang dami pang arte. Akala mo naman limousine ang gagamitin nyang kotse. Feeling ko tuloy karo ng patay ang kotse nya dahil sa tagal.

Hindi ko na naririnig yung mga lalaki, nakalayo na siguro sila. Sisilip pa lang sana ako pero mukang hindi na kailangan. Nakatayo na silang lima sa harap ko, mga pagod sa pagtakbo.

"Hehe... Hi po." Sabi ko.

Bigla nalang ako hinatak ng dalawa sa kanila. Hinawakan nila ko ng mahigpit at iniharap dun sa leader nila.

"Pinahirapan mo pa kami! Akala mo naman makakapagtago ka samin!" Inis na sabi nya habang pinupunasan ang pawis sa baba.

"Problema mo?! Sino ka ba?!" Sigaw ko sa kanya.

Alam kong sya yung sinipa ko sa dibdib. Pero hindi ko sya totaling kilala. Malay ko ba kung sino sya!

"Matapos mo kong sipain kagabi! Ngayon mo pa talaga naisipang itanong yan!"

Sagutin mo nalang kaya!

"Eh?"

"Pabibo tong babae na to! Anung gagawin natin dito?!" Sabi nung isang may hawak sakin.

Tinignan ako ng leader nila mula ulo hangang paa. Ngumiti sya at lumapit sakin.

"Masakit yung ginawa mo kagabi." Sabi nya sabay turo sa dibdib nya. "...hayaang mong iparanas ko sayo ang sakit na hinding hindi mo makakalimutan."

Malalim ang naging paghinga ko. "Huli ka na... Naranasan ko na." Bored kong sabi. "...Nasaktan na ko, at hinding hindi ko makakalimutan yon."

Sinaktan na ko ng taong pinagkatiwalaan at minahal ko.

Pare-pareho silang naguluhan sa sinabi ko. Nagtinginan pa sila at parang nanghihingi ng sagot sa isa't isa. Ang slow naman ng mga to!

Habang busy sila sa kakaisip ng mga pinag-sasabi ko, naramdaman ko ang pagluwag ng hawak sakin ng isa sa kanila. Agad kong hinatak ang braso ko at isang upper cat ang tumama sa panga ng may hawak sakin.

Ippo Makonotsi!

Mabilis kong binalingan ang isa pang may hawak sakin. Bakas sa kanya ang pagkagulat at matagal bago nya napansin ang kamao kong palapit sa muka nya.

Nabitawan nya ko at tuloy-tuloy syang bumagsak. Galit na gulat ang reaksyon ng leader nila. Ewan ko pero bigla kong nakita yung dati kong kaklase sa kanya. Para akong bumalik sa panahon na nakikipag-away ako sa Holy Saints Highschool.

"Mali ka ng kinalaban." Walang buhay na sabi ko.

Humakbang ako palapit sa kanila, sya namang hakbang nila paatras. Nag-iinit ang katawan ko. Para bang gusto ko pa, gusto ko pang makipag-suntukan. Hinahanap ng katawan ko yung sakit at excitement sa pakikipag-away.

Yung takot at tapang na naghahalo sa dibdib ko.

"Bwisit!" Sigaw ng leader nila at biglang sumugod sakin.

Bago pa man nya maporma ang kamao nya, malakas na sipa sa dibdib nya ang ginawa ko. Bumagsak sya kalapit ng mga kasama nya at namalipit sa sakin.

Tinignan ko yung dalawang natitira. Panay ang atras nila sa bawat hakbang ko palapit. Halong takot at galit ang pinapakita nila sakin.

Ganyan din sila noon!

Yung mga kaklase ko dati na kinakalaban ako. Tapos bandang huli, sila din ang talo. Hindi ako nakikipag-away sa maramihan dahil nahihirapan na ko, syempre babae pa rin ako.

Madaling bumigay, marupok at madaling mabasag. Kaya nga siguro ako nagawang paikutin ng lalaking yun.

Tang'na! Naalala ko na naman sya.

Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Lalung humihigpit pa dahil sa nararamdaman kong sakit----na hinahaluan ng galit.

"Mga pisti kayo!" Sigaw ko at sinugod silang dalawa.

Kayalang mga Gago talaga ang mga lalaki. Tinalukan nila ko pareho. TINULAK AKO! Kingina! Babae kaya ako! Hindi dapat ako tinutulak.

"Tang'na! Bakit kayo nanunulak?! Masakit kaya!"

"Baliw yata tong babae na to!" Sabi nung isa kanila.

Muka mo baliw!

"Hoy!" Sigaw ng kung sino.

Pare-pareho kaming napatingin don. Isa lang masasabi ko, ayos ang timing nya.

"Bakit nyo tinulak kapatid ko?!" Galit na tanung ni Percy.

"Baka gusto mong tignan ginawa nya sa mga kasama namin?!" Sarcastic na sabi ng isa sa kanila habang nakaturo sa mga kasama nyang bagsak.

"Kahit na! Hindi nyo dapat tinutulak yan! Babae yan!" Katwiran ni Percy habang naglalakad palapit.

Oh diba?! Pareho kami ng katwiran!

Nakatingin lang ako kay Percy ng biglang magbago ang expression nya. Mula sa parang naiinis, bigla nalang syang naging seryoso at bumaling don sa dalawa.

Ewan ko pero parang nakita ko si----dimunyung Hari! Yung paraan nya ng pagtingin sa mga kaaway ko at kung panu sya unti-unting lumapit.

"Per----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang umikot sa sa ere at sinipa sa muka yung isa sa lalaking natitirang nakatayo.

Ayokong banggitin ang pangalan nya pero.... Keifer na Keifer ang galaw nya!

Isa nalang ang natitira at parang naiiyak na sya. Hindi alam ang gagawin kung tatakbo ba o paglulumpasay. Kahit ako hindi nakagalaw, masyado akong namangha sa ginawa ni Percy.

Hindi ko dapat to isipin pero parang nakikita ko yung tatlo sa kanya. Minsan si Aries, minsan si Yuri at ngayon si Keifer.

Parang Ci-N din minsan!

Yung tatlong lalaki na nanakit sakin ng husto parang naging isa. May sariling pagkatao si Percy pero kung ganitong parang nakikita ko sila sa kanya.....dapat na ba kong lumayo?

Habang busy sya don sa nag-iisang lalaki na natira sa kanila, unti-unti akong lumakad paalis ng hindi nya napapansin. Kakaiba kasi yung pakiramdam ko. Hindi ako komportable.

Hindi naman sila pare-pareho pero ewan ko. Ewan ko talaga, mababaliw na yata ak----argh!

May bigla nalang humampas sa batok ko. Tuloy-tuloy akong bumagsak sa sahig. Nanghina ako at hindi na makatayo pa. Pilit kong tinignan kung sino gumawa non pero unti-unti ng nadidilim ang paningin ko hangang sa isang boses ang narinig ko.

"Nice! Hawak na natin yung girlfriend nya!"

+++++++++++++++++++++++++++++++

Percy's POV

Where is she?!

Matapos kong tulungan sa mga kaaway nya, bigla nalang syang nawala. Saan naman kaya sya pupunta?

Naglakad-lakad ako sa paligid kung saan ko sya huling nakita pero wala man lang bakas o anino nya.

Dapat talaga bilan ko na sya ng bagong cellphone para pwede ko syang matawagan. Hindi ko sya pwedeng tawagan sa kasalukuyan nyang cellphone ngayon.

Alam ko kasi may something sa cellphone nya!

Bumalik ako sa Mini Mart pero wala din sya don. Nag-sisimula na kong kabahan. This is not so fvcking good!

"Nasan kana?" Bulong ko sa sarili ko.

Agad kong binalikan ang lugar kanina. Wala na dun yung mga lalaking naka-away namin. Nagtatakbo pa ko sa hindi kalayuan pero kahit don wala sya.

May nasa lubong akong tatlong bata, agad akong lumapit sa kanila. Nagbabaka-sakali na nakita nila si Jay-jay.

"Hi, pwede ba kong magtanung sa inyo?" Bungad ko sa kanila.

Halata ang takot sa kanila dahil sa biglaang paglapit ko.

Sa gwapo kong to, natakot kayo?!

"Itatanung ko lang kung may nakita kayong babae dito kanina. Naka-uniform ng highschool." Paliwanag ko pero hindi sila kumikibo. "...wala?"

Hindi pa rin sila sumagot kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at pinakita ang picture ni Jay-jay.

"Etong babae na to, nakita nyo ba?" Tanung ko ulit.

Kita ko ang pagbabago ng expression nila. Nilapit pa nila ang muka nila sa cellphone ko na para bang kinikilatis ang muka ni Jay-jay.

"Sya yun!" Sigaw ng isa sa kanila. "Say yung nakita natin!"

"S-saan nyo nakita?"

"Doon!" Turo ng isa malapit sa pinang-galingan ko. "...Tulog sya!"

Tulog?!

"Sya nga yun! Sinasakay sya sa van ng mga lalaki!"

What the fvck?!

"Salamat!" Sabi ko at agad na nagtatakbo pabalik sa kotse ko.

Pagsakay sa loob agad kong dinial ang number ni David. Kailangan ko ng tulong. Hindi ko sya mahahanap kung ako lang.

Sino yun? Sino yung nagsakay sa kanya sa van?

++++++++++++++++++++++++++++++++

Yuri's POV

I miss her!

Ilang araw na syang hindi pumapasok. Gustong gusto ko na syang makita pero hindi ko naman sya magawang puntahan.

Gusto ko muna syang bigyan ng space. Alam kong masakit pa rin sa kanya yung ginawa namin. Pero kung hindi sya papasok, panu yung pag-aaral nya.

Tignan ko yung dating pwesto nya na bakante pa rin. Agad namang lumipat ang tingin ko kay Keifer. Bumalik na naman sya sa dating ugali nya.

Salubong na salubong ang kilay habang naka-cross arm at nakatingin sa kawalan.

Nakaka-awa ka Keifer! Pinapahirapan mo ng husto ang sarili mo!

Binalik ko ang tingin ko sa harapan ng makita ko si David at Ci-N na nag-uusap. Silang dalawa na ngayon ang laging magkasama. Parang lumayo na rin sila sa buong Section E dahil sa mga ginagawa nila.

Malalim ang naging buntong hininga ko. Kung sana maaga ko lang na-realize yung nararamdaman ko sa kanya. Kung sana malakas ang loob kong kalabanin si Keifer. Kung sana noon ko pa sinabi sa kanya.

Baka hindi na humantong sa ganito.

Pare-pareho kaming nagsisisi ngayon. Pare-pareho kaming nahihirapan. Pare-pareho kaming napatingin sa pinto.

Bigla nalang kasi pumasok si....Percy?

"Hoy David!" Galit na sabi nya. "...Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?!"

Taka syang tinignan ni David at kinuha ang cellphone sa bulsa. "Naka-silent, sorry."

Humahangos ang itsura nya at halatang hindi mapakali. Para syang natataranta na hindi maintindihan.

"What the fvck are you doing here?" Mahinahon pero maotoridad na tanung ni Keifer.

He finally speaks!

Hindi sya pinansin ni Percy. Ilang beses nitong nasuklay ang sariling buhok. Bigla nalang nitong inagaw ang cellphone ni David.

"Anung nangyayari sayo?" Tanung ni David.

Nagpipindot si Percy sandali at idinikit sa tenga nya. Mukang meron syang tinatawagan.

"Fvck!" Sigaw ni Percy at pabatong binalik ang cellphone kay David.

"Anu bang nangyayari sayo?" Tanung ulit ni David.

"Nawawala si Jay-jay." Mabilis nyang sagot na nagpa-alarma saming lahat----except kay Keifer.

"Ano?!"

"Baka naman may pinuntahan lang!"

"Oh baka umuwi sa kanila!"

Umiling si Percy at parang hindi makapaniwala sa nangyayari. Umikot-ikot din sya.

"Ikaw ang kasama nya! Bakit hindi mo alam kung nasan sya?!" Galit na sabi ko.

Bigla nalang nya kong hinarap at dinuro sa muka. "Wag mo kong sermunan!"

"Anu ba kasing nangyari?!" Tanung ni Felix.

"Bigla syang nawala... Tinapos ko lang yung away na sinimulan nya tapos biglang nawala." Inis na paliwanag ni Percy.

Nakikipag-away sya?! This is not good.

Tinignan ko si Keifer na hindi pa rin nagbabago ang itsura. Para bang walang syang paki-alam sa nangyayari. Para bang wala syang paki-alam kay Jay-jay.

"Wala ka man lang gagawin?!" Galit na tanung ko sa kanya.

Tinignan nya ko at unti-unti syang tumayo. Bigla nalang nyang binato ang cellphone nya sakin at naglakad palabas ng room.

"I already know where she is." Sabi nya bago tuluyang makalabas.

Tinignan ko ang cellphone nya at isang textmessage ang bumungad sakin.

From: +639*********
Message: We have your precious girl. Same place in 30mins or you'll find her naked in our bed. Haha

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Panibagong message ang dumating at picture yun ni Jay-jay na walang malay.

Bwisit! Bakit ngayon pa?!










++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++

FB Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
206K 3.9K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
43.5K 412 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...