Wonderland Magical Academy: E...

Por Missmaple

4.3M 137K 15.5K

(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a... Más

Synopsis
Prologue
Chapter 2: Death Invitation
Chapter 3: Good News or Bad News?
Chapter 4: Danger!
Chapter 5: Another Mystery to Unfold
Chapter 6: Start of Fantasy
Chapter 7: Revived
Chapter 8: Under Pressure
Chapter 9: Impulsive
Chapter 10: Pieces of the Puzzle
Chapter 11: First Piece
Chapter 12: Reflection
Chapter 13: Dream
Chapter 14: Bad Move!
Chapter 15: Mysterious Girl
Chapter 16: Worse Situation
Chapter 17: Chase
Chapter 18: Revelation
Chapter 19: Fire vs. Darkness
Chapter 20: You Belong To Me
Chapter 21:True Color
Chapter 22: Black Marks
Chapter 23: Under Observation
Chapter 24: Dark Power
Chapter 25: King of Darkness
Chapter 26: Fusion of Techniques
Chapter 27: Anniversary
Chapter 28: Sense of Danger
Chapter 29: Trace of Darkness
Chapter 30: Controlled
Chapter 31: Their Connection
Chapter 32: New Moon
Chapter 33: Lost in the Darkness
Chapter 34: Fifty Percent
Chapter 35: Twins
Chapter 36: Wild Dream
Chapter 37: Head on
Chapter 38: Shifting of the Future
Chapter 39: Light
Chapter 40: Betrayed
Chapter 41: Last Option
Chapter 42: With The Darkness
Epilogue
Freedom Wall

Chapter 1: Bloody Moon

208K 4.7K 469
Por Missmaple

XYRA's POV

Bumalik na talaga lahat sa normal. Nakakapanibago pero unti-unti na rin kaming nasasanay. Nasa isang kwarto ako ng dorm kasama si Frances. Roommates pa rin kami pero sa kasamaang palad, wala na si Wanda. She died because she protected Troy and the others while fleeing in North Mountain. I sighed when I remembered her. Actually, I missed her already. She's not that bad at all.

Nakahiga ako sa kama habang si Frances ay may pinagkakaabalahan sa laptop niya. 

"Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong ko sa kanya. 

"I'm writing the history of Wonderland Magical Academy. Pinapagawa ni Bryan. Inilipat na kasi ang lahat ng laman ng lumang library sa underground basement. He wants to have a souvenir that Wonderland Magical Academy actually existed although it seemed like a dream, now," nakangiting wika ni Frances pero hindi maitatago ang kalungkutan.

Marahil nanghihinayang siya dahil sa pagkawala ng mga kapangyarihan namin. Kahit naman ako, nanghihinayang din pero wala kaming magagawa kundi ang tanggapin na lang lahat ng mga nangyari.

"Detalyado ba ang ginagawa mo? I mean pati ang laban sa pagitan ng mga Dark Wizards?" nag-uusisang tanong ko sa kanya.

"Yes. I think, kulang na lang ang love story ninyo ni Clauss. Gusto mo isama ko rin?" nang-aasar na tanong niya sa'kin. 

I rolled my eyes. 

"Geez. Don't dare. Hindi na 'yan kasama sa history ng WMA," napapailing na sabi ko sa kanya. Malakas na natawa si Frances sa sinabi ko. Napangiti naman ako nang maalala ko ang love story namin ni Clauss. I never imagined that we will end up together.

"Oo nga pala, Frances. Sino ang transfer student na pinagkakaguluhan nila kanina? Buti pinayagan pa siya ni Bryan kahit one month late na siya," takang tanong ko sa kanya. Ang balita ko kasi maganda ang babae at pinag-uusapan pa siya ng mga lalaki.

Nagkibit-balikat si Frances. "How will I know? Busy ako sa ginagawa ko at hindi ako manghuhula," mataray niyang sagot.

"Nawalan lang ng kapangyarihan, hindi na raw manghuhula. If I know, feel na feel mo na tinatawag kang Madam, noon," nakangusong bulong ko. Kinuha ko ang reveiwer ko para mag-aral.

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na tanong niya sa'kin. Ngumiti ako ng pilit.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo," nakangusong sabi ko.

"Buti alam mo," nakangising sabi ni Frances. Napailing ako. Hindi na ako nagsalita. Pinilit kong intindihin ang binabasa ko dahil may exam kami bukas.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang biglang pagtunog ng cellphone ko na nakapatong sa study table na katabi ng kama. Tinatamad na kinuha ko 'yon at inalam kung sino ang tumatawag.

Napangiti ako nang mabasa na si Clauss pala ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan ng kumag na ito?

"Kadiri ang ngiti mo, Xyra," nang-iinis na sabi ni Frances. Mukhang alam na niya kung sino ang tumatawag sa'kin.

"Inggit ka lang!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Sagutin mo na. Pero please lang ha, huwag kayong masyadong maglandian. Nakakadiri!" sabi ni Frances na nag-make face pa. Napapailing na natatawa ako sa reaksiyon niya. Sinagot ko na ang tawag. May problema kaya siya?

"Hello?" nag-aalangang sagot ko.

"Bakit ang tagal mong sumagot?" masungit na bungad niya. Napailing ako. Hindi na talaga nagbago ang kasungitan niya. He's still the same as before. Iniisip ko pa lang kung ano'ng ekspresyon ng mukha niya, natitiyak ko na nakasimangot siya.

"Kausap ko kasi si Frances. Bakit ka pala napatawag?" kunot-noong tanong ko. 

"Punta ka ngayon sa rooftop," walang ganang utos niya.

"Ha? Bakit? Nag-aaral ako. May sasabihin ka ba? Bakit hindi na lang sa phone?" sunud-sunod na tanong ko pero narinig ko na naputol na ang tawag. Hindi makapaniwalang napatitig ako sa cellphone ko. Ano na naman ang problema ng lalaking 'yon? Inihagis ko ang cellphone sa kama at tumayo na. Inayos ko ang sarili ko.

"May pupuntahan ka?" takang tanong ni Frances.

"Rooftop," sagot ko bago nagmamadaling lumabas sa kwarto. Napapabuntong-hininga ako habang paakyat sa hagdan patungo sa rooftop. Ano na naman ang pakulo ng Clauss na 'yon? May exam bukas pero hindi siya nag-aaral. Sabagay, matalino naman siya. Pero sana naman hindi niya ako ginagambala sa pag-aaral ko. Pagbukas ko ng pinto ng rooftop. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakapatong ang isang kamay sa tuhod at nakasandal ang likod sa railings. 

Nakapikit siya kaya hindi ko alam kung naramdaman na niya ang pagdating ko. Lumapit ako sa kanya pero hindi pa rin siya nagmumulat ng mga mata.

"Clauss?" mahinang tawag ko sa kanya nang nasa harapan na niya ako. Kinabahan ako nang dahan-dahan niyang imulat ang mga mata at tumingin sa'kin. Ang lakas talaga ng impact niya sa'kin. Simpleng pagmulat lang ng mga mata niya, bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. Ngumiti siya ng matipid sa'kin. He tapped the floor next to where he's sitting. Pinapaupo niya ako sa tabi niya kaya tahimik akong sumunod.

Kunot-noong tinitigan ko siya. Gusto lang ba niya akong makasama sa rooftop kaya niya ako pinapunta dito? Wala ba siyang sasabihing mahalaga?

Lalong kumunot ang noo ko nang ngumisi siya nang nakakaloko. "Alam kong gwapo ako kaya huwag mo'ng gawing obvious," nakakalokong sabi niya. Malakas ko siyang hinampas sa braso dahil sa inis. Napangiwi siya at napahimas sa braso niya.

"Bakit ka ba nanghahampas?" inis na tanong ni Clauss. Gusto ko nang matawa dahil ang cute ng reaksyon niya pero pinigilan ko. Nagkunwari akong naiinis sa kanya.

"Umayos ka nga! Bakit mo ba ako pinapunta dito?" nakasimangot na tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa'kin nang nakakaloko. Naalerto ako dahil sa itsura pa lang niya, alam ko na'ng may binabalak siyang hindi maganda.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa'kin kaya napaurong ako. Mariing napatuon ang kamay ko sa sahig. Napalunok ako dahil halos mapahiga na ako sa sahig kung hindi lang inalalayan ng isang kamay ni Clauss ang likod ko. Halata sa mga mata ni Clauss na aliw na aliw siya sa nangyayari.

"Pinagtitripan mo na naman ba ako?" kunwa'y naiinis na tanong ko sa kanya.

He smiled gently that made my heart skipped a beat. "No. I missed you," he whispered. I was caught off guard. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay sa kanya? Bakit ba kailangang lagi akong kabahan sa ginagawa at sinasabi niya? This was freaking insane!

The next thing I know was I'm already responding to his kisses as he pulled me closer. Mahigpit akong napayakap sa kanya. Nawawala lahat ng logic sa utak ko kapag kasama ko siya. Nawawalan na rin ako ng pakialam sa nangyayari sa paligid ko. I was so into his kisses when we heard a loud explosion from afar. 

Pareho kaming nagulat at napatigil. Agad napalingon si Clauss sa pinanggalingan ng pagsabog at nakiramdam. Parang may sumabog na dinamita kung saan. Naririnig ko ang malakas na ingay ng mga ibon na tila takot na takot. Maging mga ingay ng mga hayop ay nangingibabaw sa paligid ko.

"Ano 'yon?" kinakabahang tanong ko sa kanya. He gestured me to keep quiet. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya upang tumayo pero pinigilan niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit na ipinagtaka ko. Balak ko sanang hanapin kung saan nagmula ang pagsabog.

"Damn!" he cursed. Nagulat ako nang bigla niya akong ihiga sa sahig at mahigpit na niyakap. Pakiramdam ko, ang sakit ng likod ko sa ginawa niya. Mabuti na lang nakaalalay ang mga kamay niya sa likod ko. 

"Why?" nakangiwing tanong ko sa kanya. Matamang tinitigan niya ako at pilit na ngumiti. Ang lapit lang ng mukha namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko.

"Sorry. Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya. Marahan akong napailing para hindi na siya mag-alala. He sighed and gave me a fast kiss on the lips. Agad din niya akong inalalayang bumangon. Inalis niya ang pagkakayakap sa'kin.

Nagtaka ako nang seryosong lumingon siya sa railings na sinasandalan niya kanina. May nakabaong dagger doon na may nakataling pulang tela. Agad niyang kinuha ang tela at binuklat 'yon. Seryoso siya habang binabasa ang nakasulat doon kaya sisilipin ko sana pero iniiwas niya para hindi ko mabasa.

Agad niyang itinupi ang pulang tela at inilagay sa bulsa nang tumayo siya. Napansin ko na unti-unting naglaho ang dagger na naging maitim na usok na nakapagtataka. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Tumayo na rin ako habang kunot-noong nakatingin kay Clauss. Nakatitig lang kasi siya kung saang direksyon nanggaling ang dagger.

"What's that?" nag-uusisang tanong ko sa kanya. Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya pero wala naman akong makitang kahit ano.

"Nothing," seryosong sagot niya. Tinitigan ko siya ng masama. Bakit ayaw niyang sabihin sa'kin?

"Ano'ng wala? It's very clear, that's someone wants us dead. I mean, someone wants you dead," nag-aalalang sabi ko sa kanya. Seryosong tumingin siya sa'kin. He sighed. Unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Clauss sa'kin at marahang ngumiti. Marahan niyang ginulo ang buhok ko.

"There's no need to worry. It's really nothing. From now on, just stay by my side. Got it?" seryosong sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Napayakap na rin ako sa kanya at napatingala sa langit. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Natitiyak ko rin na hindi niya ako sasagutin nang maayos.

Bigla akong kinilabutan nang makita ko ang malaki at bilog na bilog na buwan. It was not normal. It seems like it was bleeding. The moon was as red as blood. It was scary. Hindi ko alam kung kulay pula na ito kanina. Hindi ko napapansin dahil na kay Clauss ang atensiyon ko kanina.

Does this mean bad luck? Death? War? I don't know but I have a bad feeling about this. Napahigpit ang yakap ko kay Clauss. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano pero natatakot ako.

"Ihahatid na kita sa dorm mo," mahinang bulong ni Clauss. Marahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa'kin. Hindi na ako tumutol. He held my hand tightly as we walked towards the door. Muli akong tumingin sa pulang buwan bago tuluyang isara ni Clauss ang pinto. I hope my instinct was wrong. I hope I'm wrong about the unusual red moon because it's giving shivers down to my spine.

"Ayos ka lang?" mahinang tanong ni Clauss na nagpabalik sa diwa ko. Patungo na kami sa dorm ko. Marahan akong tumango kahit hindi ako sigurado.

"Don't worry. I'll protect you," seryosong sabi niya sa'kin. Napatingin ako sa kanya. May hindi siya sinasabi sa'kin na ikinababahala ko. Alam kong kahit kulitin ko siya, hindi siya magsasalita. Maybe, I have to discover it for myself. Muli akong tumango sa sinabi niya. Wala akong alam na tamang sabihin sa oras na ito.

Tumigil kami sa harap ng girls dormitory.

"Goodnight," nakangiti niyang sabi sa'kin.

"Goodnight," napipilitan kong sabi. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagtatakang nilingon ko siya. Nag-aalangang ngiti ang gumuhit sa labi niya. Lumapit siya sa'kin. Napapikit ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa'kin.

"I love you," he muttered then he gave me a kiss on the forehead. I opened my eyes when I felt that he kept his distance from me. I thought he'll be kissing me on the lips. I hate to admit but I was disappointed. Tumango ako sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob ng dorm. Malalim akong napabuntong-hininga habang naglalakad patungo sa kwarto. I got a bad feeling about everything. 

------------------------

Haha. Gumagana na ang utak ko at last! I hope you enjoyed reading the first chapter <3 Take care.. Wala pa nga pala akong book cover huhu,. >.< 

Up next..

Chapter 2: Death Invitation

Seguir leyendo

También te gustarán

12.4K 947 105
You can tell a lot about a person by how their stories were written and made. *** Si Iris Euphony Peregrin ang isa sa mga Romance writers na nanganga...
401K 16.9K 37
When Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her whole world changes forever. Dahil sa men...
48.2K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.