Nate's POV
Kinakabahan ako sa gustong gawin ni Ken, masyadong malakas ang grupong plano nyang banggain ngayon, oo kilala namin sila pero hindi kami nangingialam sa mga gawain nila
"Ken sigurado kana ba?" Paninigurado ko bago namin pasukin ang lumang bodega
Sinamaan lang nya ako ng tingin at tumango nalang ako, lahat talaga gagawin nya para kay Ellise kahit buhay pa nya ang kapalit
Sinipa nya ng malakas ang pinto dahilan para mag likha ito ng ingay
Samin napunta ang mga tutok ng baril at take note napaka dami nila
Pero hindi namin nilabas ang mga dala naming baril, hindi ko alam kung anong balak ni Ken basta kinakabahan ako
"Nervaez!?" Napatingin kami sa gawi ni Gabriel
"Hoy Gabriel!? Gago kaba!? Susugod kang mag isa?" Inis pero tumatawang saad ni Ken sa kanya
"Woah teleserye ba to?" Saad ni James ang punot dulo ng lahat ng to
"Manahimik ka At ilabas mo ang bata!?" Galit na turan ni Ken
"Sino bang gagong yan?" Bulong ni James sa kanang kamay nya
May binulong ang lalaki kay James at bigla tong natahimik
"So Shane Ken Nervaez pala huh?" Tumayo to at tinapik si Ken sa balikat
"Nervaez pwede bang wag kana lang mangi alam?!" Lumapit si Gabriel at kinuwelyuhan si Ken
"Bakit ano bang magagawa mo huh Gabriel? Husto ka lang naman sa yabang eh" ngising turan ni Ken kayat hindi nakapag timpi si Gab at nasuntok si Ken lalapitan ko na sana sila ng sumenyas sakin si Ken na wag ako mangi alam
"Pede na pala ako manahimik eh at kayo nalang ang mag patayan jan" tumatawang ani ni James saka ito tumalikod
"Gago ka Jayme! Ilabas mo sabi ang anak ko!!" Tinutukan nito ng baril si James na lalong kinatawa nito
"Pa!!!" Nilabas nila ang bata na umiiyak at may pasa din habang tinutukan ng kutsilyo ng isa sa mga tauhan ni James.. mga hayop talaga pati bata dinamay
Tinutukan din ni James ang bata sa ulo
"Iputok mo sabog din ang utak ng batang to" panakot nito
"James ibabalik ko naman ang kalahati pero wag mo namang idamay ang pamilya ko!"
"Kelan pa ha Angelo!? Lagpas na sa tinakdang panahon.. binigyan na kita ng palugit para mabayaran mo yung kalahati pero hanggang ngayon wala pa? Ano bumabagsak kana? Nakakatawa ka naman.." humahalak hak na ani nito
"Mag kano ba kaylangan mo ha James!?" Singit ni Ken
"Sampung milyon lang naman.."
"Pwede ba Ken!? Wag ka ng mangi alam! Umalis kana at baka mapatay pa kita!" Galit na turan ni Gab kay Ken
"Bata ibaba mo naman ang pride mo.. dahil kaylangan ko na ang pera" parang naiinis na din si James
Pinutukan bigla ni Gab si James dahilan para mag ka barilan na sa loob.. nag sipasukan na din ang mga tauhan ni Ken at tanging mga ingay lang ng baril ang maririnig sa loob
"NATE!??? KUNIN MO ANG BATA !!" Utos nito at agad kong pinuntahan si gabby, nahihirapan ako dahil masyado silang madami
Ilan na din ang napatay ko pero parang hindi nauubos eh
"Ahhh!" Hayop nadaplisan ako sa binti
Nakita ako ni Ken at agad akong nilapitan
"Sorry Ken..puntahan mo na si Gabriel tulungan mo sya baka pati sya madamay" tumango sya at tinapik lang ako sa balikat
Bilang nalang ang kalaban pero halos wala na ang ibang tauhan ni Ken
"Hayop ka Gabriel!!" Turan ni James at nag tutukan to ng baril
"Mas hayop ka!??" Gigil na gigil na din si Gab
"Gabriel!? Dalhin mo na sa hospital si Gabby!!! May saksak sya!!" Tumakbo palapit si Ken habang buhat si Gabby na duguan at agad na binigay si Gabby sa ama nito
"Iyan eh kung makaka alis pa kayo ng buhay" hinarang sila ni James na galit na galit at tinutukan sila ng baril
"Dodoblehin ko ang bayad sa utang ni Gabriel hayaan nyo lang sya maka alis" masinsinang saad ni Ken kay James dahilan para lumapad ang ngiti nito at tumango
"Mag kakasundo tayo" tinapik ni James si Ken at agad namang sinugod ni Gab ang anak nya sa hospital
-----------
Joshua's POV
Pinagmamasdan ko sya habang natutulog, sadyang napaka ganda nya at isa na din ako sa mga taong humanga sa kanya, hindi ko lubos maisip na nag kagusto ako sa kanya pero mas pinili ko nalang hindi makipag kompetensya kay Ken dahil mas deserve nyang mahalin at hindi ko din kaya mag seryoso sa babae at isa pa hindi ko din naisip na si Ellise lang pala ang mag papalambot sa puso ni Ken dahil ni isang beses wala pa syang pinapakilalang babae maliban lang kay Ellise kaya minsan napag isipan namin na baka may nililihim si Ken na iba .. napa tawa nalang ako
Kaya mas tama ang naging desisyon ko na hindi na nakipag kompetensya kay Ken dahil ikaw Ellise ang nakapag pabago sa kanya
"Josh.." winagay way na pala nito ang kamay nya sa harap ko, masyado na pala akong nilamon ng pag iisip ko kaya bigla akong namula at napaiwas ng tingin
"Gi-gising kana pala" saad ko at tinulungan ko syang bumangon
"Josh kamusta may balita na ba?" Bakas padin sa boses nya ang pag aalala
"Tumawag si Ken ng madaling araw, kinamusta ka nya pero wala namang nabanggit tungkol sa anak mo..tatawag nalang daw ulit sya pag nagising kana, hintayin mo nalang" hindi ko na sya inintay pa mag salita at umalis na para umorder nalang ng pagkain dahil tanghali na din
Maya maya ay lumabas na din sya ng kwarto ko at hinahain ko naman na ang umagahan
"Princess kumain kana.."
"Wala akong gana.." naupo lang sya sa may sofa at umub-ob sa mga tuhod nya
"Cess gusto mo ba ako mapatay ni Shane? Ang bilin nya alagaan ka" hindi naman sya umimik kaya lumapit na ako at tumabi sa kanya
"Josh puntahan natin sila"
"Sorry pero hindi pwede" umub-ob na naman sya at napa buntong hininga nalang ako
Nakatitig lang ako sa kanya habang nilalaro ang buhok nito ng tumunghay din sya at nakipag titigan
Ilang minuto na kaming mag katitigan at natawa kami parehas
"Mas maganda ka pag nakangiti" saad ko ng nakatitig padin
"Talaga ba.."
"Oo at mas gaganda kapa kung mag kakalaman kapa ng konti.. tignan mo oh ang payat payat mo na" hindi na nya ako pinansin at hinalig nalang ang ulo nya sa balikat ko
"Josh ano bang dapat kong gawin? Hindi ko na alam kung ano na ang paniniwalaan ko" halos nabulong lang sya sapat na para marinig ko
"Hindi ko alam, sarili mo lang makakasagot sa tanong mo"
"Paano kung hindi ko alam ang sagot?"
"Just go with the flow, may mas magandang plano sayo si God" tumango lang sya
"Sana nga Josh" ginulo ko lang ang buhok nya
Nagulat kami ng biglang pumasok si Ken, humilay si Ellise sakin at mahigpit na yumakap kay Ken
"Shane kamusta ang anak ko!?" Sabik na tanong nito
"Sumama ka sakin" hinila nya si ellise palabas at sumunod naman ako
Maya maya ay bumaba na din kami
"Shane a-anong ginagawa natin sa h-hospital?" Nauutal na tanong nito
Pero hinawakan lang ni Ken ang kamay nya at hindi sinagot.. may kutob akong may nangyareng hindi maganda sa anak nya
Nag tungo kami sa second floor ng hospital
Unang bumungad samin si Gabriel na nakayuko at agad syang pinuntahan ni Ellise samantalang kami nag tago at hindi na nag pakita kay Gabriel
Isang malutong na sampal ang natanggap nito kay Ellise
"Gab... pinag katiwala ko sayo ang anak ko!??" Umiiyak na sya at akmang pupuntahan sya ni Ken ng pigilan ko ito
"Hayaan mo lang syang ilabas ang sama ng loob nya" tumahimik lang sya at nag pasya syang puntahan nalang si Nate na nadaplisan pala ng bala sa binti
--------------
Jen's POV
Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa anak ko na nasa ER at ang masama pa hindi ko sya malapitan dahil bawal pumasok
Niyayakap ako ni Gab at humihingi ng tawad pero tinataboy ko sya.. inamin nya ang lahat, napag alaman kong malaki ang utang nya kay James
Ang masakit pa hindi ko matanggap na may hawak pala si Gabriel na ilang pagawaan ng drugs at doon sya bumagsak dahil sinubok nya ang negosyong yon kaya lahat ng namana nya mula sa ama nya ay nawala totally nawala at pinag palit nya sa drugs
Iyak sya ng iyak sakin pero hindi ako nakakaramdam ng awa bagkus galit ang nararamdaman ko sa kanya
"Hon mag simula tayo ng bago, may natitira pa akong pera" nag mamakaawa sya sakin habang hawak ang kamay ko
"Umalis ka na, at gusto ko munang mapag isa" malamig na tugon ko dito
"Hon.. hindi pwede, iuuwi natin si Gabby, mag sisimula ulit tayo"
"Kami lang ang aalis ni Gabby"
"Walang aalis" sinamaan ko sya ng tingin
"Ayan kana naman, dadaanin mo na naman ako sa mga paganyan ganyan mo" ako at masama syang tinignan
"Babalik ako, may mga naitabi pa ako at ililipat natin si Gabby sa America, mas magagaling ang doctor don" sinampal ko lang sya dahil sa inis
"Pagod na akong sumunod ng sumunod sayo!" hinawakan nya lang ako sa braso ng mahigpit ng lumabas ang doctor kaya binitawan nya din ako
"Kamusta si Gabby!?" Tanong nya
"Okey naman sya, good thing at agad syang nadala dito.. sa makalawa pede na syang lumabas" para namang nabunutan ako ng tinik sa dibdib
"Salamat ho" pasasalamat ko sa doctor at nilipat na din si Gabby sa isang kwarto
"Hon sandali lang" pigil sakin ni Gab
"Ano ba Gabriel!? Hindi kana namin kaylangan ni Gabby! Umalis kana!" Inis na sigaw ko dito
"Bakit Ellise!? Dahil ba kay Ken ha!?" Hinawakan na naman nya ako sa braso dahilan para mapangiwi ako sa sakit
"Walang namamagitan samin Gab! Pupunta ako kay na mama at doon muna kami mag lalagi ni Gabby!! At pwede ba wag mo kami idamay sa mga kagaguhan mo!!?" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko
"Kagaguhan bang gusto ko lang mabigay sa inyo ang magandang buhay?" Garalgal ang boses nito kaya para na naman nalambot ang puso ko sa kanya
"Sa ibang araw nalang tayo mag usap" binawi ko sa kanya ang kamay ko at tuluyan ng umalis
-------------
Gab's POV
Pinag masdan ko lang ang mahal ko habang palayo sakin pati loob nya lumayo na din sakin, nasuntok ko ang pader dahil sa galit na nararamdaman ko
"Babawe ako, babawian ko ang lahat ng humila sakin pababa.. at ihuhuli kita Nervaez" huling sambit ng mga bibig ko saka nanlulumong umalis