Chapter 15: Training Arrow
“You are kidding right?” yun ang una kong naging reaction nang marinig ang sinabi ni Jett.
Bow and arrow out of charm? That is ridiculous. Sure I could create spheres and barriers and maybe throw some energy balls if the situation requires. But a bow and arrow is too soon. This kind of training is not on my level. Masyadong delikado ang gusto niyang ipagawa.
“Mukha ba akong nagbibiro?” seryosong tanong niya. Nagtatanong lang sungit talaga nito. Malay mo naman kasi nagbibiro di ba?
“Pero paano ko gagawin yun? I couldn’t even touch a charm energy ang gawin pa kaya itong weapon.”
He smirks giving me the impression that he finds my having-no-idea amusing. “Nakakatawa na wala kang alam.”
I scoff. “Wow, pasensya na. Normal na tao lang ako nitong nakalipas na buwan.” pagpapaalala ko sa kanya. Lagi kasi nilang nakakalimutan na bago lang ako pagdating sa ganitong bagay.
“Hindi yan rason. Dapat sa oras na ito alam mo na lahat ng dapat mong malaman tungkol sa Academy. Kaya ka napapahamak eh.”
Napaka niya talaga. Akala mo kung sinong magaling. Minsan pinapagalitan niya ako kapag masyado akong madaming alam. Ngayon naman gusto niyang malaman ko ang lahat. Ano ba talaga?
“Hindi ka na pwedeng umatras dito. Kaya alamin mo na ang lahat.”
Natigilan ako. So ang training na ito ang makakapag sabi na hindi na ako pwedeng bumalik sa dati. Ibig sabihin pagkatapos nito—
“After this training you are going to be on missions.”
I stood there unmoving. Tiningnan ko lang si Jett habang tila tumahimik ang paligid. I blink a once, twice.
“Hindi ko gustong mangyari yun pero matigas ang ulo mo. Inalam mo ang lahat. Nagt-training ka mag isa. Wala kang kaalam alam na nilalapit mo ang sarili mo sa disgrasya.”
Inaamin ko bigla akong natakot pero hindi ko yun ipinakita. “Pero hindi ako habang buhay pwedeng umiwas. Kung kailangan nila ako sa mission kailangan kong maging handa.”
I bit my lips; a habit is starting to form. Kapag kinakabahan ako natatakot o naiiyak yun ang laging nagiging reaction ko.
“Hindi pa ba kami sapat?”
I stare at Jett. Puno siya ng galit pero at the same time para bang nakikiusap siya. Gusto kong hawakan ang kamay niyang nakakuyom at nangigigil pero biglang nawala ang sandaling kahinaan na nakita ko at bumalik na siya sa dating Jett.
“Mag simula na tayo.”
Jett started explaining the procedure of the training. Mahahati ang training na ito sa dalawang parte. Una ay ang pag gawa ng pana at palaso gamit ang charm energy at pangalawa ay pag gamit nito.
Wala akong problema sa pangalawang parte. Kaya kong gumamit ng pana at patamaan ang sinuman kung yun ang ikaliligtas ko. Ang magiging problema ay ang pag gawa nito. Sinabi ni Jett na pareho lang ang procedure kapag gumagawa ako ng barrier. Mas controlled at mas detailed lang ang pana at palaso.
“Pero paano ko mahahawakan ito?” tanong ko na nakakunot ang noo. He frowns at me like what I said doesn’t even count as a question.
“May charm ka ba talaga?” ito nanaman kami sa walang patutunguhang pag uusap.
“Duh!” I snap back.
“Alam mo bang nahahawakan ang isang charm output?”
So considered palang charm output ang pinapagawa niya sa akin. Ang output tulad ng barrier at sphere ay ang tawag sa mga bagay na kaya naming gawin gamit ang charm. Tama siya. Nahahawakan ang isang sphere dahil mula sa energy ay nagiging physical na bagay ito na p-protekta sayo sa pag atake.
“Para ka lang gumagawa ng barrier pero mas controlled. Kailangan mong isiksik ang lakas ng barrier sa isang pana at palaso.”
Napalunok ako. Ganun katindi?
“Kapag mahina ang sphere maari itong masira sa gitna ng laban. Hindi mo gugustuhing mangyari ito sa magiging weapon mo.”
Buong hapon ang inabot bago ako nakagawa ng pana at palaso. Madaming beses akong nagkamali, nawalan ng control, ilang beses nag disperse ang charm sa tuwing sinisiksik ko ang lakas nito sa dalawang maliit na bagay. Pero himala dahil naging patient si Jett sa akin. Pasalamat nalang ako at mukhang maganda ata ang gising niya. Minsan niya lang ako sinigawan other than that nakabantay lang siya at tinuturuan ako kung anong dapat kong gawin.
Nang matapos ang training ay kaya ko ng hawakan ng sabay ang pana at palaso at kaya ko nang magpakawala nito. Inulit ko ng ilang beses ang procedure hangang sa minuto nalang ang kailangang bilangin bago ako makagawa ng bagong palaso. Unti unti pang naging madali yun hangang sa ang munuto ay naging segundo. Sa hapon ding yun kaya ko ng magpakawala ng magkakasunod na palaso.
“Akala ko hindi ka na matatapos.” Tumayo si Jett mula sa pagkakaupo niya sa sulok. Nag yawn siya na para bang nakatulog pa sa paghihintay na matapos ako.
“Oo nga eh. Sa sobrang dami mong naitulong nakatulog ka tuloy.” sarcastic na sagot ko. Eksakto namang tumunog ang signal na nagsasabing tapos na ang oras ng training.
“Alam ko namang kaya mo na kahit wala na ako.”
Napatingin ako sa kanya habang naglalakad kami paalis ng training room. Gusto kong sabihin na hindi ko pa kaya. Na wag siyang magsasalita ng ganun but I only clamp my fist together to make up from the tension and fear that is starting to build inside of me.
Dumerecho ako sa dorm pagkatapos ng training. Wala pa si Snow nang makarating ako kaya nahiga nalang ako sa kama at nagpahinga. Naisip ko ang ginawa ko ngayong araw. I guess the bow and arrow is a sign that there is no turning back.
Pumasok si Snow sa kwarto ilang minuto matapos kong magbihis. Inilapag niya ang bag sa kabilang bed at umupo doon na para bang pagod na pagod.
“Saan ka galing?” tanong ko. “Mukhang nahirapan ka sa training ah.” Kadalasan kasi siya ang nauunang matapos sa training.
“Ah, wala nga kaming ginawa eh. Kina Lily ako nangaling. May out door activity kasi sila niyan. Nagpapatulong.”
I nodded while brushing my hair. “Ah, ok.”
“Ikaw ba ok?” tanong niya. “Nagt-training ka na ulit kasama si Jett hindi ba?”
Napatango ulit ako. “Tinuruan niya akong gumawa ng bow at arrow gamit ang charm.” sagot ko.
“Hmm. Bow and arrow. You are almost his level kapag nagawa mo yun.” casual na sabi ni Snow. Napatingin ako sa kanya.
“Right.” I answer sarcastically at itinuon ang pansin sa ginagawa.
Imposible kasi ang sinasabi ni Snow. Si Jett ang malakas at hindi ako. Kapag andyan siya saka lang ako nagiging confident na kaya ko.
“You really don’t know what you can do, Ariela. Hindi mo alam na isa ka na sa pinakamalalakas na charmer dito.”
I face Snow. She was staring at me intently at nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya para sa akin pero nag aalala din siya. At ang pag aalalang yun ang kailanman ay hindi niya maitatago sa akin.
Dumating ang umaga at naging normal ang lahat maliban sa konting discrepancy sa klase na kinasangkutan ni Collin Jett Snow at Freya. Nagsimula ito sa sinabi ni Freya na narinig ni Snow na siyang ikinagalit niya. Sinubukang umawat ni Collin dahil wala pa ang teacher pero wala din siyang nagawa. Nagalit si Jett dahil sa ingay kaya nagbanta siyang susunugin ang class room. Tumahimik ang lahat sa isang iglap dahil alam nilang hindi siya nagbibiro. Bumalik ang lahat sa dati. Dumating ang teacher at nagpatuloy ang klase.
Lunch Break. Lumabas kami ni Snow at papunta na sa Cafeteria nang sumabay si Collin. Hindi siya pinansin ni Snow dahil obvious naman na hindi pa siya naka get over sa gulo kanina. I often wonder kung anong meron kay Freya at Snow. The two seems to have history pero madalang lang silang magbangaan.
“Hindi mo kasama si Jett?” tanong ko nang makapasok kami sa Cafeteria.
Collin shrugs. “May kakausapin daw.” Kumuha kami ng pagkain at umupo sa naging usual place namin sa Cafeteria.
“Kamusta ang training? Balita ko nagi-improve ka na.”
Snow gave Collin a mysterious glare. “I think so? Kung matatawag mong improvement ang training with weapons.” sagot ko.
“Kaya mo na bang kalabanin si Jett?”
Muntik akong masamid sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Collin. Ibinaba ni Snow ang iniinom niyang orange juice at halos matapon ito sa lakas ng impact.
“Collin!” she warns. “Akala ko ba hindi mo sasabihin!” Collin shrugs na para bang hindi big deal ang sinabi niya.
“What’s wrong with that?” Collin faces me with a smile. “Sinabi na ni Jett na pagkatapos nito maaari ka ng bigyan ng mission hindi ba?”
I nodded mutely. “Pero hindi niya sinabing kailangan mo siyang kalabanin bago mangyari yun?”
I shake my head indicating that I have no idea. Collin nods in understanding. “Isipin mo nalang na sinira namin ang supresa niya.”
Collin is smiling with that same boyish grin which I always find adorable. Pero noong oras na yun wala akong nagawa kundi umupo at tumitig sa pagkain ko. Nawalan na ako ng gana. Sino ba ang hindi kung nalaman mong maari mong makalaban ang taong ilang beses ng nagligtas sayo.
***