NO STRINGS ATTACHED

By cold_deee

489K 19K 16K

-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon... More

Author's Note
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
Pre-Finale (Part 1)
Pre-Finale (Part 2)
FINALE - PART 1
FINALE - PART 2
FINALE - PART 3
AUTHOR'S MESSAGE
SPECIAL CHAPTER 1

chapter 17

6.8K 354 327
By cold_deee

A/N

Hello, hello! Guys! Bago ang lahat, may ipo-promote muna ako ha?

Mahilig kayong magbasa ng bxb? Ang ilan sa inyo ay nais makahanap ng sarili nitong libro ngunit mahirap mahanap sa bookstore? Pwes, malapit na itong mangyari!

Abangan n'yo ang tatlo sa mga kinikilalang homoerotica authors dito sa Wattpad! Sila ang mangunguna sa paglalabas ng published bxb stories!

Sana ay suportahan po natin ang isa't-isa. Para sa tunay na bahagharing ating nais na makita, para sa kinabibilangan ng ikatlong kasarian, at para sa mga taong sumusuporta sa kanila! #LoveWins

----------

Balik naman tayo sa ating kwento. Nais kong ipaalam sa inyo na magsisimula na ang tunay na pagsubok sa buhay pag-ibig nina Randy at Rigo.

Ayun, ayaw ko muna magbigay ng mga clues. Masyado pa naman akong makwento. 😒😒

Shout-out kay aquasoftcare at jdrew26 ! Hello! Kaway-kaway! Salamat sa inyong dalawa sa patuloy na pagbabasa! Ayiiee!
So start na po! Enjoy reading, mga mahal ko!

----> sina Randy at Rigo po sa media.


----------

RANDY's POV

Unti-unting inilalapit ni Rigo ang kanyang mukha sa akin. Nagliliwanag ang aming mga mata habang nakatingin sa isa't-isa. Yakap n'ya ang aking bewang habang ako naman ay nakapalibot ang mga braso sa leeg n'ya.

Ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha at patuloy na lumiliit pa ang distansya nito.

"Ayoko. Maligo ka muna." pag-iwas ko bigla at lumingon ako sa iba.

Naramdaman ko ang panghihinayang ni Rigo. Hindi rin nito maitago ang inis dahil sa ginawa kong pag-iwas kaya mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa bewang ko.

"Kainis ka! Kagabi mo pa ako binibitin, Liam!" magkahalong inis at panghihinayang n'yang sambit.

Matapos n'yang sabihin iyon ay paulit-ulit n'yang kinagat ang leeg ko na tila ba nanggigigil ito. Naging dahilan tuloy ito ng pagpapakawala ko ng malakas na pagtawa.

"Tama na, Rigz! Nakikiliti ako! Tama na, ano ba?!" pagsaway ko sa kanya habang tumatawa.

Sinubukan kong kumawala ngunit sadyang mas malakas s'ya kaya nanatili akong nakakulong sa mga bisig n'ya.

Itinigil n'ya ang pagkagat sa leeg ko.

"Sige na kasi! Isa lang, please? Nakapagtoothbrush naman na tayo! Anong problema do'n? Kaya sige na, pahingi ng isang kiss bago ako maligo! Please, Liam! Please?!" pagmamakaawa na naman n'ya at muli akong hinarap. Nanatili pa rin kami sa aming pagkakayakap.

Patuloy pa rin ako sa pagtawa habang pinagmamasdan s'ya.

"Alam mo, male-late na tayo sa trabaho, Rigz! Pumasok ka na sa banyo!" natatawa kong utos sa kanya.

"Kaya nga pagbigyan mo na ako! Lalo lang tayong matatagalan dahil hindi talaga kita pakakawalan!" pananakot n'ya.

"Ayoko." pagmamatigas ko pa rin.

Natutuwa ako sa nagiging reaksyon ni Rigo sa tuwing inaasar ko ito. Gustong-gusto ko sa tuwing nilalambing n'ya ako ng ganito.

"Isa!" seryoso n'yang ekspresyon at binibilangan na ako.

"Ayoko." sagot ko pa rin.

Kahit gusto kong maging seryoso ay hindi ko maitago ang ngiti ko.

"Dalawa!"

"Ayoko."

"Tatlo!"

"Kahit umabot pa 'yan ng isang milyon, Rigz, A-YO-KO!" patuloy ko pa ring pagmamatigas.

Hindi na s'ya nagsalita sa pagkakataong ito. Natahimik ito at nanatili na lamang na nakatingin sa mga mata ko habang malungkot ang ekspresyon nito.

Aysus! Ang baby Rigz ko, sinusubukan akong mapaamo.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha sa mga oras na ito ay lumapad ang pagkakangiti ko. Ang sarap n'ya talagang asarin at lambingin.

"Joke lang." wika kong nakangiti at mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya para bigyan s'ya ng mabilis na halik sa labi.

Sa wakas ay ngumiti rin s'ya.

"Isa pa nga." nakangiti na n'ya ngayong pakiusap.

Hindi na ako nakasagot pa. Kasunod ng sinabi n'yang iyon ay muli n'yang pinagsakop ang aming mga labi habang yakap pa rin namin ang isa't-isa.

Napapikit kaming pareho habang dinadama ang mainit na halik sa bawat isa. Banayad lamang ito ngunit damang-dama namin ang nakapaloob dito, ang hindi namin maitagong nararamdaman para sa isa't-isa.

Nag-iwan ng magandang ngiti sa amin ang naganap. Kung ganito na lang sana kami habang buhay, wala na akong mahihiling pa.

"Maliligo na ako. Dapat kasi nagsabay na tayo kanina. Bakit kasi nauna ka?" tanong n'ya matapos naming bumitaw sa pagkakahalik.

"Dahil alam kong lalo lang tayong male-late kung magsasabay pa tayo sa paliligo. Kilala na kita!" sagot ko sa kanya.

Malakas na tawa lang ang nagawa n'ya dahil sa sinabi ko.

Totoo naman ang sinabi ko, sadyang mahilig si Rigo. Habang tumatagal ay napapansin ko rin na mas madalas na rin n'ya akong kinakalabit kahit nasa kalagitnaan na kami ng pagtulog sa gabi.

"Bilisan mo, maligo ka na doon! Ang landi-landi mo!" pagtataboy ko sa kanya habang marahan ko s'yang tinutulak papasok ng banyo.

"Oo na po!" sagot n'ya lang habang natatawa.

Napapailing na lang ako habang nakangiti habang naglalakad palayo sa pinto ng banyong pinasukan ni Rigo. Sinimulan ko na rin ang magbihis pamasok habang hinihintay ang paglabas nito.

Sa nakalipas na halos dalawang buwan ay malaki na ang nagbago. Ngunit masasabi kong nagustuhan ko ang mga pagbabagong iyon.

Una ay mas naging malambing sa akin si Rigo. Bihira man kaming magkasama nitong nagdaang buwan dahil sa sunod-sunod na trabaho lalo na sa kanyang parte ay hindi nito kinalimutan kahit minsan na kamustahin ako. Mas naging maalaga rin ito na kung minsan ay napipikon na ako. At kahit alam kong pagod na pagod ito sa trabaho ay nagagawa n'ya pa rin akong ihatid at kung minsan ay susunduin ako kung saan ako nakadestino.

Sumunod ay sa tuwing kasama ko s'ya. Walang sawa n'yang pinaparamdam sa akin ang halaga ko sa kanya. Sa bawat yakap at halik n'ya ay nararamdaman ko ang pagmamahal n'ya. May pagkakataon din na ibubulong n'yang mahal na mahal n'ya ako sa gabi tuwing yakap n'ya ako.

Muli kong naalala ang kaganapan sa airport noong sinundo ko s'ya. Noong inakala n'yang wala alo sa lugar na iyon, noong oras na halos gumuho ang mundo ko dahil sa nakita ko.

Aaminin ko, nagkaroon ako ng pagdududa kung dapat ko pa bang ituloy ang naging desisyon ko. Pero matapos kong masilayang muli si Rigo sa mahabang araw na hindi namin pagkikita ay nagbalik ang tiwala ko sa aking sarili.

Matapos din ang kaganapang iyon ay sinalubong ako ng mga katanungan mula sa mga kaibigan ko. Kung anong nangyari at nagbago ang isip ko, kung bakit hindi natuloy ang aming inihanda at kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa amin ni Rigo. Ngunit sa lahat ng katanungan nilang iyon ay tanging ngiti lang ang naisagot ko. Kilala na nila ako, kaya naman mas pinili na lamang nilang respetuhin ang pananahimik ko at hindi na nila ako kinulit.

Nanghihinayang man dahil hindi nangyari ang orihinal na plano ay naging positibo pa rin ako. Sa mga pinapakita sa akin ngayon ni Rigo ay alam kong wala akong dapat na alalahanin. Iniisip ko na lamang na marahil ay hindi pa iyon ang tamang pagkakataon para mangyari iyon. Marahil ay magaganap iyon sa tamang panahon at perpektong pagkakataon. Darating din iyon at alam kong nalalapit na rin ito.

Naisip kong dapat ko munang ayusin ang nag-iisang bagay na maaaring makahadlang sa amin ni Rigo. Iyon ay ang pakikipag-usap sa kanyang Tita Eve na mas malaki ang parte dahil nakipagkasundo ako rito.

Ilang beses kong tinangka na kausapin s'ya ngunit abala ito sa kanilang negosyo. Kung minsan ay lumalabas pa ito ng bansa para puntahan ang kanyang asawa na nasa Europe para sa kanilang business pa rin. Gusto ko s'yang makausap ng personal at gusto kong matapos ang aming pag-uusap na nagkakaintindihan kaming pareho.

Napangisi ako habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Inaayos ko na lamang ngayon ang aking necktie at handang-handa na ako.

"Kung hindi pumayag si Tita Eve, wala na akong pakialam. Matira na lang sa amin ang matibay. Basta ako, kukunin ko si Rigo." mahina kong pagkausap sa aking sarili.

Hindi ko na iisipin pa kung sumbatan n'ya ako, kung isusumpa n'ya ako, kung kasusuklaman n'ya ako. Ang gusto ko lamang mangyari ay malaman n'yang mahal ko ang kanyang pamangkin at hinding-hindi ako papayag na ihiwalay n'ya sa akin ito.

"Ang ganda mo talaga, Randy." nakangiti ko pa ring pagkausap sa aking sarili matapos kong ayusin ang aking necktie.

Sunod nito ay bumalik ako sa tapat ng banyong pinasukan ni Rigo. Marahan ako sa ginawa kong pagkatok habang malapad pa rin ang pagkakangiti ko.

"Rigz, matagal ka pa ba d'yan? Kung magtatagal ka pa mauuna na ako!" malakas kong pagtawag sa kanya.

Gusto ko lang s'yang takutin.

"Hindi ka makakaalis dahil dinala ko dito sa CR ang susi ng kotse! Sabay tayong aalis!" sigaw n'ya pabalik.

Natawa ako sa sinabi n'yang iyon. Akala n'ya siguro masisindak n'ya ako.

"Magta-taxi na lang ako!" sigaw ko pang muli.

Saglit s'yang natigilan. Tila nag-isip pa s'ya kung ano naman ngayon ang kanyang idadahilan.

"Dinala ko rin dito ang wallet mo kaya wala kang pamasahe pang-taxi!" sigaw n'ya ulit sa akin.

Hindi ko na nakontrol ang pagtawa ko. Nagawa n'ya pang gumawa ng kwento samantalang nasa bulsa ko na ang wallet ko.

"Sige na! Hihintayin na lang kita dito! Bilisan mo lang d'yan!" sagot ko na lang.

Naglakad akong muli palayo sa pinto at nagdesisyong bumalik sa tapat ng salamin para tingnan muli ang sarili ko. Habang naglalakad patungo sa salamin ay napansin ko ang cellphone ni Rigo na umiilaw sa mga oras na ito, senyales na sunod-sunod na texts ang dumating dito.

Hindi naman malaking kaso sa amin ni Rigo na buksan ang cellphone ng isa't-isa kahit personal na gamit pa namin ito. Kaya naman agad ko iyong dinampot para tingnan kung ano ang mga mensaheng iyon. Ngunit nang tuluyan ko itong mabuksan ay nangunot ang noo ko.

"May password?" nagtataka kong tanong.

Napaisip ako sa bagay na ito. Sa tinagal-tagal naming magkasama ni Rigo ay hindi nito kailanman nilagyan ng password ang kahit na ano mang gamit n'ya. At kung mayroon man, ipinapaalam n'ya rin sa akin ito kahit hindi ko iyon sa kanya tanungin.

Sinubukan kong ilagay ang birthdate ko na madalas n'yang gamitin bilang password sa iba n'yang gamit ngunit nadismaya ako dahil hindi iyon ang ginamit n'ya rito. Sinunod ko naman ay ang araw ng kanyang kapanganakan ngunit ganoon pa rin, hindi pa rin ito tinanggap bilang password.

Nasa ganoon akong tagpo nang bigla kong mabitawan ang cellphone ni Rigo dahil kinuha n'ya ito. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala s'ya at tapos na s'yang maligo.

"Bakit may password na 'yan?" agad kong tanong sa kanya.

"Nilagyan ko kasi pinapakelaman ni Coke." sagot n'ya naman habang pinapunasan n'ya ng towel ang kanyang buhok.

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi n'yang iyon.

"Marunong na rin pala magcellphone ang mga urangutan? Kailan pa s'ya natuto na pakialaman ang gamit mo?" tanong ko sa kanya sa naiinis na tono.

Natatawa naman s'yang sumagot habang naging abala na rin sa kanyang pag-aayos.

"Kaya nga nilagyan ko na ng password 'di ba? Malamang s'ya rin 'tong nagtext. Kukulitin na naman ako para lang ipaalam ang magandang resulta sa series na ginawa namin sa Thailand." lahad n'ya.

"Sabihin mo sa kanya 'to ha? 'Wag lang s'ya sa akin magpapakita dahil makakatikim talaga s'ya sa akin! Pakakainin ko talaga s'ya ng isang sakong hilaw na saging! Iniinis n'ya ako! Ginagalit n'ya ako!" inis na inis kong utos kay Rigo.

Muli ay natawa s'ya. Lumapit ito sa akin at mabilis akong binigyan ng halik sa labi.

"Nagsimula ka na naman mahigh blood. Hayaan mo na s'ya, ako nang bahala sa kanya." wika n'yang nakangiti at hinalikan muli ako sa labi. Matapos iyon ay bumalik ulit s'ya sa kanyang pag-aayos.

Naku! Pasalamat talaga ang ulikbang Coke na 'yon at nandito si Rigo para pakalmahin ako. Dahil kung wala, baka noon pa s'ya napa-dyaryo!

'Barney, natagpuang walang buhay sa kalye. Ang dati n'yang kulay talong ay kulay itim na ngayon.'

Ganyan! Ganyan ang magiging headline sa dyaryo at TV!

"Halika na, 'wag ka nang magalit d'yan. Ang ganda-ganda ng prinsesa ko tapos nakasimangot." pang-uuto sa akin ni Rigo matapos n'yang magbihis.

Hindi ko napansing nakatulala na pala ako habang iniisip kung paano ko papaslangin si Coke. Natapos na rin palang magbihis si Rigo.

"Naiinis kasi talaga ako sa kanya! Baluga na nga, pakialamero pa!" hindi ko makontrol na pagsasalita dahil sa inis.

"'Yung bibig mo, Liam. Nagiging salbahe ka na naman." pagsaway sa akin ni Rigo.

Kinuha na rin n'ya ang mga gamit namin para maghanda na rin kaming umalis.

"Kinakampihan mo s'ya?!" s'ya na ngayon ang pinag-iinitan ko.

Inakbayan n'ya ako habang naglalakad kami palabas ng kwarto.

"Hindi. Alam mo namang sa'yo ako laging kumakampi." wika n'ya at hinalikan ako sa gilid ng aking ulo.

"Mabuti naman." sagot ko lang.

Sa sinabing iyon ni Rigo ay gumaan ang loob ko. Alam ko naman na minsan ay inuuto n'ya ako. Pero wala akong pakialam sa bagay na iyon, ang mahalaga, sa huli ay ako pa rin ang pipiliin n'ya.

Nagpaalam na lang kami kay Nanay Elise na nakaupo sa sala habang abala sa paglalaro ng cellphone n'ya. Natapos na rin s'ya sa kanyang mga gawain kaya wala na rin s'yang mapaglilibangan kundi ang paglalaro sa cellphone n'yang iyon. Bahagya pa akong nakonsensya dahil naisip kong matagal na panahon na rin pala noong huli kaming magkasamang mamasyal na dalawa. Baka naiinip na rin s'ya ngunit hindi lang nito masabi sa akin.

Habang nagmamaneho ng sasakyan si Rigo ay tahimik lang akong nakatingin sa labas. Patuloy ko pa ring iniisip si Nanay Elise na naging napakabait na tagapag-alaga ko. Hindi ko na nga s'ya itinuturing na iba, s'ya na ang nag-iisang Nanay ko, ang nanay kong mahal na mahal ko.

"Ang tahimik ng prinsesa ko ah? May problema ba?" tanong ni Rigo sa malambing na tono. Hinaplos n'ya rin ang pisngi ko.

Huminga ako ng malalim at nilingon s'ya habang abala pa rin s'ya sa pagmamaneho.

"Wala naman problema, Rigz. Kaso iniisip ko si----" hindi ko naituloy na pagsasalita dahil pinutol na n'ya ako.

"Si Nanay Elise?" pagpapatuloy n'ya sa sasabihin ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"Paano mo nalaman?" tanong kong nagtataka.

Saglit s'yang natawa. Hindi n'ya ako nilingon nang sumagot ito.

"Dahil kilala na kita. Alam ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo. Noong nagpaalam tayo kanina sa kanya, alam kong nag-aalala ka." sagot n'ya sa akin.

Napangiti ako. Tuwing ganito si Rigo ay hindi ko maiwasang makaramdam ng nag-uumapaw na saya. Kahit kilala na n'ya ako ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kanya. Alam na alam n'ya ang lahat ng bagay sa akin dahil nasa akin ang lahat ng atensyon n'ya.

"So, anong gusto mong sabihin tungkol kay Nanay Elise, Liam?" tanong n'ya sa akin.

Muli akong nakaramdam ng lungkot.

"Naisip ko kasi na matagal na pala noong huling lumabas kaming magkasama. Naging abala ako sa pagtatrabaho at pakiramdam ko nalulungkot na s'ya. Hindi ko man lang napansin na tumatanda na ang Nanay ko. Tumanda na lang s'ya na ako ang inaalagaan at inaasikaso. Pero kahit minsan hindi ko s'ya narinig na nagreklamo. Pakiramdam ko ang dami-dami ko nang pagkukulang sa kanya, Rigz." mahaba kong sagot sa kanya sa malungkot na tono.

Ngumiti si Rigo habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada.

"Iniisip mo rin bang nalulungkot s'ya kasi wala s'yang sariling pamilya at hindi s'ya ngayon masaya? Dahil ginugol n'ya ang lahat ng panahon n'ya para sa'yo? Tama ba, Liam?" tanong n'yang muli.

Saglit akong natahimik. May katotohanan ang sinabi n'yang iyon, pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng kakulangan ni Nanay Elise.

"P-parang gano'n na nga." malungkot kong sagot kay Rigo at napayuko ako.

Habang nakayuko ako ay nagsalita si Rigo.

"Liam, hindi nag-iisa si Nanay Elise. May pamilya s'ya at ikaw 'yon. Ikaw ang itinuturing n'yang anak kahit hindi kayo magkadugo. Masaya s'yang kasama ka, masaya s'yang pinalaki at inaalagaan ka n'ya. Kaya 'wag mong iisipin na ikaw ang dahilan kung bakit hindi na s'ya nakapag-asawa. Dahil sa'yo pa lang, higit pa sa isang pamilya ang mayroon s'ya. Ikaw na ang buhay n'ya, ikaw na ang itinuturing n'yang pinakamalapit at pinakamahalagang tao sa kanya." mahabang paliwanag ni Rigo.

Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay nabuhayan ako.

Tama si Rigo. Sa matagal na panahong kasama ko si Nanay Elise ay hindi ko narinig kahit kailan na nagsabi ito na gusto na n'yang magkaroon ng sariling pamilya. Dahil ako na ang itinuturing n'yang pamilya.

Napangiti ako. Saglit akong sinulyapan ni Rigo at mas lalo pa s'yang ngumiti nang makita ang reaksyon ko.

"Kaya tandaan mo 'to, Liam. Hindi mahalaga kung magkadugo, hindi mahalaga kung may asawa o katuwang, hindi mahalaga kung walang nanay o tatay para matawag na isang pamilya ang loob ng isang tahanan. Ang tunay na pamilya ay ang magkakasama kayo at pinahahalagahan ang isa't-isa, minamahal ang isa't-isa. Pamilyang maituturing ang isang samahan kung ang bumubuklod sa inyo ay pagmamahal." sunod nitong paliwanag.

Eksaktong nasa stoplight kaya huminto sa pagmamaneho si Rigo. Nilingon n'ya ako habang malawak ang pagkakangiti nito.

"Naiintindihan mo ba ang sinabi ko, Liam?" tanong nito sa akin.

Tumango ako sa kanya ng ilang beses. Dahil sa labis na saya ay kumilos ako para lumapit sa kanya. Hinawakan ko s'ya sa pisngi at nagbigay ako ng masuyong paghalik.

"Salamat, Rigz." wika kong nakangiti.

Ibinalik n'ya ang paghalik sa akin.

"No worries. Basta para sa prinsesa ko. Hayaan mo, next month magschedule tayo ng mahabang vacation leave. Gusto mong bumalik tayo sa pinuntahan nating resort 'di ba? Isasama na rin natin si Nanay Elise doon." sagot n'ya sa akin.

"Talaga?!" mangha kong sambit.

"Oo naman! At sigurado akong matutuwa rin si Nanay Elise 'pag nakilala na n'ya si Ar-ar pati ang mga Lolo at Lola n'ya. Sa tingin ko kasi pareho kayo ni Ar-ar noong bata ka pa, kaya sigurado akong maaaliw sa kanya si Nanay Elise." sagot na naman nito.

Dahil sa pinaalala n'ya na naman si Ar-ar ay nawala ang pagkakangiti ko.

"Makikita ko na naman ang kutong-lupang 'yon." puna ko sa batang makulit.

Natawa si Rigo.

"Kunwari ka pa. Kagaya nga ng sinabi ko, Liam, kilala na kita. Alam kong natutuwa ka rin sa kanya." wika n'yang natatawa.

Hindi ako nakasagot sa sinabi n'yang iyon. Dahil ang totoo, iba ang epekto sa akin ni Ar-ar. May mga katangian s'yang ikinatutuwa ko. Gaya na lamang ng nasasabi nito ang mga gusto n'yang sabihin na hindi iniisip ang pwedeng isipin sa kanya ng ibang tao. Noong bata pa ako, gano'n ang mga gusto kong gawin, pero dahil sa takot ko kay Papa noon ay hindi ko iyon magawa. Lagi kong iniisip ang mararamdaman ng pamilya ko, lagi kong iniisip na baka 'pag nalaman nila, madismaya sila sa akin.

Nagpatuloy nang muli sa pagmamaneho si Rigo matapos iyon. Ilang minuto ang lumipas at napansin kong si Rigo na ang nananahimik ngayon. Napansin ko rin na tila malalim ang kanyang iniisip nang sulyapan ko s'ya.

"Bakit ikaw naman ang nawalan ng imik ngayon, Rigz?" pagpuna ko sa kanya.

Hindi agad s'ya nakasagot. Huminga muna s'ya ng malalim at pinanatili ang mga mata sa kalsada.

"Liam, gusto ko nang tumigil sa pagmomodelo." bigla n'yang pagbabalita sa akin.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Bakit? Ayaw mo na ba ng trabaho mo doon? Akala ko masaya ka sa ginagawa mo? At saka anong gagawin mo 'pag umalis ka doon? Magko-concentrate na lang sa restaurant? Okay lang naman 'yon, para hindi ka na rin napapagod." sunod-sunod kong tanong at pagsang-ayon.

"No." maikli n'yang sagot at saglit na tumigil. "Gusto ko na rin tumigil sa pagtatrabaho sa restaurant." sunod n'yang sagot.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakasagot pa. Labis akong nabigla sa mga sinabi n'ya.

"Gusto mo bang sumama sa akin, Liam?" tanong n'ya sa akin.

Mas lalo akong nabigla sa katanungan n'yang iyon. Hindi ko inaasahan ang biglaan nitong desisyon. Nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya.

"Rigz, may problema ba? Bakit parang biglaan yata 'yang mga desisyon mo?" tanong kong nag-aalala.

"Wala naman. Gusto ko lang ng tahimik na buhay, tahimik na buhay kasama ka." sagot n'ya sa malungkot na tono.

Nag-aalala na talaga ako. Alam kong may malalim na dahilan ang biglaang desisyon n'yang ito.

Tiningnan ko s'ya ng seryoso.

"May hindi ka ba sa akin sinasabi, Rigo? May hindi ka ba naikekwento?" tanong kong seryoso sa kanya.

Nilingon n'ya ako saglit at ngumiti ng tipid.

"Wala." sagot n'ya.

"Eh bakit ganyan ka ngayon? Hindi ka magsasalita ng ganyan kung wala kang pinagdadaanan. Kilala kita kaya umamin ka." sinesermonan ko na s'ya.

Mas lumawak naman ang pagkakangiti n'ya.

"Ang sarap naman pakinggan kahit binubungangaan mo ako, Liam. Masarap malaman na kilala mo na rin ako." wika n'yang nakangiti.

"Hindi ako ngayon natutuwa sa mga banat mo. Ang tanong ko ang sagutin mo, may tinatago ka ba sa akin?" seryoso ko pa ring tanong.

Ilang segundo ang kanyang pinalipas para sagutin ako. At sa pagkakataong ito ay seryoso na rin ang kanyang ekspresyon.

"Wala, Liam. At kung meron man, may dahilan ako para hindi ko iyon sabihin sa'yo. Dahil ayaw kitang masaktan. Hindi ako papayag na malulungkot ka o mag-aalala. Reresolbahin ko 'yon mag-isa para protektahan ka." puno ng emosyon s'yang sagot sa akin.

Ito ang bagay na nagbibigay ng dahilan sa akin para lalo ko pang mahalin si Rigo. Pero, hindi ko rin naman hahayaan na iiwan s'yang mag-isa at walang karamay sa problema n'ya.

"At sa tingin mo magiging masaya ako na may tinatago ka sa akin? Sa tingin mo ba magiging masaya ako kung may problema ka?" tanong ko sa kanya.

Inangat n'ya ang kanyang isang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

"Don't worry, Liam, wala akong problema. Medyo napapagod na rin kasi ako sa ganitong sitwasyon. Minsan nagiging komplikado na at nagiging magulo." lahad n'ya.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi n'yang iyon.

"Sa akin ka ba napapagod? Ako ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" tanong ko sa malungkot na tono.

Tila ba nataranta si Rigo matapos kong itanong iyon sa kanya. Mabilis n'yang kinabig ang manibela at huminto kami sa gilid ng kalsada. Hinarap n'ya ako habang salubong ang mga kilay n'ya.

"Liam, ano ba 'yang pinagsasabi mo? Of course not! Kaya nga tinatanong kita kung gusto mo bang sumama sa akin 'di ba? Dahil gusto kong magfocus sa'yo! Gusto kong sa'yo lang ang lahat ng oras at panahon ko! Saan mo hinuhugot 'yang mga tanong mong 'yan?!" mataas na boses n'yang pagsasalita.

Dahil sa mga narinig ko mula sa kanya ay parang gusto ko nang lumuha dahil sa tuwa. Hindi ko akalain na nakakaisip na ng ganitong mga plano si Rigo sa hinaharap. Higit sa lahat, hindi ko akalain na ako ang gusto n'yang makasama dito.

Tiningnan ko s'ya sa mga mata at doon ko nakita ang determinasyon sa kanyang mga binitiwang salita.

Dahil sa hindi ako nakapagsalita ay muling inangat ni Rigo ang dalawa n'yang palad para hawakan ang aking magkabilang pisngi.

"Liam, tandaan mo 'to ha? Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagsisisi simula nang makasama kita. Marami na akong plano, marami na akong gustong gawin sa buhay ko. At gusto kong malaman mo na kasama ka sa lahat ng mga plano kong 'yon. Kung aalis ako sa mundo ko ngayon, gusto ko kasama kita, gusto ko katabi kita." mahaba n'yang pagpapaintindi.

Parang sasabog na ang dibdib ko sa saya. Nagkaroon na naman ako ng panibagong lakas at dahilan para ipaglaban s'ya.

"Naiintindihan mo ba?" tanong n'yang muli dahil nanatili akong walang imik.

"Mmm... Salamat, Rigz." sagot ko at marahang tumango.

Malawak na pagngiti ang isinukli sa akin ni Rigo. Matapos iyon ay hinalikan n'ya ako sa noo.

Sa nangyayari sa amin ni Rigo, sa tingin ko ay minumura na ako ng mga nagwewelgang langgam sa mga oras na ito. Malamang ay hiyang-hiya na sila sa akin dahil mayroon akong Rigo na nangangarap para sa kinabukasan naming pareho. Siguro ay napupunyeta na sila dahil sa kahabaan ng buhok ko.

Matapos ang senaryong iyon ay ibinalik ni Rigo ang kanyang sarili sa pagmamaneho. Pareho na kaming may mga ngiti sa labi sa mga oras na ito.

Inabala ko na rin ang aking utak sa pag-iisip sakaling mangyari nga ang sinasabi ni Rigo.

"Rigz, paano kung magresign na tayo sa trabaho? Paano tayo mabubuhay?" tanong ko sa kanya.

Punyeta. Para na talaga kaming mag-asawa. Planning for our future na.

Deym. Ang ganda ko talaga.

"Magtayo tayo ng business. May naipon naman tayong pareho kaya hindi na tayo mamomoblema sa kapital. Basta 'yung itatayo nating business, siguraduhin natin na hindi tayo maghihiwalay." sagot n'ya sa akin.

Nangunot ang noo ko.

Seryoso ba 'tong lalaking 'to? Baka gusto n'ya ikahon na lang ako at isabit sa leeg n'ya?

Pero sa kabilang banda, gusto ko rin naman ang bagay na 'yon. Pwede naman kaming magtayo ng bake shop or coffee shop. Pwede rin naman ibang business, tutal naman ay sapat na ang experience at talino ko para maging matagumpay iyon.

"Anong iniisip mo? Bakit natahimik ka na naman?" biglang pagtatanong sa akin ni Rigo.

Huminga ako ng malalim bago s'ya sinagot.

"Rigz, kailan mo ba ako itatanan? Sabihin mo ng maaga para makapaghanda ako ha?" pagbibiro ko sa kanya. Pinagaan ko ang usapan dahil napansin kong naging seryoso ang aming pag-uusap simula nang makasakay kami ng kotse.

Biglang natawa si Rigo. At hindi lang tawa, halakhak ang ginawa ng baby ko.

"Hindi ko sasabihin sa'yo! Basta na lang kitang bibitbitin para surprise!" sagot n'ya sa akin.

"Basta siguraduhin mo lang na may flower crown ako 'pag tinanan mo na ako ha? Gusto ko sampaguita 'yung flower crown ko. Gano'n, Rigz, ha? Ha? Ha?" pangungulit ko na sa kanya.

"Oo ba!" sagot n'ya at marahan akong pinisil sa pisngi.

Matapos iyon ay napuno ng malalakas na tawanan ang loob ng kotse. Nagpatuloy pa kami sa kalokohan ni Rigo habang binabaybay ang daan patungo sa aming trabaho.

Masaya ako dahil ganito kami ni Rigo sa mga nakalipas na buwan. Wala kaming inaalala at wala kaming pinoproblema. Basta magkasama lang kami ay wala na siguro akong mahihiling pa.

Nakarating kami sa restaurant sa Taguig kung saan si Rigo naka-assign. Ito rin ay araw para manatili ako rito kaya buong araw kaming magkakasama ni Rigo.

Naging maayos at masaya ang simula ng aming pagtatrabaho. Hindi ko maitago ang ngiti ko sa tuwing pinapatawa ako ni Rigo. Kaya naman ang mga empleyado dito ay halos malaglag ang mga panga dahil sa pagkagulat. Paano ba naman, nagagawa ko silang batiin maging ang mga magagandang bagay na kanilang nagagawa.

"Sana laging nandito si Chef Rigo para ganyan lagi ang mood ni Sir Randy 'no?" nadinig kong bulong ng isa naming empleyado.

"Oo nga. Sabihin kaya natin kay Chef Rigo na tumigil na sa pagmomodelo para hindi na s'ya umalis dito? Tang*na! 'Pag wala kasi s'ya rito parang ito na rin ang huling araw ko dito sa trabaho! Laging beastmode 'yan si Sir Randy!" pagsang-ayon naman ng isa.

Hindi ko na sila pinansin at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagngiti ko.

Bahala sila sa mga buhay nila. Ang importante sa akin, masaya ako ngayon.

Abala ako ngayon sa pagreview ng sales dito sa opisina ng restaurant. Pero ang tao sa likod ko habang nakaupo ako ay abala din sa ginagawang pagkagat-kagat sa tenga ko.

"Anong gusto mong lunch? Papasok na ako sa kitchen para tumulong. Iluluto ko na rin ang gusto mong kainin." tanong nito sa akin.

"Kahit ano, ikaw na ang bahala." seryoso kong sagot at hindi s'ya nilingon. Abala pa rin ako sa aking ginagawa sa harap ng computer.

Naramdaman ko ang paghinga n'ya ng malalim.

"Pansinin mo naman ako, Liam." sambit nito.

Napataas ang isang kilay ko at nilingon s'ya.

"Hala s'ya! Anong pagpansin ba ang gusto mo? Kaninang umaga pa tayo naglalandian. Kulang pa?" tanong ko sa kanya.

Sinagot n'ya ako sa pamamagitan ng pagyakap sa aking leeg.

"Joke lang! Mamimiss lang kita kasi papasok na ako sa kitchen." sagot n'ya. Suot na rin n'ya ang chef uniform n'ya.

Ang gwapo n'ya pa rin kahit anong isuot n'ya. Pero mas gwapo s'ya kung wala s'yang suot.

"'Yung mga tingin mong ganyan, Liam, alam ko kung ano ang tumatakbo d'yan sa isip mo." bigla n'yang pagsasalita. Hindi ko kasi namalayan na matagal na pala ako sa ginagawa kong pagtitig sa kanya.

"Ano?" tanong ko pabalik.

"Malamang hubo't hubad na ako sa isip mo! Tama ba?" sagot n'ya sa akin.

Gusto ko sanang pigilan ang pagtawa ko ngunit hindi na iyon nangyari. Paano n'yang nalaman ang iniisip ko? Ganoon na ba kahalata ang mga titig ko? Alam na n'ya agad na pinagnanasaan ko na naman s'ya sa mga oras na ito?

"Pumunta ka na nga doon sa kitchen! Baka mamaya hubaran na talaga kita dito!" utos ko na lang sa kanya.

Napatingin s'ya sa kisame na tila may iniisip.

"Hhmmm... Pwede rin naman. Hindi pa tayo nakakagawa ng naughty things dito sa office." wika n'ya at yumuko para tingnan akong muli. "Gusto mo bang subukan?" sunod n'yang mungkahi habang taas-baba ang dalawa n'yang kilay.

Sa pagkakataong ito ay lumakas na ang tawa ko.

"Baliw ka, Rigz! Mamaya may pumasok na lang dito tapos mahuli tayo!" natatawa kong pagsaway sa kanya.

Kinurot n'ya ako ng marahan sa ilong.

"Sus! Gumugusto rin! Nagpapakipot pa!" kantyaw n'ya sa akin.

Wala na, talo na ako sa kanya. Hindi ko na magawang magsalita dahil sa kakatawa. Guilty si ako kaya tawa na lang ang magagawa ko.

"Pumunta ka na ng kitchen! Hindi ko maituloy ang ginagawa ko dahil sa kalandian mo!" utos ko sa kanya at marahan s'yang tinutulak palayo sa akin.
Kailangan ko na s'yang itulak dahil baka isakatuparan ko na talaga ang pantasya n'ya.

"Sige na, I'll see you later. Dadalhin ko na lang ang pagkain natin dito mamaya." natatawa n'ya ring pagpapaalam.

"Shoo! Shoo!" kunwari ay pagtataboy ko sa kanya habang nakamwestra pa ang aking kamay.

Napapailing na lang ako habang nakangiti dahil sa kulitan namin ni Rigo. Masyado na n'ya akong napapasaya. Natatakot ako na baka sa sobrang tuwa ko sa kanya ay itali ko na lang s'ya at isabit sa bag ko para maging key chain nito.

Muli kong ibinalik ang aking sarili sa harap ng computer para ituloy ang naputol kong pagtatrabaho. Pero ang ngiti ko ay hindi nabawasan kahit ilang minuto nang nakalabas sa opisinang ito si Rigo.

Habang tinitipa ang aking keyboard ay bahagya akong nagulat nang magvibrate ang cellphone sa ibabaw ng table na ginagamit ko. Inakala ko pa noong una na cellphone ko iyon ngunit nang makilala ko ito ay nakapagbitaw ako ng malalim na buntong hininga.

"Nakalimutan n'ya ang cellphone n'ya." sambit kong mahina at inabot ang cellphone ni Rigo para tingnan kung sino ang tumatawag dito.

Nang masilayan ko ang pangalan ng taong tumatawag sa screen ay rumehistro ang pagtataka sa mukha ko.

"MJ?" sambit ko habang nakatitig sa screen ng telepono.

Sa hindi ko malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung takot o kaba ba ito. Pero ang malinaw sa akin, hindi ko gusto ang pakiramdam na ito.

Alam kong mali itong gagawin ko, ngunit may kung ano sa aking sarili na nag-uutos na sagutin ko ang tawag na iyon ni MJ.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nadinig ko na ang pag-iyak ni MJ sa kabilang linya.

"Rigo...? Rigo, mag-usap naman tayo... 'Wag naman ganito... Kausapin mo ako... Puntahan mo ako dito sa coffee shop malapit sa agency... Hindi ko na alam ang gagawin ko..." wika nito sa pagitan ng pag-iyak.

Tila ba nalunok ko ang dila ko kaya lalo na akong hindi nakapagsalita. Natulala ako at nagsimula na rin manginig ang mga kamay ko.

"Rigo, sige na naman, please..? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko... Tapos ganito pa ang ginagawa mo... Please, kausapin ko naman ako... Maghihintay ako kahit anong mangyari... Hihintayin kita dito..." sunod n'yang sambit at mabilis na ibinaba ang tawag n'yang iyon.

Nanatili akong nakatulala. Kahit wala na sa kabilang linya ang aking kausap ay nanatiling nakadikit sa aking tenga ang telepono ni Rigo.

Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko, maraming katanungan ang umiikot dito.

Bakit kailangan nilang mag-usap? Dahil ba sa trabaho? Pero bakit kailangang umiyak ni MJ ng gano'n? Gaano ba kahalaga ang kanilang pag-uusapan para iyakan n'ya 'yon?

Mas naging mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin kay Rigo. Karapatan n'ya itong malaman.

Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit binabalot ako ng takot sa mga oras na ito?

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala. Kasunod nito ay namalayan ko na lang na nakatayo na ako at inaabot ang susi ng kotse ko.

Sinimulan kong maglakad palabas ng opisina. Dahan-dahan ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dining area ng restaurant na puno na ngayon ng tao.

"Okay lang kami dito, Sir Randy. Kayang-kaya na namin i-handle 'tong dami ng tao." biglang pagsalubong sa akin ng manager namin na si Karen.

Hindi ko s'ya magawang lingunin, nanatili akong nakatingin ng tuwid sa harapan. Akala n'ya siguro ay lumabas ako ng opisina para tingnan ang sitwasyon.

Pero hindi. Lumabas ako ng opisina para sa iisang dahilan.

"K-karen..." nauutal kong pagtawag sa kanyang pangalan.

"Yes?" tanong n'ya pabalik at saglit na natigilan. "Teka, may problema ba, Sir Randy? Bakit parang namumutla ka?" sunod n'yang tanong na nagtataka.

Hindi ko pa rin s'ya magawang tingnan. Gano'n na pala kahalata sa akin na malalim ang iniisip ko sa mga oras na ito.

"Karen, 'pag hinanap ako ni Rigo, sabihin mo lumabas lang ako. S-sabihin mo may biglaang meeting akong pupuntahan." bilin ko sa kanyang naguguluhan.

"Ha? Ano ba talaga? Lalabas lang o may meeting?" tanong n'ya pa rin.

"Ikaw na ang bahala. Basta siguraduhin mo lang na maniniwala s'ya." sagot ko lang sa kanya.

Gusto n'ya pa sanang magtanong ngunit bago n'ya pa iyon magawa ay nagsimula na ako ulit akong humakbang.

Nakalabas ako ng aming restaurant at tinungo ang kotse ko. Hindi na ako nagdalawang isip pang paandarin ito nang makapasok ako rito. Naisip kong hindi ako pwedeng maabutan ni Rigo.

Habang nagmamaneho patungo sa lugar kung saan ko matatagpuan ang pakay ko ay nanatiling malalim ang iniisip ko.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagbitaw ako ng malalim na paghinga. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

"B-baka naman may problema lang si MJ? Baka naman kailangan n'ya lang ng makakausap?" pagkausap ko sa aking sarili at nagbitaw ako ng isang ngiti.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na walang nangyari o walang mangyayaring hindi maganda. Pinapalakas ko ang loob ko sa pamamagitan ng pag-iisip ng ibang dahilan ng pag-iyak ni MJ.

"Hindi naman siguro 'yon tungkol sa pagitan nila ni Rigo. Magkaibigan sila kaya natural 'yon. Baka naman may problema sila sa manager nila?" pagsasalita kong muli.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho habang nag-iisip ng mga posibilidad na maririnig ko mula kay MJ, mga posibilidad na malayo sa kinakatakot ko.

Nakarating ako sa lugar kung saan ako kusang dinala ng isip at katawan ko. Naging maliliit ang mga paghakbang ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay dumoble ang kabang nararamdaman ko.

Nang makapasok ako sa coffee shop kung saan ako nagtungo ay inilibot ko ang paningin ko. Kaunti lang ang tao kaya agad kong nakita ang taong dahilan ng pagpunta ko rito. Nasa isang sulok ito habang nakayuko.

"MJ..." pagtawag ko sa kanyang pangalan nang makalapit ako.

Inangat n'ya ang kanyang tingin upang magtapo ang aming mga mata. At nang tuluyang magsalubong ang aming mga paningin ay halos manghina ako sa nakita ko sa kanya. Namamaga ang mga mata n'ya at napakamiserable n'yang tingnan.

"R-randy...?" nabibigla n'yang reaksyon.

Alam kong hindi n'ya inaasahang ako ang kanyang makikita. Alam kong hindi ako ang taong gusto n'yang makausap sa mga oras na ito.

"B-bakit? Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Sa hindi ko malamang dahilan ay 'yan agad ang naitanong ko. Ginawa ko rin ang lahat para maging kaswal ako sa kanyang harapan. Ayaw kong makaramdam s'yang may malalim na dahilan kung bakit ako ang pumunta rito sa halip na si Rigo.

Napayuko si MJ at nagsimula na naman s'yang umiyak sa mahinang paraan.

Bakit takot na takot ako sa mga oras na ito? Bakit kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa sarili kong walang kinalaman dito si Rigo ay patuloy pa rin akong kinakabahan?

Hindi nagsalita si MJ, hindi n'ya sinagot ang tanong ko.

Nagsimula nang manginig ang buong katawan ko, pinagpapawisan na rin ako kahit malamig sa lugar na ito.

Para makaiwas sa maaaring mapansin sa akin ni MJ ay umupo ako sa tapat ng kanyang pwesto. Hindi ako nagsalita, hindi ako nagtangkang magbukas ng usapan. Ito ay sa kadahilanang parang nawala na ang lahat ng salitang alam ko.

Pinagmasdan ko s'yang mabuti. Ibang-iba s'ya ngayon kumpara sa mga pagkakataong nakikita ko s'ya, ibang-iba sa MJ na laging nakangiti at masaya. Walang suot na make up at halatang kulang sa tulog dahil maitim ang paligid ng mga mata n'ya.

Patuloy pa rin s'ya sa kanyang pag-iyak. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kanya habang blangko ang aking ekspresyon.

"Randy...." pagtawag n'ya sa aking pangalan habang nakayuko.

Hindi ako makasagot, hindi ko magawang tugunin ang pagtawag n'ya sa aking pangalan.

"Randy... Kaibigan mo s'ya 'di ba...? Kaibigan mo si Rigo 'di ba...?" tanong n'ya sa akin.

Muli ay hindi ako nakatugon. Ngunit sa likod ng isip ko ay ang mga kasagutan sa tanong n'yang iyon.

'Hindi ko kaibigan si Rigo. Hindi lang s'ya basta kaibigan sa buhay ko.'

Nagpatuloy si MJ sa pagsasalita habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Bakit gano'n s'ya, Randy...? Dapat masaya s'ya 'di ba...? Dapat ikatuwa n'ya 'to 'di ba...? Pero bakit ginagawa n'ya sa akin 'to...? Akala ko ba gusto n'yang magkaroon ng sariling pamilya...?" tanong n'ya sa pagitan ng pag-iyak.

Sa mga salitang kanyang binitawan ay halos maputol na ang aking paghinga. Hindi ko na nagugustuhan ang mga salitang naririnig ko mula sa kanya. Pakiramdam ko ay may sasabihin s'yang ikakagunaw ng mundo ko.

Inangat n'ya ang kanyang paningin at tiningnan ako ng diretso.

"Randy... tulungan mo naman ako... Hindi ko na alam ang gagawin ko para pakinggan ako ni Rigo... Iniisip ko pa lang na mag-isa kong gagawin 'to, halos mabaliw na ako..." pakiusap na n'ya ngayon.

Nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na rin tumakbo.

Ayoko na. Ayoko nang pakinggan ang mga susunod n'yang sasabihin.

Natatakot ako. Takot na takot ako.

Mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamao na nasa ibabaw ng mga hita ko. Ginawa ko ito habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Randy... tulungan mo naman akong kumbinsihin si Rigo..." pakiusap n'ya pa rin.

Gusto ko na s'yang patigilin. Ayaw ko nang marinig ang mga salitang gusto n'yang sabihin. Pero kahit anong pilit kong ibuka ang bibig ko ay nanatili na lang itong paralisado.

'Please, MJ, tumigil ka na. 'Wag mo nang ituloy. Ayoko. Ayokong marinig ang mga sasabihin mo. Hindi ako handa. At lalong hindi ko matatanggap at makakayanan ang mga susunod mong salita.'

Nagpatuloy s'yang muli at hindi na nakontrol ang kanyang sarili na umiyak ng malakas sa pagkakataong ito.

"Randy... please, tulungan mo ako...

.....tulungan mo ang batang dinadala ko.

Tulungan mo akong kumbimsihin si Rigo na s'ya ang ama ng batang dinadala ko."

----------

A/N

Wala ako masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Iiyak na lang ako.

---- cold_deee

Continue Reading

You'll Also Like

543K 39.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
204K 7.4K 37
Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa magaling sa lahat ng sport ay sobrang t...
77.4K 2K 11
Paano mo makakalimutan ang taong una mong minahal? © JayceeLMejica, 2014
559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...