Way Back Into Love (GirlxGirl...

By FrivolousWriter

656K 18.5K 1.8K

[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala si... More

Way Back Into Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 14

17.3K 497 14
By FrivolousWriter

Ariella's POV:

"So this is where you work. Nice place."

Napangiti ako ng tipid sa komentong iyon ni Lola. Nandito kasi kami ngayon sa San Luis dahil gusto daw niyang makita kung saan ako nagtatrabaho bago siya bumalik ng London.

"Good morning, Professor Salvador," magalang na bati sa akin ng dalawang dalagita na nakasalubong namin. Kung hindi ako nagkakamali naging estudyante ko na ang mga ito.

"Good morning," bati ko rin saka nginitian sila. Napansin kong bahagya pang namula ang pisngi ng isang babae bago nila kami tuluyang nilampasan.

"And you're well respected. I assume wala kang nakakaaway dito," komento pa ni Lola.

Nakangiting napailing ako. "That's impossible," ang nasabi ko na lang saka tumingin sa nilalakaran namin. Speaking of the Devil, heto na ang isang tao na wala na yatang alam gawin sa buhay kundi ang ma-insecure sa akin. Professor Audrey Cinco. Na gaya ko ay isa ring Psychology Professor. And as usual nakasimangot na naman ang mukha niya. O sadyang ganoon na siya simula nang ipanganak siya. Seryoso, mataray, mabait, o tumatawa ganoon na ang hitsura niya. Hindi na nagbabago. Ipinaglihi yata ito sa sama ng loob.

Hindi kami nagbatian nang dumaan siya sa tabi ko. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ng mga mata niya. Ang arte talaga. Fake naman ang kilay.

Lihim na napailing na lang ako. Wala talagang kahihinatnan ang mga taong may insecurity issues. At wala din naman akong balak pa na patulan ang mga kagaya niya. Puwera na lang kapag naputol ang pasensya ko.

"That woman doesn't like you, doesn't she?" Lola Amelia asked nang makarating kami sa opisina ko.

"Without a doubt," labas sa ilong na sagot ko.

"Hmm. I wonder why," nakangiting bulong niya habang may mapanuksong ngiti sa labi. Ako naman ay napatawa na lang.

"GOOD MORNING! I brought you some-Oh!"

Pareho kaming napatingin ni lola sa pinto nang biglang sumulpot si Alex na may dala-dalang dalawang paper cup ng kape at paper bag na may logo ng Annie's.

"Good morning to you too, Alex. You seemed so hyper today," nakangiting bati naman ni lola na halatang aliw na aliw sa ugali ni Alex.

"P-pasensya na po. Akala ko kasi si Prof lang ang nandito," nahiyang pahayag ni Alex bago nagmano sa matanda.

"Ang aga mo, ah," komento ko habang inaayos ko ang mga kailangan ko para sa klase ko mamaya.

"I just came by to give you this," sabi niya saka nilagay sa mesa ko ang mga dala niya. Ibinigay niya kay lola ang isang cup ng kape na malugod naman na tinanggap ng matanda. Kapagkuwan ay bumaling siya sa akin. "Ubusin mo 'yan ha," malanding bulong niya sabay kindat. And I must admit that made me blush a bit. Damn her!

Hindi na lang ako nagsalita at inabala na lang ang sarili. Baka kasi kung ano ang masabi ko. Mapapahiya pa ako kay lola.

"May klase ka pa," ang nasabi ko na lang.

"Wala man lang ba akong "I love you"?" nakangusong tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Thank you is enough," sabi ko naman.

"Damot. Pasalamat ka..." She trailed off.

"Alexandra," seryoso at may diin na banggit ko sa pangalan niya. Kapag tinawag ko siya sa buong niyang pangalan ay alam na niyang seryoso na ako.

"Fine. Fine," pagsuko niya kasabay ang pagtaas ng dalawang kamay sa ere. "See you later, love!"

Nahilot ko na lang ang sentido ko pagkalabas niya ng opisina ko. Ibang klase.

"You're blushing, apo," komento ni lola. "That kid really got you, huh?"

Nakangiting napailing na lang ako. What can I say? My face is already telling everything.

~•~•~•~•~

"Prof Salvador! Prof Salvador!"

Bigla akong napaangat ng tingin nang biglang pumasok si Crimson kasunod si Alice at pare-parehong hinihingal. Bigla akong napatayo nang makaramdam ako ng kaba.

"B-bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanila.

"Si Alex po kasi, nasa infirmary. Na-injury ang paa niya habang nagpa-practice kami. Baka daw po dalhin siya sa ospital kasi malala ang nangyari," paliwanag ni Crimson sa kabila ng malalalim na paghinga.

Hindi na ako nagsalita pa at madalian kong inayos ang mga gamit ko. Kapagkuwan ay magkakasabay kaming nagtungo sa infirmary kung nasaan si Alex. Malayo pa lang ay rinig na namin ang mga pagsigaw at pagmumura niya. Lalo akong kinabahan. Mukhang malala nga ang nangyari.

"Bullshit! I said don't touch it! Masakit!"

Napangiwi ako nang makita ko ang lagay ni Alex pagkapasok ko sa infirmary. Dislocated ang buto niya sa paa at talagang hindi kaaya-aya sa paningin. Pinipilit ng isang nurse na ibalik sa dating linya ang paa ni Alex para malagyan na ng paunang lunas. Pero dahil sa puro reklamo si bata, hindi matapos-tapos ang nurse sa ginagawa.

"Alex, calm down," kalmadong sabi ko dahilan para mapalingon siya sa akin. Mula sa galit na ekspresyon ay lumambot iyon. Nilapitan ko siya saka bahagyang minasahe ang balikat niya. "Relax ka lang diyan para matapos na agad," bulong ko sa kanya.

"B-but... It hurts..." bulong niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Generally, yes. Pero mas mabuti nang masaktan ka ngayon para isang bagsakan na kesa naman sa patatagalin mo pa. Paano na gagaling 'yan? Mas lalo ka lang masasaktan pagtagal, sige ka."

Tumawa naman siya ng mahina. "Hindi ko alam kung tinatakot mo ako, pinapaalalahanan, o humuhugot ka lang," aniya.

Mahina ko naman siyang tinampal sa bumbunan. "Umayos ka nga. Hayaan mo na kasi 'yong nurse para matapos na. Ang dami mong reklamo," sabi ko naman saka sinenyasan ang nurse na ipagpatuloy ang ginagawa. Kinuha ko naman ang nakarolyong towel na iniabot sa akin ni Alice.

"Sige. Pero sabihin mo munang—Argh!"

Mabilis kong ipinasok sa bibig ni Alex ang nakarolyong towel para hindi na siya sumigaw pa. Napangiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero ininda ko iyon. Alam ko namang di hamak na mas masakit ang ginagawa sa paa niya dahil sa pagkaka-dislocate.

Yumakap ako sa leeg niya para kahit papaano ay pakalmahin siya. Medyo nahihirapan ang nurse dahil sa likot ni Alex kaya medyo natagalan ito. Nang matapos ay unti-unti na niyang binitawan ang kamay ko. Kinuha ko sa bulsa ang panyo ko saka pinunasan ang luha niya. Wala na rin ang towel sa bibig niya at sunud-sunod ang paghinga niya ng malalim. Bahagya pa siyang napapangiwi dahil nilalagyan na ng nurse ng rubber bandage ang pilay ni Alex kasunod ang cast. Nang matapos ay nakahinga na si Alex ng maluwag. Sakto naman ang dating ng school doctor dala ang resulta ng x-ray ng paa ni Alex.

Napaisip ako bigla. Nakakahanga talaga ang school na ito dahil halos kumpleto na ang lahat. Kung tutuusin dapat dinala na namin sa orthopedics si Alex dahil hindi biro ang pagkaka-dislocate ng mga buto niya sa paa. Pero hindi pa kami nakakaalis sa campus ay nagawan na ng paraan ang injury niya.

Since wala ang mga guardians ni Alex ay ako na ang pinagsabihan ng duktor sa kung ano ang mga dapat gawin at kung ano ang mga kailangan ni Alex. Nang masiguradong ayos na ang lahat ay umalis na rin kami doon papunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko. Mabuti na lang nag-suggest ang isang professor na siya na ang magsa-substitute sa akin sa mga natitira ko pang klase. Ibinigay ko na lang sa kanya ang mga handouts at powerpoints na kailangan sa klase bago ako umalis.

"Isunod ko na lang ang motor mo, Alex," sabi ni Crimson nang makasakay na si bata sa passenger seat.

"Sure. Thanks," nanghihinang sabi ni Alex saka pumikit.

Nagpaalam na rin ako kina Alice bago sumakay sa driver's seat. Binuksan ko ang GPS sa cellphone ko saka s-in-earch ang address ni Alex. Nang matukoy ko iyon ay pinaandar ko na ang sasakyan ko saka umalis sa campus grounds.

———————————————

Alexandra's POV:

Damn! My feet hurts! Di ko na kaya! Ni hindi ko siya maitukod sa sahig! Kainis! Gusto ko pa man ding magbanyo.

"Alex? Ayos ka lang?"

Bigla akong napalingon kay Ariella na kapapasok lang sa kuwarto ko saka tipid na ngumiti. "Kailangan kong magbanyo," nakangusong sabi ko.

Tumawa naman siya ng mahina. "Tigilan mo nga ang pagnguso ng ganyan. Hindi ka cute," sabi niya saka inalalayan akong tumayo.

"Ay, grabe siya. Hindi ka na naku-cute-an sa akin? Di mo na ako love?" reklamo ko.

Lumakas na ang tawa niya. "Ang OA mo. Ilabas mo na lang yan," sagot niya saka inalalayan akong maupo sa toilet seat. "Tawagin mo ako kapag tapos ka na," sabi pa niya saka lumabas na ng banyo.

Napatawa na lang ako saka mabilis na tinapos ang "business" ko saka tinawag siya. Tinulungan pa niya ako sa paghuhugas ng kamay bago kami tuluyang nakalabas ng banyo.

"Ano ang gusto mong kainin? Magluluto ako," tanong niya nang maihiga niya ako sa kama.

"Ikaw," walang kagatol-gatol na sagot ko. Nang tignan niya ako ng masama ay napatawa na lang ako ng mahina saka itinaas ang dalawang kamay. "Just kidding. Kahit ano ang meron diyan. Hindi naman ako pihikan."

"Babalik agad ako," sabi naman niya saka lumabas na ng kuwarto.

Parang tangang napangiti ako sa kawakan. Kinikilig ako na ewan. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis sa injury kong ito dahil hindi na ako makakasama sa line up ng volleyball team namin na maglalaro para sa regional meet o matutuwa dahil todo kung mag-asikaso sa akin si Ariella. Pero kung ano man, kinikilig talaga ako. Dito na kasi sa bahay tumutuloy si Ariella simula noong ma-injury ang paa ko. Which is almost a week ago. Na kahit busy siya sa ginagawang powerpoints, grades, at handouts, naglalaan pa rin siya ng oras para tulungan ako.

Pero hindi ko rin maiwasang mahiya dahil kita ko ang pagod na nararamdaman niya. Kaya isang beses ay gumalaw ako mag-isa. Kaso dahil fresh pa ang pilay ko, katakot-takot na sakit ang naranasan ko. Kauuwi lang noon ni Ariella galing sa campus at nasa ganoong posisyon ako nang madatnan niya ako.

"Ano ba ang ginagawa mo, ha?! Bakit ka tumayo mag-isa?! Kung may kailangan ka, sana hinintay mo ako o tumawag man lang. Hindi iyong ipipilit mo iyang paa mo. Paano kung lumala iyan imbes na gumaling agad, ha? Ikaw pa itong lalong nahirapan! Mag-isip ka nga!"

Sobrang na-guilty ako noon dahil sobra siyang nag-alala sa akin. Gusto ko sanang sabihin na gusto ko lang makatulong pero alam kong maling dahilan din iyon. Hindi pa kaya ng paa ko pero ipinilit ko pa rin. Kaya ayun, natakot tuloy si Ariella sa kalagayan ko.

"Spoiled ang bata, ah!"

Nagulat ako dahil sa presensya ni Crimson na hindi ko alam kung saan nagmula. Inirapan ko na lang siya nang tumabi siya sa akin sa kama. Parang bahay na rin niya itong bahay ko kasi mas madalas siyang tumambay dito noon.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah. May problema ba?" tanong naman ni Alice.

Tipid ang ngiting umiling ako. "Wala naman," sagot ko. Binuksan naman ni Crimson ang TV at nilipat ang channel sa Warner TV. Naalala kong paborito nga pala niya ang tv series na Supernatural. Sakto naman na iyon ang palabas.

"Sa tingin niyo ba pabigat na ako kay Ariella?" wala sa sariling tanong ko sa kanila.

"Oo-Aw!" sabi ni Crimson saka minasahe ang noong tinampal ni Alice.

"Ang tabil mo," bulong ni Alice saka inirapan si Crimson. Bumaling naman siya sa akin. "Huwag mong isipin 'yan. Oo at pinagsasabay niya ang trabaho niya sa San Luis at pag-aalaga sa 'yo pero ni isa ba may narinig kang reklamo mula sa kanya?" tanong niya.

Umiling naman ako. "Pero hindi sapat na dahilan iyon para hindi ako mag-isip tungkol doon. Hindi bulag para hindi makita na napapagod na siya. Hindi man siya magreklamo pero ramdam ko," paliwanag ko.

"May point ka," bulong ni Alice saka hinaplos-haplos ang baba niya. "Why don't you ask her then? Para naman mapanatag ka."

Napangiwi ako. "Baka naman ma-offend ko siya kapag nagtanong ako."

"Edi huwag kang humingi ng kung ano-ano sa kanya. Tapos ang problema," sabi naman ni Crimson. Nabatukan ko tuloy siya. "Aray! Kayo, ha! Nakakarami na kayo!" reklamo niya.

"Ilagay mo kasi sa lugar ang pagiging sarcastic mo. Hindi ka na nakakatuwa," naiinis na sabi ni Alice saka humalukipkip.

"Aish." Tumayo si Crimson saka lumapit kay Alice. "Sorry na po," paglalambing niya.

Napailing na lang ako saka tumingin sa TV screen. Pero wala doon ang atensyon ko. Iniisip ko pa rin kasi si Ariella. Naisip ko ang suggestion ni Alice. Kahit na nakakahiya, mas mabuti nang magtanong ako kesa sa mag-isip ako ng kung ano-ano. Baka mas lalo lang siyang ma-offend sa akin kapag nagkataon.

———————————————

Continue Reading

You'll Also Like

145K 5.2K 43
Sage Reagan is a student at Xaxen University. A brat, naughty, and easygoing person. She loves to tease the terror Professor Avany Amara Martinez. W...
800K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
228K 9.5K 43
Girl x Girl | Intersex Quinn Rae Gonzalez' Story Started: December 11, 2023 Finished: March 6, 2024
605K 15.6K 32
~ COMPLETED ~ Elite series (3) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the...