Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Twenty One

2.8K 66 4
By krizemman

NICO POV

Hindi namin alam kung saan silid kami unang papasok. Dahil maraming mga pinto ang nakikita namin dito sa pangalawang palapag.

"Kung maghiwa-hiwalay at tig iisa tayo ng silid na papasukin para naman mabilis natin makita si Eul kung nandiyan siya sa isa sa mga silid." Suhesyon ko sa dalawang kasama ko.

"Ayoko nga!" Sigaw agad ni Shishai. "Pa'no na lang pagpasok kong mag isa may makita akong multo, imbes na si Eul ang makita ko." Bakas ang takot sa pananalita niya. Ako man ay natatakot din, pero yun lang sana mabilis na paraan para makita agad namin ang pinsan kong si Eul.

Nakita ko naman tumango si Mylene bilang pagsang ayon sa sinabi ni Shishai. Kaya naman wala na akong nagawa kundi magkakasama kami na inisa isa ang madaanan naming mga silid.

May ibang sadyang naka kandado at ang iba naman ay mga nakabukas na.

Bawat silid na pinapasok na namin, tahimik akong nagdadasal na sana pagpasok namin makita na namin agad ang pinsan naming si Eul.

"Wala siya kahit saan silid. Nakakatakot lang bawat pasukan natin. Halos lahat may bakas ng natuyong dugo. Samahan pa ng nakakadiring mha amoy." Reklamo ni Shishai.

"Dumikit ka lang sa'kin Shai, para amoy ko lang ang maamoy mo." Mayabang kong usal sabay lapit sa kanya.

"Aray!" Sigaw ko ng masaktan ako dahil sa pagbatok sakin ni Mylene.

"Tangina ka, dumali kana naman kayabangan mo." Sabay layo sakin pagkatapos niya akong batukan.

Naglakad lakad pa kami sa buong palapag.

"May isang silid pa tayong hindi napapasukan." Turo ni Mylene sa isang silid na nasa pinaka dulo ng palapag.

Masyadong madilim ang bahaging iyon kaya hindi ko kaagad napansin.

"Pasukin mo na Nico." Utos ni Shisha, sabay mahinang tulak sa'kin palapit sa silid na 'yon.

"Teka, bakit ako lang, dapat tatlo tayo. Ang pang silbi ng team work kung ako lang ang papasok mag isa?" Asar na tanong ko sa kanilang dalawa. Halata din sa mukha ko ang takot na pumasok mag isa sa silid na 'yun. 'Pa'no kung makita ko si Shamy sa nakakatakot na itsura?' Naisip kolang 'yun, nagtaasan na mga balahibo sa buong katawan ko.

"Naku naman, tara na nga. Taena naman kasi ni Eul daming magugustuhan na babae yung multo pa." Mylene.

Sabay sabay na kaming tatlo naglakad papunta sa bahaging iyon ng palapag.

"Whaaaa!" Sigaw na malakas naming tatlo ng biglang may nahulog mula sa itaas namin.

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba ng mga oras na'to. Gulat na sinamahan ng takot.

"Tangina!" Napura ako ng makita kong itim na pusa lang pala ang bumagsak sa harapan namin. Pero nandun pa din yung kaba at panginginig ng tuhod ko.

Sila Mylene at Shishai na naka hawak sa magkabilang braso ko, ramdam ko ang panginginig ng nga kamay nila, dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa 'kin.

"Lintek na pusa yan, papatayin tayo sa takot!" Asar na usal ni Mylene sabay bitaw sa pagkakahawak sa'kin. Ganun din si Shishai.

Naglakad na kami uli palapit sa silid.

"Buksan mo na Nico." Utos ni Mylene.

"Ikaw na kaya magbukas pinsan, kanina kapa eh," Ako.

"Naku naman magbubukas lang ng pinto. Nagtuturuan pa. Ako na nga magbubukas, wala naman sigurong pusa diyan sa loob." Shishai.

'Nakakahiya siya pa nagbukas, ako ang lalaki. Baka ma turn off siya sakin. Ayokong isipin niya na bakla ako.'

"Ako na Shis, ako lalaki. Baka mamaya kunsensya ko pa kapag may nangyari sayo kasi ikaw nagbukas ng pinto para sa'ting tatlo." Pinaalis ko na siya harap ng pintuan.

"Nagmamatapang ka lang Nico, para hundi maturn off sa'yo yang si Shishai at hindi ka masabihan ng bakla." Pangaasar ni Mylene.

'Kahit kailan talaga 'tong si Mylene basag trip.'

Hindi ko na lang pinansin ang mga pang aasar niya.

Dahan dahan kong pinihit ng seradura ng pinto. At dahan dahan kong tinulak ito para mabuksan.

Napaka dilim ng loob, wala kaming makitang kahit na anong bagay na nasa loob 'nun.

"H'wag na kaya tayong pumasok sa loob, natatakot na ako." Shishai

Hinawakan ko siya sa kamay. 'Pagkakataon nga naman talaga hehehe, nahawak ko ng dis oras ang kamay niya ng hindi ako nagmumukhang manyakis.' Napapangiti ako sa isiping 'yun.

"Teka my flash light ako." Mylene na may hawak na lighter.

"Kailan pa naging flash light ang lighter pinsan?" Ako.

"Bobo ito sa ilalim." Sabay binuksan niya yung ilaw at itinapat sa loob ng silid.

Isang malawak na silid. Ito ata ang pinaka malaking silid sa bahay na 'yun. May isang malaking kama at iba pang mga antigong kagamitan ang nasa loob.

Sinilip ko ang oras sa suot kong relo. 'Alas nuebe lang ng umaga, pero ganito kadilim sa loob.' Dahil kahit umaga wala maaninang na liwanag mula sa labas. Naghanap ako ng bintana, pero wala pala ito.

"Tara pumasok na tayo sa loob, baka nandito tinago ang katawan ni Eul, dahil madilim dito marahil dito niya dinala." Ako.

Sabay sabay na kaming tatlo na pumasok ng tuluyan sa loob nun ng biglang.

*Blag!*

Biglang sumara ang pinto ng pagkalakas. Tila may taong nagdabog na isinara ito.

"Whaaa!" Sigaw naming tatlo.

"N-Nico, s-sino nagsara ng pintuan?" Nanginginig na tanong ni Shishai. Umiling lang ako dahil hindi ko naman alam kung ano o sino ang nagsara.

Mabuti na lang may ilaw kami ngayon kahit paano nakikita namin ang paligid.

"Lumabas na tayo, ayoko na dito sa loob." Umiiyak na usal ni Mylene.

Kahit ako natatakot na din. Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sa amin. At pinapanood kami habang takot na takot.

"Whaaa! Tangina ayaw bumukas!" Malakas na usal ko. Dahil pag pihit ko sa seradura, ayaw na itong bumukas.

Pinagkakalampag namin ang pinto at nagbabakasakaling may makarinig sa ginagawa naming ingay.

"Tulong! Buksan niyo 'tong pinto!" Umiiyak pagmamakaawa ni Shishai.

Sumigaw na din si Mylene at ganun na din ako.  kung malakas ang magagawa naming ingay may posibilidad na maririnig kami ng iba pang kasama namin.

Pero ilang minuto na kaming nag iingay. napapagod na kami kaya yung ingay na kaninang malakas ay pahina na ng pahina.

"Napapagod na ako, pahinga muna tayo." Mylene.

Kaya naman napaupo na kaming tatlo na nakasandal sa pintuan.

Naramdaman kong sumiksik sa 'kin si Shishai, ganun din si Mylene.

"Pahiram niyan." Agaw ko ng flashlight. Walang mangyayari kung hindi ako gagawa ng paraan.

Tumayo ako para maghanap ng gamit na kung saan pwedeng gamitin pambukas sa pintuan.

Wala akong makitang pwedeng gamit na pambukas. Kaya nag lakad pa ako sa loob ng silid na 'yun ng mapansin ko ang isang malaking antigong aparador.

'Sana naman kahit itak meron dito sa loob. Tutal mga killer naman ang mga nakatira dati dito.' Bulong ko ng nasa harap na ako nito.

Pero nagulat ako sa nakita ko, hindi isang itak kundi mga buto ng mga tao. Kaya naisara ko ng malakas ang pinto ng aparador.

"Nico?! Ano yan?!" Sigaw ni Mylene.

Patakbo akong lumapit sa kanilang dalawa ni Shishai.

"Kailangan na natin makalabas dito. Marami akong nakitang mga buto ng tao sa loob ng aparador." Takot kong kwento sa kanilang dalawa.

Kaya naman lalong nataranta yung dalawang kasama kong babae. Gumawa na naman kami ng ingay.

"Tulong! Buksan niyo 'tong pinto!" Muling sigaw namin mula sa loob.

-----

ARAIL POV

Kanina pa kami paikot ikot dito sa unang palapag, halos lahat ng sulok napuntahan na namin, pero wala kaming nakita na Eul Cyrus. Mga buto lang tao ang nakikita namin at mga sirang kagamitan na naluma na din ng panahon.

'Dito nila nililibing yung ibang katawan ng napapatay nila?' Halos kilabutan kami tuwing may makikita kaming mga kalansay.

"Umakyat na tayo sa taas, puntahan natin sila Mylene." Yakag ni Mang Berting. Kaya naglakad na kami papunta sa ikalawang palapag kung saan doon naghahanap sila Nico.

 "Nico!" Sigaw ko, habang hinahanap ng mata ko kung nasaan sila.

"Bakit parang wala na sila dito?" Nikki. Nagpalinga linga siya na hinahanap ng paningin niya ang mga pinsan namin.

"Tara, hanapin natin sila, baka nasa mga silid lang sila naghahanap." Yakag ko sa kanilang dalawa ni Mang Berting.

Kaya naman bawat silid na binuksan namin, tinatawag namin ang pangalan nilang tatlo.

"Tulong! Buksan niyo 'tong pinto!" Dinig kong may nasigaw. Hindi ko lang alam kung saan nang gagaling.

"Saglit." Pigil ko sa kanilang dalawa. Tila may narinig akong nahingi ng tulong. "Narinig niyo 'yun?" Tanong ko.

Tumigil din sila sa paglalakad at tumahimik.

"Tulong! Buksan niyo 'tong pinto, hindi kami makalabas!"

"Sila Nico yun, nakulong sila sa isang silid dito." Nikki.

Kaya agad naman namin silang tinatawag para marinig nila na nandito na kami sa taas.

Sinundan namin kung saan nanggagaling yung ingay na ginagawa nila.

Hanggang makarating kami sa pinaka dulo. May isang silid, na doon naggagaling yung boses nila Nico, Shishai at Mylene.

"Nandito na kami." Nikki.

Binubuksan namin yung pinto mula sa labas pero hindi namin mabuksan. kahit anong gawin naming pagpihit ng seradura ng pinto.

"Alis, ako na." Pinalayo kami ni Mang Berting na may hawak na palang mahabang itak. "Lumayo kayo sa pintuan mga bata!"

Inumpisahan niyang sirain ang pinto. Dahil sa luma na ito kaya mabilis niya itong nasira.

"Arail!" Mabilis na yumakap sakin si Mylene ng makalabas sila. Si Shishai naman ay kay Nikki. Mukhang takot na takot sila, dahil ramdam ko ang panginginig ng katawan niya habang nkayap.

"Wala si Eul sa loob, mga kalansay lang nakita ko dun sa loon ng aparador." Nico.

Hindi na kami nagulat sa sinabi niya. Dahil ganun din ang nakita namin sa ibaba.

"Umakyat na tayo, puntahan na natin si Lolo, gusto ko ng umuwi. Para tayong nasa impyerno ng mga buhay." Naiiyak na usal ni shishai.

Tumango naman kaming magpipinsan at ganun din si Mang Berting. Naglakad na kami papunta sa mataas na palapag ng bahay.

Pag akyat namin doon, bumungad na agad ang sira sirang mga kagamitan. Pati ibang bahagi ng kisame ay sira na.

"Sila Tatay Jess." Turo naman ni Nico.

Nang makita na nila kami, ay agad na silang lumapit sa amin.

"Wala si Eul dito sa bahay na'to." Usal ni Tatay Jess. "Tayo ng umalis dito." Naglakad na siya patungong hagdan para bumaba na.

"Saglit!" Nico. May hawak lubid na naka konekta sa kisame.

"Ano ba yan?" Ako.

Hindi niya na ako sinagot sa tanong ko, hinila niya na lang yung lubid na hawak niya.

Isang hagdan pala ito paakyat sa attic ng ng bahay.

"Akyatin natin baka may makita tayong magtuturo kung nasaan si Eul." Nico.

"Para kang imbistegador lang," Pang aasar ni Mylene. Yung kaninang takot na takot na mga pinsan ko ngayon naman nagkaroon na ng tapang dahil magkakasama na kami.

"Kayong mga bata, dito lang kayo kami na ang aakyat sa taas." Tatay Jess.

Silang mga matatanda na ang umakyat doon sa taas, kami naman dito ay nag hihintay lang.

"Eul!" Dinig namin sigaw ni Tatay Jess. Marahil nakita nila ang pinsan namin. Kaya nandito kami sa bungad ng hagdanan at hinihintay na silang bumaba.

Ilang sandali lang nakita namin na buhat nila si Eul na walang malay. Umalala naman si Nico na mandito sa baba para maibaba ng ayos ang katawan ng pinsan namin.

Halo halong emsyong ang nararamdaman ko, natatakot na natutuwa.

Takot dahil hindi ko alam kung buhay pa ba siya. Kung hindi ba kami nahuli ng paghahanap sa kanya.

Ntutuwa dahil natagpuan namin siya.

Nang maibaba na nila si Eul ay inihiga nila ito sa sahig.

"Buhay pa siya, hindi ba Tatay Jess?" Naiyak na tanong ni Nikki. Agad itong lumapit kay Eul.

"Buhay pa siya pero mahina na 'yung pulso niya." Malungkot na usal ng Pari.

Maya maya lang nag labas na ng kung ano anong gamit si Mang Arturino, nakita ko na 'yung mga gamit niyang iyon. Iyon yung gamit niya na ginamit para mapagaling si Nikki.

 *****

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
27.6M 702K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
76.8K 642 51
[COMPLETED✔] Started: May 22,2017 Completed: October 14, 2017 Spread your feelings by words. Highest reached rank: #02 in Spoken Poetry [June 30, 201...
44.3K 1.8K 77
Si Drake Salazar, ang lalaking pinaglihi ata sa damong makahiya. Ang lalaking para kay Sharie ay walang kwenta! Gwapo pero lumaki atang mahiyain a...