BEA POV
A week has passed after nang party sa kompanya. Kaya lahat ay back to normal na ang activities. Isa lang naman ang hindi nagbago, ang masungit kong boss, gaya ng dati ayun bruha pa rin.
Nandito ako ngayon sa harap ng computer at gaya ng dati tinatambakan na naman niya ako ng trabaho. Paborito niya talaga akong pahirapan. Habang siya, ayun hawak ang cellphone niya at may kausap na naman.
Maya-maya pa ay may biglang kumatok, kaya tumayo ako para buksan. Nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa bisita. May dala itong bouquet of flowers at stuffed toy, isang panda.
Sa dami naman nang maging bisita, isang pangit pa talaga na itago natin sa pangalang Migoy.
MIGOY: "Is Julia around?"
BEA: "Yes po. Pasok po kayo."
Sarap niyang pagsarhan nang pintuan para masapol sa mukha. Pero syempre hindi ko pwedeng gawin.
Basta naiinis ako kay Migoy, don't know why! Ayoko lang talaga sa pagmumukha at presensiya niya.
BEA: "Maam may bisita po kayo."
Bigla siya lumingon sa direksiyon namin at nagbago ang ekspresyon nang mukha niya. Medyo umaliwalas ito, hindi gaya kanina na kunot ang noo.
"Sus, may dalaw lang na lalaki umaliwalas na agad ang mukha. Malandi rin." (bulong ng isip ko)
JIA: "Oh, hi Migs maupo ka."
MIGOY: "Flowers for you and this one."
Sabay bigay sa boss ko ng flowers at ang panda.
BEA: "Ang pangit naman ng bulaklak mukhang yung ginagamit sa mga patay at ang liit pa na binigay na panda. Akala ko ba mayaman to, kuripot pala." (usal ko sa sarili)
JIA: "Hindi ka na dapat nag-abala pa."
MIGOY: "Okay lang, basta para sayo."
BEA: "Ang baduy." (usal ko sa sarili)
Naririnig ko kasi ang pag-uusap nila, dito pa talaga sa opisina maglalandian. Kaya inayos ko yung gamit ko sa table, pinagpag yung medyo may alikabok.
JIA: "What was that Isabel?"
Dinig kong tanong ng boss ko na medyo may pagkairita na rin. Kaya napalingon ako sa kanya.
BEA: "Nililinis ko lang po yung table maam, may alikabok po kasi."
JIA: "You should have done that early in the morning. It is creating too much noise and we could not talk properly. Just do that later on."
BEA: "Sorry po maam, ngayon ko lang po nakita yung alikabok."
Kaya itinigil ko na yung paglilinis. Itinuon ko yung sarili ko sa pagbabasa ng mga papers sa harapan ko. Paminsan minsan pasimple kong tinitingnan yung dalawang nag-uusap.
"Akala ko ba kapag sa office dapat magtrabaho lang, pero siya nakikipaglandian dito. Ang daming nasasayang na oras nang trabaho sa pakikipaglandian niya." (usal ko sa sarili)
Maya-maya pa ay tumayo na yung Migoy at nagpa-alam. Makikipagbeso pa sana yung Migoy kaya lang ininterrupt ko na.
BEA: "Maam, kailangan niyo na pong basahin tong mga reports."
Sabay abot sa kanya ng mga papeles at kinuha naman niya ito. Kaya umalis na sawi ang Migoy.
"Buti nga sa kanya. Aalis lang kailangan may beso pa." (bulong ng isip ko)
JIA: "Mag half-day lang ako today. I will be out at 11:30 am. So if there is any important calls, you text me."
BEA: "Bakit po kayo mag half-day lang?"
JIA: "As far as I could remember, I am the boss of this office. And as far as I know I am not entitled to explain anything to you and give you whatever reasons."
"Pwede naman niyang sabihin na secret na lang kung ayaw niya banggitin, ang dami pang sinabi. Maldita ang bruha." (bulong ko sa sarili)
BEA: "Sabi ko nga po maam. Half-day lang po kayo."
Bumalik na siya sa table niya at inayos ang mga gamit. Binasa niya muna lahat ng mga papers na inabot ko, bago tuluyang nilinis ang mesa at umalis na nang office.
Lumabas nang opisina hindi man lang nagpaalam, samantalang kay Migoy kanina gusto pa makipagbeso.
"So anong ipinaglalaban mo? Gusto mo makipagbeso din sayo ang boss mo? Ganern!" (pagkontra nang isip ko na dinedma ko na lang)
Actually, mahalaga naman talaga yung mga papers pero pwede naman talaga niya ipabukas na lang. Naiinis lang ako kasi, ginawa nilang landian place yung opisina nang Migoy na yun.
JIA POV
Kagagaling ko lang nang office. As usual hindi na naman maganda ang naging eksena naming dalawa ng dakila kong sekretarya. Masyado siyang arogante at matapang, hindi ko talaga siya makakasundo sa ugali.
Pero pagdating naman sa trabaho, ok naman siya. Kumpara sa mga naunang limang tinanggal ko, matino at pulido ang trabaho niya. Hindi ko na nga kailangan i-double check kasi tama naman lahat ng ginagawa niya.
Mas ok naman kung magtrabaho na lang siya, huwag lang siya talaga magsasalita. Kasi kumukulo ang dugo ko sa kanya kapag nagsimula nang bumuka ang bibig niya at sinasagot-sagot ako.
Kaya tuloy lahat ng conversations naming dalawa ay nauuwi lang sa sagutan at sarcastic na bangayan.
Hindi ko nga alam saan niya nakukuha lahat ng angas at tapang niya na sumagot sa akin at makipag-sabayan sa galit ko. Or sadyang malakas lang talaga ang loob niya kasi, Lola ko ang backer niya.
Ngayon lang ako nakatagpo nang isang tao na harap-harapan na makipagtalo sa akin. Madalas kasi tignan ko lang nang masama ay tumitiklop na sila, pero siya hindi man lang tinatablan.
Kaya minsan instead na sagutin ko yung pagiging sarcastic niya hinahayaan ko na lang kasi hindi kami matatapos at alam kong hindi rin siya magpapatalo.
Magsasayang lang ako ng laway at oras kasi wala namang patutunguhan ang pagtatalo naming dalawa.
I am just really amazed with the way she acts. What guts she really has! Most of the time, she is really getting into my nerves. And I just want to really get rid of her.
She is so mayabang, sarcastic and too bastos. She doesn't know how to respect people of authority.
But I guess for now, I just have to get used to her presence since I have no other choice. Kailangan ko lang talaga pagtiyagaan ang pagkatao niya.
Or di kaya tinatalakan ko na lang kapag hindi ko na kinaya, kagaya kanina bago lumabas nang office. We are always like that inside the office.
And now, I am on my way going to our house, may family lunch kasi kami kaya I have to go home early. Dumaan muna ako sa isang bilihan ng cakes para makabili nang dadalhin sa bahay.
Pagdating ko sa amin, lahat sila ay nadun na at ako na lang ang hinihintay. Even my cousins ay nasa bahay na rin. Pagpasok sa bahay, ay nagmano ako sa Lola ko and to my parents. As well as to my titos and titas na present sa kainan.
Yakap at beso din ako sa mga pinsan kong nakigulo din sa family lunch ngayon.
PONGGAY: "Buti naman dumating na yung pinsan nating ubod ng sungit at ginawa nang jowa ang work. Hahahaha."
THERESE: "Akala namin buong maghapon kang makipagdate sa work mo eh. Bakit hindi mo na rin pakasalan yung trabaho mo para may forever na kayo."
JIA: "Manahimik nga kayong magkapatid, ako na naman ang nakita niyo."
LOLA: "May punto naman yang mga pinsan mo. Bakit ba kasi sinusubsob mo yang sarili mo sa trabaho. Pwede namang mag relax ka paminsan-minsan."
JOBOK: "Oo nga po ate para naman makahanap ka na nang boyfriend."
JIA: "Eh bat ba kasi mas excited ka pang magkaboyfriend ako?"
JOBOK: "Ubod ka po kasi nang sungit. At least pag nagka boyfriend ka po, mahawaan ka naman nang kaswetan."
Na naging dahilan para magtawanan silang lahat sa harap ng hapag-kainan. Lagi silang ganyan, ako ang laman nang kwentuhan.
Tanggap ko naman na masungit talaga ako eh, kaya nga lahat natatakot sa akin sa opisina. Sa pamilya ko lang hindi gumagana kasungitan ko, kasi pag nagagalit ako parang wala silang narinig.
Oo nga pala, may isa pang hindi natatakot sa akin maliban sa pamilya ko, yung nagmamagaling kong sekretarya.
May mga nanligaw naman sa akin, mas marami yung mga nagpapalipad hangin lang. Kaso hindi ko sila type, puro mayayabang kasi at porma lang ang alam. Kaya wala akong magustuhan sa kanila.
Isa na nga si Miguel sa mga nanliligaw sa akin. To be honest, medyo siya lang ang pumasa sa kanilang lahat.
I like him, because he is so nice and mabait. He is very gentleman and I can feel his sincerity. But I am not yet ready to be in a relationship, hindi ko lang talaga feel.
LOLA: "Julia apo, may family outing tayo sa susunod na buwan. isang linggo yun, kaya ayusin mo na yung schedule mo. You can ask also your closed friends to come and join us if they wanted too."
JIA: "Sure po Lola, I'll be coming. I'll just call them na lang later on, but I am pretty sure, sasama po ang mga yun. Yung mga yun pa, hindi nagpapahuli sa galaan ang mga yun."
PONGGAY: "Lola sama po ako diyan ah."
THERESE: "Ako din po Lola, sasama po ako."
LOLA: "Basta ba wala kayong mga pasok."
JOBOK: "Wala na po Lola, bakasyon na po kasi yun."
JIA: "Kasama kaming lahat, pero maiwan ka 'Bok. Bawal daw kasi ang bata dun."
Benilatan lang ako ni Jobok. Kaya siya naman ngayon pinagtripan nang lahat.
LOLA: "Isama mo na rin yung sekretarya mo. Since wala ka naman sa office, wala rin naman siyang gagawin."
PAPU: "Balita ko, lumagpas na nang higit isang buwan yung sekretarya mo ngayon? Isang napakalaking himala ah."
PONGGAY: "Nako Tito hindi po himala yun, Sabi po nina Maddie ang gandang gwapo daw nang sekretarya ni ate Jia. Type nga daw po ni ate Jia eh. Hahahaha."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ponggay. Walang hiya talaga yung mga kaibigan ko kung anu-ano na lang pinagsasabi. At ito namang si Ponggay paniwala, at kiniwento pa talaga.
THERESE: "Type nga po ni Maddie at Jho eh. Kaya lang nagalit daw si Jia."
JOBOK: "Eh malamang type din ni ate kaya nagalit at hanggang ngayon di pa niya tinatanggal. Hahaha."
JIA: "Grabe kayo. Huwag nga kayong nagpapaniwala dun sa mga baliw na yun. Gumagawa lang nang mga kwento ang mga yun para pagtripan ako."
JESS: "So, hindi mo type yung sekretarya mo?"
JIA: "Hindi no. Never akong magkakagusto dun."
PONGGAY: "Talaga! Sige nga, dare. Tanggalin mo siya sa trabaho bukas."
JIA: "Hindi pwede. Si Lola nag hire dun kaya siya lang pwede magtanggal. Kung ako lang, matagal ko na siyang tinanggal."
THERESE: "Asus, kung gugustuhin mo, matatanggal mo naman yun sa trabaho niya... Ang sabihin mo type mo talaga siya kaya hindi mo tinatanggal. Dinahilan mo pa si Lola. Hahahaha. In denial pa, ayaw pa umamin eh."
PONGGAY: "Sabi pa nga dun sa reception desk, ang dami daw nagkakagusto sa sekretarya mo. Sobrang gandang gwapo daw eh at mabait pa. Na excite nga akong makilala at makita siya eh."
JESS: "Kaya Lola, sige na po. Ituloy na po nating isama yung secretary ni ate sa outing."
JIA: "Pwede ba, tigilan niyo nga ako diyan sa sekretarya ko. Hindi ko siya type. Isa pa, hindi naman siya miyembro nang pamilyang to kaya hindi siya pwede sumama."
PONGGAY: "Ate Ji, soon to be. Kaya huwag kang magsalita nang tapos. Baka mamaya niyan malaman na lang namin nakipag pak ganern ka na sa kanya. Hahaha."
JIA: "Ponggay, yung bibig mo ah. Ang bastos nang utak mo. Bakit ko naman gagawin yun."
THERESE: "Maganda nga makipag pak ganern na siya para ikasal na agad. Di ba po Lola? Hahaha."
JIA: "Nakakainis na kayong dalawa ah. Kanina ko pa napapansin pinagkakaisahan niyo ako. Inutusan na naman kayo nina Mich and Maddie noh?"
Nagtawanan lang ang dalawa. Bwisit talaga, kahit kelan walang ginawang maganda yung mga kaibigan ko, lagi ako pinapahamak. Humanda sila sa akin talaga pag nagkita kami.
Pagkatapos nang tanghalian ay nasa sala na ang mga parents namin nanunuod sila at nagkwentuhan. Kami naming mga anak ay pumunta sa labas at doon nagkwentuhan.
PONGGAY: "Ate Ji, gandang gwapo po ba talaga yung sekretarya mo?"
JIA: "Huwag kang mang-asar Ponggay, sasapakin na kita."
PONGGAY: "Seryoso po ako, hindi naman po kita niloloko eh. Na curious lang kasi ako dun sa sinabi nina Maddie and Jho eh."
THERESE: "Pakilala mo naman kami dun. Sama kami ni Ponggay sayo bukas, nahihiwagaan na kasi ako dun sa sekretarya mo eh."
JIA: "Huwag nga kayong nagpapaniwala sa mga yun. Pinagkakatuwaan lang ako nang mga yun."
PONGGAY: "So hindi totoo na gandang gwapo siya? Pero bakit nung tumawag ako sa opisina, sabi sa reception desk. Totoo daw at marami may crush sa kanya."
JIA: "So tumawag ka pa talaga sa opisina para lang i-confirm?"
Ngumisi lang si Ponggay at nagkamot nang batok niya; Ngumiti naman si Therese at yung dalawa kung kapatid tawa nang tawa.
PONGGAY: "Na-curios po kasi kami ni ate Therese eh. At si Maddie nagsabi na try daw naming tawagan. Kaya ayun. Hehehe. So, ano nga po ate Ji, gandang gwapo ba talaga?"
JOBOK: "Sagutin na po kasi ate Ji, kanina pa po namin tinatanong hindi mo naman sinasagot eh."
JIA: "Wow excited lang 'Bok... Ahmm.. well pwede na."
Walang kabuhay-buhay kong wika. Lahat sila nakitingin sa akin at inaabangan pa ang iba kong sasabihin. Pero hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi ko. Kaya tumaas ang mga kilay nilang apat.
JESS: "Pwede na po ang alin?"
Takang tanong ni Jess, na parang hindi naintindihan ang sinabi ko.
JIA: "You are asking me kung gandang gwapo siya. So I answered... pwede na."
JOBOK: "Ang labo po kasi ate Ji, OO o HINDI lang naman po ang sagot dun. Bakit pwede na?... Pa safe ka po eh. Sabi na nga ba type mo talaga yun eh."
JESS: "Mukha nga 'Bok. Hindi yan magpapahuli nang buhay. Hinding-hindi yan aamin. Hahahaha."
PONGGAY: "Hahaha... Kaya pa safe ang sagot, kasi type niya nga."
JIA: "Okay fine. It's true gandang gwapo nga siya. Pero pwede ba, hindi ko siya type. At hindi hindi ako magkakagusto sa kanya because I hated her guts, akala mo kasi kung sino siyang mayabang."
THERESE: "Wow. That's the first Ji. Ngayon lang kita narinig na pumuri nang isang gandang gwapo. Maddie was right. You are attracted to that secretary of yours. Hahaha."
JOBOK: "Mga ate, sama tayo bukas sa opisina ni ate Ji. Para po makita natin yung sekretarya niya."
PONGGAY: "Gusto ko yang ideya mo 'Bok. Tama, bukas ah. Punta tayo sa office. Sabay po kami sayo ate Ji ah."
At nag-apir pa silang apat. Grabe magkasundo sa kasawian ko ang apat na ito. I admit it magandang gwapo naman yung sekretarya ko, kaya lang di ko talaga siya type. Naiinis ako sa pagmumukha niya.
Well at first, hindi ko napansin yung itsura niya kasi di ko naman tiningnan eh. Kaya lang yung mga sumunod na araw doon ko lang siya na tingnan nang husto at napansin ko nga na may itsura siya.
Pero hanggang doon lang yun. May itsura siya, YES, but I don't personally admire her. Then, yung mga sumunod na araw naririnig ko din sa opisina na maraming nagkakagusto sa kanya.
Kaya siguro ang daming nagkakagusto sa kanya, malamang puro pacute ginagawa niya pag wala ako.
Isa pa she is a girl, so paano ako magkakagusto dun. I am not into a girl to girl relationship, but I am not also against it. Never pa nga ako nagkarelasyon sa isang lalaki, tapos magkakagusto ako sa kanya? Imposible. She is not even my type.
Isa pa, nanliligaw si Miguel sa akin. Miguel is much closer to the person na type ko. But my secretary? What the hell!!!
"Huwag kang kasisiguro at magsalita nang patapos. Baka kainin mo lahat nang sinabi mo. Sige ka, ikaw din."
(bulong nang isip ko pero iwinaksi ko lang.)