27. RIPE: An Anthology Of Sho...

Door CDLiNKPh

25.1K 228 90

Iba't-ibang maiikling kwento na para sa mature readers. GXG, BXB, Jousei, Seinen atbp. Meer

List Of Stories
STORY # 1 : The Wall Between Us (Jousei)
STORY # 3: I Am Gay (Yaio)
Story # 4: Butch And Femme (Yuri)
Story # 5: Isang Sikreto (BXB) 05/25/2018
Story # 6: Mahal Kita, Hindi Mo Lang Alam (Shoujo-Ai) 7/18/2018

Story # 2: Nasaan Ang Katatungan? (Seinen)

808 8 6
Door CDLiNKPh

Nasaan Ang Katarungan?

GENRE: Seinen, Drama, Slice of Life, Tragedy, Inspirational
THEMES: Gangsters, Male POV, Dirty Old Man, Poverty, Rape, Jail, Gays


"HUWAG kayong mag-alala, 'nay, sisiguraduhin ko sa inyong magpapadala ako palagi ng pera para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Magtatrabaho akong maigi sa Maynila," sabi ko kay nanay bago ako umalis.
"Mag-iingat ka roon, anak. Maraming masasamang tao sa Maynila. Kung ako lang sana ang tatanungin ay ayaw ko na sanang umalis ka pero kapos na kapos tayo rito." Umiiyak na niyakap ko si Nanay.
"Kahit saan pang lugar ay may masasamang tao. Nasa atin na lang kung paano tayong lalaban." Iyon ang huling sinabi ko bago ako sumakay ng bus papunta ng Maynila.
Ako si Alvin Dimapilis. Positibo akong mag-isip sa buhay. Hindi ako nag-iisip ng masama agad tungkol sa ibang tao. Mabilis na magtiwala. Tipikal na probinsyano na naglakas ng loob na makahanap ng magandang trabaho sa Maynila na malaki-laki ang sahod. Mahirap lang ang pamilya namin kaya gusto kong tumulong. Ako ang nag-iisang anak na lalaki at panganay. Hindi ako nakapag-aral ng Kolehiyo kaya gusto ko na tulungan ang mga kapatid ko para kahit sila man lang ay tumupad sa pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.
Dati akong nagtatrabaho sa bukirin pero humina ang benta. Nalulong sa sugal ang may-ari ng bukid kaya wala na silang maitanim. Wala ng trabaho. Nakadagdag pa na dumadami ang peste sa lugar namin.
Matagal ng patay si tatay. Kaya ako na lang ang inaasahan ni inay na tutulong sa kanya. Ni hindi na nga ako nakapag-asawa sa edad kong dalawapu't pitong taong gulang. Ayokong maging makasarili at isipin ang sarili kong kaligayahan. Para sa akin ay dapat mauna ang pamilya.
"Bilisan mong makapaghanap ng trabaho. Hindi ka pwedeng maging palamunin ng matagal dito," angil ng tiyahin ko pagdating ko pa lang sa bahay nila. Kapatid siya ng ama ko na namatay at halatang mainit ang dugo niya sa akin kahit na magkamag-anak kami.
Mabait ang asawa ni Tiya kaya nakunsensya siya at pinatuloy pa rin ako kahit na halatang napipilitan lang siya.
Sa silong nila ako pinatulog. May papag doon na punong-puno ng surot pero nagtiis ako. Malapit din sa aso ang higaan ko kaya amoy na amoy ko ang mabahong amoy ng mga iyon pero ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nag-imagine na nasa magandang hotel ako.
Konting tiis lang, Alvin. Kailangan ay makahanap ka na agad ng trabaho para makaupa ka man lang kahit sa maliit na paupahan, iyon ang tumatakbo sa isip ko.
Sa balintanaw ko ay may lumitaw na babae. Ang babae na pinapangarap ko. Si Isabel Oli. Isang artista. Wala na akong panahon para maghanap ng maliligawan kaya sa artista na lang ako nagpapantasya.
Nakatulog na rin agad ako dahil sa biyahe.
"KUYA, Kuya! Baka naghahanap ka ng maa-applayan? Marami kaming hiring ngayon! Urgently needed ang mga construction worker! Pasok ho kayo agad!" Magiliw na kinausap ako ng lalaking nagbibigay ng fliers sa daan. Kanina pa akong lakad ng lakad pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang ma-applayan ulit. Puro pasa lang ng resume ang ginawa ko sa mga fastfood at mga mall na nadaanan ko. Ang sabi sa lahat ng iyon ay tatawagan na lang daw ako pero sa totoo lang, sa isang linggo na pananatili ko sa Maynila na puro apply ang ginagawa ko ay puro ganoon lang din naman ang sinasabi sa akin. Sinasabi na tatawagan ako kahit hindi naman.
Kaya naman naagaw agad ang pansin ko ng lalaking ito. Kailangan ko ng mabilisan na trabaho.
"Talaga? Wala pa akong mga requirements, eh. Okey lang ba iyon?"
"Oo naman! Tara ho, pasok na tayo sa loob!" Saka ako hinila ng lalaki papunta sa agency ng mga ito.
Pagdating doon ay marami akong nakitang mga kasabay ko na aplikante. Pinag-exam kami at may binayaran na dalawang daan. Natuwa ako dahil pumasa ako at in-interview. Pero pagkatapos no’n ay hiningan na naman ako ng pang-medical naman daw. Siyam na raan daw. Sinilip ko ang bulsa ko. Isang libo na lang ang laman. Pero naisip ko na magkaka-trabaho na rin naman ako agad kaya ibinigay ko na. Hindi naman sila mga mukhang manloloko dahil mga naka-uniform naman sila. Mukhang mga disente.
Ang sabi nila ay bumalik ako kinabukasan pero laking gulat ko nang malaman na scam pala ang agency na iyon! Kahit ang mga kasama kong aplikante ay sising-sisi.
"Ang tanga-tanga mo talaga! Palibhasa kasi ay galing ka sa bundok kaya hindi ka marunong mag-isip! Wala ka na ngang trabaho, naloko pa! Ano, iaasa mo na lang sa amin ang kakainin mo, ha?" Nagalit ng sobra ang tiya ko nang malaman niya ang nangyari sa akin.
Pinagduduro niya ako at nasampal pa. Nasabi ko na kasi sa kanila kagabi na may trabaho na ako pero heto ako ngayon, nga-nga.
"Tama na iyan, honey. Huwag mo nang pagalitan ang bata," sabi ng asawa ni tiya. Si Nardo.
"Bata? Ang laking 'mama' na niya pagkatapos sasabihin mo, bata? Magsama kayong dalawa!" inis na singhal ng tiya ko saka iniwan na kami.
Lumapit sa akin si Tiyo Nardo.
"Pagpasensyahan mo na muna ito, Alvin. Iyan lang muna ang maibibigay ko sa 'yo." Saka nito inilagay sa bulsa ko ang isang libo. Sa gulat ko ay pinisil niya ang pisngi ng puwet ko. "Punta ka mamaya sa kwarto ko, ha?" Kumindat sa akin si tiyo. Malandi na kumendeng pa siya paalis sa harapan ko.
Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi kaya bading si tiyo?
Pinagpawisan ako ng malapot saka nagpasya na mag-empake na ng gamit. Tama na ang isang libong ibinigay niya para sa paghawak ng puwet ko. Kailangan ko nang umalis dito dahil bakla ang Tiyo Nardo ko. Baka mamaya ay may gawin pa siyang masama sa akin.
Naglakad ako palabas kahit na malalim na ang gabi. Nang bigla na lamang ay may nakita akong babae na hina-harass ng isang lalaking lasing. Agad akong lumapit at sinutok ang lalaki. Dahil lasing ito ay natumba agad ito.
Nagkatinginan kami ng babae at napatitig ako sa mukha niya.
Mahabaging langit! Kamukha niya si Isabel Oli! iyon ang nasigaw ko sa isip ko. Mas sexy nga lang siya kaysa sa artistang iyon at mas maputi. Malaki ang dibdib. Matangkad. Wala pa man ay naramdaman ko na may tumatayo na agad sa ilalim ng zipper ko. Si 'pututoy' ayaw papigil.
"Anong pangalan mo?" nakangiting tanong niya.
"A-Alvin..."
"Bakit may dala kang gamit? Wala ka na bang mapupuntahan? Gusto mong sumama sa akin?" malanding mga tanong niya.
At dahil ako ay isang lalake ay nadarang agad ako sa tukso. Sumama ako sa kanya at umabot sa kama ang simpleng pagkakakilala namin kanina.
Magaling siya lalo pa at inosente pa ako sa kamunduhan. Halos siya ang gumagalaw sa ibabaw ko.
Akala ko noon ay ang mga babae lang ang nasasaktan kapag nakikipag-sex pero medyo masakit din pala iyon sa parte naming mga lalaki dahil may 'naiipit' sa amin. Pero ang babae sa ibabaw ko ay parang hindi nasasaktan. Para bang sanay na sanay siya.

"BAGO ko makalimutan, ako si Isabel," sabi niya pagkatapos ng pagpaparaos namin. Humithit siya ng sigarilyo. Binigyan niya ako ng isang stick at sinindihan ko naman iyon.
"I-Isabel?" Nagulat ako sa narinig ko. Kamukha na nga niya si Isabel Oli tapos kapangalan pa.
"Oh, anong problema sa pangalan ko?" Napatawa siya sa reaksyon ng mukha ko.
"A-ah, wala naman. Kapangalan mo kasi iyong paborito kong artista. Si Isabel Oli," sagot ko.
Lumapit siya sa akin at nilaro ng daliri niya ang bigote ko. "Eh, sinong mas maganda sa amin?" mapang-akit na tanong niya.
"Syempre ikaw—" Siniil na niya ulit ako ng halik kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
"Gusto kita. Simula ngayon ay ikaw na ang bago kong laruan. Gusto mo bang maging alipin ko ha, Alvin?" sabi niya saka kinuha ang kamay ko at inilagay sa pagkababae niya. Nakapa ko na basa na naman iyon kaya lalo lang akong nag-init.
At nang gabing iyon ay paulit-ulit akong nagpasasa sa katawan ng babaeng ngayon ko lang nakilala...

Chapter 2
Temptation

"SIYA si Alvin, honey. Kababata ko. Pwede naman siyang maging hardinero dito sa mansyon natin, hindi ba?" Malanding lumingkis sa leeg ng isang matandang lalaki na halos kalahati na ng edad niya si Isabel.
"Oo naman, love. Welcome ang lahat ng malalapit sa 'yo rito sa pamamahay ko," sabi ng matanda na biglang siniil ng halik si Isabel.
Tumugon naman dito ang babae na halos walang pakialam kahit na andoon ako sa harap nila.
Nag-iwas ako ng tingin dahil parang gustong bumaligtad ng sikmura ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipag-sex kay Isabel kagabi at humahalik naman siya ngayon sa matandang amoy lupa.
"Simula ngayon ay may trabaho ka na, Alvin. Dahil kaibigan ka ng asawa ko ay tatanggapin kita rito. Pero tandaan mo, ang hanap ko sa tao ay iyong mapagkakatiwalaan. Tinitiris ko ang mga traydor."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Inabot niya ang kamay niya sa akin. "Ako si Don Julio. Maaasahan ko ba ang katapatan mo, Alvin?" Tinitigan ako sa mga mata ng Don.
"O-opo," ang sagot ko.

SIMULA noon ay sa mansyon na ako tumira. Nalaman ko na trenta'y tres na pala si Isabel at mas matanda pala siya sa akin ng anim na taon. Hindi naman halata sa kanya dahil napakaganda niya. Mukha siyang sariwa.
Tumakas pala siya sa mga bodyguards niya no'ng gabi na nagkakilala kami dahil nasasakal na raw siya. Gusto raw niyang mapag-isa kahit na saglit lang. Pero iyon nga, minalas pa rin siya at nakasalubong ng lasenggo na pinagtangkaan pa siyang pagsamantalagan. Mabuti na lang at nakita ko siya noon at nailigtas.
Simula nang makapasok ako roon ay pinilit ko na rin na umiwas sa kanya. Ayaw ko ng gulo dahil alam ko na may asawa na siya. Kumikita na naman ako sa pagiging hardinero ko at may naipapadala na ako kina nanay kaya hindi ko na kailangan ng love life.
Nasa hardin ako nang mga sandaling iyon nang bigla na lamang mula sa likuran ko ay naramdaman ko na may humawak sa pututoy ko. Nagulat ako nang makita ko si Isabel.
"Ano hong ginagawa ninyo rito, ma'am? Baka makita ho tayo ni Don Julio!" Nataranta ako bigla at nagpalingon-lingon sa paligid.
Lumapit si Isabel sa mga halamang dinidiligan ko.
"Mabuti pa ang mga halamang ito, nadidiligan. Samantalang ako na maganda, kaakit-akit at tunay na tao ay tigang na tigang!"
"Ma'am Isabel—"
"Impotent na si Julio, Alvin! Hindi na siya tinitigasan! Wala naman talaga nangyayari sa amin, Alvin. Isa siyang sadist. Nilalatigo niya ako habang nakahubad. Gusto niya lang na pinapahirapan ako pero hindi na niya ako kayang paligayahin pa. Tingnan mo 'to," saka nito hinubad ang jacket nito at nakita ko nga na marami itong pantal sa katawan.
Nanlaki ang mga mata ko! Totoo nga na sinasaktan siya ng Don!
"At kung alam mo lang kung gaano akong nasusuka sa tuwing hinahalikan ako ng matandang hukluban na iyon! Ikaw ang mahal ko, Alvin! Magtanan na tayo! Parang awa mo na! Ilayo mo ako sa demonyo na iyon! Hindi ko naman gustong pakasalan siya. Ibinenta lang ako ng mga walang kwentang magulang ko sa kanya!" dugtong niya sa sinabi niya kanina.
Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla na lang ay lumapit siya sa akin at agad akong pinaghahalikan. Nadadarang man ng tukso ay pinilit ko ang sarili ko na itulak siya at pigilan ang pag-ahon ng 'dragon'.
"Hindi ho pwede ang gusto ninyong mangyari, Ma'am Isabel. Aaminin ko na maganda kayo at may gusto ako sa inyo pero may asawa na kayo, eh. Hindi ako masamang tao para sumira sa relasyon!"
"Asawa? Nagpapatawa ka ba, Alvin? Hindi kami kasal ni Julio dahil kabit niya lang ako. Wala pa silang annulment ng asawa niyang nasa ibang bansa kahit na talagang hiwalay na sila. Parehas lang sila ng asawa niya na may kanya-kanyang nang kinakasama at sa totoo lang, isa lang naman akong palamuti ni Julio, eh. Hindi naman talaga niya ako mahal. Kaya lang niya ako kinakasama ay dahil maganda ako, sariwa, bata at tinitiis ang pagiging sadista niya. Sawang-sawa na ako sa buhay na ito, Alvin kaya please lang, itakas mo na ako! Halos magmakaawa na si Isabel sa harapan ko. Kitang-kita ko rin ang paghihirap na nababakas sa mga mata niya.
Pero, Maam, Isabel, kahit pa sabihin na may ibang asawa si Don Julio ay parang isa pa ring pangangalunya ang ginagawa natin. Tinuruan ako ng magandang asal ng mga magulang ko na hindi ako maaaring pumatol sa mga may karelasyon na. Pilit ko pa ring nilalabanan ang sarili ko kahit na alam kong gustong-gusto ko na ring itakas si Isabel.
Hihiwalayan ko si Julio kung gusto mo, Alvin! Iiwanan ko na siya para sa yo. Ikaw lang ang mahalaga para sa akin, hindi mo ba naiintindihan iyon?
Pero, Maam Isabel, hahabulin din tayo ni Don Julio kapag nagtanan tayo kaya hindi pa rin maaari ang gusto ninyo.
Kung takot ka talagang malaman niya ang totoo ay pwede naman tayong magkaroon ng relasyon na hindi malalaman ni Julio e. Marami na akong pera, Alvin. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Mabibigyan mo na ng malaking pera ang pamilya mo sa probinsya. Pag-aaralin pa kita kung gusto mo. Isa pa, hindi mo naman kailangang itali ang sarili mo sa akin, eh. Pwede ka pa ring makipagrelasyon sa iba. Kailangan lang kita sa kama. Sige na. Hmmm..." Hinalik-halikan pa ako sa leeg ni Isabel na para bang inaamoy ang kabanguhan ko. Dinidilaan pa niya iyon kaya parang lalo lamang nabubuhay ang pagnanasa na kanina ko pang pilit na tinatanggal sa katawan ko.
Nahihirapan din ako na tanggihan si Isabel. Naaawa ako sa kanya lalo pa at napakaganda at napakabango pa niya. Wala akong ibang naiisip sa gabi kung hindi siya lang at bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa amin noong una kaming magkita pero mali ito. May kinakasama na siya.
"I'm sorry, Ma'am Isabel pero hindi talaga pwede," ang sabi ko. Sa inis niya ay sinampal niya ako.
"Ang arte mo! Tandaan mo, Alvin, hindi lang ikaw ang gwapong lalaki sa mundo! Marami akong pwedeng ipalit sa 'yo!" ang sabi niya saka na inis na lumayo sa akin.
Pinigilan ko ang sarili ko na habulin siya kahit na sa totoo lang ay nag-aala ako na baka magkaroon lang siya ng sakit kung kukuha siya ng 'aliw' sa labas pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit ano pa man ang mangyari kay Isabel ay hindi ko na dapat problemahin iyon. It's not my business.

Chapter 3
Pananamantala

"MAAWA ka sa akin, Julio! Huwag mong gawin sa akin ito! Hindi ko na uulitin, basta huwag mo lang gawin ito!"
Narinig ko ang boses na iyon ni Isabel habang nasa second floor ako ng mansyon. Bumaba ako agad lalo pa at nakarinig ako ng mga nagtatawanang lalaki sa baba.
Nagtataka lang ako kung bakit kahit na ang ingay-ingay na ay wala man lang mga katulong ang nangahas na bumaba. Para bang takot na takot ang mga iyon kaya hinahayaan na lang ang mga nangyayari at nagtutulug-tulugan sa kailaliman ng gabi.
Nagtago ako sa gilid ng halaman nang makita ko si Isabel na nagmamakaawa sa harap ng don. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na halos nakabuyangyang na ang dibdib niya sa kakapirasong tela na suot niya.
"Sinabi ko na sa iyo, Isabel na ang ayaw ko sa lahat ay ang mga ahas! Ang akala mo siguro ay hindi ko narinig na niyayaya mong maging kalaguyo mo ang hardinero na iyon! Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo kaya hindi ka maaaring tumanggi! Nasa likuran lang ninyo ako kaya kitang-kita ko ang kalandian mo!" Galit na galit si Don Julio. Sinampal nito si Isabel at sinabunutan. May hawak itong baril at armado rin ang lahat ng mga lalaki roon.
Kinabahan ako sa narinig at nakikita ko. Alam na ng don ang tungkol sa amin ni Isabel!
"Pangako ko sa 'yo, Julio. Magbabago na ako! Huwag mo lang gawin sa akin ito!" pagmamakaawa na ni Isabel. Lumuhod pa siya sa paanan ng don pero humalakhak lang ang matandang lalaki.
"Hindi ako marunong maawa, Isabel. Lalo na sa mga traydor na babae. Makati ka, hindi ba? Puwes, ibibigay ko ang kati na nais mo!" binalingan ng don ang mga tauhan nito na nasa likuran. "Mga bata! Kayo na ang bahala rito sa babae ko! Pagsawain ninyo ang sarili ninyo sa sexy niyang katawan hangga't kaya ninyo!" Humalakhak ang Don na parang isang demonyo.
Gulat na gulat ako at mas lalo na si Isabel sa sinabi nito!
Hanggang sa namalayan ko na lang na parang mga hayok sa laman na binaboy at pinagpyestahan ang katawan ni Isabel ng limang lalaki! 
Umalingawngaw ang iyak ni Isabel at halakhak naman ni Don Julio sa lugar na iyon habang pinagmamasdan niya ang asawa na binababoy ng limang lalaki.
Halos masuka-suka ako sa nakikita ko. Pinilahan ng mga lalaki si Isabel! At gustuhin ko man na tulungan siya ay hindi ko magawa! Nanginginig ako sa takot! Alam ko na kapag nakita nila ako ay papatayin nila ako. Alam ko na ulo ng isang gang si Don Julio. Yumaman siya dahil sa mga ilegal na transaksyon na ginagawa niya. Number one dealer siya ng mga drugs. Marami siyang binubugaw na babae at siya rin ang ulo ng mga carnapping at kidnapping sa buong kamaynilaan. Kahit ang mga pulisya ay natatapalan niya ng pera!
"Ganyan ang napapala ng mga taong traydor, Isabel! Kung inaakala mo na manghihinayang ako sa ganda mo ay nagkakamali ka! Kaya kong kumuha ng mas maraming magandang babae kaysa sa 'yo!" parang demonyo na sabi ng Don. 
Lumipas lang ang mga sandali na nandoon lang ako at nakakuyom ang kamao habang pinapanood ko na sinasamantala nila si Isabel! Gustong-gusto ko silang suntukin isa-isa. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. 
Halos isang oras din na naganap ang panghahalay kay Isabel. Halos wala na itong mailuha. Nagsawa na rin ito sa paulit-ulit na pagtanggi sa mga lalaking nagsasamantala sa katawan nito. Tulala si Isabel hanggang sa nagsisuotan na ng mga pantalon ang mga alagad ni Don Julio. Lupaypay sa sahig ang nakahubad na si Isabel. Nakatulala ito. 
Nanlaki ang mata ko nang hinugot ni Don Julio ang baril nito sa bewang nito. Bigla ring natauhan si Isabel nang makita nito na papuputukan ito ng matanda!
"Huwag, Julio! Maawa ka! Ayaw ko pang mamatay!" Nagmakaawa para sa sarili niyang buhay ang hinang-hina na si Isabel! Tumayo ito para lapitan ang matanda kahit na paika-ika ito.
"Wala ka nang silbi sa akin, mahal ko. Masyado ka nang maraming nalalaman tungkol sa mga operasyon ng gang. Sa tingin mo ba na sa hitsura mong iyan pagkatapos kang babuyin ng mga bata ko ay tatanggapin pa kita? Mangarap ka! Sa langit!" saka humalakhak muli ang matanda.
"HUWAGGG!!!" Sabay pa kaming napasigaw ni Isabel pero huli na ang lahat! Dahil binaril na ng matanda si Isabel!
Bumagsak siya lupa na wala ng buhay. Sa dibdib tumama ang bala na tumama rito! 
Hindi na ako nakatiis at tumakbo ako palapit kay Isabel. Niyakap ko siya at pilit na itinatayo.
"Isabel, huwag! Hindi ka pwedeng mamatay! Dadalhin kita sa ospital, mabubuhay ka!" Hindi ko na alintana ang dugo na tumatagas mula sa dibdib ni Isabel. Nanlalabo na rin ang mata ko dahil sa luha sa mga mata ko. 
"A-Alvin... Du. Ma. Ting. Ka..." hirap na siyang magsalita. Hinawakan niya ang mukha ko. Kinuyom ko ng kamay ko ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Oo, dumating ako, Isabel! Patawarin mo ako dahil wala akong magawa para iligtas ka! Naging duwag ako. Patawarin mo ako... Patuloy na ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Naroon ang takot sa dibdib ko habang pinagmamasdan si Isabel na unti-unti nang nanghihina.
Umiling lang si Isabel. A-ang mahalaga sa akin ay nandito ka. Masaya ako na n-nandito k-ka.
Mahal kita, Isabel! Kaya kailangan mong mabuhay. Bubuo tayo ng pamilya. Hindi natin kailangang mabuhay sa yaman. Magtutulungan tayo, hindi ba? Marami pa tayong gagawin kaya dapat mabuhay ka. Hindi ko kayang mag-isa! Huwag mo aking iiwan!" Humahagulgol na ako sa iyak.
Nanginginig ako sa sobrang takot na mangyari ang kinatatakutan ko. Nang mga sandaling iyon ay pakiramdam ko ay kahit ang sarili kong buhay ay handa kong ibigay sa kanya.
"Ma. Hal. Din. Ki. Ta, A-Alvin... Ma. Sa. Ya. Ako at nakilala k-kitaaa..." Iyon na ang huling salitang namutawi sa bibig ni Isabel. Dahil binawian na siya ng buhay. Hindi na siya humihinga!
"Isabel, huwag! Hindi ka pwedeng mamatay! Mahal na mahal kita!"
Pero alam kong kahit anong pang pagsigaw ang gawin ko ay hindi na rin niya maririnig pa iyon. Dahil wala na siya. Wala na ang kauna-unahang babaeng minahal ko…
"Hangal! Itatanan mo siya, hindi ba, Alvin? At sa tingin mo ba talaga ay matatakasan ninyo ako? Isa kang tonto!" Pang-iinsulto pa ni Don Julio saka humalakhak.
Tumalim ang tingin ko sa kanya. Siya ang pumatay kay Isabel! Buhay ang kinuha niya kaya dapat ay buhay din ang maging kapalit niyon!
Nilapitan ko ang matanda at pinagsusuntok siya. 
"Papatayin kita!" pagsigaw ko. Galit na galit ako at wala akong ibang gustong gawin kundi ang basagin ang mukha ng matandang ito. Isa siyang demonyo! Ang mga taong katulad niya ay walang karapatang mabuhay sa mundo!
Naramdaman ko na lang na may humigit na sa akin palayo sa matanda. Sinuntok ako ng isang lalaki at lumapit ang dalawa pa. Pinagtulungan nila ako. Parang namanhid na ang katawan ko sa sakit ng bawat tadyak at suntok nila. Walang humpay ang ginawa nilang pananakit sa akin. Pero lahat ng sakit na ginagawa nila sa katawan ko ay walang-wala sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Wala na si Isabel. Wala na ang isa sa mga dahilan para mabuhay pa ako...

Chapter 4
Ang Malamig Na Rehas

"MANIWALA po kayo sa akin! Hindi ako nagnakaw sa mansyon ng don! Ang matandang iyon ang demonyo! Pinatay niya si Isabel! Siya ang dapat na makulong!" Patuloy ang pagsigaw ko habang kinakaladkad ako ng mga pulis papasok sa isang kwarto. 
Hinuli ako ng pulisya dahil inakusahan ako ni Don Julio na nagnakaw ng malaking halaga sa kanila. Sa akin pa ibinunton ang sisi na pinagsamantalahan ko raw si Isabel at pinatay pagkatapos. Binaligtad ako ni Don Julio.
"Sinungaling kang bata ka! Huwag ka nang magsinungaling! Bakit mo pinatay si Ms. Isabel? Dahil ba hindi siya pumayag na sumama sa 'yo nang yayain mo siyang magtanan?" nakangising akusa ng isang pulis na kalbo. Alam ko na alam niya na hindi totoo ang ibinibintang sa akin. Pero nagbubulagbulagan sila sa katotohanan dahil natapalan sila ng pera.
"Hindi ako ang pumatay sa kanya! Wala kayong katibayan na ako ang gumawa no'n pero hinuli ninyo ako! Anong klase kayong mga pulis?! Kayo ang dapat na sumusupil sa kasamaan pero kayo mismo ay nagpapalugmok sa kasamaan dahil lang sa kinang ng salapi!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na sabihin iyon.
Sa lumabas na salita sa bibig ko ay parang lalo lang nagalit ang pulis na kalbo. Sinenyasan nito ang mga kasama nitong mga pulis na bugbugin ako. 
Isa-isa silang lumapit sa akin at pinagsusuntok ako. Parang bakal ang mga kamay nila dahil sa lakas nilang sumuntok. Napaigtad ako sa sakit. Halos lamog-lamog na ang katawan ko at punong-puno na ako ng pasa. Nagdudugo na ang mukha ko pero ayaw pa rin nila akong tigilan.
"Ang lakas din naman ng loob mong pagsabihan kami ng ganyan, ha? Sino ka ba sa akala mo? Kaya naming gawin ang kahit anong gustuhin namin sa 'yo at wala kang magagawa!"
Hinila ako ng kalbong pulis at dinala sa banyo kung saan may inidoro. Namalayan ko na lang na nakadama na ako ng mabahong tubig sa mukha ko. Inilulublob niya ang mukha ko sa inidoro! Halos malunod ako! 
Humalakhak ang pulis, "Ganyan lang ang nararapat sa 'yo, bata! Sa mundong ito, kami ang naghahari! At ikaw, mahina ka kaya matuto kang lumugar!" 
Napaisip ako sa sinabing iyon ng pulis. Matuto akong lumugar? Lahat ng bagay na ginagawa ko sa mundong ito ay naaayon sa kagustuhan ng Diyos. Minahal ko si Isabel pero iniwasan ko siya nang malaman ko na may kinakasama na siya. Pero masahol pa sa demonyo ang Don Julio na iyon. Pinatay niya ang babaeng pinakamamahal ko. May mga oras na gusto ko nang ilagay sa kamay ko ang batas. Gusto kong ipaghiganti ang ginawa nila kay Isabel. Pero paano kong gagawin iyon? Kung nandito ako sa kulungan habang nakakagala sa labas ang mga tunay na 'buwaya' ng lipunan?
Nasaan? Nasaan ang katarungan sa mundong ito?
Doon na ako nawalan ng malay. Naging itim na sa akin ang lahat pero sa huling sandali ay parang nakita ko ang imahe ni Isabel. Sinusundo na ba niya ako?

DINALA nila ako sa selda nang magkaroon ako ng ulirat kinabukasan. Medyo nanghinayang ako na buhay pa pala ako. Mas masaya pa siguro ako kung namatay na lang ako at nakasama ko na si Isabel sa langit.
Pinakain at binigyan nila ako ng pagkakataon na linisin ang sarili ko. Ginamot ng nurse ang mga sugat ko pero sariwa pa rin iyon kaya mahapdi pa rin.
Kinakabahan ako habang naglalakad sa mga seldang nadaraanan ko. Lahat sila ay matatalim ang mga mata. Ang iba ay naghihiyawan pa na para bang sabik na sabik na magkaroon sila ulit ng bagong laruan. 
"Simula ngayon ay dito ka na matutulog. I-okupa mo iyong sa taas ng kama, bata," sabi ng kalbong pulis na naglublob sa akin kagabi sa inidoro. Nakangisi siya. At alam ko na mayroon na namang hindi magandang mangyayari.
Nakakadama ako ng panganib. Dahil alaga siya ni Don Julio ay alam ko na sa mapanganib na selda niya ako ipinasok.
"Matangkad, moreno, balbon. Ikaw ang  tipo ko..." Iyon ang sinabi ng baklang makakasama ko sa selda. Pinapaypayan pa ito ng mga lalaking nakapalibot dito. Malaki ang katawan niya at unang tingin pa lang ay nakakatakot na. Hindi bagay sa kanya ang maging bakla dahil parang pang-body builder ang laki ng katawan niya.
Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya humiga na lang ako sa kama ko. Pinilit kong ipinikit ang mga mata ko kahit na hindi naman ako inaantok. Simula ngayon ay kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na makasama ang iba't-ibang klase ng kriminal sa lugar na iyon. Totoo man o hindi, eh sa ayaw ko man o sa gusto ay isa na ako sa kanila.

"ALVIN..." Nagulat ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Paul na mas kilala sa pangalan na Paulina. Siya iyong baklang kasama ko sa selda. Ilang linggo na rin akong nasa kulungan kaya medyo nasanay na rin ako sa kapaligiran. 
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Kakatapos ko lang maligo kaya wala akong pang-itaas. Bigla ay hinigit niya ako at hinila pabalik ng banyo. Isinandal niya ako sa pader. 
"Akala mo ba ay nagugustuhan ko pa iyang mga pag-iwas-iwas mo sa akin ha, Andrew? Sa seldang ito ay ako ang pinakamalakas! Ako ang kinatatakutan! Kaya dapat sumunod ka!" Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Bigla akong nakaramdam ng takot.
"Ano bang kailangan mo sa akin?"
"Alam mo at alam ko na alam mo kung ano, Alvin. Ikaw. Gusto kita." 
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nararamdaman ko na may gusto sa akin ang baklang ito pero natatakot ako sa kaya niyang gawin kaya umiiwas ako.
"Sorry, Paulina pero hindi ako pumapatol sa bakla," sabi ko na lang at akmang lalagpasan siya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak sa akin.
Sa isang iglap ay hinalikan niya ako sa labi! Pinilit kong magpumiglas pero masyado siyang malakas! Sinuntok niya ako na agad kong ikinahilo. 
Sinalibasib niya ako ng halik na halos ikasuka ko. Sapilitan niya akong pinatalikod at agad niyang binababa ang brief ko matapos niya akong romansahin!
"Ahhh!!!" pagsigaw ko. Napakasakit ng ginagawa niya sa aking pwerta. Nilalabas masok niya ang kanyang pagkalalaki roon.
Maraming nakatingin lang at nagtatawanan sa ginagawa ni Paulina sa akin at wala man lang nakunsensya para lapitan ako. Lahat sila ay parang tuwang-tuwa pa sa kababuyan na niraranas ko. Walang pinagkaiba ang nararanasan ko ngayon sa kababuyang dinaranas ni Isabel noon bago siya namatay.
Doon ko naisip na habang hinahanap ko ang katarungan ay lalo lamang itong lumalayo sa akin. Masyadong malupit ang mundo na ito. 

Final Chapter
Ang Katuparan Ng Katarungan

"AYOS ka na ba, Alvin?" tanong sa akin ni Ka Tasyo nang lapitan niya ako.
Wala noon ang ibang preso dahil nagtatanim sila ng halaman sa labas ng munti. Sinabi ko na masakit ang tiyan ko kaya pinayagan akong magpahinga sandali.
Marahil ay sandaling panahon lang ang ibinigay sa akin dahil naroon na si Ka Tasyo para sunduin ako. Isa ito sa mga may edad na lalaki sa selda na iyon at tumanda na lang sa kulungan. Siya lang ang nakakausap ko roon dahil mukhang siya lang din ang matino. Lahat halos ay naikwento ko na sa kanya.
"Sinong magiging maayos pagkatapos kang mapagsamalantahan ng isang bakla? Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon, manong? Diring-diri ako sa sarili ko! Gustong-gusto kong patayin ang hayop na iyon! Silang dalawa ni Julio! Gusto ko silang ibaon sa hukay, mga walanghiya sila!" Halos magdugo ang ngipin sa gigil na sabi ko habang umaagos ang luha sa aking mga mata.
Natahimik si Ka Tasyo. "Bakit ba hindi pa nila ako pinatay, ha? Bakit kailangan ko pang mahirapan ng ganito! Kung namatay ako ay mas magiging masaya pa ako! Makakasama ko si Isabel!" sabi ko pa.
Sa gulat ko ay sinuntok ako ni Ka Tasyo.
"At iyan ng huwag na huwag mong gagawin, Alvin! Tandaan mo na importante ang buhay para sa Diyos! Ibinigay niya iyan sa 'yo kaya Siya lang ang may karapatan na kunin iyan mula sa 'yo!" pagsigaw din nito.
Napangisi siya ng mapait.
"Diyos? Naniniwala ka pa bang may Diyos, manong? Kung totoo siya, nasaan siya? Natutulog ba? Bakit hinayaan niya na mangyari ang mga ganitong kalulupit na bagay sa mundo kung totoo siya? Naniniwala ang lahat na pantay-pantay ang pagtingin niya sa lahat ng tao pero bakit sa mundo natin ay ang mga masasamang tao ang naghahari? Bakit kung sino ang mayaman o malakas ay sila pa ang palaging nasusunod? Bakit kahit naaayon sa kagustuhan ng 'Diyos' ang mga ginagawa ko ay nangyayari ang lahat ng ito?" mapait na sabi niya.
Bumuntong-hininga si Ka Tasyo. Umupo ito sa gilid ng kama. "Alam kong kating-kati ka nang pumatay ng tao dahil sa mga nangyayari sa 'yo ngayon pero sasabihin ko sa 'yo na kapag ginawa mo iyan ay ikaw din ang magsisisi sa bandang huli. Gusto mong patayin si Don Julio at si Paulina pero pagkatapos ay ano? Magiging masaya ka ba kapag ginawa mo iyon? Magkakaroon na ba ng katarungan? Hindi, Alvin! Dahil hindi mo na maibabalik pa ang buhay ni Isabel at ang mga buhay na nasira ni Don Julio kahit ano pa ang gawin mo. Hindi na rin mabubura ang ginawa sa 'yo ni Paulina!" 
Natigilan ako. Tama si Ka Tasyo. "Kung gano'n ay anong gagawin ko? Hahayaan ko na lang ba na mauwi sa wala ang lahat?" 
Hinawakan ako ni Ka Tasyo sa balikat, "May magagawa ka pa, Alvin. Magdasal ka. Iyon lang ang tanging paraan para makamit mo ang kapayapaan na hinahangad ng puso mo. Nandito nga tayo sa kulungan pero hindi nangangahulugan na dapat umarte na rin tayo na parang isang kriminal."
Doon tumatak sa puso ko ang sinabi ni Ka Tasyo. Naikulong din sa kulungan na iyon si Ka Tasyo dahil sa salang pagpatay. Napatay nito ang mga nang-rape sa anak nitong babae pero habang buhay daw itong hinabol ng kunsensya nito. Pero nakamit nito ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagdadasal.
Simula noon ay hindi na kami nawala sa mga bible studies na ginaganap sa kulungan. Araw-araw akong nagdadasal at nagbabasa ng bibliya. Doon ko pa mas higit na nakilala ang Diyos. Lalong lumakas ang pananampalataya ko nang tuluyan ko na Siyang mailagay sa puso ko. Simula nang matuto akong sumampalataya ay naniwala na ako na malalagpasan ko ang lahat ng problema hangga't nasa tabi ko Siya. Hindi Siya mawawala sa puso ko. 
Pinagdarasal ko rin ang mga magulang ko. Ang pamilya ko. Alam kong ngayon na narito ako sa kulungan ay wala nang makakatulong kay inay sa mga gastusin sa bahay. Nalaman na nila ng nangyari sa akin no'ng tinawagan ko sila pero hindi naman nila ako mabisita dahil masyadong mahal ang pamasahe papunta ng Maynila. 
Pinagdadasal ko na lang na sana ay palagpasin na sila ni Don Julio. Medyo natatakot kasi ako na baka pati sila ay idamay ni Don Julio.
Pero lahat ng takot at pag-aalinlangan sa dibdib ko ay nawawala sa tuwing kausap ko Siya. Mahirap mang paniwalaan pero habang nakikilala ko Siya ay unti-unti na ring nawala ang galit ko para kay Don Julio at para kay Paulina. Paminsan-minsan ay tinitira pa rin ako ni Paulina pero dinadaan ko na lang sa pananampalataya ang lahat. Pinagdadasal ko na lang na sana ay makilala na rin nila ang Diyos.
Nagpakabuti ako sa loob ng kulungan. May mga oras na nadadala ako sa galit ko dahil tao pa rin naman ako pero nawawala rin iyon sa tuwing naiisip ko ang mga pangaral ng Diyos. Na mahalin ko ang aking mga kaaway.
Hanggang sa dumating ang araw na nakalaya ako sa wakas mula sa kulungan. Napatunayan kasi na mali ang bintang sa akin na pinatay ko si Isabel at nag-umit ako. Si Don Julio na ang nakakulong ngayon. Mayroong isang kasapi ng gang ang kumanta sa lahat ng mga operasyong ginagawa ng mga ito. Nabuwag ang organisasyon at inamin ng isa sa mga namantala kay Isabel na hindi ako ang pumatay sa kanya kung hindi si Don Julio.
Naging masaya para sa akin si Ka Tasyong nang malaman niya na makakalaya na ako. Siya ay mananatili pa rin daw sa kulungan pero naniniwala raw siya na sa pananampalataya niya sa Diyos ay darating din daw ang araw na makakalaya siya at hindi tuluyang tatanda na lang sa kulungan.
Malaki ang pasalamat ko kay Ka Tasyo dahil siya ang nagpakilala sa akin sa Kanya. Kung hindi dahil kay Ka Tasyo ay malamang, baka sinisisi ko pa rin hanggang ngayon ang Diyos. Malamang ay nakapatay pa ako ng tao kung hindi niya ako pinigilan at baka hindi pa ko nakalaya ngayon.
Naniniwala na ako ngayon na hindi sa paghihiganti dapat makuha ang katarungan dahil kusa ring babalik sa mga taong gumawa ng masama ang ginawa nila sa kapwa nila…

"KUYA, Kuya! Naghahanap ka ba ng trabaho? Mabilis dito sa amin! Makakapasok ka agad!" Muli akong nalapitan ng isang lalaking nagbibigay ng fliers sa kalsada tulad noon. 
"Hindi na. Kung kailangan mo ng trabaho, sana ay sa malinis na paraan mo gawin, brod. Pagpalain ka nawa ng Diyos," sabi ko saka tinapik siya sa balikat at umalis na.
Napatulala ang lalaki sa sinabi ko. Para bang nakunsensya sa ginagawa nito.
Tama nang naging tanga ako ng isang beses sa mga scam katulad ng ganoon. Ayoko nang maging suki pa.
Binulungan ko ang isang aplikante na scam ang  agency kanina. Alam kong hindi ko pwedeng pasukin ang loob ng agency at sabihan sila isa-isa na niloloko lang sila kaya hinintay ko na lang ang isang aplikante na magbanyo at binulungan ng katotohanan tungkol sa scam na iyon at siya na lang ang nagsabi sa iba pa. Sumunod naman ito at natanaw ko mula sa malayo na agad na nagsialisan ang mga aplikante sa pekeng agency.
Alam ko na mahirap ang trabaho. Lalo na para sa mga ex-convict na katulad ko. Kahit pa na napatunayan na isa akong inosente at wala talagang kasalanan sa kasong iniharap sa akin ay wala na roong pakialam ang mga employer. Basta nasangkot ka sa gulo at nakulong ay hindi ka na agad tatanggapin.
Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil palagi kong kasama ang Diyos. Siya ang tunay na nakakaalam sa lahat ng bagay. Kahit na naghihirap ka man ngayon ay siguradong darating din ang tamang araw para muli kang makabangon. Gano'n kabuti ang Diyos. May tamang oras ang lahat ng bagay para sa kanya. 
Tulad din ni Don Julio. Halos gusto ko na siyang patayin noon pero ang Diyos na rin mismo ang nagloob para maparusahan siya kaya siya naman ngayon ang nakakulong ngayon.
Si Paulina? Ang huli kong balita sa kanya ay nagkaroon siya ng aids dahil ibat-ibang lalaki na sa kulungan ang ginalaw niya.
Magkagayunpaman, isa lang ang plano ko ngayon. Ang makapaghanap ng trabaho para makauwi ng probinsya. Mamumuhay na lang ako ng simple. Iyon ang gusto ko. Marahil hindi talaga para sa akin ang Maynila.
Kanina pa ako naglalakad at ni hindi pa ako nakakain. Kaya naman naramdaman ko na lang maya-maya na nakadama ako ng hilo. Muntikan na akong mabangga ng papasalubong na kotse at mabuti na lamang at nakapagpreno agad ang nasa loob niyon. Natumba ako sa sahig at agad na lumabas ang isang babae mula sa loob.
"Mister! Ayos ka lang ba?" imbes na magalit ay nag-aalalang tanong ng babae.
Napabangon ako ng masilayan ang napakagandang mukha niya! Kamukha niya si Isabel!
Nagkatitigan kaming dalawa at napangiti sa isa't-isa na para bang kami lang ang tao sa mundo. Halos nakalimutan na namin na nasa gitna pa pala kami ng kalsada.
At doon ay nakatakdang muling sumibol ang isang bagong pag-ibig...

- WAKAS...

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

13K 550 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...
48.3K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
12K 7 80
Compilation Each of the stories are not mine, credit to the owners.
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...