* Jake's POV *
"Uy Jake, Okay ka lang?"
OO na, muka ko na di maipinta. Pshh. At ikaw na. Ikaw na hinatid nung lalaking yun.. Oyyy! Di ako nagseselos ha? Para san pa yung pag aminan namin kasi kung ibang lalaki naman pala mag hahatid o susundo sakanya.. nakakainis eh. Kk. Nagseselos na kung nagseselos.
* FlashBack *
Nandito ako sa tapat ng bahay ni Gi, para sunduin sya. Odiba, surprise muna. kaya nakatago ako.
Kaso nagulat ako, lumabas sya ng may kasamang lalaki, kaya sinundan ko. Hanggang sa nakarating kami sa School. Oh ibig sabihn, hinatid sya. May kiss pa sa Forehead. Badtrip..
Sana sinabi nya nalang na may pumoporma sakanyang iba, nakakainis eh. nag aminan kami kagabi tapos wala lang pala.
Aminan nga ba yun? Kiniss nya lang naman ako sa cheek eh. Wala naman syang sinabing iba. Jake. Wag ka kasing mag expect. Ginagawa naman yun, kahit sa mga kaibigan lang. O kaya thank you kiss sa gift mo sakanya.. Crush na agad? Komown Jake.. Topnotcher ka, wag mo ngang pairalin yang katangahan mo, nakakainis eh..
* End of FlashBack*
Oh, yan kinakainisan ko. HSSSH!
Tinignan ko lang sya. Ska lumabas ng classroom, Shet parang feel ko mag cutting..
"Anong problema nun? Rinig kong sinabi nya kay Anne.
Nandito ako ngayon sa Jolibee, Pangtanggal ng badtrip tong coke float.
Wala lang ba talaga yun? Urghh!
* Giselle's POV *
BADTRIP. Sussss! Lakas ng loob mag walk-out! Nag cutting pa, ano bang ginawa ko. Potek naman.. Nakakagulo eh. Pagkatapos nya sabihin sakin yung " I think I like you, no I think I love you" Gaganyan yan sakin ngayon? Yun ba bisa ng kiss sa cheeck ko? Shet, di na mauulit yun.. Kainis.
"Ms. Mabasa, May problema ka ba? Kanina pa kita tinatawag eh"
Ayun, bumalik lang ako sa realidad nung tinawag nga ako ng prof. Ako na lutang..
"Ugh, wala po sir. Ano po ulit yung tanong nyo?"
"Nevermind, nasagot na ni Ms. Enero"
"Sorry po Sir"
"Hmm, Oh class dismissed na! Ingat kayo sa pag uwi"
"Oh Gi, Ano bang ngyayari sayo?"
"Tara sa Jolibee, Kwekwento ko sayo"
"Mabuti pa nga"
Eto na nga kami sa Jolibee. Humanap na ng upuan si Anne, Ako umoorder.
"Dalawang cokefloat, 2 Cheeseburger, 2 Fries"
Saan ba umupo yung babaeng yun? Kainis ha! Sumasabay pa sa pagkabadtrip ko..
* Jake's POV *
"Oh Jake, First time cutting ha? Anyare? PAreho kayong lutang ni Gi, Magkwento ka nga!"
Potek, bakit ba nandito si anne? Tska ano daw pareho kaming lutang ni Gi? psh.. isang malaking Ewan.
"Eh kasi, kagabi umamin ako kay Gi, Ang sagot nya sakin ay kiss sa Cheek, Tapos kanina. Nagtago ako sa tapat ng bahay nila, para nga isurprise sya na sabay kami papasok ng school, pero potek! May naghatid sakanya, Lalaki. Humalik pa sa noo! sino di mababadtrip?"
"Ah edi nagseselos ka?"
"SHET ANNE! OO NA. SINONG HINDI? HUMALIK PA SA NOO?"
"EH T@#$%!*@ KA PALA EH! WALA KA NAMAN DAPAT IKASELOS! KAPATID KO YUN TANGA!"
"Tska Jake. Ikaw Gusto ko. T@#$%na.."