Aral ng Buhay

By LoveMoYan

13.4K 207 18

Hindi ka uupo sa isang gilid lang. Marami kang dapat malaman at matutunan.. Ito-- ang "ARAL NG BUHAY" More

Aral ng Buhay
Talents/gifts
A little things
Be a blessing
Pag galit ka
When words hurt
The Past
Walang halaga?
Lapiz words
Love?
Unanswered prayer

When Satan tempt you

719 15 1
By LoveMoYan

===★

* WHEN SATAN TEMPT YOU *

May iba't-ibang paraan si Satan na tuksuhin tayo na gumawa ng masama.

Maging mapagmasid!

Maaari nyang gamitin ang ating mga mahal sa buhay upang gumawa ng mali,

maari ka nyang i-discourage para hindi tayo makapaglingkod,

maari ka rin nyang takutin

at mag-alinlangan ka para masira ang faith.

Pero wag kang magpapatukso!

--

Ang tukso, hindi na siguro yan mawawala..

Halimbawa, yung mga barkada mo nag-iinuman, naninigarilyo, nagda drugs,

kahit saan ka magpunta may mga bar, clubs, sugalan...

at kahit nasa school ka,

nakakalusot pa rin ang mga bold na pinapanood ng mga kaklase mo pag walang guro,

-- ilan lang yan sa mga tukso at offer ni Satan,

masarap at masaya!!

Kahit saan ka lumingon, nandyan ang mga dirty tricks nya.

*may nakaiwan ng wallet, natutukso ka.

*may hubad na babae sa harapan mo, natutukso ka.

*may masarap na pagkain sa tabi mo, natutukso ka.

-- hindi na yan mapipigilan,

kahit pa taasan nyo ang presyo ng sigarilyo...

nasa tao pa rin yan kung gagawa sya ng di maganda at sisirain nya ang buhay nya.

...

Hindi mawawala ang mga tukso, nandyan na siguro yan, di mapipigilan...

pero kayang-kaya mo yang iwasan!

***

Si Satan, nanunukso lang talaga yan.

Pero hindi nya tayo pinipilit na magpakasama.

Choice mo yan kung magpapatukso ka!

Wala namang magagawa kung ikaw mismo ang naghanap ng kapahamakan mo.

Tuwang-tuwa si devil pag alam nyang nabihag ka na nya sa sariling kagustuhan mo.

It's a CHOICE..!!

Choice mo yan kung magpapakasama ka o magpapaka buti.

**

"The devil is like a roaring lion... looking for someone to devour."

-- sa mga usang nanginginain...

.. ang leon ay matiyagang nagmamasid,

kung sino ang mahina, pipilay-pilay, at kung sino ang mabilis tumakbo.

-- At kung sino sa mga usa ang nakita nyang mahina at mabagal, yun ang una nyang sisilain!

Ganun din sa tao, kapag alam ni devil na mahina ang FAITH natin at madali tayong matukso...

madali syang nakakapasok sa buhay natin at kayang-kaya nya tayong sirain!

*****

Hindi ginusto ni Lord na mapahamak tayo.

Nandyan Sya, sino ba'ng mas mahalaga sayo?

-- Laksan lang ang pananalig mo sa Kanya,

panindigan mo na may tiwala ka sa Kanya, at wag kang susuko!!

Si Satan-- wala yan!

Wala yang kayang gawin...

kasi HE IS NOTHING..!!!

Wag mo syang bigyan ng daan para maghari sa buhay mo.

-

Kay God mo lang isuko ang lahat.

"The devil doesn't know what to do with somebody who just WON'T GIVE UP."

-

Sa sandaling natutukso ka na, agad ka ng umiwas at tumakbo ka na!

Lapit ka na kay Lord, manalangin at wag kang aalis sa Kanya.

*
Wag kang matakot mag-isa, kahit sabihan ka pa nila ng "K.J."

. . pag alam na mali, wag ng gagawin.

Wag mong hayaang magkasala ka kay God.

***

"Stand for what is right. Even if it means standing alone."

Kapag si Lord naman ang pinili nating makasama,

hinding-hindi tayo mag-iisa... :)

=========★

Continue Reading

You'll Also Like

594K 4.7K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
5M 77.7K 29
With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa'...
1K 15 3
[Stand Alone Christian Story] This is not a typical love story. This is a love story between a woman and God. As the daughter of a respected pastor...
192K 4.5K 79
Started: May 3,2021 Status: Completed Finished: June 17,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong t...
Wattpad App - Unlock exclusive features