My Sweet Surrender (COMPLETED...

By AleezaMireya

89.2K 2.6K 230

Love Bites Trilogy - Book 1 (Completed) "Hindi ako over-confident, Sweetheart, I am determined. Magkaiba iyo... More

AUTHOR'S NOTE
Teaser
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 1

11.6K 281 31
By AleezaMireya

AUTHOR'S NOTE:

Hi guys! Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa story!

Pwede n'yo ring ivisit ang ibang posted stories ko. Most of them completed na. Punta lang kayo sa profile ko at sa list ng published stories ko:

1. Coffee and Cookies (Completed - approved MS under Precious Hearts)

2. Pieces of a Shattered Heart (completed)

3. Finding Mr. Right (completed)

4. Monica : Raketera (Completed)

5. My Trending Affair (Completed)

6. My Vengeful Heart

Vote and comment! Thanks!

ENJOY READING! XOXO

----------END NOTE

"Hi Shaine," nakangiting bati ni Vincent pagpasok niya sa gate. Isa ito sa mga kaibigan ng pinsan niyang si Marson. Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya, ito ay pinakapamilyar sa kanya dahil madalas ito sa bahay.

"Hello," sagot niya, pilit na ginantihan ang pagkakangiti ng lalaki. Nakapuwesto ito, ang pinsan niya at ang lima pang kaibigan ng mga ito sa teresa.

Nasa gate pa lang papasok sa bakuran ng bahay ng tiyahin ay narinig na ni Shaine ang nagkakaingay na magkakaibigan. Bumuntong-hininga siya, napailing dahil hindi niya tiyak kung anong oras matatapos ang get-together ng mga ito. Masakit ang ulo niya dahil sa pagod sa trabaho, na sinabayan pa ng lagnat. Gusto na niyang mahiga at magpahinga, pero sa naabutang eksena, hindi siya sigurado kung anong oras tuluyang makakatulog.

Hindi naman madalas mangyari ang pagkikita-kita ng magkakaibigan sa bahay ng tiyahin. Sa dalawang taon na pamamalagi niya roon ay ilang beses lang niyang nakasalamuha ang mga ito, pero hindi sapat para masabing kilala niya lahat ng kaibigan ng pinsan. Ang tanging alam niya ay pawang mga propesyonal ang mga ito. Ang iba ay may pamilya na nga. Pero nakasanayan nang magkita-kita tuwing magkakaroon ng pagkakataon.

"Shaine, tingnan mo na lang sa loob kung may natira pang meryenda. Ito kasing mga ito, parang hindi pinapakain basta si Nanay ang nagluto," wika ng pinsan niya.

"Salamat. Pero busog pa naman ako, Kuya."

Napansin niyang sa pagkikitang ito ng magkakaibigan, bote ng softdrinks at iba pang pagkain ang nakakalat sa lamesita. Wala pang bote ng alak na ipinagtaka niya. Humantong ang nag-oobserbang mata niya sa lalaki na may hawak na gitara at kumakanta pa.

Tumigil ito sa pagkanta at ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi pamilyar sa kanya ang lalaki. Kayumanggi ang balat nito, matangos ang ilong, at sa kabila nang may kalayuang distansya, napansin niya ang paghapit ng polo shirt sa matipunong balikat at braso nitong nakahawak sa gitara.

Muli itong nagpatugtog at imbes na ituloy ang kinakanta kanina bago siya pumasok sa gate, ay iba na ang tinipa. Nakangiti pa rin at hindi bumibitaw ng tingin kay Shaine ang lalaki bago nito inumpisahan ang kanta.

"Nais ko ay magpakilala sa iyo at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko, maunawaan mo kaya o baka sampalin mo lang ang aking mukha, nagdadalwang isip na. Wag na lang kaya..."

Kasabay nang biglang pag-ugong nang kantiyawan ng mga kaibigan nito ay ang pamumula ng mukha ni Shaine. Nag-iwas siya ng tingin, bumaling sa iba pang kaibigan ng pinsan at tumango bilang pagbati. Pumunta siya sa tagiliran ng bahay, doon na lang sa pinto sa likod siya dadaan para hindi makaabala sa kasiyahan ng mga ito.

"O Shaine, nariyan ka na pala," bungad ni Tiya Millie pagpasok niya sa kusina. Si Tiya Millie ay nakatatandang kapatid ng kanyang ama.

"Opo, Tiya,” sagot ni Sahine, ipinatong ang bag sa lamesa. “May mga bisita po pala tayo."

"Oo, dumating na si Euan galing Cebu kaya nagkayayaan na magkita-kita."

Pamilyar kay Shaine ang pangalang binanggit nito. Madalas niya iyong marinig sa pinsan niya. Minsan nga ay naririnig pa niya na kausap iyon ng pinsan sa telepono. Pero ngayon lang niya nakita nang personal ang lalaki. Lumapit siya sa tiyahin at nagmano.

"Aba'y mukhang mainit ka," binitawan nito ang sandok na hawak at sinalat ang kanyang noo at leeg. Umiling ito at hinila siya sa lamesa, pinaupo sa silya roon. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa'yong bata ka. Ang sabi ko sa'yo, magpahinga ka na lang ngayong araw. Hindi naman magsasara ang bangko kung mawalan man nang isang teller.”

Hindi sumagot si Shaine dahil alam niyang lalo lang siyang pagagalitan ng tiyahin. Kaninang umaga ay ayaw na siya nitong papasukin, siya lang ang nagpilit. Gumanda naman kasi ang pakiramdam niya kanina matapos makainom ng gamot kaya pumasok pa rin siya.

“Antayin mo't maluluto na itong tinola. Kumain ka muna at nang makainom ng gamot bago ka magpahinga. Sandali, kukuha ako sa itaas ng paracetamol," wika nito bago tumalikod.

Likas na malambing at maalalahanin ang tiyahin, idagdag pa na may sariling pamilya na si Ate Mylene, ang panganay na anak nito, kaya nabaling na sa kanya ang pagkasabik nito sa anak na babae. Maging ang Tiyo Nestor, si Ate Mylene at Kuya Marson ay kasundo rin niya. Tuloy ay parang siya ang naging bunso sa pamilya. May sariling water refilling stations na may tatlong branches ang mga ito na magkatulong na pinapatakbo ng kanyang mga pinsan.

Tumayo si Shaine at lumakad papunta sa eskaparate para kumuha ng pamuyod. Matapos maipuyod ng messy bun ang buhok ay yumukod siya para tanggalin ang strap ng sapatos ngunit nakaramdam siya nang pagkahilo. Napakapit siya sa dingding, pero hindi sapat ang lakas niya. Alam niya na matutumba pa rin siya kaya pumikit na lamang siya nang mariin.

Malakas na braso ang pumigil sa tuluyang pagtumba ni Shaine. Naramdaman niya ang pagsandal ng likod sa matipunong dibdib. Ang isang braso nito ay nakayapos sa kanyang bewang. Dahil nakataas ang buhok, ramdam ni Shaine sa kanyang batok ang mainit na hininga ng lalaking sumalo sa kanya. Nanoot sa ilong niya ang amoy nito. His manly, natural scent blended well with the minty and sweet aroma of his perfume.

Gumapang ang masarap na kilabot sa buong katawan ni Shaine. Ang init na nararamdaman niya ay hindi niya alam kung dulot pa rin ba ng lagnat, o dahil sa pagkakakulong sa mga bisig ng lalaki. Naramdaman ni Shaine ang pag-angat ng likod niya sa dibdib nito. Ang kasunod niyang namalayan ay ang pagbuhat nito sa kanya.

On instict ay ipinulupot ni Shaine ang mga kamay sa leeg nito dahil sa takot na malaglag. Bigla din ang pagmulat ng kanyang mga tama.

Namulatan niya ang nag-aalalang mukha ng lalaking naggigitara kanina. Sa malapitan ay mas napagmasdan niyang lalo ang mukha nito. Hindi lang pala ang ilong nito ang maganda, maging ang makapal na kilay at ang natural na mahahabang pilik-mata.

"Are you okay? Nakita kong muntik ka nang matumba. Mabuti na lang papasok ako."

Nanatili lamang si Shaine na nakatitig sa lalaki. Pinagsama-samang takot, gulat at pagkalito ang nararamdaman niya. Bahagyang umawang ang kanyang mga labi para sumagot, pero wala siyang mabigkas na salita. Bumaba ang nagsusuring mga mata ni Shaine sa mga labi nito. Dahil sa biglang pagngiti ng lalaki ay lumabas ang maliliit na biloy sa magkabilang gilid ng labi.

"I really hope I passed the screening, Sweetheart," anang lalaki.

Pinamulahan ng mukha si Shaine. Nakaramdam bigla ng hiya sa tahasang pagsusuri sa lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata at kita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito.

"Anong nagyari, Euan?" nag-aalala tanong ni Tiya Millie.

Ipinagpasalamat ni Shaine ang biglang pagsulpot ng tiyahin dahil nakawala siya sa mahikang dulot ng prisensya ng lalaking may buhat sa kanya.

"Nawalan po siya ng panimbang, Nay. Mabuti na lang po papasok ako, nasalo ko po s'ya bago pa man siya bumagsak,” paliwanag ni Euan.

"Naku! Ang batang ito. Bakit ka ba kasi tumayo? Di ba sabi ko'y ikukuha lang kita ng gamot. Siya, mainam pa'y doon ka na muna sa kwarto mo. Doon na lang kita dadalhan ang pagkain. At para makapagpahinga ka na rin," anang tiyahin bago bumaling kay Euan. "Euan, anak makikiakyat na nga siya sa kwarto niya sa taas, ikalawang pinto sa kanan."

Bahagyang manlaki ang mga mata ni Shaine, lumingon siya sa tiyahin. "Tiya, kaya ko na po. Nawalan lang po ako ng balanse kanina,” aniya, bago bumaling sa lalaking may tangan sa kanya, "Maaari mo na akong ibaba."

Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya, bago umiling at dumeretso sa hagdanan.

“Sabi ko, ibaba mo ako,” nagkaroon nang diin ang bawat katagang binitawan ni Shaine.

"Not a chance, Sweetheart. Masama pala ang pakiramdam mo, paano kung sa hagdan ka mahilo? Besides, ayaw kong sumuway kay Nanay Millie," wika nito habang patuloy sa pag-akyat sa hagdanan.

"I can take care of myself. And don't call me Sweerheart. We barely know each other," sikmat niya sa lalaki, pinipilit itago sa pamamagitan nang pagtataray ang hiyang nararamdaman.

Kahit na humahakbang ito pataas, hindi nararamdaman ni Shaine na iniinda ng lalaki ang kanyang bigat, pero hindi niya magawang bumitaw sa pagkakakapit sa leeg nito.

"Oh, I know a lot about you, Sweetheart. Trust me. And I can always introduce myself to you. I am Euan Silva, thirty years old. I have been coming in and out of this house since I'm fifteen, licensed electrical engineer, and we have our own construction firm. Kakatapos ko lang ng kontrata sa isang condo sa Cebu, kaya ngayon lang ulit ako nakabalik dito. Very much single. But now, I am not available because of you," anito na may pilyong ngiti sa mga labi.

Tumaas ang kilay ni Shaine dahil sa narinig. "What? Anong kinalaman ko sa'yo?" nanghihina siya at nahihilo, at lalo yatang sumakit ang ulo niya dahil sa lalaking ito.

Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot nito sa kanya. Nagbawi si Shaine ng tingin at lumingon na lang sa dinaraanan nila. Tumigil ang binata sa tapat ng kanyang kwarto.

"Kindly open the door, Sweetheart."

"Pwede mo na akong ibaba rito. Kaya ko nang pumasok sa loob ng kwarto," aniya sa lalaki. Bumatiw na rin siya sa pagkakakapit sa leeg nito, pero naramdaman niya ang paghapit nitong lalo sa kanya papalapit sa katawan nito, dahilan para mapatingala siyang muli sa binata.

He is trying to suppress a grin, but to no avail. "No can do. You either open the door so I can lay you down on your bed, or I will carry you here in my arms till kingdom come. You choose, Sweetheart. Either way, I will make sure you will be comfortable."

Shaine roll her eyes and grit her teeth in exasperation.

"Please, put me down," aniya sa boses na hindi naman talaga nakikiusap. Mas halata pa ang pagtataray.

"Sweetheart, that's not included on the options I gave you. You either open the door or we will stay here like this," the grin he is trying to suppress earlier is now on full display, distracting Shaine a bit with his dimpled smile and nice set of teeth. And dear Lord, that mischievous smile made her heart beat faster that before. She suddenly become breathless.

Umangat at dalawang kilay ng lalaki, bahagya pang ikiniling ang ulo, bago sumulyap sa nakapinid na pinto ng kanyang kwarto.

Naramdaman ni Shaine ang muling pagsalakay ng sakit ng ulo. Pumikit siya at nagbilang nang mabagal sa isip, habang hinihilot ng kanyang mga daliri ang nananakit na sentido. Mukhang hindi niya matitinag ang lalaking ito. Ngunit hindi siya basta-basta nagpapapasok ng kung sino-sino sa kanyang kwarto, lalo na't lalaki. Nahiling niyang sana'y umakyat nang mabilis ang tiyahin, para ito na lang ang mag-asikaso sa kanya.

"We will leave the door open. Don't worry," nawala ang pabirong tono sa boses ni Euan, ang narinig ni Shaine ay kaseryosohan sa tinig nito kaya napamulat siya.

"Gusto ko lang talagang masiguro na hindi ka na ulit matutumba," anito, muling nagtagpo ang mga mata nilang dalawa at mababakas na roon ang sinseridad.

A resigned sigh escape Shaine's lips. Naramdaman niyang totoo ang pag-aalala nito para sa kanya, kaya't naisip niyang hayaan na itong makapasok sa loob ng silid. Isa pa, gusto na niyang mahiga sa kama. Hindi dahil ayaw niyang buhat siya ng binata, kundi dahil ayaw man niyang aminin, nakakaramdam siya ng seguridad sa mga bisig nito.

At ang pakiramdam na iyon ay naghahatid sa kanya nang ibayong kalituhan. Naguguluhan siya sa mararamdaman. Ni minsan ay hindi siya nakampante na may lalaking basta lumalapit sa kanya, lalo naman ang mabuhat siya. Pero imbes na maalarma, may kakaibang init ang pumupuno sa kanyang dibdib.

Idagdag pa ang mabangong amoy na nalalangham niya mula sa lalaki, na lalong nakakapagpapagulo sa sistema niya. And her senses are in full gear! Her head maybe founding, but Shaine thinks it’s not because of her sickness. It is actually because of the presence of this man.

"Sweetheart, alam kong gusto na ring magpahinga," masuyong dagdag nito.

Bahagya siyang tumango sa binata. Pinihit niya ang seradura ng pinto ng kwarto at itinulak iyon pabukas. Marahan siyang ihiniga ni Euan sa kama. Umatras ito nang ilang hakbang at iniikot ang paningin sa loob ng kwarto, bago siya muling tiningnan. Napahinga nang malalim si Shaine nang magtamang muli ang mga mata nila ni Euan. His gaze soft, he seems so concern for her.

"Okay na ako rito. Salamat," naaasiwa si Shaine sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Tumingin siya sa pinto, ipinahihiwatig kay Euan na maaari na itong lumabas. Ngunit imbes na lumabas ay humakbang ang binata papalapit sa kanya at lumuhod sa may paanan ni Shaine.

Napabangon paupo si Shaine at sumandal sa headboad ng kama. "What do you think you're doing?" pagulat na tanong niya.

"Prince Charming can also remove the glass slippers of his Princess," Euan whispered, but enough for Shaine to hear. His playful smile is back once again, his eyes suddenly turn mischivous.

Natigilan si Shaine. Ang protestang sasabihin ay nakulong sa kanyang lalamunan. Nahahati ang kanyang pakiramdam sa pananakit ng ulo, at init na biglang nanulay sa kanyang katawan dahil sa narining niyang ibinulong ng lalaki.

"All done. Where shall I put your glass slippers, Sweetheart?” ani Euan. Muling tumayo, hawak ang sapatos na hinubad sa kanya.

Hindi na nagawang sumagot ni Shaine dahil pumasok si Tiya Millie sa kwarto. May dala itong isang tray na naglalaman ng pagkain at gamot niya.

"Maraming salamat sa pagbubuhat sa aking pasyente, anak. Ipatong mo na lang dito sa ilalim ng kama ang sapatos ng dalaga ko. Ako na ang bahalang mag-ayos n'yan mamaya. Makikisuyo na rin ako anak ng lamesita. Pakidala dito sa tabi ng kama ni Shaine," ani Tiya Millie.

"Wala pong problema, Nanay Millie," ani Euan bago sinunod ang utos ng tiyahin niya. "May maitutulong pa po ba ako, ‘Nay?"

"Wala na, anak. Maaari ka nang bumaba. Hinahanap ka na rin ng mga kaibigan mo," ipinatong ni Tiya Millie ang tray sa lamesita, bago bumaling kay Shaine. "Aasikasuhin ko muna ang itong pasyente ko. Masyaso kasing masipag. Maari namang lumiban, pero panay pa rin ang pasok sa trabaho," mayuso ang boses nito, pero halata ang paninita.

"Tiya naman e. Masama na nga po ang pakiramdam ko, sesermunan mo pa ako?" nakalabing sabi ni Shaine.

"Hindi kita sinesermunan, anak. Pinapaalalahanan lang kita," tinapik pa nito ang kamay ni Shaine. "Sige na, kain na at nang makapagpahinga ka na."

Kanina pa nararamdaman ni Shaine na hindi siya hinihiwalayan ng tingin ng binatang nanatili pa rin sa loob ng kwarto, kahit na sinabihan na ng tiyahin niya na inaantay na ito ng mga kaibigan sa ibaba. Ibinaba niya sa kama ang mga paa para bumangon. Muling humakbang si Euan palapit sa kanya. Inilahad nito ang kamay para alalayan siya sa pagtayo.

"Okay na ako. Kaya ko na. Salamat sa pagbuhat sa akin kanina," bumitaw na siya sa mga kamay nito nang maayos na makatayo.

"No problem, Sweetheart," sagot ni Euan. Pero imbes na lumayo ay nanatili lang ito sa tabi niya, halatang handa siyang alalayan kung sakaling muli siyang matumba.

"I am okay now, really. You should probably go back to your friends. Besides, narito na naman si Tiya Millie."

"Sige na, Euan, anak. Ako na ang bahala dito," pagtataboy ng Tiya Millie sa binata.

"Sige po. Kung sakaling kailanganin ninyo ng tulong ay nasa ibaba lang po ako," lumakad na ang binata palapit sa pintuan. Ngunit bago tuluyang lumabas ay humarap ulit ito sa kanya, "Get well soon, Sweetheart. I will see you soon. Really soon," ngumiti ito, bago banayad na hinila parasa ang pintuan.

May kabang biglang sumibol sa kanyang dibdib dahil sa iniwang salita ni Euan. Kailangan niyang kalmahin ang nagwawalang puso. Huminga siya ng malalim, bago humakbang papasok sa banyo para maglilinis ng katawan. Matapos makapagbihis, makakain at makainom ng gamot, ay iniligpit na ng kanyang tiyahin ang mga gamit.

"Magpahinga ka na anak," ang huling bilin nito bago isinara ang pinto.

Ipinikit niya ang mga mata at nagpasalamat na kasama niya ang tiyahin at ang buong pamilya nito. Alam niyang kaya lamang siya pinayagan ng tatay niya magtrabaho ay dahil sa pamimilit niya rito at dahil sa tiyahin siya titira. Bunso siya at solong babae pa, kaya alam niyang ayaw ng ama na mapawalay siya sa mga ito. Pero ayaw niyang maburo sa maliliit na rural bank sa Sariaya, Quezon. Kaya nang matanggap sa isang kilalang bangko at mapa-assign sa Sta. Rosa, hindi niya tinigilan ang ama hangga't hindi ito napayag.

Umipekto na ang gamot, mabawasan na ang sakit ng kanyang ulo, pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Maya-maya pa'y narinig niya ang pag-andar ng mga kotse sa ibaba. Bumangon para tingnan kung ang mga kaibigan ba ng pinsan niya ang paalis.

Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina, nagtaka siya kung bakit nagsisialisan na kaagad ang mga ito, gayong sanay siya na inaabot nang malalim na gabi ang pagkikita ng magkakaibigan.

Nakita niya si Euan na nakatayo sa tabi ng gate, kausap ang pinsan niya. Nakasukbit sa balikat ang bag na pinaglalagyan ng gitara nito. Lumakad ito palabas ng gate, palapit sa nakaparadang kotse. Bigla itong tumingala sa gawi niya. Dahil nakatapat ito sa poste ng ilaw ay kita ni Shaine nang ngumiti ang binata at sumaludo, bago sumakay sa kotse nito.

Hindi na niya natatanaw ang kotse nang bitawan ang kurtina at bumalik sa pagkakahiga. Kahit anong pigil ay hindi napigilan ni Shaine ang pagngiti. Ipinikit niya ang mga mata, ngunit muling napadilat dahil biglang lumitaw sa balintataw niya ang nakangiting mukha ng binata.

Inilapit niya ang kanyang kamay sa dibdib at pinakiramdaman ang malakas na tibok niyon. "Please. Please be still, my heart."

*******************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

MY SAVORY LOVE (Book 2) - Marson and Cheryl Lei

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

You can also FOLLOW OR ADD me on my Facebook Account:

ALEEZA MIREYA

Continue Reading

You'll Also Like

969K 33.3K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
296K 16.1K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.