END UP NOTHING.
ANDREW'S POV
ilang araw na ang nakakalipas.
wala pa din akong balita sa kanya.
hays.
tinatawagan ko at tinetext pero no response.
anu na kayang nangyayari sayo minzy?
|calling..|
MINZY.
kakasabi ko lang ah.
"hello?"
|andrew...|
umiiyak na naman sya?
"anung problema minzy?"
"psh! problema? madami ako nun. pwede ba tayong magkita?"
"sige.. "
ayan na naman sya.
nagkukunwaring masaya kahit halata namang may dinaramdam sya.
~~
6 pm.
ang tagal naman nya.
sya ang nagsabing 5:30 kami magkikita tapos 6 na.
*bEEP!BEEP!*
napatingin ako sa direksyon kung saan nakakita ako ng itim na kotse.
sya na kaya yan?
lumapit ako.
"minzy.."
"oh.. handrew.. kala ko dyi ka makakapyunta..hehehehe"
"lasing ka?"
"ako? lashing? sinong lashing.. lumabas jan.."
binuksan nya ang pinto.
"kaya mo ba?"
"oosh..-- ah.."
napatkabo ako agad.
lasing sya.
amoy sa hininga nya.
"ok ka lang?"
"hahaha! ako pa!"
ganito ba nya kamahal yung dane na yun?
na maglalasing sya para dito?
hays.
inalalayan ko sya hanggang sa makapsaok sa kotse ko.
"minzy.."
"handrew.. hansaya para uminom noh? lalo kung may problema.. hihi.."
"minzy.."
"handrew.. magkapatid kayo ni dane di ba?"
"oo.. bakit?"
"hihihi.. bakit ganun sya?"
nagsimulang magseryoso ang mukha nya.
yung mga luha sa mata nya, anytime pwede yun malaglag.
"minzy.."
"bakit sinaktan nya ko? karma ko na ba to sa nagawa ko sayo.."
"minzy! wala kang ginawa sakin.."
"andrew.. bakit ganito ang buhay? laging may balik.."
tuluyan nang bumagsak yung mga luha nya.
di ko alam kung anung dapat kong maramdaman ngayon.
"minzy, ihahatid na kita.."
"andrew.."
napatingin ako sa kanya.
"ang sakit dito.."
tinuro nya ang puso nya.
"minzy..."
"andrew..."
at nahimatay na sya.
~~
MINZY'S POV
ang..
ang sakit ng ulo..
unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
anung nangyari?
hinwakan ko ang ulo ko na masakit pa din.
nakainom ako?
nako >.<
*TOK!TOK!*
"Minzy anak.. bumangon ka na! malelate ka na nyan."
si mama.
may pasok nga pala ako.
malapit na namang magbakasyon.
"opo ma.."
bumangon na ko at naghanda.
~~
"FRIEND!!!!!!!!!!!!!!!!"
napahawak ako sa tenga ko.
di pa ko handang makarinig ng ganyang ingay.
maya-maya nasa tabi ko na si shaira.
"hai friend. i miss you. tagal mong di nagparamdam ah.."
ngiti lang ang sinagot ko.
"anong problema bez?"
*SIGH*
"wala bez.."
"ngayon ka pa nagsinungaling" >.<
ngumiti lang ulit ako.
wala pa din ata ako sa wisyo.
maya-maya nagfaflashback sa utak ko yung mga pictures..
yung mga pictures na yun..
"*SIGH*
"bez, gusto kong mapag-isa.." --ako
"bez,alam mong ayaw ko..."
napatingin ako kay shaira.
"pero kung yan ang kelangan mo.. bakit hindi? (ngumiti sya) tawagin mo lang ako pag kelangan mo ko ha.."
nagnod ako.
nagpunta ako dun sa rooftop.
yung rooftop kung saan ko unang nakita sina dane at erica na magksama.
ewan ko kung bakit dun ko gustong pumunta.
~~
malamig na hangin..
yan ang sumalubong sakin sa pag-akyat ko ng rooftop.
tahimik.
walang tao.
walang dane.
di ko namalayan ng tumutulo na naman ang luha ko.
"ilang beses ba ko dapat umiyak?" --ako.
patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko.
"ehem.."
O.O
may tao?
napalingon ako sa pinang-galingan ng boses.
anung ginagawa nyan dito?
ERICA'S POV
ilang araw ko ng di makontak si dane.
anu kayang nangyari dun?
kahit nagpaalam na sya sakin dahil mahal na daw nya yung minzy girl na yun, di ko pa din sya kayang iwanan.
baka sakaling nasa rooftop sya.
hays.
sana lang.
napatigil ako nung mapansin kong bahagyang bukas ang pinto.
may tao?
sana si dane.
"ilang beses ba ko dapat umiyak?"
nagulat ako.
babaeng boses yun ah.
sumilip ako.
nakatalikod sya.
peri rinig kong umiiyak sya.
"ehem.."
nagulat ako sa paglingon nya.
anung ginagawa nya dito?
"ikaw pala yung naririnig kong umiiyak?"
nagpahid sya ng luha nya.
"anung ginagawa mo dito?" --minzy.
"pumapayat ka ata? di ka kumakain?"
"h..a..ha?"
nagulat ata sya sa tanung ko.
o bingi lang talaga sya? >.>
"pumuputla ka din? anung meron?"
"ah.. eh.. wala.."
nagpahid na naman sya ng luha.
dalawa lang yan eh.
"is it andrew or.."
napatingin sya sakin.
"dane?"
on cue ang luha nya.
bumagsak yun.
dahil kay dane?
kala ko ba kay andrew to?
"magkaaminan nga tayo.."
patuloy pa din sya sa pagpahid ng luha nya.
di ko alam kung maaawa ba ko o anu.
"may namamagitan na sa inyo ni dane di ba?"
pinanatili kong sarcastic ang boses ko.
kahit pang alam kong manghihina ako sa sagot nya.
"ah.. eh.. erica, wag kang mag-alala. tapos na din naman yung samin ni daniel eh.."
daniel?
WTF!
DANIEL?
"alam mo bang mga kapamilya nya lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan?"
nakita ko ang pagkagulat sa mata nya.
"ah.. eh.. ni dane pala.."
"anung nangyari?"
tumingin sya sa ibang direksyon.
"Wala na erica.. wala na.."
kasabay ng mga salitang ito ang luha nya...