Ang Syota Kong Astig! (Publis...

By Sweetmagnolia

24M 405K 101K

This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billi... More

ANG SYOTA KONG ASTIG!
Prologue
[1]BLAKE'S DAY
[2] GIRLFRIEND ON DUTY
[3] MEET MY WOMAN
[4] RECIPE OF HAPPY HEARTS
[5] LIFE AFTER NEW JERSEY
[6] BREAKING PROMISES
[7] HIDE AND SEEK
[8] TAMED GIRL GONE FIERCE AGAIN
[9] SELF-REFLECTION
[10] THINGS TO DEAL
[11] THE RETURN OF A FRIEND
[12] GIRLS NIGHT OUT
[13] THE ART OF WHITE LIES
[14] GIRLFRIENDS CONSPIRACY
[15] WOMEN AROUND HIM
[16] TRUST AND NEGLIGENCE
[17] PARTIALLY DEVOTED TO YOU
[18] WHEN THINGS GO RIGHT AND WRONG
[19] He's Into Her
[20] I Know It All
[21] The Past That Haunts
[22] A Whole New Fight
[23] Facing the Tiger's Eye
[24] Bad Rescue
[25] The Lost Love of the Lost Soul
[26] His Fragile Heart
[27] One Step Away From Pain
[28] The Unlikely Encounter
[29] New Rules for the Old Role
[30] Into Her Realm
[31] A Day of Bizarre Love Expression
[33] The Untouchable Ex
[34] Room for Temptations
[35] The Divine Story
[36] Unbeatable Hearts
[37] The Flavors of Love
[38] The Discoveries
[39] She Wants It Back
[40] Her Own Move
[41] The Root of All Evil part 1
[41] The Root of All Evil (Part 2)
[42] The Best Part of the Day (Final)
Epilogue

[32] Digging Inside Her Heart

508K 9.1K 3.6K
By Sweetmagnolia

     

                                                                    ••••••

"Anong nakain mo? Bakit dito ka na sa harap umuupo?" sarkastikong tanong ni Alex sa katabi habang nagmamaneho at nakatingin ng diretso sa daan.

"Nakain ko?" kunot-noong bigkas ni Blake tapos kunway nag-isip ito ng ilang saglit. "Hmmmm...." saka tumingin sa mga labi ng dalaga. "Last night, I tasted my favorite dish that's why I'm in a very good mood today."

"Alin dun? Parang hindi mo naman paborito yung inorder mong pagkain kagabi ah," inosenteng sabi ng dalaga.

"Who said I tasted it during the dinner?"

"Kumain ka pa ba pagdating sa bahay kagabi?"

"Nope."

Naguguluhang lumingon si Alex sa katabi at nahuli niyang nakatingin ang lalaki sa mga labi niya. Dali-dali niyang binawi ang mga mata at itinuon muli ang mga ito sa daan. Lumunok siya habang nararamdaman ang unti-unting pag-init ng kanyang mukha.

"Do you want to know what kind of food I tasted?" wika nito nang may nang-aakit na tono. "It's something soft...sweet...luscious...and something I hadn't tasted for a while."

Humigpit ang pagkakahawak ni Alex sa manibela habang ramdam ang lumalakas na kabog ng kanyang dibdib. Pasimple siyang tumingin sa salamin upang alamin kung namumula na ba ang mga pisngi niya.

"K-Kendi yata yang tinutukoy mo eh," kunwari ay natatawang sagot niya habang pinipilit magpatay-malisya.

"It's better and sweeter than any candies," napapakagat sa mga labing sabi pa nito.

Umayos ng upo si Blake at medyo pomormal nang mahalatang hindi na komportable ang dalaga. Tumahimik siya ng ilang sandali ngunit maya-maya lamang ay hindi niya na naman napigilan ang sarili sa ginagawang pang-aasar sa babae. Tuwang-tuwa siya sa tuwing nakikita ang pamumula ng mga pisngi nito. Ito yung mga reaksiyon ng isang Alex na hindi niya rin gaanong nakita kahit noong magkarelasyon pa sila.

"By the way kaya ako naupo dito dahil gusto kong pag-usapan yung pinanood nating movie."

Napamenor ang babae sa sinabi niya. Ngumiti ito ng pilit at naasiwang tumingin sa kanya. "Ano naman ang dapat nating pag-usapan tungkol doon?"

"The story, if it's good or bad," napapakibit-balikat na sagot niya.

Natawa ang dalaga ngunit pansin niyang unti-unti na uling namumula ang mga pisngi nito kaya't pasimpleng gumuguhit na naman ang ngisi sa kanyang mga labi.

"A-Ano naman ang masasabi ko tungkol dun eh tinulugan ko nga di ba?"

"Are you sure you were sleeping the whole time?"

Napalunok muna ang babae at saka ito taas-noong humarap sa kanya. "Oo sigurado ako!"

"Hindi ka nagising even for a while?" ngingisi-ngisi pang sabi niya.

"Hindi! Bakit ba pinagdidiinan mo yang tanong na yan? May problema ba kung nakatulog ako? Pipili-pili ka din lang ng pelikula yung nakakaantok pa!" matapang na sagot ng babae habang nakatingin ng diretso sa kalsada.

Kaunting hirit na lang ng binata ay pagpapawisan na ng malamig si Alex. Nakakailang lunok na siya sa biglang panunuyo ng lalamunan. Parang gusto niyang lumaklak ng isang galong tubig upang mabawasan ang ingay ng kanyang dibdib. Kailangan niyang kumalma, hindi siya puwedeng mahuli at lalong di siya pwedeng umamin.

Ang totoo ay nagising siya sa halik ni Blake. Sa una akala niya'y nasa loob lamang siya ng isang magandang panaginip. Ngunit unti-unti siyang nagising nang maramdamang parang totoong-totoo ang lahat. Nag-uumpisa pa lamang siyang magmulat ay naaninag niya agad ang napakalapit na mukha ng binata. At kung bakit nakayakap siya dito habang magkalapat ang kanilang mga labi ay hindi niya alam. Hindi niya itinuloy ang pagmulat at mabilis na nagkunwaring walang kamalay-malay sa lahat. Napakahirap ng kanyang pinagdaanan at kung papaano niya nagawang panindigan ang pagtutulug-tulugan ay hindi niya lubos maisip.

Sa mga sandaling lumilikot ang mapangahas na mga labi ni Blake, nagsusumigaw ng pananabik ang kanyang dibdib, hinang-hina ang kanyang mga tuhod at ramdam na ramdam niya ang pagdaloy ng malakas na kuryente sa buong katawan. Gustung-gusto niyang gumanti at lasaping muli ang mga halik ng binata na hindi niya inasahang matitikmang muli. Subalit habang pilit nilalabanan ang damdamin, paulit-ulit niyang pinaalalahan ang sarili...na huwag siyang gagawa ng isang bagay na hindi niya kayang panindigan ang magiging resulta.

Kahapon, sa ipinakita't ipinaramdam sa kanya ni Blake buong araw, napakasarap isiping walang nagbago sa pagmamahal sa kanya ng dating kasintahan. Ngunit hindi ito ang dapat mangyari. Mas gusto niyang papaniwalain ang sarili na pinaglalaruan lamang siya nito at totoo ngang nakawala na ito sa sakit na ibinigay niya. Na unti-unti nang natutunan nitong burahin ang nararamdamam para sa kanya. Mas matatanggap pa niyang gantihan siya nito kaysa mahalin ulit siya. Ang pagbabalik niya sa tabi nito ay para sa kanyang tungkulin at hindi para magkaroon sila ng pagkakataong bumalik sa dati. Kaya hangga't maaari ay ginagawa niya ang lahat upang huwag iparamdam dito ang totoong laman ng kanyang dibdib. Ayaw niyang umasa ito sa isang bagay na hindi niya pa kayang ibigay.

"Alex your taking the wrong turn! This is not the way to my office."

Natigilan siya sa seryosong pag-iisip.

"May dadaanan lang tayo," maiksing sabi niya.

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Again?!"

"Madali lang ako."

"Alex kailangan ko na bang baguhin ang oras ng pasok ko para sayo?!" sarkastikong tugon ng binata.

"Hindi naman ito mangyayari araw-araw, nagkataon lang talaga na kailangan kong pumunta doon ngayon."

"You better true to your words or else I will find someone better than you who can respect my time too."

Sumagot ng ngiwi si Alex. "Puro ka banta, sige nga gawin mo! Gusto mo ngayon na eh."

Nawala ang mga lukot sa noo ni Blake. "Can't you read between the lines? In short I'm saying okay," napapalunok na sagot nito.

"Takot ka naman pala eh," mahinang sabi ng dalaga at sabay irap sa kausap.

Nagtaka lalo si Blake nang kinabig ni Alex ang manibela papaliko sa isang McDonald drive-thru.

"Isang bigmac meal, spaghetti at 2 pc chicken," order ng babae sa may speaker.

Nanlaki ang mga mata ni Blake. "Y-You're still hungry? Ang dami mo ng nakain na breakfast ah."

"Hindi ito para sa akin."

"Four hundred seven pesos po ma'am."

Dinukot ni Alex ang wallet ngunit natigilan siya nang makitang isang buong singkuwenta at bente pesos na lang pala ang laman nito. Nahihiyang tumingin siya kay Blake na noon ay nakatitig sa kanya at sa wallet niya.

"Tsk,tsk,tsk..." napapailing na tugon nito. "You haven't change. Hindi mo pa rin iniintindi kung may laman ba ang wallet mo o wala."

"Ah...eh akala ko kasi..."

"Don't bother to explain."

Dumukot ng pera si Blake sa sariling wallet at inabot ang bayad sa naghihintay na crew.

"S-Salamat," wika ni Alex nang may napapahiyang ngiti.

Pagkagaling magtake-out sa naturang fast food, dumiretso ang dalawa sa hospital kung saan nakaconfine si Aling Cresencia.

Tahimik na sumasabay lamang sa paglalakad si Blake kay Alex. Bitbit  ng babae ang tinake-out na mga pagkain. Hindi man lang ito nagbitiw ng kahit konting paliwanag kung bakit sila naroroon sa isang hospital. Binabaybay nila ang pasilyo ng hilera ng kuwarto ng mga pasyente. Nagbukas ang isa sa mga pinto at lumabas dito ang isang matabang batang lalaki. Nagliwanag ang mukha nito pagkakita kay Alex.

"Officer!" ngiting-ngiting tawag nito at sabay takbo papalapit sa dalaga.

Yumakap ang bata sa beywang ni Alex at pagkuwa'y sumabay sa paglalakad sa kanila nang nakahawak pa rin sa braso ng babae. Nagsalubong ang mga kilay ni Blake habang naniningkit ang mga matang tinititigan ang mga nakakapit na kamay ng bata sa braso ng dating kasintahan.

"May pasalubong ako sayo. Yung paborito mong burger at spaghetti," masayang sabi ng dalaga.

"Yehey!" napapatalon pang tugon ng bata.

Pumasok sila sa loob ng isang pribadong kuwarto at doon ay nakita ni Blake ang isang nakahiga at walang-malay na matandang pasyente. Nakaoxygen ito at may tubo sa bibig.

"W-Who is she?" napapatangang tanong niya.

"Si Aling Cresencia, ang janitress ng tinitirhang condo ni Grace."

"W-What happened to her?"

"Siya yung witness ko na nabaril," maiksing paliwanag ni Alex.

"Who did this to her?" tanong ng binata habang tinitingnan mula ulo hanggang paa ang comatose na matanda.

Ngumisi si Alex at tumingin sa nagugulat na kasama. "Malamang ang taong pumatay kay Grace na siya ring nagpapatay sayo."

"B-But why would that person do that to an old woman?"

"Huwag mo ng alamin. Mahabang kwento, ang intindihin mo na lang ay kung papaano mag-iingat para sa sarili mo." Tumingin si Alex sa kasamang bata at iniabot dito ang dalang mga pagkain.

"Val, nasaan ang kuya mo?"

"Umuwi po muna ng bahay para labhan yung marurumi naming damit."

"Ganun ba? O tirhan mo siya niyan ha."

"Opo."

Pinatong ni Val ang mga pagkain sa mesa at kinuha sa supot ang malaking burger, kumagat dito at nagdududang tiningnan si Blake habang ngumunguya.

Mahinahon namang naupo si Blake sa isang tabi at maya-maya lamang ay napansin niya sa isang side table ang bungkos ng pamilyar na mga rosas na nakalagay na sa flower vase. Nahuli siya ni Alex na nakatingin dito at agad na tiningnan niya ang babae ng masama. Napapahiya itong sumagot ng ngiti sa kanya.

"Nasa working desk mo pala ha!" madiing singil niya.

"Ah n-naisip ko lang na mas magandang dito ko siya ilagay para makagaan ng atmosphere ng kuwarto. At least dito mas may pakinabang siya, pampagood vibes. T-Tutal madalas naman akong pumupunta dito kaya parehas din lang," pagsusumikap magpaliwanag nito.

Tumahimik si Blake at pinagmasdan na lamang ang dalaga. Nililinisan at minamasahe nito ang pasyente. Naalala niyang ito ang nabaril na binanggit ni Alex noong bigla na lamang itong sumulpot sa Golden Pacific na tila wala sa sarili. At umpisa nga nang araw na iyon, napakalaki na ng pinagbago ng babae hanggang sa tuluyan na ngang masira ang kanilang relasyon.

Habang tinitingnan niya si Alex sa pag-aasikaso nito sa matanda, napansin niya ang nakatagong galit sa mga mata nito. At sa bawat malungkot na sulyap nito sa comatose na pasyente, nababasa niya ang paninisi nito sa sarili. Unti-unting nagkakaroon ng linaw sa kanya kung bakit siya nito nagawang saktan. Ito ay maaring dahil sa nagkapatung-patong ng mga responsibilidad na iniatang nito sa sariling mga balikat. Tiyak na iniisip ng babae na nasa sitwasyon ito na hindi na nito kayang pagsabayin ang trabaho at ang relasyon.

Sa loob ng ilang araw na pagbalik nito sa kanyang tabi, may isang bagay siyang unti-unting nakikita sa pagkatao ng dalaga na hindi niya nabigyang-pansin sa loob ng apat na taon. Ngayon ay dahan-dahan niyang nauunawaan ang puso nito bilang pulis at bilang ordinaryong babaeng may kakaibang pagmamalasakit sa kapwa. Ang Alex na nakarelasyon niya ay isang babaeng noon ay tila umiikot lamang ang mundo sa kanya at sa relasyon nila.

"Pasensiya ka na Blake, sandali lang ito. Sabi kasi ng doktor dapat madalas daw minamasahe si Nanay Cresencia para manatiling maayos ang circulation ng dugo niya. Kaya hangga't maari ay naglalaan ako ng oras para dito."

"Go ahead. Take your time. I'm not that busy this morning."

"Salamat."

Napalingon si Blake sa batang kanina pa nakatitig sa kanya ng masama habang namimilog ang magkabilaang  pisngi sa nginunguyang burger.

"Who is this kid?"

Ngumiti si Alex at tumingin sa bata. "Si Val. Apo ni manang. Val, si Tito Blake nga pala."

Natigilan si Blake nang makitang palihim na dinilaan siya ng bata. Tiningnan niya rin ito ng masama at nang makitang hindi nakatingin sa kanila si Alex ay ginantihan niya rin ito ng dila.

Lumapit sa kanya ang bata at naupo sa tabi niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tumingin ito kay Alex na noon ay wala na ang atensiyon sa kanila dahil abala na sa paglilinis sa katawan ng matanda.

"Sino ka? Bakit kasama ka ni officer? Ano ka niya?" pabulong na mga tanong nito.

Lumukot ang noo niya sa nagdududang tono nito. "She's my wifey," bulong niya rin.

"W-wifey? Ano yun?" mahinang-mahinang tanong ulit ng bata at sabay kagat sa burger.

"Asawa."

Sumimangot ang kausap na animo'y matanda kung makaasta. "Sinungaling ka. Wala pang asawa si officer."

"I'm her boyfriend."

Napapahawak sa tiyan na humagikhik ng mahina ang bata. "Boyfriend daw oh!" sabay tiningnan siya nito sa mukha. "Eh ang pangit-pangit mo naman. Ako kaya ang boyfriend ni officer, mas gwapo kaya ako sayo hahaha!" dagdag tawa pa nito.

Hindi niya natiis ang sarili na huwag patulan ang kausap. Kaya pala kanina pa mainit ang dugo niya dito dahil isa itong kakumpetensiya. Walang pasabing inagaw niya ang kinakain nitong burger.

"Don't eat! I'm the one who paid for this."

Nagulat ang bata at napanganga ito. Maya-maya lang ay dahan-dahang lumungkot ang mukha nito hanggang sa bigla na lang itong umatungal ng iyak.

"WAAAAAAAAAH!"

Nataranta si Blake. Inakbayan niya si Val at palihim na tinakpan ng kamay ang ngumangawang bibig nito.

"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Alex.

Agad na tinanggal ng binata ang kamay sa bibig ng bata at ngumiti sa nagtatakang babae.

"Ahh I think we had a misunderstanding," palusot niya.

"WAAAAAAH! Kinuha niya yung burger ko!"

Hinigpitan ni Blake ang pagkaka-akbay sa bata. Pagkuway kinabig ito papalapit at nakangiting ginusot ang buhok.

"I'm just telling him that these kind of foods are not good for him. Most of the foods from fastfoods are unhealthy kaya hindi siya dapat pinapakain nito."

"WAAAH! Wala ka namang sinabing ganyan! Nagalit ka lang kasi sinabihan kitang pangit. Waaah! Akin na yang big mac ko."

Walang magawang isinauli ni Blake ang pagkain at pagkatanggap dito ni Val ay agad na tumakbo ito papalapit kay Alex. Nagpapakamping yumakap ito sa beywang ng dalaga at muling tiningnan ng masama ang binata. Dumila ulit ito. Gumanti rin ng masamang titig si Blake at senenyasan ang batang tanggalin ang pagkakayapos kay Alex.

"Blake ano ka ba? Pati ba naman bata pinapatulan mo!" saway ng dalaga.

"He's the one who started it," pagtatanggol ni Blake sa sarili.

"Sige na Val, lumapit ka na ulit sa kanya. Palabiro lang talaga yan si Tito Blake."

"Ayoko po sa kanya kasi sabi niya siya daw ang boyfriend niyo. Eh di ba ako ang boyfriend niyo?"

"See!" sabat ni Blake. "How can I like that kid?"

Pinandilatan muna ni Alex ang binata at pagkatapos ay nakangiti namang humarap sa nakasimangot na si Val. "Sige pag hindi kayo nagbati, wala akong pipiliin sa inyong dalawa," may lambing na sabi niya sa bata.

Napaisip si Val at ilang saglit lang ay napipilitan ulit itong tumabi kay Blake. Hindi muna nagpansinan ang dalawa ngunit pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nagtaka na lamang si Alex dahil nagkukulitan na ang mga ito. Tawa na ng tawa ang bata at mukhang tuwang-tuwa na ito kay Blake. Napapailing na lamang na bumalik sa ginagawa ang dalaga.

"Promise Tito Blake ibibili niyo ako araw-araw ng burger at spaghetti!"

"Promise. Araw-araw meron kang special delivery dito."

Kumislap ang mga mata ni Val habang ini-imagine na ang mga pagkaing darating para sa kanya.

"Alam niyo hindi po totoong pangit kayo. Ang pogi-pogi niyo nga ho para kayong artista. Bakit po si officer ang girlfriend niyo? Bakit hindi na lang si Anne Curtis?"

Natawa si Blake. "Sino bang mas maganda? Si Captain Valdemor o si Anne Curtis?" bulong niya sa mausisang kausap.

Lumapit si Val sa tenga niya para sagutin din siya nang pabulong. "Tinatanong pa ba yun? Siyempre si Anne Curtis."

"Eh sinong mas gusto mo, si Officer o si Anne Curtis?" natatawang tanong ulit niya.

"Tinatanong pa po ba ulit yun? Siyempre si Officer."

Tumawa ulit si Blake. "Then yan din ang sagot ko kung bakit siya ang girlfriend ko."

"Pero totoo bang boyfriend ka niya? Jinojoke nyo lang ata ako. Sabi ni officer, kaibigan ka lang daw niya."

"Nagpapakipot lang yan," mahinang-mahinang bulong ni Blake habang parehong nakatingin ang mga ito sa walang kamalay-malay na babae.

Humagikhik ang bata. "Si officer nagpapakipot pa, eh hindi naman siya singganda ni Anne Curtis."

"Shhh... huwag kang maingay baka marinig ka. Sekreto lang natin yan ha."

Tumango si Val.

"Kaya matyagan mong mabuti yan si officer. Kapag may isinamang ibang pogi yan dito na hindi niya naman kasama sa trabaho, isumbong mo agad sa akin."

"Aprub!" sagot ni Val.

"Pag naging magaling kang bantay ko, hindi lang pagkain ang ibibili ko sayo, pati laruan bibigyan kita. Okay ba?"

"Okay na okay!" sabay na napaisip ang bata. "Madami po ba kayong pera Tito Blake? Kaya okay lang sa inyo na bumili sa McDonald araw-araw," inosenteng tanong nito.

"Hmmm. Let's say na mas marami akong pera kaysa kay Officer Valdemor."

"Marami din pong pera yan dati si officer kaya lang baka naubos na. Siya kasi ang nagbabayad sa lahat ng gastos ni lola dito sa hospital. Binibigyan niya rin po si Kuya ko ng pera para panggastos namin sa bahay at school."

Natigilan si Blake sa narinig. Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ay napatingin siya kay Alex na noon ay katatapos lamang sa ginagawa. Lumapit sa kanila ang babae at binigyan sila nito ng nagdududang tingin.

"Kanina pa kayo nagbubulungan diyan. Nakakahalata na ako ha. Pinagtsitsismisan niya ba ako?" nakapamewang nitong sabi.

"Naku hindi ho! Wala po kaming pinag-usapang secret!" mabilis na depensa ni Val.

"Tara na Blake," yaya ni Alex. "Val huwag mong iwan ang Lola Cresencia hanggat di dumarating ang kuya mo. Pag may emergency...."

"punta po agad ng nurse station,"dugtong ng bata.

"At pag may umaaligi-aligid na hindi kilalang tao ay..."

"magsarado at maglock lagi ng pinto. Paulit-ulit niyo na pong sinasabi yan," napapakamot sa ulong tugon ni Val.

"Pinapaalala ko lang baka makalimutan mo pag nawili ka sa paglalaro," katwiran ni Alex. "Sige na aalis na kami."

"Bye po! Thank you sa pagkain. Ingat po kayo," masayang paalam ni Val habang kumakaway.

"We're leaving now," sabay palihim na kumindat si Blake sa bata bago tuluyang lumabas ng pintuan.

Nangingiting gumanti rin ng kindat ang bata at nagthumbs-up pa.

"Anong nangyari? Bakit biglang nagbago ata ang ihip ng hangin sa inyong dalawa ni Val?" tanong ni Alex pagkalabas ng kuwarto.

"I suddenly felt pity for him."

"Dahil ba sa lola niya?"

"Nope. Because nakikinita-kita ko na kung ano ang hirap na pagdadaanan niya in the future sa tuwing maiisip niyang ikaw ang kanyang first crush. Tsk,tsk bad memories," ngingiti-ngiting sagot ng binata.

Gumanti ng simpleng irap si Alex sa biro ng lalaki.

"But seriously, he's a cute kid who's trying to act like a grown-up man," dagdag ni Blake.

"Buti nga ganyan na siya ngayon. Dati kasi laging malungkot yan dahil napaka lola's boy. Nakapag-adjust na rin sa sitwasyon. Nagulat nga ako nang malamang ganyan pala kakulit at kamasayahin ang batang yan."

"I heard he has a kuya."

"Oo. Thirteen years old pa lang yun pero sobrang matured na. Siya kasi nag-aalaga kay Val at lumaki ring independent."

"But does he like you too?"

Tumingin ng matapang si Alex sa binata. "Ikaw pati mga bata pinapatulan mo!"

"Wala akong iniisip na masama. Concern lang ako sa kanila," tatawa-tawang katwiran ni Blake.

Sa gitna ng kulitan ng dalawa habang naglalakad papalabas ng hospital ay naalala ni Alex na may kukunin nga pala siyang bill kaya dumaan muna sila ng cashier. Pagkatanggap ng listahan ng mga babayaran, agad na bumagsak ang balikat ng dalaga sa panlulumo. Malaking halaga na naman ang kailangan niya. Kulang pa ang perang hawak niya kaya't kailangan na namang mag-isip kung saan kukuha ng ipandadagdag.

"What's wrong? Ano yan?" tanong agad sa kanya ni Blake pagkakita sa problemado niyang mukha.

Dali-dali niyang itinupi ang hawak na papel at isiniksik sa bulsa ng jacket. "Wala ito. Kinuha ko lang yung listahan ng mga gamot ni Nanay Cresencia," kunway nakangiting wika niya.

Itinuloy nila ang paglalakad ngunit bigla siyang huminto nang may ideyang pumasok sa kanyang isipan.

"May dadaanan ka pa rin?" may reklamo ng tono ni Blake.

Umiling si Alex. Tumitig siya sa binata habang unti-unting tumataas ang isang sulok ng kanyang bibig. Nangislap ang kanyang mga mata. Meron na siyang naiisip na paraan kung papaano magkakapera.

                                                          -----

"LUMAYAS KA! Di ba sabi ko sayo, huwag na huwag kang tutuntong sa pamamahay na ito hanggat di tumitino yang utak mo!"

Kinukurot-kurot ni Sylvia ang dalagang anak habang itinutulak ito papalabas ng kanyang kuwarto.

"Aray Ma! Ma naman sorry na, sige na naman oh. Patawarin niyo na ako pleaseee," pagmamakaawa ni Alex habang panay iwas sa mga palo at kurot na dumadapo sa kanyang katawan.

Umatras papalabas ng kuwarto ang dalaga ngunit sinundan ito ni Sylvia para habulin pa rin ng mga kurot sa tagiliran.

"Anong patawarin ang pinagsasabi mo! Tandaan mo kapag di ka tumitigil sa kalokohan mong yan, aabutan mo na lang akong isa ng malamig na bangkay sa pangungunsumi sayo!"

"Ma aray! Nakakadami na kayo ng sakit ah!"

"Nagrereklamo ka sa sakit! Pero sa bala at mga bugbog hindi ka natatakot!"

Patuloy sa pag-atras si Alex ngunit  patuloy din sa pagsugod ang nanggagalaiting ina.

"Ang ganda-ganda na ng buhay mo pero mas pinili mong magpakabaliw! Sinayang mo ang isang matino at normal na buhay na dapat sana ay naghihintay para sayo! Ipinagpalit mo ang lalaking mapapangasawa mo, ang pamilya mo at ang katahimikan ng lahat dahil lamang mas pinili mong magpakamatay diyan sa trabaho mo! Anong pakiramdam mo, magkakaroon ka ng monumento sa pag-aasal bayani mo?!" sabay hampas ulit ng ginang sa dalaga.

"Aray ko naman Ma! May sasabihin ako kaya ako pumunta dito. Makinig naman muna kayo!"

Umabot ng hagdan sa kakaatras si Alex. At pagdating doon ay nagulat si Sylvia nang mamataan kung sino ang nakaupo sa living room. Tumayo ito pagkakita sa kanya.

"B-Blake?"

"H-Hi Tita," tensiyonadong sagot ng lalaki.

Napatanga ng ilang sandali ang ginang at nagtatakang tumingin sa anak. "Anong ibig sabihin nito? B-Bakit magkasama kayo?"

Ngumiti si Alex. "Yan na nga ang sasabihin ko sa inyo Ma! Okay na ho kami ni Blake. Inaayos na ho namin ang problema," masayang balita nito.

Pansamantalang natulala ang ginang.

"Kaya Ma please naman oh, huwag niyo ng ipahold yung isang bank account ko," pagsusumamong dugtong ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Sylvia at bigla itong nagduda dahil sa huling sinabi ng anak. Bumaba ito ng hagdan at lumapit kay Blake.              

"Totoo bang nagkabalikan na kayo ni Alex?" tanong nito habang naghahalo ang pagdududa at sayang nararamdaman.

"Ah-eh..." tumingin si Blake kay Alex na noon ay sinesenyasan siya ng tango. "H-Hindi po." pagbabalewala niya sa dalaga.

Agad na nawala ang nagbabantang ngiti sa mukha ng ginang. Sa halip ay tumapang lalo ang mukha nito.

"Kung ganun ba't nandidito ka ngayon?"

"H-Hindi ko rin po alam...Basta na lang po ako isinama ni Alex dito."

Tumaas ulit ang presyon ni Sylvia at nanggalaiting lumapit ito sa anak. Muli nitong pinaghahampas at kinurot ng mas malakas ang sinungaling na dalaga.

"ARAY! ARAY MA!" nagpupumiksing sigaw ni Alex.

"Wala ka talagang kahihiyan! Pati ang taong iniwanan mo nagawa mo pang gamitin ngayon!"

"Aray!"

"Akala mo hindi ko alam yang tinatakbo ng utak mo Alexandra! Gumagawa ka lang ng paraan para makuha mo yang perang inilaan namin ng Daddy mo para magamit mo sa tamang panahon! Pero anong gusto mong mangyari ngayon? Nagmamakaawa ka upang makuha ito para ubusin lamang sa pangkakawang-gawa mo! Tandaan mo magagalaw mo lang ang perang yun kapag tuwid na yang takbo ng isip mo!"

"Aray Ma. Tama na ho!"

"Halika gusto mong maging bayani, pwes pumunta tayo ngayon ng Luneta! Doon ipapafiring squad na lang kita!"

"Aray!"

"Kanino ka ba nagmana sa katigasan ng ulo!"

"AHHH! Ma aray, somosobra na kayo ah! Child abuse na yang ginagawa niyo!"

"Anong child abuse ang pinagsasabi mo?! Matanda ka na, ang utak mo lang ang hindi tumatanda sayo! Nagrereklamo ka sa sakit, di ba ito yung gusto mo?! Yung binubugbog ka! Yung nasusugatan ka! Yung duguan ka!"

Napapalunok si Blake habang pinapanood ang pananakit na ginagawa ng nanggalaiting ginang. Kanina pa niya gustong umawat ngunit naiintindihan niya ang dahilan ng ikinagagalit ng ina ng dalaga. Normal lamang sa nag-aalalang magulang na ipahayag ang totoong nararamdaman nito. Isa pa ay wala siya sa posisyon para makialam sa dalawa.

"ARAY MA! Tama na sabi. Sige saktan niyo ako hanggat gusto niyo pero sa isang kondisyon, Bayaran niyo bawat hampas niyo ha, tutal ayaw niyo namang ibigay ang pera ko."

"Ah ganun! Sige hahampasin na kita hanggang sa malumpo ka para hindi ka na makalabas ng bahay na ito! At lulumpuhin kita sa harap mismo ng lalaking hiniwalayan mo! Nagkabalikan pala ha? Sinong lolokohin mo!"

"Wala naman akong sinabing nagkabalikan kami! Ang sabi ko okay na kami! Aray!"

Hindi rin nakatiis si Blake na huwag makialam. Iniharang niya ang sarili sa gitna ng magnanay nang muli na naman sanang hahampasin ng ina ang anak.

"Tama na ho Tita. Alex is telling the truth. Although we're no longer in a relationship but we're okay now."

Hinihingal na tumingin si Sylvia sa umaawat na binata.

Akala ni Blake ay hihinahon na ito dahil sa sinabi niya ngunit kabaliktaran ang nangyari. Sa halip, pati siya ay nadamay sa galit nito.

"Isa ka pa! Pinayag-payagan mo itong si Alex na bumalik diyan sa dati niyang trabaho! Kung sinunod mo ang payo kong buntisin na yan di sana nag-aalaga na lang yan ng bata ngayon sa halip na nakikipaghabulan na naman sa mga bala! Tingnan mo ang nangyari! Iniwan ka niya! Ininsulto at sinaktan ka na niyang lahat tapos ngayon nagpapauto ka na naman!"

"Hindi naman ho sa ganun Tita. But I'm starting to understand her now. She has her reasons why she did what she did."

"Pwede ba huwag mo nang ipagtanggol ang pagkakamali ng babaeng yan! Dahil kahit anong gawin mo hindi ka niyan babalikan! Hanggat hindi yan umaalis sa kinababaliwan niyang trabaho, parating magiging kumplikado ang buhay niyan at hindi mauubos ang listahan ng mga taong gusto niyang ipagtanggol! Ganyan-ganyan din yan dati!"

Umayos ng tayo si Alex at nagseryoso na nang mahalatang si Blake na ang pinagbubuntunan ng galit ng ina. "Tama na yan Ma. Aalis na ho ako. Babalik na lang ulit ako sa ibang araw," sabay hila niya sa braso ng binata papalabas ng bahay.

"SIGE BUMALIK KA NA DIYAN SA PINAKAMAMAHAL MONG TRABAHO! AT UMUWI KA NA LANG DITO KAPAG HINDI NA HUMIHINGA ANG MGA MAGULANG MO!" 

Napatakip na lamang ng tenga ang dalaga sa pahabol na sigaw ng ina.

                                            ----

Sa loob ng sasakyan, panay sulyap ni Blake sa walang imik na si Alex. Simula nang umalis sila sa bahay nito, hindi pa siya kinakausap ng babae. Panay buntong-hininga lamang ang naririnig niya mula dito.

Unti-unti siyang nakokonsensiya. Siguro kung sinakyan niya na ang gusto nitong mangyari, baka sakaling nagkaayos na ito at ang ina. Naisip niya kasing huwag kunsintihin ang pagsisinungaling ng babae. Nag-aalala siyang baka magkaroon na naman ng hindi magandang resulta ito.

"Are you okay?" tanong niya.

Sumagot ng tango at matamlay na ngiti ang dalaga. Pagkatapos ay nag-isip ulit ito ng malalim. Kung gaano kalalim ang mga buntong-hiningang naririnig ni Blake ay ganun din kabigat ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang problemadong mukha ng kasama.

Itinabi ni Alex ang sasakyan nang mapadaan sila sa isang tahimik na parke.

"Magpapahangin lang ako saglit Blake. Mga sampung minuto lang."

"Go ahead."

Lumabas ng sasakyan si Alex. Naglakad ito patungong sa ilalim ng isang puno, isiniksik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon, tumingala sa kalangitan at paulit-ulit na huminga ng malalim.

Tahimik lang munang tinanaw ni Blake ang malungkot na babae. Ngayon niya unti-unting naiintindihan ang hirap na pinagdadaanan nito. Bukod sa tensiyon ng panganib sa trabaho, napakalaki ng inako nitong responsibilidad dahil sa pagkakabaril ng matandang babae. Alam niyang nasasaktan din ito para sa mga nahihirapang mga magulang. Siguro kung ano ang pinagdaanan niyang sakit sa paghihiwalay nila ay pinagdaanan din nito. At sa likod ng lahat ng ito, nag-iisa lang ang dalaga. Walang kakampi. Walang nahihingahan at lalong walang nasasandalan.

Siguro kaya muli silang ipinaglapit ng tadhana, hindi para ayusin ang nararamdaman nila dahil hindi naman nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa, kundi ang bigyan siya ng pagkakataong tanggapin at intindihin ang totoong mundong ginagalawan ng babaeng iniibig. Ang iparamdam dito na sa gitna ng mga panganib at responsibilidad nito sa trabaho, mayroon itong masasandalang mga balikat at mauuwiang mga bisig kung saan malaya pa rin itong gumalaw bilang isang normal na babae.

Lumabas siya ng sasakyan at sumunod kay Alex. Tumabi siya dito at tumikhim. Nagtatakang napalingon ito sa kanya.

"Bakit ka lumabas? Naiinip ka na ba?"

"No. I'm here to cheer you up. Do you want a hug?"

Pansamantalang natawa ang dalaga ngunit bumalik din ulit ang tamlay sa mukha nito.

"Pasensiya ka na kay Mama kanina ha. Ikaw kasi nakisabat ka pa."

"I needed to do something or else she wouldn't stop hitting you."

"Sus balewala ang mga palong yun. Naglalabas lang ng sama ng loob si Mama... Pasensiya ka na rin pala at isinama pa kita, akala ko kasi huhupa ang galit sa akin ni Mama pag nakita niyang kasama kita."

"I don't think she's more concerned about us. I think what worries her more is your job."

"Alam ko naman yun. Nag-aaral pa lang ako sa pagpupulis ay malaki na ang pagtutol ni Mama kaya sanay na ako sa mga pagbubunganga niya."

"If you say so, why you look so down right now?"

"Madami lang akong iniintindi."

"Like what? Financial problem?"

Napalingon si Alex sa kausap at nagtaka kung papaano nito nahulaan.

"You tried to approach your mother because of that, right?" kusang tugon ni Blake. "And I learned from that grandson that you're the one who's supporting them including the hospital bills."

Hindi sumagot si Alex sa halip ay iniba niya ang usapan. "Balik na tayo sa sasakyan Blake. Okay na ako, nagpahangin lang ako ng saglit," kunwa'y nakangiting yaya niya.

Humakbang siya ngunit pinigilan ng binata ang kanyang isang kamay. Bigla siyang kinabig nito papalapit. Napasandal siya sa dibdib nito. Mabilis na hinawakan nito ang kanyang magkabilaang pisngi at walang pasabing siniil siya ng halik sa mga labi.

Napatunganga siya. Hindi siya gumaganti ng halik ngunit kusang bumuka ang kanyang mga labi sa pagkabigla. Ramdam na ramdam niya ang malayang nakagagalaw na dila ng lalaki. Gusto niyang pumalag ngunit unti-unti siyang nanghihina. Para bang tinutunaw ng halik lahat ng bagay na nagpapabigat sa kanyang kalooban.

Nanatili siyang mulat at tulala. Mapapapikit na sana siya at kusa nang gaganti sa mga halik ngunit siya namang pagtigil ni Blake. Naghiwalay ang kanilang mga labi at napapatangang nakatitig lamang siya sa lalaki. Nanatiling nakaipit ang magkabilaang pisngi niya sa mga palad nito habang tinititigan siya ng puno ng pag-aalala.

"Do you need my help?"

Hindi agad nagrehistro sa utak niya ang sinabi nito. Ilang sandali niya muna itong iprinoseso at nang bahagyang natauhan saka lamang siya dahan-dahang umiling nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa lalaki.

"Let's stop with this act Alex. I don't hate you and I know you don't hate me too. Let's be honest to ourselves. Kahit ano pang nangyari o mangyayari sa atin, we know that we'll keep caring for each other. So please still allow me to do something for you dahil kahit pagbali-baliktarin man natin ang katotohanan, hindi pa rin natin kayang tiisin na makitang nahihirapan ang isa't isa."

"Blake..."

"I'm not asking anything in return Alex, gusto ko lang iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Na hindi mo kailangang solohin lahat ng bigat diyan sa dibdib mo, na hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa lahat ng bagay at hindi sa lahat ng oras ikaw lang ang dapat magtanggol para sa iba. I want you to think that there's also someone who's willing to protect you from any harm."

Hindi pa rin sumagot ang dalaga. Nabasa ni Blake ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Tinanggal niya ang mga kamay sa pisngi nito at bumuntong-hininga.

"I know there's one thing that worries you. Huwag kang mag-alala, hindi ako nakikipagbalikan sayo," kusang paliwanag niya. "So do you accept my help now?"

Saka lamang dahan-dahang tumango ang babae. "S-Salamat," nakatanga pa ring tugon nito.

"Let's go back to the car."

Inakbayan ni Blake ang natutulala pa ring babae at inalalayan ito pabalik ng sasakyan. Pinagbuksan niya ito ng pinto at pinasakay sa harapang upuan.

"I'll drive," matigas na bigkas niya bago pa man makapagreklamo ang dalaga.

Walang pagtutol na sumunod sa kanya si Alex. Ngunit habang nagmamaneho siya nanatili pa rin itong tahimik sa kanyang tabi. Maya't maya siya nitong sinusulyapan nang may naguguluhang mukha. At nang nangangalahati na siya sa pagmamaneho saka lamang nito binasag ang pananahimik.

"Bakit mo ako hinalikan? Nakakadalawa ka na ah!"

"So you were aware of the first one?" napapangising sagot niya.

Tumahimik ulit ang dalaga at patay-malisyang itinuon nito ang mga paningin sa labas ng bintana.

"Anong nakain mo at gusto mo akong tulungan? Akala ko ba hindi ka nakikipagkaibigan sa mga ex mo?" nagtatapang-tapangang tanong ulit nito pagkalipas ng mahaba-habang pananahimik.

"I'd just promoted you to a different level. From now on, you're no longer my ex."

Mabilis na napalingon si Alex nang may nanlalaking mga mata. "Anong ibig mong sabihin? Porke ba't pumayag akong mahalikan mo iniisip mong tayo na ulit?" medyo natatarantang wika nito.

"Ops don't assume too much."

"Eh ano ako?!"

"You're a girlfriend-on-leave pretending to be my bodyguard," kalmadong sagot ni Blake habang lihim na tumataas ang isang sulok ng bibig.

"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin na papel ko sayo sa buhay mo pero tandaan mo sa susunod na tsansingan mo ulit ako, babalian na kita ng buto!"

"Really? Then I wonder what will you do to me later when we arrive the house?"

Nagsalubong ang mga kilay ng babae. "Bakit ano na naman ang gagawin mo?"

"I'm planning to have a one-night stand with you."

"BLAKE MONTEVERDE!!!"....

Continue Reading

You'll Also Like

568K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
15.5M 320K 43
The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daugh...
6.2M 34.3K 31
Paul Kurt Mendoza, first year college, engineering student. he has no mercy when it comes to girls! well, he doesn't care about other's feelings! kno...
EXIT By Miss Anicah

Mystery / Thriller

11K 237 22
Kilala mo na nga ba talaga ang mga kaibigan mo? Paano kung may tinatago silang sikreto? At ang sikretong iyon ay ang lihim na galit nila sa iyo? Mas...