<UNDER REVISIONS>Served...

By Heather_Juno

2.8M 23K 1.3K

If there's one word that could describe Tori's life, then "miserable" is a perfect highlight. Hindi lang mise... More

The Appetizer
First Serving = The Cynic Chic
Second Serving = Make Out
Third Serving = Uncontrollable Desire - 1st Half
Fourth Serving = Uncontrollable Desire - 2nd Half
Fifth Serving = Served
Sixth Serving = The Proposal
Seventh Serving = The Set Up
Eighth Serving = Meeting the FOCKERS
Ninth Serving = Insecurities
Tenth Serving = Truth [Part 1]
Eleventh Serving = Truth [Part 2]
Twelfth Serving = Surprise
Thirteenth Serving = Moving Closer
Fifteenth Serving = Worth
Sixteenth Serving = The Family
Seventeenth Serving = Playing Nice
Eighteenth Serving = Farce
Nineteenth Serving = Danger
Twentieth Serving = Let Go
Now Serving: DESSERT ♥

Fourteenth Serving = Should I hear reason?

103K 862 59
By Heather_Juno

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Fourteenth Serving = Should I hear reason?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

SUUUUUUUUUPER HAPPY ^_______^

No one could ever describe what I'm feeling right now! Kasi naman oh, may surprise debut party ka na nga, ikakasal ka pa ^U^ Kahit walang engagement ring, alam ko naman na ako ang mahal niya at wala ng iba. It's a great gift -- having your loved one's name, legally.

I swear I won't doubt him again.

Nandito pa rin kami sa La Mia Victoria. Sino kayang may-ari nito? Ang ganda kasi ng place, parang destined sila? Actually, resort siya na parang villa.

Buti na lang may dala si Alex na swim suit para sa akin. Pero hello? Lumang panahon ba itong lalaking ito? Bakit one piece ito na conservative ang cut? Like.. duh! Parang wala akong assets.

"Alex naman eh! Ano ba 'to? Para namang wala akong boobs at pwet nito eh." Pumalatak pa ako, at itinaas ko pa ang ibinigay niya sa aking swim suit. Black kasi ito tapos napakaconservative na kulang na lang eh magtights at leotards ako sa pagsuswimming.

"Babe." Tiningnan niya ako sa mata at hinawakan ang balikat ko. "Akin ka lang. Ako lang ang pwedeng makakita niyan." At ngumuso siya pababa. Naman oh. Nawala agad ang galit ko. Kinilig kase ako. Namula na siguro pati dulo ng split ends ko ^U^

"Eh babe. Ang damot mo talaga. Wala nang ibang magnanasa sa akin dito! Ikaw lang. At wag kang mag-alala, ikaw lang at ikaw ang pagnanasaan ko!" Kinindatan ko pa siya.

"Hindi ka mananawa?" Nag-puppy dog eyes pa siya. Napatawa ako at nahampas ko tuloy siya sa braso.

"Linchak naman oh. 25 years old ka na!" I giggled. "Puppy dog eyes ka pa dyan ^U^"

"Hindi ba bagay?" Sabi niya sa tonong parang naiinsecure. Lumingon pa siya sa kanan niya at dahan-dahang lumingon sa akin.

Tae naman woh. "Heh! Tigilan mo ako." Nilalandi niya ako! Natatawang pumasok na muna ako sa CR at isinuot ang swim suit na iyon. Ipinatong ko na din ang sarong na dinala niya. Hinila ko na siya bago ko pa siya madala sa dalampasigan at gahasain duon, nakatrunks lang kase siya eh at may na tshirt. hehehe XD ang manyak ko. parang eksena sa nagbabagang bulaklak ang utak ko eh *U*

9pm na kasi and we'll end the party over the bonfire. Nagprepare daw sila ng kung anu-anong 18 para sa akin.

Pagdating namin sa kabilang part ng resort, nandoon na sila. They are smiling at us. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na halos lahat nakaswim wear! Watda?! Hahaha! Pati sina Manang!

Punung-puno nga doon ng pagkain. Nasa gitna ang bonfire tapos nakapaligid doon ang mga pagkain. Merong mga alimango, hipon, kare-kare (na favorite ni Alex), sisig na nasa sizzling plate (ang dami nga eh) na courtesy ng Sizzling 69, mga barbecue at hotdogs with mallows sa stick at marami pang iba. Eighteen na putahe daw ang inihanda eh. Tinitingan ko pa nga lang naglulungad na ako! Hahaha! Joke. Sarado nga daw ngayon ang bar kasi lahat ng trabahador dun eh nandito sa birthday ko.

Syempre, may cake. At paglapit na paglapit ko kinantahan nila ako ng "Happy Birthday......"

The Kalye Edition.

" ♫ Happy happy happy birthday! Sa'yo ang pagkain, kami ang kakain! Happy happy happy birthday! Sana ay mabusog mo na kamiiiiiiiiiii! ♪ "

Napatawa naman ako ng malakas sa kinanta nila. Lahat sila kumakanta kaya hindi ko din maiwasang mapaluha. Fck. No one had ever prepared something this special for me. Noon kasi, pag birthday ko, inilalabas lang ako ni Kuya Vinn, minsan binibigyan ako ng pera para ilibre si Lena. Pero itong ganitong party? Wala pa. Kaya hindi ko din maiwasang maiyak. Para kasing hindi makatotohanan.

"WISH! WISH!" Sigaw ng lahat sa akin habang nakaakbay pa rin si Alex sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at pumikit.

Nagwish ako...

Lord.. kung ano mang meron ako ngayon.. sana magtagal. Kontento na ako kasama sila. Kontento na ako sa kung anong meron ako. Yun lang naman ang wish ko. Ingatan niyo po lahat ng mahal ko sa buhay. Lalo na si Alex... mahal na mahal ko kasi siya.

At nagmulat na ako at hinipan ko na ang kandila.

Pumalakpak naman silang lahat at nakangiti. Alam kong masaya din sila para sa akin. Alam din kasi nila lahat ng pinagdaanan ko.

Nagsimula na ang party.. kumain na muna ang lahat. Pagkatapos nun, tumayo na si Jessica nanawag ng pansin naming lahat.

"Mga kapatid.." Tumingin pa ito sa malayo at umiling. "Ngayon po ay nandito tayo para saksihan.. ang pagtawid ni Charity sa kabilang buhay--" Hinampas ito ni Louie sa pwet at humagalpak naman ng tawa ang mga tao. Pati nga ako, napatawa din. Loka to. "Este--ang pagdagdag pala sa edad nitong si Charity. Gaga! Dalaga ka nang talaga!" Pasigaw ang dalawang huling pangungusap ni Jessica kaya napapalakpak na kaming lahat. Para kasing mas masaya pa siya kesa sa akin eh ako naman ang may birthday.

"At para po..." pagpapatuloy ng hitad. "magdeliver ng eulogy para sa kanya.." napahagalpak siya sa sarili niyang biro.

"Hoy hitad umamin ka nga! May galit ka sa kin no! hahaha XD" biro ko sa kanilang lahat. Alex cannot suppress his laughter kaya napaluha na siya.

[ang fail ko magpatawa. XD]

"Magseryoso ka nga." Iiling-iling na sabi ni Jessie dito.

"Oo na little sisterhood." Nakangising sagot ni Jess.

"Para magsimula ng 18 wishes.. may we call in the beautiful, sexy, and girly.. Louie!" Pumalakpak na silang lahat at nagspeech na din si Louie. Sumunod sina Jessica at Jessie.

May iniabot din sa aking regalo si Louie. Pagbukas ko, picture naming apat pagkatapos ng isang gig namin. Naikwento ko kasing nawawala ang ganun kong picture. Nakaframe pa ito. Naknangteteng oh. Ang mahal nung frame! Php 1 000!

"Takte, Louie! Isang libo ang frame?! Eh magkano lang ang picture?! Forty? hahahah!" At napatawa pa sila sa reaksyon ko. Naman kase!

Hinalbot niya sa akin ang frame at tinagtag ang presyo. Ang makakalimutin talaga nun. May pagkabangag kasi din yun eh.

Sumunod na silang lahat sa pag-i-speech, may mga kasama pang regalo.

Panghuli sa speech ay si Kuya Vinn.

"Tori.. Unang-una.. Sorry." His voice broke at the last word. Nag-init agad ang mata ko. Niyakap ako ni Alex. "Sorry kasi, sa panahong wala kang kakampi, wala ako sa tabi mo."

                      Inagaw nina Leslie at Lovely ang laruang binigay sa akin ni Kuya noong 8 years old ako. Pinagsalitaan din nila ako ng masama. Napaiyak ako sa swing sa likod bahay at nakita ako ni Kuya.

                      "Hayaan mo na sila, ibibili na lang kita ng bago." Pag-aalo sa akin ni Kuya.

                      Napahugot na naman ako ng hininga dahil parang bumara ang ilong ko sa pag-iyak ko. "Kuya.. ampon naman ako diba? Bakit inaaway pa nila ako..?"

                      Niyakap niya ako. "Kahit kailan ba tinuring kitang ampon? Hindi diba? So don't worry, when youre sad, I'm here... When youre lonely, I'm still here... When youre nowhere to go, I'm just here... Always here..."




"Nung panahong mas kailangan mo ng magtatanggol sayo, wala ako. Napahiya ako sa sarili ko kasi mismong pangako ko hindi ko man lang napanindigan. Sorry talaga." Tumingala si kuya para pigilan ang pagtulo ng luha niya.

Pinunasan naman ni Alex ang luha ko.

Tumayo ako at lumapit kay kuya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Okay na nga. Ang kulit naman ng mama oh."

Pagkalas ko kay kuya, nun ko lang napansin na nag-iiyakan na pala yung ibang tao.

"Teka po!" Awat ni Alex sa lahat. Kumumpas pa ito na parang traffic enforcer. Sexy na traffic enforcer. "Wag po kayong umiyak. Birthday po ng mahal ko ngayon, hindi po burol. Wag po kayong mag-isip ng ganyan, magpapakasal pa po kami."

Nagkatawanan naman ang lahat sa sinabi ni Alex. May mga sumigaw pa ng kiss! Eh anong magagawa namin? Syempre nung sinabi ni Alex na, "Kiss daw," sa akin, pakiyeme pa ako. Ang dami kayang tao! Sa ibang lugar baka ng lambutsingan na kami.

"Kiss daw, oy!" Sabi pa sa akin ni Alex.

Hindi na ako nag-atubili, hinalikan ko siya sa pisngi. The crowd went wild.

Pagkatapos nun, 18 gifts na. Tapos tumugtog na ang banda na kanina pa nakajoin sa aming parteh parteh.

It was such a fun yet wonderful experience to me. Lahat nagsasayawan. Nang lumalim naman ang gabi, umalis na ang mga matatanda--sina Manang, Tita Hesa na nanay nina Jessica at Jessie, at marami pang iba. Nagpasalamat muna ako isa-isa sa kanila. Nagnight swimming naman ang mga dalaga at binata.

Pagkawala naman ng mga bisita, yung iba, nagsisilanguyan na, hinila naman ako ni Alex.

"Saan ba tayo?" Natatawa kong sabi.

"Secret." Kinindatan pa niya ako.

"Alex.." Nang may maisip ako. "Unan ka ba?"

"Huh? Bakit?" Naguguluhang napatitig siya sa akin.

"Kase... amoy laway ka eh! Nyahahah XD"

Napatigil siya at napatitig siya sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtawa.

"Nakakatawa na yun?" Pumalatak si Alex. "Ang hina mo pala eh."

"At bakit naman? May ilalaban ka?"

Tumango ito at huminga ng malalim. Wa ko masey, ang yummy talaga ng boyfie ko.

"Si Charity ka ba?"

"Oo, baket?" Kunwari boring kong sagot pero natatawa na ako. Ang cute niya kase eh.

"Ikaw kasi ang mahal ko eh."

O/o

Napangiti ako. Kinikilig kasi ako. Sa sobrang kilig ko eh nangunyapit na ako sa leeg niya at hinalikan siya.

It lasted long as it was expected. Dapat kase smack lang. Eh alam niyo na si Alex, alam na ako lang ang pinakamaganda't pinakasexy na nilalang sa mundo kaya hindi niya na ako pinakawalan.

hahaha XD

Napatigil lang kaming dalawa nang may narinig kaming tumikhim.

Napalingon kami at nakita namin si Boss Vic o VL sa hindi kaclose.

Para namang umulan ng kahihiyan at nasambot naming dalawa. Kung bakit parang nahihiya kami eh hindi namin alam. Nagkatinginan pa kami at nagkangitian.

"Cha, dito ka muna."

Tumango na lang ako kasi nalilito pa ako. Tumalilis na siya paalis.

Ay? Anyareh? Bakit siya umalis? Humarap ako kay Boss at ngumiti. "Hi Boss."

"Tara sa pavillion." Yaya sa akin ni Boss na parang ninenerbyos na parang pormal na parang constipated.

Sumunod na lang ako sa kanya.

Nang makarating kami sa pavillion, iminosyon na niya sa akin na umupo ako. At dahil hindi naman ako pasaway sa mga nakatatanda, masunurin ako, diba pinalayas ako ni Loretang-Luka-luka-God-rest-her-soul-ay-hindi-pa-nga-pala-siya-patay (my bad), umupo na ako at humarap sa kanya.

"Ano po ba yun, boss?"

"May ikekwento sana ako sayo." Ngumiti ito, pero visible pa din ang pagiging uneasy niya.

"Sige po." Masaya kong sabi.

Tumikhim ito saka nagsalita.. "Back in College, I fell in love with a simple girl. Her name is Charito." Biglang tumahip ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit pero nakinig pa rin ako sa kanya... habang nakatulala siya. "Ilag siya sa amin kasi mahirap lang sila, kasi nangangatulong lang siya sa isang mayamang pamilya. It was like any other story in a soap opera. We fell in love with each other pero tutol ang mga pamilya namin. Pero we fought it together. Sabay kaming lumaban hanggang sa wala na silang nagawa. Ahead ako sa kanya ng dalawang taon until I graduated. Pinapatigil ko na siya sa pagtatrabaho niya pero she insisted. Matigas ang ulo niya. Hanggang sa nakapagtrabaho ako. When she reached 19, I married her. Wala nang makakapigil sa aming dalawa." Bumuntong hininga ito.

"Dun na siya tumira sa bahay na para talaga sa aming pamilya. After she graduated, I found out she was seeing somebody. Ang asawa ng amo niyang babae. Pinalayas ko siya sa bahay namin, nang hindi niya alam kung bakit ko siya pinalayas. Nabalitaan ko na lang na buntis siya at dun siya nakatira sa mga amo niya. Lalo akong nasaktan." He clutched his chest as if the pain is still there. Na parang masakit pa din. "After she gave birth, I cannot bear seeing the baby kasi araw-araw niyang dinadala sa amin ang bata at sinasabi sa akin na ako ang ama. Siguro dahil alam ko na hindi akin ang bata, I became so depressed that I forgot how to eat, to speak... Lahat. Then I got sick. Pumunta siya sa bahay para alagaan ako. I cannot tell her to leave me alone because God knows I missed her so much." Napaiyak na siya ng tuluyan. Si Boss... ngayon ko lang siya nakitang umiyak. And I was stucked on my seat. Nararamdaman ko na lang ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

"P-Pwede pong wag niyo na lang ituloy.." Sabi ko.

Iwinasiwas niya ang kamay niya at nagpatuloy.

"Something happened to us that night. Then I forced her to stay with me. Na wag na siyang umalis. She lived with me again. After 2 weeks, she admitted that she was pregnant. Sinabi niya din sa akin na ang anak namin ay sa akin. I told her it doesn't matter who the father of that baby is. Ikinagalit niya yun, umalis siya. Nalaman ko na lang mula sa amo niyang babae na nandoon na ulit sa kanila si Charito. Sumugod ako.. only to find her dead and swimming in her own blood."

Napahilamos sa mukha si Boss at nagsalita na parang hirap na hirap siyang sabihin ang mga dapat niyang sabihin.

"I figured that it was all a set-up. Tumawag sina Loreta sa mga pulis pagpunta ko pa lang doon. Ikinulong nila ako sa salang pagpatay sa aking asawa. Nakalabas na ako kinabukasan. I guess I became obssessed figuring out who killed her--"

Noon lang tumimo sa isip niya ang narinig niyang pangalan.

"L-Loreta?"

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Author's Note:

Nasa tabi yung pic na regalo ni Louie =D

Hi guys! Dahil natuwa ako sa comment nung Ikalabintatlong bulos, kaya inihahandog ng Heather Juno Production ang update na ito. hahaha! chos! ^U^

Anong conclusion niyo sa naganap?


COMMMMMMMEEEENNNNNNNNTTTTTTTTTTTSSSSSSSSSSSSSSs ^________^

please? hehehe *U*

Lovelove ♥

Heather_Juno

Continue Reading

You'll Also Like

516K 9.6K 39
ONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng k...
190K 3.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
101K 944 10
Rage, despair, obsession... ©All Rights Reserved, 2018 Retitled as "Maging Akin Ka Lamang" on the Youtube channel for the full audio drama version. L...
1.3M 54.6K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...