Hold Me More (More Trilogy #2)

By FGirlWriter

3.2M 117K 22.9K

More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czar... More

Content Warning and Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Eighteen

78.4K 3.3K 452
By FGirlWriter

CHAPTER EIGHTEEN

HINDI PA man tapos sa pagluluto si Czarina para sa hapunan ay may kotseng huminto na agad sa labas ng bahay. Napakalawak ng ngiti niya nang makitang bumaba doon si Ibarra. Ito lang! Walang kasamang iba!

"Maagang natapos ang trabaho niyo?" hawak pa ni Czarina ang sandok nang salubungin si Bari.

"Yes. Vivien is fast and efficient at work. Kaya ko siya kinuha dahil mabilis natatapos ang trabaho sa kanya."

"Okay..." aniya lang at saka binalikan ang nilulutong hapunan. "Nagluluto ako ng paksiw. Mare-ready na 'to in just a few more minutes."

"Magpapalit lang ako." Pumasok si Bari sa kuwarto nito at paglabas ay mas komportableng damit na ang suot. May bitbit itong mga papeles. Umupo ito sa lamesa at sinimulang basahin at pirmahan iyon.

Naghain na si Czarina. She felt so wifely. Itinabi ni Bari ang ginagawa nito nang matapos siya sa paghahain.

"Let's eat!" magiliw na sabi ni Czarina. Umupo pa siya sa tabi nito.

"Bakit ka mabait sa akin ngayon? May gusto ka bang hilingin?" tanong ni Bari nang magsimula na silang kumain.

"Wala naman. Naalala ko lang na hindi pa kita naipagluluto at napagsisilbihan noon. Ikaw ang laging nag-aalaga sa'kin." Napailing siya nang maalala kung paano siyang naging asawa noon. But she's just twenty at that time. Wala pa talaga siyang alam sa ganoon. "Para ngang hindi ka nag-asawa noon. Sa tingin ko ay nagpa-baby lang ako."

"Are you practicing on me now? Para sa pagdating ni Johann ay alam mo na kung paano siya pagsisilbihan?"

Nagusot niya ang ilong. Niluok niya muna ang nginunguya bago sumagot. "Do you really think that I'm in love with Johann? That I'm waiting for him to follow me here?"

Bumaling ito sa kanya. "Kung hindi ay bakit ka sumusunod sa plano ko?"

Umismid siya. "If I know, iba talaga ang plano mo, Ibarra."

Agad niyang napansin ang saglit na pagkinang ng mga mata nito. "And how can you say so?"

"Look." Sabay taas niya nang kaliwang kamay. "I'm wearing our wedding ring!" Nagmamalaki pa ang kanyang mga ngiti.

Kiniling nito ang ulo. "You only wore that to get me here."

"And why do you think I want you here?" Her smile is playful.

He was poker faced, though. Binalik nito ang buong atensyon sa pagkain.

"I'm happy that you're here," nakangiting wika niya pa rin. Kahit deadma ito. "Kahit na hindi ko talaga alam kung ano ang plano mo sa pagdadala sa'kin dito."

"Aren't we putting Johann to a test?"

Naikot niya ang mga mata. "Bari, hindi susunod si Johann dito, okay? As in, hindi talaga!"

"So, are you telling me that you rejected him because... you do want to reject him?" Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. Tila ang kausap nito ay ang paksiw.

"Sa tingin mo, susuotin ko pa 'tong wedding ring natin kung talagang gusto kong maging kami ni Johann ang magkatuluyan? I admit that I'm always confused in many things. Papalit-palit ako ng desisyon. Pero sigurado ako sa ginagawa ko ngayon."

Nangunot ang noo nito. "You're just wearing that to get me here," ulit na naman nito. "Because you're being selfish, again."

Napakurap si Czarina. "A-Ano?"

Mabilis na natapos nito ang kinakain. Naka-sampung subo lang yata ito! "You always do that when you noticed there's another girl getting closer to me." Binaba nito ang mga kubyertos ng maayos sa ibabaw ng pinggan. "You act like you want me, that you love me all over again."

Napalunok siya. Well, it's somehow true. Ngunit mahal niya naman talaga ito.

"Kunwari pang gusto mo 'kong makahanap ng ibang babae," pagpapatuloy nito habang inaabot ang baso ng tubig. "Pero sa tuwing may madikit lang sa'kin at ngitian ko pabalik ay naiinis ka na sa selos."

She pouted. Guilty.

"Gusto mong iyo ako pero hindi ka sa'kin."

Napasinghap siya. "Bari, hindi ganoon ang—"

"I'm getting tired of this," nailing nitong sambit. "Nagkamali na naman akong magkasya sa kung anong kaya mo lang ibigay. Siguro nga kaya nasasaktan ang tao dahil binababaan natin ang mga sarili natin para sa kaligayang hindi permanente... iyong panandalian lang. Kahit anong pilit nating kumbinsi sa sarili natin na ayos lang ang kapiranggot na atensyon at oras ay hindi pa rin. We will always want more."

"B-Bari..." Inabot niya ang kamay nito. "Mahal kita."

He boringly looked at her. "Hanggang kailan, Maria Clara?"

She blinked. Nanghihinang napayuko ng ulo at bumagsak ang mga balikat. Bari won't believe in her anymore. She deserves it though. She's been hot and cold. Ilang beses niya na itong pinagtabuyan kahit anong lapit nito. Ngayon naman ay siya ang lumalapit... she shouldn't be surprised that he doesn't want this kind of love anymore...

Binawi ni Bari ang kamay nito mula sa kanya. Kumuha pa ulit ito ng ulam at kanin. Tahimik itong nagpatuloy sa paghahapunan habang siya ay hindi na magawang maubos ang pagkain sa pinggan. The peaceful and sweet dinner she imagined turned out to be cold and full of tension.

Naubos na ulit ni Bari ang pagkain nito at lumagok ng dalawang basong tubig. "Thank you for the dinner," pasasalamat naman nito sa magaan na tono.

She tried to smile. "I've been wanting to cook for you since I learned cooking. Huli ko nang natutunan ang mga ginagawa dapat ng asawa..." Napabuntong hininga siya. "I just want to make it up to you."

"You don't have to. Mapapawalang-bisa rin naman ang kasal natin."

Bubuka pa lang ang mga labi niya nang tumayo na si Bari. "Excuse me, I want to get some rest. I'll leave for Manila tomorrow morning."

Napakurap siya at napatayo na rin. "W-Won't you stay for one day break tomorrow? Aayain sana kitang mag-swimming sa cave pool bukas..."

Umiling ito at tumalikod na upang dumiretso sa kuwarto nito.

Napakamot ng pisngi si Czarina. "Bari..." tawag niya rito. Alam niyang kapag pumasok na ito sa kuwarto nito ay hindi na ito lalabas. And it's still 8 PM! Napakaaga pa para matulog.

Mabilis niyang kinuha ang kamay ng asawa. "Bari, don't be too cold and snob. Hindi ganyan ang... f-friend."

Tila napapagod na nilingon siya nito. "Ano bang gusto mong mangyari, Maria Clara?"

Mas lumapit siya at tiningala ito. "Isn't it obvious why I want you here?"

"You always do that!" he snapped. Napapitlag si Czarina at napalayo rito.

Nagtagis ang mga bagang nito at nagsalubong na ang mga kilay. "You would want me for a short moment and I'll have to endure it for a long time. At kung kailan kaya ko na ulit na hindi umasa ay gagawa ka ng mga bagay na katulad ngayon. You are selfish, Czarina. You wanted to be secure that it's still you after you saw me with other women. At kapag bumigay akong muli sa'yo, itutulak mo na ulit ako palayo. You want me hurt, don't you?"

Nangilid ang luha sa mga mata ni Czarina. She's unaware of what she's doing. But maybe, considering her condition, she was secretly satisfied seeing Bari hurting. Kaya nga siya nagpapagamot, hindi ba? Para maiwasan na iyon?

"I-I'm sorry, Bari..." napahikbi siya. "I'm sorry for hurting you always. I have c-commitment issues."

"Yes, you do. Magmula pagkabata mo pa ay hindi mo na maintindihan ang salitang iyan," kalmado na ito ngayon. Binawi nito ang kamay sa pagkakahawak niya at pumasok na sa kuwarto nito. He shut the door and she heard him locked it, too.

Napasinghot siya habang nakatitig sa nakasara nitong pinto. Napalabi siya at pilit nilalabanan ang pagtulo ng mga luha. Ngunit nagpatuloy pa rin iyon. Hanggang sa napahagulgol na siya nang malakas. "B-Bari..." katok niya sa pinto nito. "Bari, I'm sorry. Bati na tayo. Usap pa tayo. H-Hindi na 'ko magpapa-cute. S-Sige na... Bari..."

"Get some rest, Czarina," narinig niyang sabi nito sa loob. "I'm worn-out. Let's just talk tomorrow morning."

Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagkatok sa pinto nito. "Bari..." iyak niya.

Hindi na ito sumagot. Hanggang sa napagod si Czarina sa pagkatok. Bagsak ang mga balikat na pumasok na lang rin siya ng kuwarto at tinuloy ang pag-iyak doon. Hindi siya makatulog ng maayos. Nang sumikat ang araw ay lumabas siya ng kuwarto at saka pa lang nagawang asikasuhin ang mga naiwan sa kusina mula kagabi.

Naghuhugas siya ng mga pinggan ng lumabas si Bari mula sa kuwarto nito. Nakapang-alis na at may dalang suitcase. Nagsalubong ang mga tingin nila ngunit ito ang unang umiwas.

"Tutuloy na 'ko," anito. "Ikaw nang bahala dito. O kung gusto mo nang bumalik ng Maynila ay magsabi ka lang kay Mang Pen. Ipapasundo kita."

Tumango si Czarina. "Mag-iingat ka."

Sinuot nito ang sapatos at pagkatapos ay tuloy-tuloy nang lumabas ng bahay. Naglakad lang ito hanggang sa pababang kalsada. Sobra ba ang kagustuhan nitong makalayo sa kanya na kahit wala pa ang sundo nito ay umalis kaagad ito?

Ang bigat-bigat ng puso ni Czarina pagkatapos magligpit. Naligo siya at pagkatapos ay lumabas na din ng bahay. Eksaktong may nakasalubong siyang tricycle. Nagpahatid siya hanggang sa daungan.

Nandoon pa ang yate pagkadating niya. Nakita niyang umakyat si Vivien dala ang mga gamit nito. May ilang kausap pa si Bari bago ito sumunod paakyat.

May sinabi si Bari kay Vivien. Sumimangot ang babae ngunit nakita niya ang pagngisi ng asawa. Maya-maya ay napangiti na rin ang babae.

She hated the view because it could be a good scene for a romatic novel. Damn. Czarina silently watched as the yacht sailed away.

"Bakit ang lungkot mo, ate?"

Napatingin siya kay Sam at pilit ngumiti. "Hindi naman. May iniisip lang ako." Pinagpatuloy niya ang pagkakabit ng maliliit na kabibe para maging kuwintas.

"Ang tagal mo na po dito, Ate. Dito ka na ba titira?" Monchie hopefully said.

It's already the last week of May. End of summer. Isang buwan na din nang umalis si Bari kasama ang sekretarya nito. At hindi man lang ito bumalik kahit isang beses muli. Napagod na rin si Czarina kaka-imagine kung ano nang nangyari kay Bari at Vivien habang magkasama ang mga ito sa trabaho.

Wala rin siyang balita kay Johann. Minsan ay nakapag-check siya ng email. Wala namang tugon mula rito. Tadtad lang siya ng emails ni Kyle. Tinatanong kung kailan daw ba siya magpapasa ng mga bagong nobela niya dahil ito ang kinukulit ng mga readers niya.

Babalik naman talaga siya sa Maynila sa susunod na linggo dahil tinawagan na siya mismo ng doktora niya. She needs to resume her theraphy. Tama na ang anim na linggong nag-skip siya.

"Kahit gusto kong tumira dito, marami kasi akong ginagawa sa Manila. Huwag kayong mag-aalala, babalik naman ako."

"Eh, kailan ka pala aalis, ate Cza?"

"Next week. Magpapakain ako sa inyong mga bata. Doon tayo sa may dagat, magpi-picnic tayo doon."

"Yehey!" the children cheered. Kahit papaano ay napangiti si Czarina dahil sa mga bata. She grew attached with the children of Tierra Fe.

Nang dumating ang araw nang pag-alis niya ay dumating nga ang yate ni Bari para sunduin lang siya. She's touched when most of the kids went to see her. Pumunta talaga ang mga ito sa daungan para lang magpaalam sa kanya. Babalik talaga siya doon kahit ano pang mangyari sa kanila ni Bari. Soon, Czarina will figure things out.

Nang nasa Davao na siya ay tinawagan niya si Bari. "Nakaalis na ko ng Tierra Fe. See? Hindi sumunod si Johann."

"So, he does not love you that much."

"At dahil siguro nilinaw ko sa kanya na ayoko talaga. Sumakay lang ako sa plano mo pero bago mo ako utusang basted-in si Johann, I really had a plan to do so."

"And why?"

"You know why, Crisostomo Ibarra," makuhulugan niyang sabi. "At ayoko na rin siyang masali pa sa issues ko sa buhay. Siguro gusto namin ang isa't isa pero baka hanggang doon lang."

Nanahimik si Bari sa kabilang linya. But Czarina heard Vivien's voice on the background.

"Sir Bari, may meeting na po kayo. Pambihira naman. Kanina ka pa hinihintay doon!"

Napataas ng kilay si Czarina. Ganoon na ba makipag-usap sa boss? But looks like Bari didn't mind at all. Tinakpan siguro nito ang mouthpiece dahil hindi niya narinig ang tinugon nito.

"I have to go," paalam agad nito makaraan ang ilang minuto.

Binaba na agad nito ang telepono bago pa siya makasagot. Napabuga na lang siya ng hangin. Sumunod na tinawagan niya ang ama. At may inutos agad ito sa kanya bago siya kumustahin.

"Umuwi ka munang Bukidnon at asikasuhin ang flower farm. Mga tatlong araw lang. Susunod ako doon."

"Daddy, wala akong alam sa negosyo."

"It's alright, hija. Basta ma-monitor mo lang muna ang aktwal na nangyayari hanggang sa makarating ako. Pagkatapos ay puwede ka nang umuwi. Ikaw lang ang makikipagtiwalaan ko at eksaktong malapit ka lang kaya mabuti pa'y ikaw na lang muna doon."

Hindi na nakatanggi si Czarina dahil mukha ngang napaka-urgent ng kailangang asikasuhin sa flower farm. Kaya naman nang nasa airport na siya ay nagpa-reroute siya ng flight. Imbes na sa Manila ay sa Cagayan De Oro na lang. She paid and waited for her boarding time.

When she landed in Laguindingan airport, nandoon na agad ang family driver ng mga Flores. Driver pa ng lolo at lola niya iyon nang nabubuhay pa ang mga ito.

"Maayong udto, Senyorita."

"Magandang hapon din po."

Although she came from a Visayan descent, she never learned bisaya. Nakakaintindi siya ng usual greetings. Kung hindi pa siya nagtagal sa Tierra Fe ay hindi siya masasanay. After two long hours, they arrived in Bukidnon.

"Wala pong signal?" tanong niya sa mayordoma nang maihatid na siya sa kuwarto niya.

"Wala po, Senyorita. Ginagawa po ang bagong cell site dahil nasira ang dati."

Napatango-tango na lang siya at inasikaso ang pinapagawa ng ama. Hindi bale, sanay naman siyang hindi nagse-cellphone o kung ano-ano pa. Pagkatapos nga ng tatlong araw ay dumating ang Papa niya kasama ang madrasta niya.

"Salamat at may sinunod ka ring utos ko sa'yo, anak," relieved na sabi ng ama.

Natawa si Czarina. "Puwede na po ba akong umuwi ng Manila?"

She needs to talk to Bari. Magtatanong siya kung ano nang plano sa mga pinsan nito. At gusto niya na ring alamin kung ano nang nangyari kay Johann. Nag-aalala naman siya para sa lalaki dahil nasaktan niya talaga ito.

"Go on, hija. Hinahanap ka na rin ni Kyle sa'kin." Napangiwi siya. Buti na lang may ipapasa na siyang nobela ngayon na natapos niya habang nasa Tierra Fe siya.

Malaking tulong din talaga ang matagal niyang pag-alis sa sibilisasyon. She got her mind and responsibilities straight.

Nang nasa airport na si Czarina ay saka siya nagkaroon ng oras para makapag check ng emails at makapagbukas na rin ng social media. She was busy scrolling when a status caught her attention.

Johann Lawrence Anderson is married to Saphi Monteverde.

Napakunot-noo siya. Kasal na si Johann?

Agad siyang pumunta sa profile nito. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang may pictures na naka-tag dito! Naka-traje de boda ang isang magandang babae habang nakangiti sa camera. Sa likod ng babae ay nakabarong si Johann at naka-peace sign pa!

Congratulations, pinsan! sabi sa naka-tag na status na galing sa isang "Charles Lyndon Ditangco". Marami pang naka-tag kay Johann na pictures! Pati sa bride nito na pinsan ng step brother niya! She saw Kuya Reeve and Agatha on the pictures.

Napanganga na lang si Czarina. Halos dalawang buwan lang siyang nawala! Kasal na agad si Johann?!

Napakurap-kurap siya. Nag-scan pa siya ng tagged photos, and she saw another one—ang magpipinsan na mga Anderson sa iisang litrato. Lahat ay nakangiti habang nasa gilid nina Johann at Sapphire.

But Bari... was on the farthest corner with his lips smiling in a mysterious manner.

"Aha!" Napapitik siya.

Sinasabi niya na nga ba't iba ang plano nito! Alam nitong hindi siya hahabulin ni Johann! Nilayo siya nito kay Johann at kumilos mag-isa! Binigyan ng ibang babae ang pinsan nito habang siya ay tinago sa Tierra Fe na walang alam!

Mula sa mga dates ng tagged photos. Kakakasal lang ni Johann kahapon!

Crisostomo Ibarra delos Santos!!!

Sigurado siyang si Bari ang may pakana kung bakit nagpakasal ng biglaan si Johann!

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung bakit siya napapangiti. Tumayo siya nang tinawag ang flight niya. Taas noong naglakad siya. She could not wait to come back to Manila.

Kunwari pa si Bari na ayaw na pero gumawa naman ng paraan para mawalan ng kakompetensiya sa kanya!

Johann is married now for some reason maybe. But Bari assured that before she comes back, wala na siyang ibang lalaking babalikan. Kasabwat ba nito ang Daddy niya na biglaan na lang siyang inutusan sa Bukidnon na eksaktong walang signal sa flower farm nila?!

Naisahan yata siya! Yet Czarina can't help smiling the whole time she's on the plane.

One thing is for sure. Bari is still hers!

Kaya naman kahit gabi na ay walang sinayang na oras si Czarina. Dumaan siya sa opisina nito ngunit nakauwi na daw ito. So, she hurried to Pasig where Bari lives with his mother.

"Hija!" ani Tita Bella nang makita siya sa labas ng gate. "What a pleasant surprise! What brought you here?"

"Nandyan po ba si Bari, Mama?"

"Oo. Nasa taas at nagpapahinga. Kararating lang rin niya galing sa trabaho. Magkasunod lang kayo. Bakit?" Ang laki ng ngiti nito. "Dito ka ba maghahapunan, hija?"

Magkaagapay silang pumasok ng mansyon ng mga Delos Santos.

"Yes, Mama," malambing niyang sabi. "Kung hindi po abala."

"Hindi naman. Sige, agad akong magpapadagdag ng lulutuin para sa'yo. Dito ka muna o kaya'y akyatin mo na lang si Bari kung gusto mo siyang makausap."

"Thank you po!"

Hindi pa nakakapasok ng kusina ang biyenan ay tumakbo na agad siya paakyat ng hagdan, dire-diretso hanggang sa pinto ng kuwarto ni Bari.

Hindi na siya kumatok kaya naman naabutan niyang eksakto ang paghuhubad nito ng long-sleeves polo. Gulat na napatingin ito sa kanya. "Czarina!" Bigla nitong sinuot pabalik ang damit. "What the? What are you doing here?"

Pumasok siya at sinara ang pinto. She locked it. "Akala ko ba payag kang maging kami ni Johann?" aniya sa sarkastikong tono. "Eh, bakit mo siya pinakasal sa iba?"

Hindi man lang ito nagulat sa akusasyon niya. Nagkibit-balikat lang ito at naglakad papasok sa walk-in closet nito. "I changed my mind," sarkastiko ring wika nito.

"You didn't change your mind," aniya. "Iyon na talaga ang nasa isipan mo noon pa! Siguro bago pa 'ko nagbakasyon ng matagal sa Tierra Fe. I knew it!"

Pagkalabas ni Bari sa walk-in closet ay naka-dark brown cotton short na ito at khaki shorts.

"Hindi mo talaga gusto na maging kami ni Johann," she said is a full confident voice. "Because you still want us, Ibarra. Ha! I knew it, I knew it!" Tumalon-talon pa siya.

Nakatingin lang ito sa kanya habang nakasandal ito sa pader, nakahalukipkip. "If so, Maria Clara, what are you going to do about it?" seryosong tanong nito.

Lumapit siya at huminto sa tapat nito. Dahil siguro sa sobrang tuwa na may pag-asa pa rin, hinila niya ang kuwelyo ng shirt nito at hinalikan ito sa mga labi.

Ngunit, "Stop." Lumayo si Bari at nilayo siya rito. "Sorry, my dear. You are not allowed to kiss me anymore."

"W-What?"

Umiling ito at nilagpasan na siya. "If you just want me for a short span of time, I have my rules."

Napanganga si Czarina. Ano daw? "R-Rules?"

 Umangat ang gilid ng labi nito. "If you won't keep me for a lifetime, you can't have me fully. Natuto na 'ko, Maria Clara. Hindi ko na ibibigay ang lahat-lahat sa'yo kundi mo kayang pumirmi sa akin."

Continue Reading

You'll Also Like

49.6K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
6.5K 714 11
mga alikabok sa estante, bawal ang noisy, pamalit-kamang mga mesa, at galing raw si Cheesedog sa bawat pahina. hindi maintindihan ni Jazmin kung anon...
218K 14.4K 33
3rd Book of Valleroso Series. Archimedes Valleroso.
3.5K 379 7
Eugene Scott 07/08/2023 - 07/25/2023