Hold Me More (More Trilogy #2)

By FGirlWriter

3.2M 117K 22.9K

More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czar... More

Content Warning and Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Fourteen

81.1K 2.9K 190
By FGirlWriter

CHAPTER FOURTEEN

"CZARINA?"

Napakurap si Czarina at pinunasan ang mga luha. "S-Sorry po."

Her psychiatrist understandingly nodded and smiled at her. "You did great today. I'll be expecting you next week for another theraphy. Alright?"

That would be her third session. Napabuntong-hininga siya. Deep therapy sessions made her cry always. Masyadong ma-emosyon kada session. Mabuhay pa kaya siya? This will take her for a year or two!

"By the way, nakausap mo na ba si Johann?" tanong pa nito sa kanya.

Umiling siya. Iyon pang isa. Masyadong abala ang binata at parang tingin ni Czarina ay makakaabala siya kung malalaman pa ni Johann ang tungkol dito. "Kailangan ko po ba talaga siya? Hindi po ba puwedeng, ako lang mag-isa ang humarap nito, Doktora?"

"You need people to support you, Czarina. This will be exhausting for you. But if you're not comfortable to let your suitor be involved in this, wala naman akong magagawa. I'll give you more time to think about it."

At first, Czarina was very eager to tell Johann everything. Nakakita siya nang pag-asa dahil nga lahat ng nararamdaman niya sa binate ay isang kontradiksyon sa sakit niya. He can be the hope. But as days passed by and as she finished two theraphies, napakabigat pala ng responsibilidad kung masasali si Johann sa magulo niyang pagkatao.

"How about your ex-husband?"

Mas naging marahas ang pag-iling niya. She can't let Bari know about this! Kaibigan ni Mama Bella ang psychiatrist niya pero ang alam nito ay annulled nang talaga ang kasal nila ni Bari.

Tinignan nito ang records niya. "Well, Czarina, in the other tests that I gave you, it appears to be... you still have deep feelings for your ex. Kaya ba ayaw mon a lang ma-involved si Johann dito?"

Napalabi siya. "Doktora, akala ko ba tapos na ang session?"

"I just want to let you know what seems to be unclear for you."

Napayuko siya at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay. "P-Pasensya na po. I... I don't know what to do."

"Hija, hindi na 'ko magsasalita bilang doktor mo pero bilang mas nakakatanda na lamang sa'yo. At hindi ako magiging biased kahit mula pagkabata niya ay kilala ko na si Ibarra."

Napabuntong-hininga ito.

"Gusto mo ba talaga si Johann o gusto mo lang ang atensyong ibinibigay niya dahil minsan mo na rin siyang nagustuhan noon? He's also a means to move on from your painful past."

Tumingin siya rito. "I don't want to hurt him once I dumped him."

"You told me he's a mature young man? He would understand, Czarina. You'll hurt him all the more when he finds out that you're not in love with him. You're unconsciously using him to forget. To distract yourself."

Lahat na nang tao ay sinabi sa kanya iyon. Ang Daddy niya, lalo na si Eugene! Alam naman na ni Czarina ang kailangang gawin. Hindi niya na dapat pinapaasa pa si Johann. Masyado na sila mas naging malapit nito. Akala niya ay pagmamahal din ang nararamdaman niya. But when Bari came back, trying to win her again, Czarina have realized how she loves her husband still.

Iyon nga. Mahal niya pa rin ito. Mahal pa rin nila ang isa't isa. Ngunit kaparehas pa rin ng dati, hindi sila tama. Hindi mabuti. Czarina would just fail again. She would totally hurt Bari again. Big time. And she's going to like it, hurting him. Hindi makakabuti para sa lalaki. Bari had enough. Hangga't sa hindi pa siya magaling, kawawa lang si Bari sa kanya.

He deserves all the best things in this world.

Inabot ng doktora ang kamay niya at nginitian siya na parang isang ina sa anak. "Hija, stay away from things that would complicate your situation more. Be honest with yourself."

Pagkauwi niya mula sa nakakapagod na theraphy ay nagpalit lang siya nang damit at agad na nangapitbahay. Three streets away and she's infront of his bestfriend's house.

"Eugene, hindi mo ba 'ko itatakwil?" nakalabing tanong ni Czarina habang may binabasang mga dokumento ang kaibigan.

"Pinag-iisipan ko pa."

Tumabi siya rito at nangalumbaba. "Mahal ko si Bari."

"Good. Now be a good wife and make it up to your husband."

"Pero may sakit nga ako, ano ba!" Hinampas niya ito nang malakas sa hita.

Binaba nito ang binabasa at nagtanggal ng reading glasses. "When I told you to be a good wife, it means start flirting around with other men. Dump his cousin."

"Pero hindi ako puwedeng makipagbalikan kay Bari nang... ganito pa 'ko..."

"Sinabi ko bang makipagbalikan ka agad? While you're fixing yourself, make it up to him by, again, not flirting with other man and pushing him to other woman. That's just basic, Clara."

Napangawa siya. "Eugene, gagaling pa ba ako? Baka kapag magaling na 'ko, hindi na 'ko mahal ni Bari."

"Face the consequences of your choices if that's so." Binalik ulit nito ang atensyon sa binabasa. "You'll get well soon. Maghahanap ako ng mas magagaling pang psychiatrists para masigurong gagaling ka."

Tinignan niya ito. Madalas ay masakit magsalita ito dahil natutumbok palagi ang mga tamang salita. But Eugene is still the bestest friend he will never trade to anyone else.

"Grabe, Eugene, mahal mo pa rin ako." Niyakap niya ito nang mahigpit. Nagusot ang guwapong mukha nito at iritadong nilayo ang ulo niya gamit ang dokumentong binabasa nito.

Natawa na si Czarina. "Okay, fine. Gagawin ko na ang sinabi mo. I'll be a good wife na."

"Very well."

Pero nalulungkot agad siya na isiping mawawala ang pagkakaibigan nila ni Johann sa oras na patigilin niya na ito sa panliligaw. Oo, maiintindihan nito. Pero siya na naman ang may kasalanan kung bakit may masasaktan. Kung hindi naman kasi siya nilandi-landi ni Bari!

Nanisi pa ang bruha. Ikaw na nga ang mali!

Kinagabihan ay hirap na hirap si Czarina sa pagsusulat sa kung ano bang puwede niyang sabihin kay Johann. Of course, she'll talk to him personally. Hindi naman puwedeng sa text message lang dahil napakabastos naman niyon. Gusto niyang paghandaan. Para maintindihan ni Johann.

Sasabihin niya na rin na... asawa niya si Bari. Oh! Baka kasuklaman na siya nang kababata niya. Johann will hate her!

"P-Puwede ba tayong magkita? M-May sasabihin sana ako sa'yo," kinakabang wika ni Czarina kay Johann nang kausap niya na ito sa phone kinabukasan.

"Nako, Czarina. Pasensya na. Mukhang sa susunod na linggo pa 'ko puwedeng makipagkita. Napakadaming trabaho sa eskuwelahan," he sounded tired. "Babawi ako. Promise 'yan! Pasensya na talaga, busy talaga mga poging teacher sa mga panahong ganito."

Medyo natawa siya. "Naiintindihan ko. Sige. Sa susunod na linggo. May sasabihin din kasi ako sa'yong importante at sana hindi ka magalit—"

"Hello, Czarina? Hello? Pasensya na hindi na kita marinig. Mahina reception dito sa faculty. Hello? Lalabas muna ako."

"Ah, no. No. Don't bother. I'll just hang-up. Alam kong marami kang trabaho. I'll just see you next week."

"Sige, sige. Miss na kita! Mag-iingat ka palagi," nagmamadali nang wika nito.

Hindi alam ni Czarina kung relieved ba siya dahil agad nitong binaba ang tawag at nakalusot siya upang hindi makapagsabi ng "I miss you, too" dito. So, she has one week to be ready.

Napatitig siya sa teddy bear na nakapatong sa dresser. "Siguro ganoon talaga, ano? May masasaktan at masasaktan ka kapag ginawa mo na sa wakas ang tama."

Siguro ay mga limang minutong nakatulala lang si Czarina. Binuksan niya ang laptop at hinalungkat na lang ang files ng susunod na "mission" nila ni Bari. Ayaw ni Bari ang nauna niyang naisip na plano oras na magkabalikan sina Gideon at Haley—kung magkakabalikan nga ang dalawa. But while she was scanning again their profiles, an idea popped inside her head.

Nagmamadali niyang tinipa ang naisip. Napangiti siya at nawala na sa mundo niya nang pagsusulat. Kaya naman kinabukasan, sabik na sabik siyang bumangon. Makikita niya si Bari ngayong araw! May usapan kasi talaga sila at nasabi niya na rito kagabi na may naisip na siyang plano. Gusto daw nito iyong makita.

Nagsuot si Czarina ng off-shouder flowery cream blouse at free-flowing mini-skirt. Hindi siya nagpapa-sexy kay Bari, ah! Slight lang.

Inirapan niya ang sarili sa salamin. As if naman mapapansin pa ni Bari ang suot niya mamaya. Ang alam niya ang isiningit lang siya nito sa busy schedule nito para makita ang nagawa niyang plano.

Hindi dapat siya late sa usapan kundi lang napakatagal i-serve ang kapeng binili niya para sa kanila ni Bari! Kaya naman nang nasa building na siya ay tinakbo niya ang elevator para makaabot bago sumara iyon.

"Good morning, Maria Clara."

"Good morning!" she happily greeted back. "Wait a minute." Kinuha niya ang dalawang kape na iniwan niya sandali sa desk ng sekretarya nito. Muntik na kasi iyong matapon at buti naagapan niya agad. "This is also the reason why I was late. I bought us coffee."

"You are happy today. Care to tell me why?"

Umupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito. Siya? Masaya? Maganda lang ang gising niya. She felt accomplished. At... masaya siyang makita kito ngayon. She hid her smile. "Wala 'to. Masarap lang ang tulog ko kagabi."

Inabot nito ang kapeng binili niya. "Hindi ka nagpuyat?"

Umiling siya.

"Maganda ang gising mo."

She nodded.

"You're in love?" simpleng tanong nito.

In love with you, yes! She pouted her lips. Not the right time to say it.

"Maria Clara."

"Eh... s-siguro." Napakamot siya sa pisngi. "H-Hindi ko pa alam. Basta... masaya ako." Wala siyang maisip na palusot. Masyado ba siyang halata?

Tumalikod ito mula sa kanya habang nilalabas niya ang laptop mula sa case. "Kailan mo siya balak sagutin?" biglang tanong nito. At alam niya rin kung sino ang tinutukoy nito.

"Papayagan mong sagutin ko si Johann?" nanantiyang tanong niya. Sandali lang. Hindi na ba siya pipigilan ni Bari ngayon? Her heart sank.

"Bari, payag kang sagutin ko si Johann?" paninigurado niya pa.

Nilingon siya nito. "Sure."

Napakurap siya at napatingala siya rito. Wala siyang mabasang ekspresyon sa mga mata nito. "But our annulment..."

He put his one hand inside his pocket. "I'll take care of that. Pero may gusto akong gawin mo."

"Ano?"

"Reject Johann first."

Nanlaki ang mga mata niya. "A-Ano?! Pero sabi mo puwede kong sagutin?" Pinagti-trip-an yata siya nitong si Ibarra!

But he doesn't need to say that. Plano naman niya talagang patigilin na si Johann sa panliligaw.

"I have a plan. Titignan natin kung hanggang saan ang kayang gawin ni Johann para sa'yo. Kung talagang mahal ka niya, kahit ayawan mo siya ay gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para mapasakanya ka. Am I right?"

Tinitigan niya ito nang matagal. Seryoso ba ito? He's pushing her to other man now! Ngayon pa! Ngayon pa kung kailan naman...

Pilit niyang hinanapan ng emosyon ang mga mata nito. Ngunit napakaseryoso nito. Hindi niya kahit kailan basahin ang nasa isip nito.

"Ang tagal na niyang nanliligaw sa'kin...Five months na," kunwari ay apela na lang niya para hindi nito mahalatang dismayado siya.

"Maria Clara, I courted you for two years."

Lumabi siya. "I-I know..." Kaya nga ito pa rin ang mahal na mahal niya!

"We'll just test him. Like what we did with Dylan."

Napabuga ito ng hangin. "Okay," pakikisakay niya na lang. But really, she'll reject Johann and will focus on her mental health first.

"Tell me when you are going to reject him. Then, I'll take you to Tierra Fe."

"Ang layo naman!" But... why she felt excited going back to that peaceful islet? "Hahabulin ba 'ko doon ni Johann?"

"He will if he truly loves you."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Talaga bang pinagkakanulo na siya nito kay Johann?! "Okay, fine. Siguro, next week." At next week niya naman talaga kakausapin nang masinsinan si Johann. Bahala na nga itong si Bari kung ano mang iniisip nito.

Bumagsak ang mga balikat niya. So... ganito pala ang pakiramdam ni Bari nang tinutulak niya ito sa ibang babae...

"Good. Now, let's plan about Gideon and Haley."

Mabuti pa nga! Para mawala na lang ang pagkadismaya niya. Tutal, pagkatapos naman niyang tapatid si Johann ay paniguradong hinding-hindi siya susundan nito sa Tierra Fe.

Sinimulan niya nang ihain kay Bari ang mga planong naisip niya. "Pero puwede pa 'tong magbago base sa sitwasyon ng dalawang 'to. What do you think?" tanong niya pagkatapos ikuwento ang mga puwede nilang gawin para sa pinsan nitong si Gideon.

"Impressive," totoong puri nito. Mukha nga talaga itong na-amaze sa bago niyang plano dahil wala itong mga negatibong komento habang nagsasalita siya kanina.

Pabiro siyang nag-bow. "Thank you." Minsan talaga napagkakatiwalaan pa rin ang utak niya. "Can I go now?" paalam niya na rin dito dahil pupunta naman siya sa publishing company para kausapin si Kyle.

Sasabihin niya sa pinsan na baka hindi muna siya makapagpasa ng mga nobela at hindi na muna makakasali sa mga booksignings ng kompanya. Dadaanan niya rin ang psychiatrist para ipaalam kung puwede siyang wala munang theraphy pagkatapos ng susunod na linggo.

Tumango si Bari. Bahagya itong nakakunot-noo habang nakatingin sa suot niya. At saka lang naalala ni Czarina. Ayaw nga pala nito sa mga damit na masyadong nagpapakita ng balat! How could she forget? Hmp, Czarina!

"Thanks, Bari!" Lumapit siya at hinalikan siya sa pisngi. "Ba-bye!"

Bigla nitong kinuha ang kanyang kamay. "Czarina."

"Hmm?"

"Take care for me."

Napakurap siya. Natigilan. Hindi niya akalain na maririnig iyon mula dito. Ulit. Hindi na kasi umiimik si Bari, lately. Lalo na nang umuwi sila galing sa Tierra Fe. Dalawang linggo nang nakararaan iyon. "I-I will."

Unti-unti nitong binitawan ang kamay niya. Napalunok si Czarina at tumalikod. Kahit gustong-gusto niya itong yakapin ay pinigilan niya ang sarili. Magpapagaling muna siya, please. Magpapagaling lang siya.

Nang nasa pinto na siya at tumigil siya sa paglabas. No, she can't throw himself at him this time. Ayaw niya nang magmadali dahil baka magsawa na naman siya. "Don't forget to drink that coffee and eat your lunch later," bilin na lang niya. At least, she have to show him that she still cares.

He nodded.

"I love you," hindi niya na napigilang saad. But she kept it in a casual tone. Nakagat niya ang dila upang hindi na masundan pa iyon nang mga ibang salita.

Ang hindi niya inaasahan ay ang pagsagot nito. "I love you, too."

Tumalikod siya upang hindi nito makita ang kanyang pagngiti. Totoo pa ba iyon? Eh bakit siya nito pinagkakanulo na kay Johann? May plano pa itong ganoon? Pero bakit nakikiliti ang puso niya?

Lumabas na siya nang opisina nito dala ang laptop bag niya. Nilingon niya ang nakasarang pinto ng opisina nito. How she wished she could straight forward to the time kung kailan magaling na siya.

Para sila na lang ulit ni Bari. And that time, she will be a good and mature wife already.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
3.1M 73.5K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
2.3M 76.9K 28
A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️ 2018 (Published 2019 by PHR)
10.5K 1.2K 20
06/13/2023 - 06/16/2023