Midnight Fairytale

By asktherisk

51.2K 1.7K 209

Ito ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels. More

Prologue
Equinox #1
Equinox #2
Equinox #3
Equinox #4
Equinox #5
Equinox #6
Equinox #7
Eqiunox #8
Equinox #9
Equinox #10
Equinox #11
Equinox #12
Equinox #13
Equinox #14
Equinox #15
Equinox #16
Equinox #17
Equinox #18
Equinox #19
Equinox #20
Equinox #21
Equinox #22
Equinox #23
Equinox #24
Equinox #25
Equinox #27
Equinox #28
Equinox #29
Equinox #30
Foreword before Solstice
Solstice #1
Solstice #2
Solstice #3
Solstice #4
Solstice #5
Solstice #6
Solstice #7
Solstice #8
Solstice #9
Solstice #10
Solstice #11
Solstice #12
KNOCK KNOCK?
Panaginip

Equinox #26

961 37 4
By asktherisk

#26

Ano nga bang unang ginagawa kapag napunta ka sa sitwasyong wala kang makita?

"Hold me tight and don't let go." narinig kong sabi ni Prince Sven. Right. Ang una mong dapat gawin ay humawak ng makakapitan o mangapa sa dilim. 

Balat sa balat. Palad sa palad. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong hinawakan ni Saber ang kamay ko sa hallway ng university. Hindi rin naman ito ang unang beses na magdaiti ang balat namin ng prinsipe pero kakaiba ang isang 'to. Ewan ko ba.

"Kaya ng mata naming mga bampira mag-adjust sa dilim. Pailawin mo na lang ang cellphone mo kung gusto mong maka-aninag." sabi niya habang tinatahak (yata) namin ang daan pabalik ng rink. Tama ulit. Pangalawang dapat gawin pag nasa dilim ay humanap ng source ng liwanag.

Kaya lang..

"Ah eh.. Nasa pouch ko kasi yung phone ko. Naiwan ko sa mesa." I said as I bit my lower lip. I heard him hissed pero hindi na rin naman siya umimik pa. Wala na 'kong nagawa kundi magpakalakad sa kanya sa dilim. Hanggang sa..

"Dammit!" Narinig ko na lang bigla na sinuntok niya ang pader gamit ang kamay na kanina lang ay hawak ko pa.

"A-Anong nangyari?"

"Wala nang tao sa rink." I could sense he's gritting his teeth.

"Pero...pano nangyari yun? Imposible namang---"

"---JIAH! PLEASE RESPOND IF YOU COULD HEAR ME! JIAH!" sigaw niya.

I felt a twinge of pain in my chest. Lihim kong pinagalitan ang sarili. Dang! This is not the time for evaluating stupid feelings.

"Narinig mo ba yun?" biglang imik ng prinsipe. Err..ako lang naman siguro ang tinatanong niya di ba?

"Alin?"

"Si Jiah! She's calling my name!"

"Wala akong narinig.." sagot ko. Aba, totoo namang wala talaga akong narinig eh!

Nagulat na lang ako nang marinig ko ang yabag ng prinsipe na tumakbo palayo. Great. How dare him left me here?!

Sa unang pagkakataon ay doon ko naramdaman ang takot. Takot dahil wala kang makita. Takot dahil nag-iisa na lang ako...dito sa dilim.

Iniwan niya 'ko..

Ganyan naman sila eh. Malimit naman nila akong iwan sa ere. Lagi na lang ganito. Lagi na lang akong naiiwan mag-isa.

Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking mga tuhod. There's no one going to save me here. I know something strange is happening in this place. Imposible namang mawala na lang bigla ang mga estudyante rito. Simula nang pumasok ako sa V.U. kung anu-ano nang kakaibang pangyayari ang mga na-e-encounter ko. The first one was the moment I was attacked by that so-called Pågala. Next one was the flower monster that the green-haired girl named Phula. Niligtas ako ni Caleb at Saber no'ng mga panahong iyon. Pero ngayon? Wala na. I'm going to die here...helpless.

I'm in between my own sobs when I heard a voice calling my name. Agad akong napa-angat ng tingin kahit wala akong makita.

"Krishna.."

I stiffened when I heard it again. That voice. Hindi ako pwedeng magkamali!

"Dad?"

Kusa nang gumalaw ang katawan ko. I stood up and followed the voice. Wala na 'kong pake sa dilim, basta kailangan kong mahanap ang pinanggagalingan ng boses na 'yon!

Lakad takbo ang ginagawa ko habang sinusundan ko ang boses. Nararamdaman ko rin na namamasa na ang pisngi ko tanda ng aking pagluha. Para akong nababaliw na ewan. Siguro nga wala na rin ako sa katinuan. Si Dad.. Gustong gusto ko na siyang makita.

Dere-deretso ako sa pagtakbo nang bigla akong mahulog!  What the fuck! Kasabay ng paghila pababa sa'kin ng gravity ay ang pag-akyat naman ng katinuan sa utak ko. Tangina! May bangin ba rito sa arena?!

Parang nabugbog ang pwet ko nang tuluyan akong bumagsak. Take note, paupo akong bumagsak. Wala akong galos na natamo o kung ano man. Weird. Wala akong ideya kung anong lugar man itong pinaghulugan ko pero..

UMUULAN NGAYON NG PEANUT!

Namiss ko 'to! Ang amoy ng peanut! Matagal-tagal na rin noong huli akong nagbenta kaya parang nangulila talaga ako sa amoy nito. Ang sayaaaa!

"Krishna.."

Kasalukuyan kong ine-enjoy ang amoy ng peanut nang marinig ko na naman ang boses ni Dad. Lumingon ako sa likod and I saw him smiling at me.

"Dad!" tumakbo ako sa papunta kanya at yumakap. His smell.. Gahd, siya nga ito!

Peanuts and my Dad. This is my best day ever!

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakangisi si Daddy. "Dad?"

Nagpalit ng kulay ang mga mata niya kasabay ng paglapad ng kanyang ngisi. Si Dad...nagkulay pula ang mga mata niya. Bampira ba siya?

"Krishna anak.."

Namanhid ang buong katawan ko ng bigla niya 'kong kagatin sa leeg. Hindi ko alam kung ano pang mga sumunod na nangyari dahil pakiramdam ko'y pati sarili kong kaluluwa ay tinraydor na rin ako.

Nagising ako sa amoy ng lupa. Tumambad sa akin si Daddy, nakangiti siya habang tinatabunan ng lupa ang aking katawan.

"Dad no!" I cried out habang kinakatok ko ang salamin na nakaharang sa mukha ko na sa tingin ko'y ang aking kabaong. Hindi ko alam kung dahil ba sa pag-iyak at sigaw ko o dahil sa walang hangin that I find it hard to breath.

"Dad! Please! No..Dad..."

"---DAD!" bigla akong napamulat at bumangon. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Noknok at Mr.Vijandre.

"A-Asan ako?"

Nakita kong nanlaki ang mata ni Noknok na napatingin kay fairy grandfather. "May amnesia siya?!"

"She's fine." boses iyon ng bagong pasok na babae na sa tingin ko'y isang doktor base sa kanyang pananamit. So..nasa ospital ba 'ko?

Lumapit sa akin ang babae at chineck ang vital signs ko. Nag-usap sila ni fairy grandfather habang si Noknok naman ang naiwan sa'kin.

"Mabuti at nagising ka na," sabi niya sa'kin.

"Anong nangyari?"

"Nagkagulo sa tinatawag niyo yatang Equinox ball. Lahat ng estudyante ay naabutang walang malay. Dinala kayong lahat dito sa hospital na para sa mga bampira. Karamihan sa inyo ay naghi-histerikal nang magising at sa lahat ng estudyante ay ikaw ang pinakahuling gumising," mahabang paliwanag niya. "Hindi mo alam kung gaano kami nag-aalala sayo. Ilan din kaming hindi mapakali rito sa kwarto mo."

"Kayo?" tanong ko. May iba pa bang mag-aalala sa'kin? "Sinong kayo?"

"Syempre, ako. Tapos yung dalawang matandang Vi-uhm..Vijaaan..dre, yung T-Boom mong kaklase saka ang prinsipe."

Napangiti ako no'ng banggitin niya 'yung T-Boom kong kaklase. For sure si Saber ang tinutukoy niya do'n. Nag-aalala rin pala ang mokong na 'yun sa'kin. Ang ipinagtataka ko lang ay..."Sinong prinsipe ang tinutukoy mo? Si Prince Caleb?"

Umiling naman si Noknok. "Ang balita ko, kakagising lang nung Caleb apat na oras ang nakakaraan kaya hindi pa siya pwedeng lumabas ng kwarto niya. Si Prince Sven na ungas ang tinutukoy ko."

Ang gagong Sven na 'yun. Nakonsensya siguro siya noong iwan niya ko kaya pinupuntahan niya 'ko rito. Naikuyom ko tuloy ang kamao ko sa gigil kaya lang may nasalat naman ako sa palad ko.

"Hindi namin yan matanggal sa pagkakahawak mo." sabi ni Noknok habang nakatingin din sa bagay na nasa palad ko. "Sa tingin ko galing yan sa nagligtas sayo."

"Nagligtas?"

"Alam mo bang natagpuan kayong magkasama ni Sven Ungas na walang malay? Sa tingin ko, siya ang nagligtas sayo."

Ako? Ililigtas niya? Bakit?

Tinitigan ko ang itim na balahibo na nasa palad ko. Hindi ko akalain na hanggang sa ball ay susundan ako ng balahibong ito. I snapped when I remembered something. Naalala ko 'yung naging pag-uusap namin ng prinsipe sa may men's restroom. I almost accused him na may kinalaman siya sa Black Raven! Kung tama ngang talaga ang mga hinala ko, may something something sila no'ng Black Raven!

Pero...sapat na nga bang ebidensya ang mga balahibong nakalap ko?

Pare-pareho naman kaming napabaling sa pinto nang may magbukas niyon.

"Magandang araw. Ako si Inspector Neru. Gusto ko lang sanang makausap ang pasyente.."

***

Sa palasyo..

"Magbigay pugay sa mahal na hari!"

Yumuko ang anim na ministro kasama na rin ang kanyang reynang si Alijah at ang Queen Dowager na si Radha. Bakas sa mga mukha ng mga bampirang ito ang takot at labis na pag-aalala. Lihim na napailing si Aven. Oo, alam niyang matagal siyang nawala dahil sa pagtugis sa mga barbarong SangReal pero balewala lang pala ang paglalakbay niyang iyon dahil SangReal na mismo ngayon ang kumakanti sa kanila.

Umupo silang lahat at sinimulan ang pagpupulong. Unang nagsalita ang punong ministrong si Zelus. Si Zelus ay siya rin mismong ama ng kanyang reyna Alijah.

"May dalawang malaking problema na kinakaharap ngayon ang palasyo. Una, ang kaguluhan sa Equinox Ball na alam naman nating lahat na kagagawan ng mga SangReal. Pangalawa, ang tungkol sa sumpa ng crown prince."

Nakita niyang napasimangot ang asawang si Alijah nang banggitin ng mismong ama nito ang tungkol sa crown prince. "Hindi magaling ang nakuha niyong babaylan noon," ani Alijah. "Nasira ang seal at malamang ay sinadya niyang gawan iyon ng butas para makalaya ang alter ng crown prince sa takdang panahon!"

"Wag na tayong magsisihan dito." singit ng isang ministrong nagngangalang Clydar na isang Rayearth. "Nangyari na. Nasira na ang seal. Nakalaya na ang alter. Wala nang magagawa ang kung magsisisihan lang tayo."

Mas lalong napasimangot si Alijah. Bigla namang nagsalita si Xyrem, ang pinakabatang ministro. "Hindi na ba natin pwedeng ibalik ang alter ng kamahalan sa painting?"

Nagsitanguan ang ilan. Samantala ay tahimik lang si Aven na nakikinig. Nasa kalagitnaan ng diskusyon ang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng silid.

"Prince Sven, kahit ikaw ang crown prince ay wala kang karapatan makisali sa pulong ng matatanda," wika ng Queen Dowager. Ang Queen Dowager na si Radha ay ang dating reyna ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang kuya Eustace na asawa naman ng babae.

"Sandali lamang po," ani Prince Sven. "Ang alter ko..wag niyo na po siyang ikulong muli."

Nagpalitan ng tingin ang mga ministro. Alam ni Aven na hindi sasang-ayon ang mga ito sa suhestyon ng anak.

"Mahal na crown prince, ipaubaya mo na sa amin ang problemang ito," wika ni Queen Alijah.

"Hindi. Katawan ko 'to kaya ako ang masusunod." matigas na saad ni Sven. Dito na nagsimulang maghinala si Aven. Mas mabilis pa sa kisapmata na nakapunta agad siya sa harap ng anak at sinakal ito sa leeg.

"Ikaw! Ikaw ba ang alter ng anak ko?!" nanggigigil na tanong ng hari. Lahat ay nabigla sa nangyari ngunit mabilis na nakalapit si Alijah sa kanila.

"Mahal na hari itigil mo yan! Ang mga mata niya'y kulay abo. Siya ang anak nating si Sven!"

"At paano mo naman nasiguro?!" sigaw ni Aven.

"Alam ko dahil ako ang ina niya!"

Doon lang binitawan ni Aven ang anak. Pumipintig ang kanyang sentido. Sumasakit ang kanyang ulo sa pagpupulong na ito, mabuti na lamang at hindi na pinili pumunta rito ng Inang Reyna dahil tiyak na sasakit din ang ulo nito sa mga nangyayari.

Naghahabol ng hininga namang inalalayan ni Alijah ang anak. Ilang sandali pa at nakaporma nang muli si Sven ngunit halatang nanghina ang tuhod nito sa naganap.

"Ang alter ko...nakakausap ko na siya." napasapo sa noo si Aven sa narinig mula kanyang anak. Kung nangyaring nakausap na nga ni Sven ang alter nito ay baka na-brainwash na nito ang kanilang unico hijo. Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang crown prince. "Ipinagtapat na ng alter ko sa'kin ang lahat. Ang aking alter.. Siya si---"

"---Black Raven." pagpapatuloy ni Eshar, ang matandang babaeng sinasabing pinakamatalino sa anim na ministro.

"Ang holy grail," pagpapatuloy ni Sven. "sabi sa'kin ni Raven ay binabalak niya raw buoin ang maalamat na holy grail."

'Kung ganon ay may pangalan na pala ang alter niya' sa isip isip ng hari. "At bakit niya naman binubuo ang holy grail?" tanong niya sa anak.

"Hihilingin niya na magkaroon ng sariling katawan," sagot ni Sven.

"Kalokohan!" sigaw ni Yazur, ang ministrong dating Lord Knight ng monarkiya. Ngunit dahil binuwag na ang chivalry system mula nang magpaubaya ang palasyo sa gobyerno ng Sudura ay ginawa na lamang itong ministro. "Alam nating lahat na isang alamat lamang ang holy grail!"

"Pero paano kung totoo?" singit ni Amesh, ang tanging half blood na pinayagang maging ministro dahil sa angkin nitong kakaibang abilidad na tanging si Aven pa lamang ang nakakadiskubre. "Malay niyo, magtagumpay ang alter ng crown prince. Hindi naman masamang sumubok hindi ba?"

Saglit na natahimik ang lahat. Pawang mga tinitimbang ang sitwasyon. Maya-maya pa ay nagsalita ang Queen Dowager.

"Sa tingin ko'y dapat nating bigyan ng pagkakataong mabuhay ang alter ng prinsipe. In the first place, wala naman talaga itong kasalanan sa mga nangyari. Biktima lang din siya ng sumpa at wala tayong karapatan para pagbayarin siya sa kasalanan naman ng iba." saad ni Radha. Hindi nakaligtas ang hari sa makahulugang tingin ng Queen Dowager sa kanya at sa asawa.

Alam ni Aven kung ano ang tinutukoy ni Radha. Labing walong taon na rin pala ang nakakaraan.. Labing walong taon ngunit sariwa pa rin ang mga sugat sa kanilang puso.

Kung tutuusin ay may punto rin naman ang Queen Dowager. Hindi dapat ang alter ni Sven ang nagdurusa ngayon. Kung tutuusin pa nga ay anak niya rin naman ang alter nito. Napatingin ang hari kay Alijah. Bakas sa mukha ng asawa na nasaktan din ito sa mga sinabi ng Queen Dowager.

"Buong buhay ko ay wala akong ibang sinunod kundi ang utos niyo. Ngayon lang ako gagawa ng desisyon para sa sarili ko. Pakiusap.. Mahal na hari.. Bigyan mo sana ng pagkakataon mabuhay ang alter ko."

Ngayon lang nakita ng hari na magmakaawa ng gano'n ang kanyang anak. Nakaluhod ito sa ngayon sa harapan nila.

Marahas na napabuntong hininga si Aven.

"Sige. Pumapayag na 'kong manatili ang iyong alter. Pero bago ang lahat, nais ko muna siyang makausap.."

***

"Nasan si Inspector Neru?"

Napakunot ang noo ng tauhan ng inspector. Ngayon niya lang kasi nakita ang binatang nasa harap niya na basta na lamang pumasok sa tanggapan ni Inspector Neru. Kulay luntian ang bagsak na buhok nito na lumaladlad hanggang sa mata.

"Nasa ospital si Inspector Neru. May kailangan siyang interview-hin dun," sagot niya sa binata.

"Tungkol ba sa Black Raven ang interview na iyon?" tanong nito.

"Sino ka ba?" maangas na tanong ng tauhan.

"Tawagan mo siya at sabihin mong bumalik na rito."

"Aba't---!"

"---Ipinadala ako mismo ng presidente ng Sudura," anang binata. "Ako si Detective Target Brijesha.

..at ako inatasang bagong hahawak sa kaso ng Black Raven."

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...