In Love With Miss Doctor (Gon...

By razzlyxox

7.3K 210 59

Si Jovelyn Gonzaga ay isang simpleng estudiyante lamang sa kolehiyo. Nag-aaral siya ng mabuti at tahimik ng i... More

Teaser
In Trouble
Fallen Soldier
The Doctor is In
Aftermath
Just for You
Power Hug

Meet the Bionic Jovy

1K 26 0
By razzlyxox


Bored na bored kong pinaglalaruan yung hawak kong ballpen habang nakapangalumbaba at nakatingin sa bintana. Kanina pa dada ng dada yung prof sa harap pero wala naman sa kanya yung atensyon ko.

Haayy... when is this gonna end? I thought.

I'm glad to have been seated beside the window. Instant boredom buster yung bintana dahil pagtingin ko dito, nakikita ko agad yung view ng school mula sa taas.

Kahit malayo, nakikita ko yung buildings ng iba't ibang colleges, yung greenhouse, at itong central square garden na isa sa pinagmamalaki ng school ko. Ang cute lang kasi nagmukha sila miniatures mula dito sa taas.

Always a nice view.

Akalain mo yun? Third year na ako dito sa St. Nicholas University. Isa ito sa mga premiere schools dito sa Pilipinas. Maganda ang reputasyon at halos lahat ng mga nag-aaral dito eh mayayaman at mataas ang posisyon sa lipunan.

Tatlong taon ko nang pinagtitiyagaan yung kursong hindi ko naman gusto. Wala naman kasi akong magagawa. Hindi naman kami sobrang hirap pero di rin naman kami mayaman nila Papa, kaya napilitan akong tanggapin yung pagpapaaral na inalok sa akin ni Tito pero sa kondisyon na Business Management yung kukunin kong kurso. I had no choice dahil walang sapat na pampaaral sa akin si Papa sa kolehiyo. Ang mahal kaya ng tuition dito.

Kaya heto ako ngayon, walang gana habang panay ang discuss ng prof sa harap ng Taxation.

Ugh. I never liked that subject. And most especially, I never liked numbers. Halos maubusan ako ng pasensiya sa subject kong Finance at yung linsiyak na Accounting. Ilang beses na ba akong napapagalitan ni Tito dahil sa mga bwisit na subject na to? Hay buhay.

Hindi naman ako bobo. Sadyang tamad lang ako. Tsaka, hindi naman ako bagsak eh. Pasado naman. Di pa ba okay yun? Kung tutuusin, pumapasa ako sa kursong di ko naman gusto?

"Miss Gonzaga, can you repeat the definition of excise tax?"

Napatingin silang lahat sa akin ng bigla akong tanungin ng prof namin. Ako naman eh tila naguluhan.

"Uhm... e-excuse me?" halos pabulong kong sabi. Pero mukhang narinig pa rin ako nung prof namin. Masama na yung tingin nito saken. Tsk. Masungit pa naman to. Paano, matandang dalaga kasi.

"Looks like you weren't listening Miss." nagsalubong ang mga kilay nito. "What is the definition of excise tax?"

Shet. Wala akong masabi. Hindi pa naman ako nakikinig kanina. Hindi pa ako nagbasa ng notes kanina kaya wala talaga akong idea.

Napapapadyak na ito ng mahina sa sahig habang naka-cross arms. Naiinip na yung prof sa paghintay ng sagot ko, habang ako naman eh sinisimulan ng pagpawisan ng butil-butil.

Para akong prey na ilang minuto nalang eh sasakmalin na ng predator ko.

Juice colored!

Pasimpleng tumikhim yung babaeng katabi ko at patagong pinakita sa akin yung notebook niya na may sulat na malalaking letra, sapat para mabasa ko sa kaunting distansya namin.

Halos mapangiti naman ako sa isip ko. Maaasahan talaga tong best friend ko.

"Uhmm..." tumikhim muna ako bago nagsalita. " Excise tax is--"

Hindi ko na napagpatuloy yung sagot ko ng magring yung bell.

"Saved by the bell." nangingiting bulong ng katabi ko.

"Okay class. You are dismissed." wala ng nagawa yung prof namin kundi idismiss yung klase. Isa-isa na rin kasing nag-aayos ng mga gamit yung mga kaklase ko. "But I'm not yet done with you Miss Gonzaga. I'll get back to you on our next meeting." masama ang tingin pinukol nito sa akin.

Inayos nito ang mga gamit sa table niya bago bitbitin palabas ng classroom.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Muntik ka na dun." inakbayan ako nito pagkatapos sukbitin yung bag nya.

Nakangiti lang ako ng ipalupot sa may bewang niya yung kamay ko. Sabay kaming naglakad palabas ng classroom hanggang sa marating namin yung hallway. Ganto talaga kami kaclose ng best friend ko. Sanggang dikit na parang magkapatid.

"Salamat pala sa notes. Hayaan mo magbabasa na ako next time."

"Saan na naman ba kasi lumipad yung isip mo?"

Sasagot na sana ako ng biglang may tatlong babae na humarang sa dinaraanan namin. Napahinto tuloy kami sa paglalakad.

"Well well well, if it isn't Miss Jovelyn Gonzaga and Mika Aereen Reyes."

Nakasimangot na tumingin ako dito. Ano namang problema ng babaeng to at talagang binuong banggitin yun pangalan namin?

Mahigpit na humawak sa balikat ko si Mika. Tiningnan ko siya. Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.

"What do you want? You're wasting our time." pagsusungit ko. Exaggerated na napasinghap yung dalawang alipores niyang mukhang kumakain na yata ng makeup sa sobrang kapal.

"Oh my gosh. She did not just talk to you that way Yoanna." maarteng wika nung isa.

Hindi ako interesadong kausapin siya at yung mga alipores niya, kaya lang nakaharang kasi sila sa daraanan namin. Hindi kami makaalis.

Si Yoanna Salvador lang naman ang Queen B ng school na to. Queen B as in, queen bee, queen bitch and queen bully. Pardon my languange. Pero sa lahat talaga ng tao dito sa school, siya ang pinakahuling taong gusto mong kaibiganin at kausapin. Oo, sikat siya lalo na sa mga lalaki pero sobrang arogante niya at yabang. At tinatapakan niya lahat ng taong bumabangga sa kanya. Well, kahit di mo siya banggain, tatapakan at tatapakan ka niya oras na mapagdiskitahan ka niya.

Hay naku. Typical arrogant rich kid.

Sa pagkakaalam ko eh Tourism yung course niya at never pa nagkrus ang mga landas namin. Ano naman kayang kailangan ng buang na to? At tsaka teka, paano naman niya nalaman yung mga pangalan namin?

Yoanna smirked. Lalong napaarko yung mga kilay ko.

"I just came here to warn you. At isang beses ko lang to sasabihin." lumapit siya at tumingin sa mga mata ko. "Mind your own business and do not ever meddle with my own." lumipat muna ang tingin nito kay Mika bago lumayo.

"Ano bang sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko.

Imbes na sagutin ako, nginitian lang ako nito ng mapakla at pagkatapos ay inirapan pa ako. Di naman nagtagal at umalis rin ito sa harap namin kasama yung mga alipores niya.

"Anong problema nun?" nakakunot-noo pa rin ako pagtingin ko kay Mika.

Napapikit ito at huminga ng malalim. She bit her lower lip and then her nails.

Kilala ko si Mika. Kapag ganitong nagne-nail biting na siya, alam kong may bumabagabag sa kanya.

Siguro ay may sasabihin siya sa akin. Pero ayoko naman siya pilitin. I know magsasabi naman siya kapag ready na siya. Hindi rin naman kasi siya yung tipo na naglilihim ng matagal, lalo na sa akin.

Being best friends is not about not keeping secrets to each other. It is about being open yet respecting each other's privacy.

I smiled and held her hand to make her feel at ease. Mukhang effective at medyo kumalma naman siya.

"Nagugutom ka na ba? Kain muna tayo sa cafeteria." aya ko at dumirecho kami sa nasabing lugar.

Pagdating namin sa cafeteria ay agad ko syang pinaupo sa bakanteng silya at sinabing ako na lang oorder ng pagkain namin.

Syempre, di ko siya nakalimutang ibili ng paborito niyang blueberry cheesecake.

Napabuntong-hininga ako sabay iling. Medyo may kamahalan yung mga pagkain dito sa cafeteria at napasubo yung savings ko.

Pero okay lang kung gagaan naman yung pakiramdam ng best friend ko. Kung tutuusin, ilang beses na nga akong nililibre ng lunch dito ni Mika. Walang wala pa to.

Mabilis akong nakabalik. Umupo ako at nilapag yung mga pagkain namin. Agad na nagningning yung mga mata nito pagkakita dun sa isang slice ng blueberry cheesecake.

"Thank you best friend!" malaki ang ngiti niya habang inaabot yung paborito niya.

Susubo na sana ako ng spaghetti ng bigla-biglang may tumapik ng malakas sa likod ko. Muntik pa kong sumubsob sa plato.

"Jovy! Ang daya nyo bakit di nyo ko hinintay?!"

Tiningnan ko si Mika na busying-busy sa pagkain niya.

"Uy Jovs! Bakit di mo ko kinakausap? Galit ka ba sakin?"

Madali itong umupo sa tabi ko sabay tingin.

"Halaaa! Anong nangyari sayo?? Bakit may dugo ka sa mukha... naku! Uupakan ko kung sino man yan!" sabi nito sabay rolyo ng sleeves ng uniform niya at flex ng mga brasong akala mo eh may muscles.

"Eh kung hindi ka ba naman gaga, tinapik mo ko ng sobrang lakas halos sumubsob ako dito sa kinakain kong spaghetti." inirapan ko muna siya bago punasan yung sauce na dumikit sa cheeks ako. Pagkatapos ay sumubo ako bago pa ito maunsyami ulit.

"Hehehe sorry." nagpeace sign siya. "Mika bebe! Namiss ko kayo." ngiti nito kay Mika sabay yakap. "Penge ako." akmang kukuha ito sa cake ng madaling nilayo ni Mika yung platito.

"Bumili ka ng pagkain mo." natawa ako sa pagsusungit ni Mika na parang bata. Kilala ko si Mika bilang mapagbigay, pero possessive talaga to sa mga bagay na paborito niya.

"Sungit." parang batang maktol nito sabay pout. Pero nawala din yon at nakangiti siyang kinausap ako. "I missed you Jovs." ngiti niya. "Sabihin mo lang kung may nang-aaway sayo ha. Di ako magdadalawang isip na bugbugin kung sino man yan." habol niya.

"Thanks but I can handle myself."

I heard Mika chuckle. "Si Jovs pa ba, Aly? Alam mo naman..."

Natawa si Aly. "Oo nga eh. Pero hinihintay ka talaga nila dun."

Nginitian ko siya sabay iling. "I'm still not interested."

Si Aly ay isa sa mga malalapit na kaibigan ko dito sa school. Communication Arts ang kurso niya at nasa third year na din. Nakilala namin siya ni Mika minsan nung Sports Fest nung 1st year pa lang kami. Nagtry out doon si Aly sa women's volleyball team. She became part of the team at hanggang ngayon ay myembro pa rin siya nito. Next year ay siya na ang gagawing team captain bilang ga-graduate na yung kasalukuyang team captain ng team.

"Well, they are just as stubborn as you are friend." sabi ni Aly.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"By the way, nakasalubong ko sa hallway si Yoanna kanina."

"Kelan ka naman naging interesado sa kanya?" tanong ko.

"Hindi ako interesado sa kanya. Something just caught my attention." bumaling si Aly ng tingin kay Mika. "She was fighting with James, and I heard her mention your name Mika."

Napatingin na rin ako kay Mika.

Napahinto siya sa pagkain, pero hindi siya makatingin sa aming dalawa ni Aly. She started biting her nails.

Nafifeel ko yung uneasiness ni Mika kaya kinausap ko na si Aly. "Ahem... Kumain ka na ba? Gusto mo din ng spaghetti?"

"I-I went out with James."

Napasinghap si Aly sa sinabi ni Mika habang ako eh nakatingin lang.

"Oh my gosh... now I know kung bakit nanggagalaiti si Queen Bee kanina..." natutulalang sabi ni Aly.

"Oh, eh ano naman ngayon kung lumabas siya kasama yung James na yun?" tanong ko habang nakakunot-noo.

"My God friend!" tinapik ako ni Aly. Napa aray ako sabay hawak sa braso ko. "Seryoso ka ba? Boyfriend lang naman ni Yoanna yung dinate niya!"

"What!" nanlaki ang mga mata kong napalingon kay Mika. "Kelan ka pa nakikipagdate sa kanya?"

"T-Two weeks ago... Pero isang beses lang... hindi na naulit yun. Hindi na ulit ako nakipagdate sa kanya."

"Pero friend, bakit ka naman nakipagdate sa kanya... alam mo namang..." malungkot na tanong ni Aly.

"Hindi ko alam na boyfriend siya ni Yoanna nung date namin. Hindi ko nga alam na may girlfriend siya. Nung nalaman ko I immediately talked to him at sinabing hindi ako interesado sa kanya. Never ko na siyang kinausap after nun and I ignored all his calls and messages." nakayukong sabi ni Mika.

"H-Hindi ko naman kasi alam..." pagpapatuloy niya. "H-He's a nice guy... kaya lang, may girlfriend na siya... and it made me feel bad for going out with him.. kaya di na yon naulit pa. H-Hindi ko naman nalaman agad na si Yoanna pala yung girlfriend niya."

"Oh, so you went out on a date with my boyfriend."

Gulat na napatayo kaming tatlo ng marinig ang isang galit na boses ng babae. At sa harap namin, it's currently the girl in our conversation kasama yung dalawang alipores nya.

"Y-Yoanna... I'm sorry.. h-hindi ko alam--" she cut Mika off in mid sentence.

"That's MY boyfriend you bitch!!"

Halos sumugod ito and she is on the verge of hurting Mika kaya pumagitan na ako sa kanila.

Sinalo ko yung wrist ni Yoanna na nasa ere. Gulat at gigil itong napatingin sa akin.

"What are you doing!? Get your hands off me stupid!"

Di ko siya pinakinggan.

"Hindi mo ba alam na pinagbabawal ng school ang kahit na anong karahasan? At pwede ba, tigilan mo si Mika. Hindi niya yun sinasadya. Nagsosorry na nga sayo di ba?" tinitigan ko ito sa mata.

Pero tila sumiklab pa ang galit sa mga mata nito.

"Sino ka ba!!? Hindi ka kasali dito stupid! Let go of my arm bitch!"

"No." mariing tanggi ko. Nagsisimula na siyang pumiglas.

"Fuck you!! Let go of me stupid slut!!"

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante sa pag-eeskandalo niya. At nag-iinit ang ulo ko sa sama ng tabas ng dila nito.

Hinawakan ako ni Mika sa balikat. Her eyes have this soft expression. Para bang sinasabi na bitawan ko yung kamay nitong bully sa harap ko.

Without a word, binitawan ko siya at pinapunta si Mika sa likod ko. Baka kung ano pang maisipang gawin ng babaeng to sa kanya lalo na at pinakawalan ko siya.

"Ohh.." maarteng sambit nito sabay wisik ng kamay matapos ko siyang bitawan. Namumula na pala yung wrists niya sa higpit ng paghawak ko dito.

Tumingin ito ng matalim kay Mika.

"We're not yet done whore! Maybe not now but I swear, I will take you down." makamandag ang mga huling salita nito. Lumipat ang matalim na tingin nito saken. "Pasalamat ka dito sa bodyguard mo. Hmph!" inirapan pa ako nito bago tumalikod. Sinenyasan nito yung mga alipores niya at inis na lumabas ng cafeteria.

Pagkalabas nung mga bully eh agad akong humarap kay Mika.

"Okay ka lang?"

She immediately hugged me and said "Thank you."

"Ay sus. Wala yun! Kayang-kaya ko sila." I said jokingly pagkahiwalay namin. Natawa naman siya. She smiled pero agad rin napalitan yun ng pag-aalala at takot.

"I hope it wouldn't come to that."

Naiintindihan ko yung takot niya because she's under Yoanna's radar now. Knowing Yoanna's reputation, she will do anything and everything to take anyone under her radar down. I don't exactly know how Mika arrived in this mess, pero sa ganitong sitwasyon, mas kailangan niya ako. Kailangan nya ng poprotekta sa kanya.

"I'm here for you best friend. Di ako papayag na awayin ka nila." I said assuringly. Ngumiti ulit siya.

Nilingon ko si Aly dahil napansin kong kanina pa siya tahimik. Kunot-noo ko itong tiningnan. Nakahawak yung magkabilang kamay nito sa dibdib habang tulala.

"Problema mo?" tanong ko. Unti-unti nitong tinanggal yung hawak.

"Crush ko na yata sya..."

Sinimangutan ko ito sabay kurot sa tagiliran.

"Sira!"

"Arayy!" reklamo nito.

Napangiti si Mika sa harutan namin ni Aly pero yung ngiti niya di man lang umabot sa mga mata niya.

"Char lang naman Jovs!" bawi ni Aly. "Kaaway nyo na siya kaya kaaway ko na din yun. Maganda nga pero salbahe naman. Pwe!"

Nginitian ko sya ng mapakla bilang senyas na di siya nakakatulong para pagaanin yung nararamdaman ni Mika. Mukhang nagets nito at nagbehave agad.

Pagkatapos ay sabay-sabay naming nilisan ang cafeteria at pumasok na rin sa mga klase namin. Nagpaalam kami kay Aly dahil sa kabilang college pa ito.

Lumipas naman ang maghapon at di na kami ginambala pa ng hitad na Queen Bee.

"Mag-iingat ka ha." nakipagbeso ako ng maihatid niya ako dito sa bahay. May sariling kotse si Mika at lagi akong hinahatid pauwi. Actually, tumanggi ako noong unang alok nya dahil syempre nahihiya din naman ako, kaya lang sobrang mapilit siya at di tumatanggap ng hindi kaya sa huli eh napilitan na akong sumabay sa kanya. Nagprisinta pa nga siya dati susunduin din ako sa bahay para sabay kaming papasok ng school pero sinabi kong mas maaga akong pumapasok dahil may administrative duties pa ako sa school sa umaga.

"Ingat din. Salamat ha." ngumiti siya pagbaba ko ay kumaway pa bago pinasibad yung sasakyan niya.

Pero bago siya umalis, di nakaligtas sa paningin ko yung paglungkot ng mga mata niya.

Kahit di niya sinasabi, alam ko na natatakot siya sa maaring gawin sa kanya. Siya yung tipo ng tao na ayaw ng gulo at hanggang maaari eh iniiwasan ito.

Napapikit ako. Wala naman sanang hindi magandang mangyari. And I shouldn't let that happen.

Hayy Jovs, looks like you have to put up a fight.

Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko ng gulo o kahit anong away. Ayoko makipagtalo pero mukhang wala akong magagawa dahil baka si Mika naman yung saktan nila. Ayokong magresort sa violence, kaya lang kung si Mika na yung ginugulo nila o kahit na sinong kaibigan ko pa, di ko mapapangako na hindi ko sila masasaktan. And I will definitely hurt them a lot.

No one bullies anyone I care about or else, ako ang makakaharap nila.


--

Continue Reading

You'll Also Like

261K 8.8K 52
There's no way you're hitting on me right now. ━ Lando Norris x Fem!OC © KissLeclerc , April 2024 Started: April 8, 2024 Completed: May 10, 2...
1M 44K 89
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
461K 9.6K 36
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
887K 41K 174
𝒊𝒏 𝒘𝒉𝒊𝒄𝒉 the boy who lived falls for the girl who had no one