Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Agad akong nagtaka at inilibot ang paningin sa estrangherong kwarto na kinalalagyan ko. Napamulagat ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Akma akong babangon nang mapansin ko ang katabi kong lalaki na kung makayakap ay akala mo inaagawan.
Naka-dantay ang mga binti niya sa akin at nakayakap ng mahigpit ang braso niya sa bewang ko habang nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko. Great! Paano ako aalis ng di siya nagigising?
Dahan dahan kong tinulak ang mukha niya papalayo sa akin. Maingat ko ring inalis ang kamay at binti niya sa katawan ko. Nagpasalamat naman ako nang nagtagumpay ako at hindi siya nagising. Tumayo ako na agad ko ring pinagsisihan. Anak ng tinapa! Ang sakit ng cherry ko! Para akong tanga na sumisigaw ng walang boses. Ngali ngali kong suntukin sa mukha itong lalaking katabi ko. Siya sarap na sarap samantalang ako? Ito nagdudusa sa sakit.
Paano ba namang hindi? Hindi ako tinigilan kagabi. Makailang beses ako ginapang kahit pa ba natutulog na ako ay sige pa rin ang loko. Ang sakit talaga! Kahit namimilipit ay kinaya ko pa ring tumayo at magtungo sa banyo. May dalawa kasing pinto sa loob nang kwarto bukod sa pinto palabas. Hindi ko alam kung saan ba ang banyo kaya binuksan ko na lang ang pinto na pinaka-malapit sa kinalalagyan ko. Natuwa naman ako nang ito nga ang banyo.
Naglinis ako nang katawan at ginawa ang daily routine ko. Humiram na rin ako ng t-shirt niya. Malaki ito sa akin kaya nagmukha itong dress. Kumuha na rin ako ng boxer short niya. Nang makuntento ako ay lumabas na ako sa banyo. Tulog pa rin si Ace. Kumunot ang noo ko nang mabalingan ko ang isa pang pinto. Ano kaya ang laman ng kwartong yun?
Lumapit ako sa pinto at dahan dahang binuksan ito. Dilim ang unang sumalubong sa akin. Hinanap ko ang switch ng ilaw at pinindot iyon. Napasinghap ako at muntik ng mabuwal sa kinatatayuan nang masilayan ko ang buong kwarto. Nanginginig akong napatakip ng bibig sa mga nakikita ko. What is the meaning of these? Bakit punong puno ng mga image ko ang buong kwarto? May mga human size portrait at may mga stolen shot. Ang malala pa ang mga kuhang ito ay matagal na. Noong nagtratrabaho ako sa kanya bilang sekretarya pa.
Walang laman ang buong kwarto kundi isang upuan na nakapwesto sa gitna at ang mga pictures. Wala rin akong nakitang bintana o kahit na anong butas. Pumasok na ako at sinuri ang bawat imahe. Tila naman naka-ramdam ako ng kaba ng makita ang mga pictures na nasa sulok. Mga kuha ko ito na tanging twalya lang ang nakabalot sa katawan ko at kuha pa ito mula sa apartment ko noon.
May mga kuha din ako habang natutulog sa kwarto ko noon sa condo ni Ace. Napakarami ng mga pictures na para bang isa itong documentary. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Bakit may mga ganito si Ace sa loob ng kwarto niya?
"Anong ginagawa mo sa loob ng kwartong ito?" Isang malalim na boses ang nag-salita sa likuran ko. Napabalikwas ako at mabilis na humarap sa gawi ng pinto. Nakita ko si Ace sa pinto at tanging boxer lang ang suot. Walang emosyon ang mukha nito at yun ang kinabahala ko.
"B-bakit ka may ganito sa kwarto mo?" Kahit pa anong takot ang nararamdaman ko ngayon ay kailangan ko pa rin alamin ang totoo. Umiwas ito ng tingin sa akin at narininig ko ang impit na pagmumura nito.
"Let us eat. Ano ang gusto mong kainin?" Pagiiba nito sa usapan. Tumalikod na ito at lumabas sa pinto. Kahit masakit pa ang ibaba ko ay pinilit kong tumakbo upang maabutan sya.
"Ace sagutin mo ang tanong ko. Bakit may mga pictures kita?" Laking pasasalamat ko nang maabutan ko sya at mahawakan ang braso niya. Napansin ko na bahagya siyang nanginginig. Galit ba sya? Hindi ba't ako ang dapat na magalit? He' been invading my privacy since I don't know when.
"I don't want to talk about it" mahina lamang ang pagkakasabi niya. Ano? Ayaw niyang pagusapan? Hindi sya ang magdidisisyon.
"No. Paguusapan natin ito sa ayaw o sa gusto mo" pagpupumilit ko.
"SHUT UP" iwinaksi niya ang braso niya para makabitaw ako ng kapit mula dito. Hinarap ako nito at mariing hinawakan ang braso ko. Napakahigpit nun at sa palagay ko'y magkakapasa ito pagkatapos.
"Ayokong pagusapan" mariing sabi nito. Napapangiwi ako sa sakit ng pagkakahawak nito sa braso ko.
"N-nasasaktan ako Ace" pilit kong inaalis ang pagkakahawak nito sa akin ngunit ayaw talaga nitong bumitaw. Puno ng galit ang mga mata nito. Para rin itong bubuga ng apoy.
"Ace" wala na akong ibang magawa kundi ang sambitin ang pangalan niya. Nakahinga ako ng maluwag nang binitawan niya ang braso ko ngunit panandalian lamang iyon. The next thing I knew, the whole room is a wreck! Nagbabasag ito ng mga gamit at wala akong magawa kundi ang umiyak sa gilid.
Natatakot ako sa kanya. Nakakatakot ang mga kinikilos niya. Nagusal ako ng isang tahimik na dasal. Diyos ko! Ano ba itong pinasok ko? Kayo na po ang bahala sa akin.
********
Nasa loob na ako ng kwarto kung saan ako dinala ni Ace nang unang ikinulong niya ako dito. Sa sobrang kaba ko kanina ay nahimatay ako at hanggang ngayon ay masama pa rin ang pakiramdam ko. At nang magising ako ay nasa loob na ako ng kwartong ito. Marahil ay binuhat niya ako papunta dito.
May nakita akong tray na may pagkain sa bedside table. Naging hudyat naman ito upang makaramdam ako ng gutom. Hindi pa ako kumakain magmula kagabi. Kinuha ko na ito at uumpisahan na sanang kainin nang may mapansin akong note sa gilid nito.
I'm sorry
Muntik na akong matawa nang mapansing may nakalagay pang sad emoticon sa note. Pero hindi pa rin ako mapalagay sa mga nakita ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit may ganun siya?
Napabuntong hininga na lang ako sa mga nangyayari. Bumalik ako sa bansang ito para makuha si Natalie. Nasa mga kamay ko na yun at malapit na. Kasal na lang ang kailangan kong gawin pero naudlot. Na-kidnap at ito ngayon, nakakulong sa lugar kung saan ang tanging paraan para makatakas ay languyin ang dagat. Pero baka mamatay din ako kung ipipilit ko pa.
Kasalukuyan kong in-enjoy ang pagkain nang may marinig akong tumutunog. Natauhan ako nang ma-realize na tunog iyon nang phone ko. Napatayo ako at hinanap kung saan nang-gagaling ang tunog. Parang nasa ilalim ng kama. Yumuko ako at nagdiwang nang makita ang pouch na dala ko. Inabot ko iyon at agarang binuksan.
Josephina Calling.....
"Si Joseph" agad ko itong sinagot.
"Hello Joseph?" Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil baka marinig ako ni Ace.
"Bakla! Asan ka na? Saan ka dinala ni Sir Ace?" Matinis ang pagkakasabi nito. Lumapit ako sa bintana at tinignan ang paligid.
"Joseph hindi ko alam kung nasaan ako. Puro puno at tubig lang ang nakikita ko dito." Halos maiyak na ko sa kawalan ng pag-asa. Para akong bata na nagsusumbong lang kay Joseph.
"Wala ka bang makitang iba? Kahit na anong trademark para matunton ka namin. At saka- ANO BA IBALIK MO SAKIN YAN" napa-ngiwi ako nang sumigaw ito. Tsk! Kahit kailan talaga!
"Hello? Ate Raine?" Teka si Veronica ba ito? Ang kapatid ni Ace? Bakit kasama nito si Josephina?
"Veronica?" Hindi ako sigurado kung siya ba ito.
"Ate makinig kang mabuti. Kailangan mong makaalis sa lugar na yan. Kailangan mong makalayo kay kuya" may pagmamadali nitong sabi. Tumingin ako sa pinto upang abangan kung papasok ba dun si Ace.
"B-bakit?" Kinakabahan ako sa sa tono ng pananalita nito. Para bang may masamang mangyayari sa akin kapag hindi ako makaka-alis sa lugar na ito.
"A-ate kailangan mong makaalis diyan sa lalong madaling panahon. Hindi stable ang pagiisip ni kuya ngayon. Baka mapahamak ka!" Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Bakit? Sasaktan ba ako ni Ace? Pero yung nangyari sa amin kagabi wala lang ba yun? Magagawa nga ba akong saktan ni Ace?
"Go straight to the point Veronica" hindi ko na napigilan pa ang magtaas ng boses. Gusto kong malaman ang sagot sa mga katanungan ko.
"May Obsessive-Compulsive Disorder si kuya Ace ate"nabitawan ko ang phone na hawak ko dahil sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko dahil sa natuklasan. Hindi malinaw sa akin ang sinabi niya pero isa lang ang sigurado ako. Kailangan kong makaalis dito. Pero paano?
********
Author's Note:
Trivia:
OCD (Obsessive-Compulsive Disorder)- is a common, chronic and long-lasting disorder in which a person has uncontrollable, reoccurring thoughts (obsessions) and behaviors (compulsions) that he or she feels the urge to repeat over and over.
Shoutout kay pareng goggle, thanks for the information.
Unedited