In My Eyes

By ohmarixx

117 4 0

Exo- Chen Fanfiction; More

In My Eyes

117 4 0
By ohmarixx

Cast :

EXO CHEN as CHEN
KRYSTAL JUNG as RAVEN ( VENVEN )

" Never give up , " yan ang palaging sinasabi ng bestfriend kong si Chen . Siya na lang kasi ang lakas ko sa panahon ngayon . Siya ang palaging nasa tabi ko sa panahong nahihirapan nako . Mahirap din kasing mamuhay sa mundong di mo nakikita at naririnig lang . Mahirap mabuhay sa mundong madilim at walang kakulay kulay . Purong black lang ang makikita mo .

Ilang beses at ilang taon na rin akong naghihintay para sa Eye Donor . Pero wala talagang nadating eh . Kaya ayun , nasanay nako sa  madilim na paligid 

Nakarinig ako ng footstep papunta sa direksyong kinatatayuan ko . Sino naman kaya to ?

" What are you doing here ? " tanong ng isang boses na never kong nakalimutan .

" Waiting for you , " sabi ko sabay ngiti . Lumakad pa siya papalapit sa akin . May naramdaman akong kamay sa balikat ko .

" Never give up , " malumay niyang sabi . Ngumiti ako sa kanya .

" Balita ko may donor ka na daw , " sabi niya . Narinig ko siyang lumunot at parang may tinatago . Ano naman kaya yun ?

" Hmm . Sa wakas meron na rin . Kanino kayang mata yun ? " sabi ko . Sana hindi na ulit mastop . Nung nakaraan kasi hindi natuloy . Ayaw na daw ng pamilya ng donor .

" Kamusta nga pala si Iya ? " out-of-blue kong tanong . Ilang months ko na kasing siyang di nararamdaman at namimiss ko na ang boses nya . Siya kasi ang nag- iisang naging girlfriend ni Chen na nagustuhan ko . Para kasi siyang girl version ni Chen . Unti onting tinanggal ni Chen ang kamay niya sa balikat ko .

" Okey lang siya . Medyo busy lang . Namimiss ka na daw niya , " mahinang sagot ni Chen . Hindi pa rin nawawala ang malungkot na tinig ni Chen . Parang may kirot sa puso niya .

Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa .

" Ah nga pala Venven , may sasabihin sana ako sayo , " sabi ni Chen sa akin .

" Ano yun ? " tanong ko .

" Aalis kasi si Iya at baka di na siya makabalik pa . Kaya sana makalimutan mo na siya , " malumanay niyang sabi .

" Huh ? Bakit naman ? Kahit anong mangyari siya parin ang girl bestfriend ko ^_^ , " nakangiti kong sabi .

" Alis na ako , " sabi niya . Nakarinig ako ng ilang hakbang .

" Bestfriend , jalgayo ," sabi niya tapos nangtuloy tuloy na siyang maglakad . Iniwan niya lang ako dun na nag-iisa . Di bale na , sanay na naman ako eh .

Nilabas ko yung walking stick ko at naglakad na papuntang bus stop . Malapit lang ang Bus stop dito sa Ospital . Tama kayo , nasa ospital ako . Hinintay ko lang siya para sabihin yung good news about dun .

Nakarating ako sa bus stop at naghintay ng taxi .

" Sasakay ka miss ?" narinig kong winika ng isang lalaki . Tumungo ako . Bumukas ang pinto at may wabag akong narinig . May humawak sa kamay , tinabig ko agad yun .

" Tulungan na kita , " sabi ng lalaki . Tumungo lang ako at inalalayan niya ako hanggang sa makasakay na ako .

" Sa 143 apart . Love St , Bacoor po , " sabi ko . Narinig kong sumara ang pinto ng taxi .

" Sige po , " sabi ng driver . Inistart niya na ang engine at nagdrive na .

Ilang minuto lang , nakarating na rin ako sa apartment ko . Inalalayan ulit ako ng driver makababa ng taxi .

Dahan - dahan akong pumasok sa apartment ko .

~~~®~~~

Ilang araw ng paghihintay sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko . Makakakita na rin ako . Mabubuhay na rin ako ng maayos gaya ng dati . Sinundo ako ni Nurse Carl , siya kasi ang nag aalaga sa akin since nasa states ang mga magulang ko .

" Kinakabahan ka ba Ven ? " tanong ni Carl . Nasa ospital na kami at inaayos na lang ang mga bagay na dapat pang ayusin . Tumungo ako at ngumiti . May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko .

Inalalayan na ako ni Carl na humiga .

" Ven , papainumin kita ng sleeping fills okey ? " marahang sabi ni Carl . Tumungo ako at may isinubo siya sa aking gamot ....

CHEN ’ s POV

THIS is the day Venven waiting for . Sa wakas at makakakita na siya . After many years of suffering . Hindi ako makakapunta sa OR dahil kailangan ko pang ayusin ang bagay na importa .

Sobrang sakit ng pakiramdam ko . Pagpasyahan kasi ng Mommy ni Iyah na . . . . .

nagpasya na siya na itigil na ang paghihintay sa anak niya . Nawalan na siya ng pag asa pero ako hindi pa . Hinihintay kong dumilat ulit ang mga mata ni Iyah . Pero sa kasamaang palad , her mom gave up . Tatanggalin na nila ang kableng.bumubuhay kay Iyah .

Wala akong magawa , desisyon ng magulang iyon .

Bakit kaya ang daling mawalan ng pag asa ang mga tao ? Mahirap bang umasa ?

" Chen , " tawag ni Auntie na lumabas galing sa kwarto ni Iyah . Lumapit ako sa kanya . Pansin ko ang maga niyang mata . Panigurado , umiyak siya . Kung natuto ka lang maghintay sa anak mo .

" Bakit po Aunti ? , " tanong ko . Tinitigan niya ako sa mata at napalunok .

" Say goodbye to her , " lakas loob niyang sinabi . Tumungo ako at pumasok na sa loob ng kwarto ni Iyah .

Nakita ko siya duon . Nakahiga , walang malay na parang natutulog lang . Nakangiti siya .

" Pano ka pa nakangingiti ngayong iiwan mo na kami . Kung naghintay pa sana ang mommy mo . Iyah kaya ... , " bigla na lang tumulo ang mga luha ko . Bakit ganito ?!

" Iyah , bakit ba ikaw pa ? Bakit ayaw m-mong gu-gumising . A-ayaw m-mo na ba k-kaming makasama ? " nauutal kong sabi sa kanya .

Napakapit ako ng mahigpit sa kamay niya . Hindi ko na mapigilan . Ansakit talaga eh . Mawawala na lang siya sayo agad . Parang nuon lang masaya kaming nagtatawanan at naghaharutan . Pero ito siya ngayon , nakahiga sa walang kalambot lambot na higaan .

* TOK TOK *

Biglang bumukas ng dahan dahan ang pinto . Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha ko .

" Sir , pasensya na po . Kailangan na po namin siya . Maghintay na lang po kayo sa OR . Nandun po si Venven , " sabi ng nurse . Hinarap ko siya at nagsign na pumasok . Pumasok naman siya agad kasama ang iba pang hospital nurse .

Lumabas ako ng kwarto ni Iyah at naupo sa upuan duon  . Hinawakan ko ang ulo ko at yumuko . Bakit ba kasi siya pa yung nakoma . Bakit di na lang ako ? Sa lahat ng tao bakit siya pa ? yan ang mga tanong na gumugulo sa utak ko  .

" Wag mong sisihin ang nangyari , " sabi ng isang babae . Tumingala ako para tignan kung sino iyon . Si Auntie , akala ko nasa chapel siya . Naupo siya sa tabi ko . Mukhang okey na siya ah .

" Nung nakilala ni Iyah kayong dalawa ni Venven , nainggit siya sa inyo . Close na close kasi kayo ni Venven . Natuwa siya sa relationship nyong dalawa . Minsan nagseselos siya . Pero nung nalaman niyang umurong ang donor ni Venven . Para kasing kapatid na ang turing niya kay Venven . Nangako siya sa akin na kapag may nangyari sa kanya . Kapag naaksidente o nagkasakit siya na ikamamatay niya at maayos pa ang kalagayan ng mata niya . Idonate daw iyon kay Venven . Kaya kahit na masakit sa damdamin tinanggap ko pa rin na mawawala sa akin si Iyah , " kwento ni Auntie .

" Pero Auntie bakit ngayon ? Bakit ang bilis naman ata ? 1 taon niya palang kaming kilala pero bakit siya pa ? " naguguluhan kong tanong kay Auntie . Napailing si Auntie at di na nagsalita pa .

Dumating naman ang kapatid ni Iyah na si Ayah at sinundo si Auntie . Kailangan niya na daw kasing magpahinga . Umalis na rin ako sa ospital . Simula kasi na makakita si Venven ayaw ko ng magpakita baka kasi sisihin niya sarili niya eh . Ako naman talaga may kasalanan .

~~~®~~~

VENVEN’s POV

Dahan dahan kong binuksan ang bago kong mga mata . Malabo ang nakikita ko . May naaaninag akong hugis tao.

" Raven , what can you see ? " tanong doktor . Pumikit pikit ako at unti-onting luminaw ang paningin ko .

" I can see everything :) nakakakita na ako ! " masaya kong sabi . Sa wakas !

I can now see colors I never tought that I would see again .

The lights inside my room !

The faces I want to see .

" Raven ? " sabi ng doktor . Napatingin ako sa kanya . Teka asan si Chen ?

" Hmm , doc asan si Chen ? " tanong ko . May lumapit namang magandang nurse sa akin . Siya siguro si Carl ? Ang ganda niya naman .

" Ms . Raven , sabi po ni Chen sorry , " tama si Carl nga . Kaboses niya eh . May inabot sa akin si Carl na papel . Umalis silang lahat at iniwan ako . Binasa ko yung nakasulat . Galing kay Chen .

Dear Bestfriend Venven ,

I know you’re happy right , but Im not . Sorry kung hindi mo na ako makikita pa . Aalis din kasi ako kasama ni Iyah . Mamimiss ka namin . Magkasama kami ngayon . Sayang di mo makikita ang kagandahan ni Iyah . Nga pala tinawagan ko parents mo . Uuwi na daw sila dyan para makita ka . Mamimiss talaga kita .

          Love , Chenchen

Biglang tumulo ang luha ko . Oo may nakikita na ako , pero anong silbi nito kong hindi ko naman sila makikitang gumiti . Bakit ganon ? Ang tagal naming hinintay na tatlo to . Tapos mang iiwan na sila sa era . Siguro nga ganito talaga kapalaran ko . Laging saling ketket . Pati sa Lovestory ni Chen at Iyah nakikialam ako . Hayaan mo na nga sila  . Ayy eiywan , di ko na alam ang gagawin .

Happy ! In My Eyes :)

AFTER 1 MONTH

" Carl , kinakabahan ako . Ito ang kauna unahan kong interview , " masaya kong sabi kay Carl . Sinamahan niya kasi ako dito sa Sm Building para mag apply ng trabaho . May Job Fair kasi , naghahanap sila ng PA , Composer , Performer etc . Mag aapply akong PA . Wala kasi akong talent eh .

" Next , " sigaw nung lalaking nag aassist sa mga nag aapply . Kinalabit ako ni Carl at hand gesture na pumunta na daw ako . Tumayo ako sa kinatatayuan ko at pumasok sa kwarto ng interviewer . Grabe kinakabahan ako .

" Sit down  , " sabi nung lalaki . May itsura din siya ah . Umupo ako sa chair sa harap niya .

" Good day sir , " bati ko sa kanya . Hindi niya ako pinansin at tinignan lang yung resume ko . Yung totoo , may kausap ako eh .

" So , Ms.Raven Choi you’re graduated in a disable school . But you seems good , " pormal niyang sabi . Napalunok ako at napahawak ng mahigpit sa panyo ko . Kinakabahan na naman ako .

" Yes sir , a-amm b-before Im blind . But a month ago I go through a eye transplant so Im better now , " sagot ko . Mali mali naman pinagsasabi ko .

" I see , " nakatingin pa rin siya sa resume ko .

" You’re applying for a position that fits to you . And I think you’re the perfect choice , " sabi niya na nakatingin na sa akin .

" So ?" maikli kong sagot . Eh yun lang masabi ko  .

" You’re ...... hired ....... You can start by tomorrow . Wait for Mr.Lee’s sms to you , " nakangiti niyang sabi .

Ganun lang yun ? Tanggap agad ? Walang mahihirap na tanong ?

Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan si Carl na may kausap ata .

" Carl ! " sigaw ko .

Napalingon siya sa akin pati na rin yung ka -

usap niya .

" Chen ?!" sigaw ko . Ngumiti lang siya sa akin . Dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit .

" Kamusta na ?" tanong niya . Di ko pa rin siya binibitawan .

" Okey , ayos lang , masaya akong makita kang ulit , " sagot ko . Pumiglas na ako sa.pagkakayakap sa kanya . Grabe namiss ko siya .

" Ako rin , " maikli niyang sabi .

" Kasama mo ba si Iyah ? Nasan siya ? " tanong ko sa kanya . Biglang nag iba ang pinta ng itsura Ni Chen .

" B-bakit ? may nangyari b-ba ?" nauutal kong tanong . Bigla namang ngumiti si Chen pero parang iba yung expression . Ang gulo .

" Wala na kami , " malungkot na sagot ni Chen .

" WHAT ?! Anong nangyari ? " tanong ko .

" Long story . Sama ka ? " tanong niya . Parang may nagbago talaga kay Chen .

" Saan ?" nagtataka kong tanong .

" Sa lugar na gustong gusto mong makita , " nakangiti niyang sabi . Sa lugar na gusto kong makita ? Yun ba yung lugar na pinagdalhan niya sa akin nung malungkot ako ? Yung siya lang nakakaalam kung saan ?

" Oo yung pinagdalhan ko sayo ." sabi niya . Tumungo lang ako . Iniwan namin si Carl duon . Okey lang daw na siya na lang mag isa umuwi .

Pumunta kami ni Chen sa lugar na kahit di ko nakikota ay maganda pa rin . Dinala niya ako sa gilid ng kalsada na makikita mo yung dagat na kay ganda . Maaliwalas ang hangin at mabango . Pumikit ako para maramdaman ulit yung pakiramdam ng taong masaya kahit walang nakikita .

" Iyah was dead , " out of the blue na sinabi ni Chen na nakapagpamulat sa akin .

" H-how ? " nauutal kong tanong .

" Car accident 3 months ago , " sabi niya .

3 months ? Pero sabi niya okey lang daw si Iyah nung mga panahong iyon . Ibig sabihin nagsisinungaling sa akin si Chen ? Pero balik naman niya kailangan magsinungaling ?

" 3 months ago . Nagdadrive ako sa kotse ni papa at sinundo ko si Iyah sa school niya . Nagmamadali ako nuon kasi surgery mo na . Habang nagdadrive nagalit sa akin si Iyah . Bakit daw ako nagmamadali ? Sinabi ko na surgery mo na . Mas lalong nagalit si Iyah kaya pinilit niya akong ibaba siya . Hindi niya ako nagets Venven . Hindi ko siya sinunod at nagdrive lang . Mas lalo pa siyang nainis at pilit na inagaw yung manibela . Dahil sa pag aagawan namin di ko namalayan na may parating palang kotse . Nang bumusina yung kotse kinabig ko pakanan yung kotse tas nahulog kami sa bangin . Hindi ko sinasadya yun Venven , " halos maiyak niyang Kwento . So ibig sabihin kasalanan ko kung bakit nawala siya . Kasalanan ko ?

" Dinala kami sa ospital ng mga nakakita sa amin . Maayos ang kalagayan ko pero nakoma si Iyah . Grabe pagsisisi ko nun Venven pero wala akong magawa . Lumipas ang araw , linggo at buwan na nakahandusay siya sa hospital bed . Hindi na nakayanan ni Auntie ang paghihintay kaya napag isipan niyang patayin na ang makinang bumubuhay kay Iyah . Pinilit ko siyang pigilan Venven pero wala akong magawa . Nagsisisi pa rin ako sa nangyari sa kanya . Hindi ko pa nasabi sa kanya ang matagal ko ng gustong ipagtapat sa kanya , " huminto si Chen sa pagsasalita at hinatak ako sa sasakyan niya . Nagdrive siya ng mahinahon pero wala pa ring tigil yung pagtulo ng luha niya .

Nakarating kami sa isang sementeryo . Hinatak niya ako sa puntod ni Iyah . Biglang tumulo yung luha ko . Bakit di ko siya nakita , hindi ko man lang nakita kung pano siya ngumiti . Hindi ko nakita ying itsura niya , yung hugis ng mukha niya . Bakit ganun ?

" Iyah , sorry kung ngayon lang ako dumalaw . Hindi ko kasi alam eh , " marahan kong sabi sa kanya . Naupo ako sa tabi ng puntod niya . Tinanggal ko yung dumi .

" Venven was really thankful because she met you . Sorry kung ngayon ko lang sasabihin to . Pero kahit anong gawin ko Iyah wala talaga eh . Kahit anong gawin natin wala talaga - "

" Anong ibig mong sabihin ? "

" Kahit anong gawin ko IN MY EYES , Venven is the only one . Salamat sayo dahil binigyan mo siya ng pag asang mabuhay ng may kulay , " sabi ni Chen .

Anong ibig niyang sabihin ? Si Iyah ang donor ng mata ko ? Siya may ari ng mga matang ito ?

" Venven , pasensya na ah . Pero kahit anong gawin ko ikaw talaga ang mahal ko . In my eyes your tje one , " sabi ni Chen .

" Sorry Iyah ! " sigaw ko tapos takbo palayo .

Bakit ganun parang ako pa ata ang masama ? Bakit ganun ? Bakit parang ako yung may pakana ng lahat ? Wala naman akong ginagawang masama . Hindi ko naman lubusang maisip na ako yung dahilan kung bakit siya namatay . Tapos binigay pa nya yung mata niya sa akin . Ang gulo T.T

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
361K 24.3K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...