Tuesday, 2014 March 18
So kanina pinanood ko 'yung episode ng Wansapanataym™ na pinamagatang "Boy's Best Friend". Ngayon na lang ulit ako nakapanood ng palabas sa TV so this is very exciting for me.
Simulan natin ang synopsis kuno - napahaba ng kaunti, sorry:
Billy is your typical grade-conscious aloof child. Wala siyang kaibigan dahil... ewan. Asocial na bata siya. Wala rin siyang alam sa sports, 'yung tipong sisipa na lang ng bola eh sasablay pa. Pinagtatawanan tuloy siya ng mga kaklase niya. Sinusumbatan naman niya ang mga ito ng "tatalunin ko kayo sa science fair, mga lecheng plebeian". Er, non-verbatim 'yan...
Nag-aalala na ang magulang ni Billy dahil naniniwala silang kasama sa basic hierarchy of needs ng tao ang pagkakaroon ng social life, at syempre hindi exempted ang kanilang Little Einstein sa rule na ito. Medyo hindi sila natutuwa kay Billy because of the reasons mentioned above, even though 89234759 parents are dying to have a child like Billy. Dahil mababa naman ang kaligayahan ng anak nila (just like every other child), naisip nilang bilhan si Billy ng aso dahil sa mga panahong ito, nabibili mo na ang lahat. Pati mga kaibigan.
Pagpunta nila sa pet shop, humanap ni Billy ng asong matalinong tingnan. Nakakita siya ng brown doge at ang asong iyon ay si Pluto. Naisip ni Billy na bibilhin na niya si Pluto upang gamitin sa science fair at hindi para sa ~*FrieNdShiP*~. Nabwisit ang may-ari ng pet shop sa motive ni Billy. Nilagyan niya ng friendship bracelet thingies sina Billy at Pluto. Malamang may sumpa 'yun. So, blah blah blah yadda yadda yadda, hindi nagkasundo si Billy at si Pluto dahil hindi kayang habulin ni Pluto ang IQ ni Billy. Blah blah, nung natutulog na silang dalawa, na-activate ang magic friendship bracelet thingy nila at sa isang kapani-paniwalang saglit, NAGKAPALIT SILA NG KALULUWA! Shet, plot twist. Nobody saw that coming. *coughbantataycough*
So pagkagising ni Billy the next day, doge na siya. Wow. Tapos 'yung kaluluwa ni Pluto ay naroon na sa katawan ni Billy. Wow wow. Inutusan ni Billy si Pluto na kunin 'yung phone para mapaalam na niya sa tatay niya ang kagaguhang ito.
Tinawagan ni Billy si itay, hinimatay si itay, nung nagkamalay na si itay e tumawag siya sa doktor, and apparently kahit doktor hindi makahanap ng bisa sa pagsanib na nangyari so they, Billy et al, just dealt with it. Tinuruan ni Billy si Pluto na maglakad at magsalita. Parang baby. I was too busy laughing my ass off at this part.
Pagdating nila sa school, nakipaglaro pa si Pluto (in Billy's body) ng bola sa mga kaklase ni Billy. And yes, mas magaling pa sa sports ang asong ito kesa sa taong sinaniban niya. And he was a social butterfly too, despite his serious speech impediment. What do you expect? He's a DOG. Gahddamnet.
So, ayun, nung science fair na mismo, nag-perform sina Billy at Pluto sa pamamagitan ng paggulong sa sahig at sa isa't-isa. So scientific. Wow.
Noong pauwi na sila matapos makipaglaro muli sa mga kaklase, na-kidnap si Pluto ng dalawang adik na tambay for some reason, although anyone over the age of 5 can guess that they'll probably make the weirdest asocena ever.
Habang kini-kidnap si Billy/Pluto, pumasok na ang Deus Ex Machina. In a display of true friendship kuno, tinawag nila klasmeyt ang mga pulis. Nahuli ang mga adik. Bumalik na ang mga kaluluwa nina Billy at Pluto sa respective nilang katawan. Blah blah. Umuwi ang nanay ni Billy mula sa Cebu (umalis nga pala siya bago mangyari ang soul-swapping). Nagulat si nanay dahil sociable na ang anak niya sa mga kaklase, pati na rin sa aso. Tinanong niya kay tatay kung anong nangyari. Sabi ni tatay, pag-uusapan na lang nila upstairs. Ikinuwento na ni tatay kay nanay ang mga nangyari, soul-swapping and all. Tinanong ni nanay kung anong droga ang na-toma ni tatay.
Moral of the story: Noong umalis si nanay, naging sociable (at aso) si Billy. Conclusion: Huwag nang pababalikin si nanay sa bahay upang magpatuloy ang metamorphosis ni Billy.
Nakasalubong ni Billy si Bernard (random fact: may breed ng asong tinatawag na St. Bernard. huehue...), ang may-ari ng pet shop at ng magic friendship bracelet thingies. Sinabi ni Bernard na ibinigay daw niya 'yun dahil asocial assclown din siya nung bata siya tapos may nagbigay din sa kanya ng magic friendship bracelet thingies. Tapos bumait din siya. Moral of the story #2: Ang gamot sa social anxiety ay ang pakikipagpalit ng kaluluwa sa aso, and back again.
So, paano nga ba ako nakapanood ng palabas sa TV on a TUESDAY? Well, absent ako dahil nilalagnat ako. Dalawang araw na akong absent at graduation na sa Friday (March 21) soooooo... tama ang timing ng hindi ko pagpasok para hindi na ako mag-grad practice ng paulit-ulit at para hindi ko na malasap ang mga huling sandali ng high school life ko.
--x--
Well...
Ubos na ang appetizer, heto na ang main dish!
[dundundun]
Ladies and gentlemen, I present to you...
••.•*'*•.•*'*•.•*'*•.•*'*•.•*'*•.•*'*•.•*'*•.••
THINKING OUT LOUD: THE GRADUATION EDITION!!!
¸ø•*'*•ø¸ø•*'*•ø¸ø•*'*•ø¸ø•*'*•ø¸¸ø•*'*•ø¸
FRIDAY, 21 MARCH 2014
..↕x°ˇˇ°x↕..↕x°ˇˇ°x↕..↕x°ˇˇ°x↕..↕x°ˇˇ°x↕..
.
.
.
.
.
.
.
.
At... walang exciting na nangyari.
So, graduate na ako. Yehey. 'Yun lang naman. Maaga akong umuwi kaya 'di ko alam kung may nag-iyakan pa roon sa hall pagkatapos ng excruciatingly long ceremony. Talagang napa-isip akong "Oh holy hell, this is so anticlimactic".
Na-confiscate lahat ng pamaypay bago mag-umpisa 'yung graduation dahil pasikat ang principal at gusto niyang ipakita sa magulang na ang mga estudyante sa school namin ay hindi bata kundi robot. Tsaka wala yatang tinatamaan nung hangin ng electric fan. May nag-hyperventilate yatang estudyante dulot nung init. Pasikat pa kasi 'yung principal.
Kakain sana ang pamilya matapos nung graduation pero naligaw pa kami dahil sa driver tapos ayun napagsaraduhan na kami ng restaurant dahil late na. Nung nakahanap na kami ng kakainang resto, inaway nung nanay ko 'yung mga waiter. Syemps. Hobby ata niya 'yun. And contrary to popular belief, hindi ako natutuwa sa ginagawa niya.
===
Saturday, 2014 March 22
A day after mah graduation... hay nako. Late akong natulog kagabi *ehem* kanina kaya late rin akong nagising. Naudlot lang ang tulog ko dahil kinailangan kong uminom ng gamot.
Papasok pa nga pala ako sa Monday dahil aasikasuhin ko pa 'yung layout para sa yearbook (kasama ako sa mga taong medyo na-blackmail na sumama sa staff), 'yun nga lang e gusto ko nang tumakas/magtago at hindi na bumalik dahil ang sungit nung mga nag-uutos sa aking gawin 'yung shit na 'yun tsaka wala namang prize 'yun. I know I'm selfish but getting coerced for obviously no reward at all does not really leave a pleasant taste in one's mouth.
So, pucha. Balik pa.
Hihingian ko na lang ng picture si crush. At least sasaya ako ng bahagya for 5 seconds. Speaking of pics, uso kasi sa amin 'yung nagpapamigay ng kopya ng annual pic na may kasamang message sa likod. Kakaunti lang 'yung natanggap kong ganun, 'di ko alam kung antisocial asshole ako or tinamad lang akong manghingi. Wapakels naman kasi ako roon sa ibang tao, ba't ko sila hihingan kung 'di naman kami naging close? Sayang lang space sa wallet ko.
Parati kong naiisip na pagsisisihan ko ang hindi ko pagiging sentimental pagdating sa mga bagay na ganito. Well, naniniwala akong hindi natin dapat pinagsisisihan ang mga ginawa natin in the past 'cause we'll just be consumed by our guilt at naniniwala ako na minsan masama ring mag-infer kung future ang pinag-uusapan.
--x--