THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)

Per ad_sesa

41.4K 1.9K 87

Apat na guwapong lalaki na mga multo na ang mangungulit kay Hesu para magpatulong na malaman kung pa'no sila... Més

PROLOGUE
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25

Part 13

1.4K 68 0
Per ad_sesa

Kasing bilis ng kidlat na sabay na tinakbo ni Jaem at Jelad si Hesusa para ipangharang ang mga sarili nila sa pabagsak na lagayan ng mga libro sa dalaga. Pinaupo nila ito at kapwa nila niyakap. Nakalimutan nilang parehas na wala iyong magagawa dahil mga kaluluwa sila, na tatagos lang din ang bookshelf sa kanila.

Buti na lang at biglang litaw si Lius. Ito ang nakaisip na gamitin ang kapangyarihan nito bilang multo para iligtas sa panganib ang dalaga. Itinapat nito ang mga kamay sa patumbang bookshelf. May lumabas doong pwersa na siyang pumigil sa pagbagsak niyon.

"Okay na, guys," nakahalukipkip na ani Lius pagkatapos mag-freeze ang lagayan ng mga libro.

Doon lang natauhan sina Jaem at Jelad. Saglit ay nagtaka pa sila bakit sila nakayap kay Hesusa, pero mayamaya ay tila mga nakuryente na dagling bumitaw rin ang dalawa.

Nagkibit-balikat na umiling-iling si Lius nang tingnan nila ito. Buti na lang at dumating pala siya kundi natigok na sana si Hesusa. Nasayang na sana ang lahat ng effort nila. Ay naku!

Ang mga na-shock naman na mga estudyante kasama na ang librarian ay napatakbo na sa parteng iyon ng library. At kahit nagtataka man sila dahil hindi tuluyang natumba ang bookshelf, na napakaimposible yatang mangyari, ay hindi na lang nila binigyang pansin nang makita nila ang dalagang nakaupo roon, dalagang halatang takot na takot.

Nakatakip kasi ang dalawang palad ni Hesu sa tainga niya, at pikit na pikit din siya. Hitsurang naghihintay na lang siya ng katapusan niya.

"Miss, dalian mo! Alis na d'yan!" anang isang estudyante.

"Miss, okay na! Ligtas ka na! Halika na rito!" sabi naman ng librarian.

Nagkaroon na ng komosiyon. Lahat ay nag-aalala pa rin kay Hesu dahil parang babagsak pa rin anytime ang lagayan ng mga libro. Walang nagtatangka na lapitan nang husto ang dalaga. Delikado pa rin kasi.

"Hesu?!" Hanggang sa bigla ay sumulpot si Hardy Evete. Sumingit ito sa mga estudyante.

Napaurong sina Jaem, Jelad, at Lius nang lapitan ni Hardy si Hesu.

"Hoy, Hesu!" Niyugyog ni Hardy ang magkabilang balikat ng dalaga.

"Huh?!" Sa wakas ay naalimpungatan na si Hesu. Takot ang hitsura niyang napatitig kay Hardy. Awang ang kanyang ang mga labi na nanlalaki ang mga mata. Pagkatapos ay napatingala siya sa bookshelf na akala niya ay kikitil na sa kanyang buhay kanina.

"It's okay. You're safe now," sabi pa ni Hardy na siyang nagpabalik sa tingin niya rito.

"A-ano'ng nangyari?"

"I saved you. Bakit ba kasi sinusundan mo ako rito? Dapat tinext mo na lang ako para napuntahan kita sa bahay niyo. Kahit naman guwapo ako ay mapagbigay ako sa mga pangangailangan niyo na mga girls," pagpapa-cute na ni Hardy. Balik kahambugan na naman ito.

"Kaya love kita, Hardy, eh." Gayunman ay kinilig pa rin ang mga humahanga sa binata.

Kininditan sila ni Hardy kaya nagtilian na ang mga kababaihang estudyante.

"Pigilan niyo ako, uupakan ko 'yan," sabi ni Lius kina Jaem at Jelad.

Iyon ang tila nagpabalik ng tuluyan sa kamalayan ni Hesu. Naalala na niya na ang dalawang multo ang nagligtas sa kanya. Napatingin siya sa mga ito. Tatlo na sila ngayon. Nakatingin din ang mga ito sa kanya.

Ngingitian niya dapat ang mga ito bilang pasasalamat dahil iniligtas nila ang buhay niya.

"Hesu, halika na. Umalis na tayo rito. Next time, just let me know if you want to do research. Ang daming computer sa bahay. Puwede kitang bigyan ng isa. Gusto mo laptop pa, eh? Mayaman kami you know," ngunit pagpapabida na naman ni Hardy kasi.

Inirapan niya ang nagkukunwaring mayabang at mahangin na binata. Kung hindi pa rin niya sana alam na uma-acting lang ito ay baka nairita na naman siya rito.

"Para hindi ka na mahirapan? Ganito ako kabait, Hesu. 'Di ba, girls?" pero pagpapatuloy ni Hardy. Naghanap pa ng kakampi sa mga estudyanteng naroon pa rin at nakikiusyuso.

"Halika na!" Kaya naman siya na ang humila rito palabas ng library. Baka ang malakas na hangin nito ay maging delubyo pa.

"Miss, are you sure you're okay?" pahabol na tanong sa kanya ng librarian.

"Yes po, Ma'am. Thank you," nakangiting tugon niya, sunod ang bahagyang pagyukod bilang paggalang. Tapos ay hinila na niya ulit si Hardy.

Walang nagawa sina Lius, Jaem, at Jelad kundi ang itikom lamang ang bibig nila na sunod-tingin sa dalaga. Kahit naman kasi magsalita sila ay alam nilang hindi rin sila papansinin ni Hesusa dahil madaming tao.

"I think hindi natin magagawa na naman ngayon ang plano dahil kasama na naman niya si Hardy," ani Lius nang tuluyang makaalis sina Hesusa at Hardy sa library.

Subalit ay parang walang narinig ang mga katabi nitong binata na nakatayo. Nagtataka si Lius na tumingin sa kanan para tingnan si Jaem, tapos sa kaliwa para tingnan naman si Jelad.

"Hey! Nahipan ba kayo ng masamang hangin?" at salubong ang mga kilay na tanong niya sa dalawa sapagkat, tulala lang naman kasi ang dalawa. Parang wala sa kanilang mga sarili. Parang mga nasa alapaap.

•••

"What are you doing there this early in the morning? Mamaya pa ang klase mo, 'di ba?" seryosong mga tanong ni Hardy nang dalawa na lang sila ni Hesu. Naroon sila sa staircase paakyat sa next floor ng building school.

Napamaang si Hesu sa binata. Ang galing, eh. Aakalaing dalawang tao talaga si Hardy na papalit-palit lang ang katauhan.

"Alam mo bilib na ako sa 'yo, hah? Para kang may split personality na biglang nag-iiba," hindi niya natiis na sabi.

"Huwag mong iwala ang usapan, Hesu. Bakit 'andon ka?" Ngunit ang kaseryosohan ni Hardy ay hindi natinag.

"Relax. Nagre-research lang ako... ay hindi... Nag-nag-aano lang pala ako nagbabasa-basa."

"You're not a good liar, Hesu, so tell me the truth."

"Huh?!" maang-mangan pa rin siya.

"Nando'n ka kasi nagre-research ka about sa 'The Badboys,' tama ba?"

"Oy, huwag kang imbinto. Bakit ko naman ire-research ang mga multong 'yon?"

"Dahil gusto mong malaman kung ano'ng nangyari sa kanila. At gusto mo mag-isa mo lang aalamin. You disappointed me, Hesu."

Napaiwas na ng tingin si Hesu at hahaba-haba ang nguso niyang napakamot sa batok niya. Natumbok siya ni Hardy, eh.

Well, wala naman siyang mas malalim na dahilan. Biglang trip lang niya kanina na maaga siyang magising at alamin ang tungkol sa mga 'The Badboys'. Saka naisip niya baka wala pa kasi si Hardy sa school ng ganoong kaaga kaya nagpasya na lang siyang sa library mag-research research. Sinubukan nga niyang makita ang 'The Badboys' para tanungin na lang pero sa sobrang aga niya yata kanina kaya pati mga multo ay late nagsidatingan sa school.

"I told you—" May sasabihin pa sana si Hardy pero kasi ay biglang nag-ring ang cellphone nito at sinagot.

"Hello?... Sige po..." Dalawang salita lang ni Hardy sa nasa kabilang linya tapos ay ibinaba rin agad ang cellphone.

Napabuntong-hininga ito ng malalim bago hinarap ulit siya. "We will talk again later. Kailangan ko lang sunduin ang lola ko ngayon kaya aalis na ako. I'll text you later. Magkita tayo sa clubroom."

Hindi pa nakakasagot o tango man lang si Hesu ay nakaalis na ang binata. Mukhang urgent nga ang pupuntahan.

Lumupaypay ang mga balikat ni Hesu nang wala na si Hardy. Hindi niya alam kung ano'ng iisipin. Ano ba kasi ang mga nangyari kanina? Ano'ng nakain niya at nag-research siya sa library? Napapraning na ba siya? Kasi akala niya wala siyang pakialam sa mga 'The Badboys', eh. Pero bakit gano'n?

Nagulo-gulo niya ang buhok. Saktong bungad ni Cloria.

"'Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Hingal na hingal ang kaibigan na lumapit sa kanya. "Nagpunta pa ako sa paranormal club pero sabi nina Chalita kabubukas nila ng clubroom kaya wala ka pa roon."

"Bakit ba kasi?"

"Eh, kasi sabi mo sabay tayong papasok kaya pumunta ako sa bahay niyo. Ayun tuloy muntik na akong ma-interrogate ng mama mo. Jusko!"

Namilog ang mga mata niya. "Ano'ng sinabi mo kay Mama?"

"Syempre alam ko na 'yon. Kaya no worries."

"Nalusutan mo?"

"Oo naman," pagyayabang ni Cloria.

Nakahinga siya ng maluwang.

"Pero bakit ba kasi ang aga mong umalis ng bahay? Ano'ng ganap?"

Bumusangot ang mukha niya. "Wala naman. Nag-research lang ako sa library?"

"Ano'ng ni-research mo?"

"Basta at huwag mo nang alamin. Tara na sa klase natin." Humakbang na siya paalis sa hagdanang iyon para maiwala sa usapan si Cloria at hindi na siya nito kulitin nang kulitin.

Sa kanilang pag-alis doon ay siya namang paglitaw ni Saimo sa hagdanan. "Sabi ko na nga ba at dito kita mahahanap na babae ka," at anito na ngingisi-ngisi. Dahil agad ay may naisip na siyang gagawin kay Hesusa para magalit ito sa kanila at ito na mismo ang lalapit sa kanila.

Pilyong itinuro ni Saimo si Hesusa ng isang hintuturo.

Si Hesu na walang kamuwang-muwang sa kapilyuhan ni Saimo ay biglang parang nanigas ang kanyang katawan. Napatayo siya ng napakatuwid.

"Besh, bakit?" takang tingin sa kanya ni Cloria.

"Hindi ko alam, besh," tugon ni Hesu. Malikot ang kanyang eyeballs sa mata na pinakiramdaman ang kanyang sarili.

"Huh?!" reaksyon lang ni Cloria. Nawewirduhan itong tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Hanggang sa bigla na lamang ay nagsayaw siya. Waaaaahhh!

"Hala ka!" sindak si Cloria na napaurong pa.

Habang si Hesu ay hindi naman mailarawan ang kanyang nadarama nang makita niya ang sariling nagsasayaw.

"T*ngna, ano 'tong ginagawa ko?!" Napamura siya nang wala sa oras. Nagsasayaw siya ng step na parang may hinihila ang dalawa ang kamay niya habang sumasabay ang isang paa niya ng salitan na kumakadyot naman. Pagkatapos ay step naman na parang may tugtog na sexbomb-sexbomb. Sunod ay ang para naman siyang macho dancer.

God! Ano'ng nangyayari sa katawan ko?!

Napakabilis na napansin siya at nilapitan siya ng mga estudyanteng pinagtatawanan ang ginagawa niyang parang tanga na pagsasayaw.

Ang hindi pa maganda ay kinukuhanan na siya ng video ng mga nanonood. Sa sandaling iyon ay parang gusto na lamang niyang matigok.

Ano bang nangyayari sa kanya talaga? Bakit parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan niya? And seriously? Nagsasayaw talaga kahit ayaw niya? Ghad, hindi siya marunong sumayaw.

At that moment ay lumitaw na sina Lius, Jaem, at Jelad sa tabi ni Saimo. Grabe ang pandidilat ng mga mata nila nang makita nila ang ginagawang pagsasayaw ni Hesusa.

"What the heck you're doing to her?!" sita agad ni Jaem kay Saimo.

"Iniinis ko siya tulad ng plano," tatawa-tawang tugon ni Saimo. Grabe ang tawa nito.

Tumalikod si Hesusa sa pagsasayaw at yumukod at ginalaw-galaw ang puweten niya. Tawanan ang mga estudyante.

Gusto na talagang magpalamon sa lupa si Hesu sa mga sandaling iyon. Malaman lang niya kung sino ang may kagagawan nito sa kanya ay sinusumpa niya! Maghahalo ang balat sa ti--na--lu--pan!

Bumagal ang hinihiyaw ng isip niya dahil nakita na niya ang may kakagawan. Bakit ba hindi niya naisip agad na sila ang may kagagawan.

"Saimo, stop it!" saway na ni Lius kay Saimo nang makita nilang parang umusok na ang ilong ni Hesusa sa matinding galit sa kanila.

"Mga demonyo kayooooo!!" nanggagalaiting sigaw na nga sa kanila na ng dalaga.

Continua llegint

You'll Also Like

397K 6.7K 25
WARNING! THIS STORY ISN'T COMPLETE ANYMORE AND ALREADY PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. THE ENDING WAS DELETED... _______________________________________...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
54.7K 2.5K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
635K 39.7K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...