Forbidden Love [Completed]

By NicoleCui02

131K 1.9K 341

More

PROLOGUE
The Real Thing
The Beginning
Our First Meeting?
QUICK POST
Starting To Like It!
The Real Thing 2
Not Again!
Getting To Know Jackson
WIZARD?! SPELLCASTER?!
She Knew Everything?
The Real Thing 3
Moments
Mei Su
I Just Don't Like Her
He's So Dumb
Dreams And Memories
Unexpected
That Is If...
FINALE

Where Am I?

6.4K 116 33
By NicoleCui02

So here goes Chapter Three, entitled "Where Am I?"

Hope you'll enjoy this one.

By the way, I decided to dedicate this chapter to the author of the book, Love By Strings, sana magustuhan nya 'to.

CommVo kayo guys, whether you liked it or not. Okay lang din kahit criticism. XP

Oh sya sya, simulan na natin 'to at baka mapanu pa kayo. x)

REMINDER:Fantasy lang po lahat ng ito at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa ninyo. XP

Love, love, love! ;-)

@KathNiel143

------------------------------------------------------------------------

=Daniel's PoV=

Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko, ano ba?! Hindi ako makatulog ng maayos! Umusog ako ng konti sa kama ko, ba't ang tigas? Ang ingay pa rin talaga, kaya binuksan ko pa ng unti ang mga mata ko, then KABOOOOM!

Napabangon ako. WHERE AM I?!

Inikot-ikot ko ang ulo ko, sino kayo? Asan ako? Ba't ganito? San ba ako napadpad? Bakit ang weird ng mga sinusuot ng mga tao dito? WAAAH! Nagpapanic na ako, at dahil tuloy sa pagpapanic ko, nahulog ako sa kamang hinigaan ko.

"Pfft, dahan-dahan kasi, Jackson." may biglang nagsalita sa likod ko. Familiar ang boses nya, lumingon ako para makita kung sino yung nagsalita.

"Waah! Kuya Diego!" tumayo ako mula sa kinabagsakan ko at tumakbo papunta kay Kuya Diego. Yayakapin ko sana sya pero pinigilan nya ako.

"Anong? Huh? May lagnat ka ba, Jackson? Ulul, 'di mo ako kuya. Tsaka hindi Diego pangalan ko, 'di mo ba ako natatandaan? Si Olivier 'to. Parang malala yata yung tama ng ulo mo sa bato ah?" sabay hawak ni Kuya sa noo ko. Nagtataka ako kung bakit Jackson ang tawag nya sakin. Tsaka bakit iba rin yung suot nya? Tsaka bakit naiba ang pangalan nya? Yumuko ako at nakita ang suot ko.

KYAAAAAH! Ano 'to? Bakit ako nakacullottes at naka-robe?! Lokohan ba 'to? Napaatras ako, matutumba sana ako. Pero buti nalang nahawakan ako ni Kuya Diego.

"Oh? Oh? Dahan-dahan lang. 'Nu ka ba?" sabi ni Kuya Diego, slash Olivier daw, habang nakahawak sa mga balikat ko.

Naguguluhan pa rin ako! Ikaw ba dyan, Mister or Miss Reader? Hindi ka ba nagtataka or nagugulat man lang? Patulong naman dito oh? T.T

"Panu ba ako napunta dito, Kuya Die-- Ah este, Olivier?" ang tanong ko nung binitawan na ako ni Kuya Diegs. Tss. Bahala sya kung Olivier pinapatawag nya sa sarili nya. Anyenyenye. "Tsaka, bakit Jackson ang pangalan ko at tsaka bakit rin Olivier ang pangalan mo? Diba dapat ang pangalan mo ay Diego. Tsaka bakit ako nakasaya, asan ba ak--- Aray! What the hell was that for?!" batukan ba naman ako? Sakit nun ah!

"Toyo ka ba? Hindi mo ba naaalala? May sinagip kang isang batang nasa gitna ng daan, pero sa kasamaang palad. Naabutan ka pa rin ng karwaheng papasalubong sa inyo ng bata. Tapos nabagok yang ulo mo." napakamot ako sa batok ko. Eh, panong? Oo nga pala! Si daddy! Hindi bata yung sinagip ko noh! Yung tatay ko, I mean tatay namin!

Napayuko ako, gusto ko ng umiyak. Fufufufu. Wala na akong naiintindihan, unang-una, panu ako napunta dito? Tapos, panu naging Jackson ang pangalan ko? Tapos panu naging Olivier ang pangalan ng kuya ko? Tapos, bakit ako nakacullotes at robe? Waaaah! Gusto ko na maglaho! Sagutin nyo na ang mga tanong ko! Asan na ba ang daddy ko? Fufufu. T.T

"Huy, Jackson. Okay ka lang ba?" hinawakan ni Kuya ang kanang balikat ko.

Hindi ako okay noh! Hindi ba halatang naguguluhan ako! Ampf!

"Asan ba kasi ako?" ang sagot ko habang inaangat ult ang ulo ko para makaharap si Kuya.

"Andito ka ngayon sa Infirmary. Grabe ha, apat na araw ka kayang nakaratay dito." sabay smirk. Ano?! Apat na araw akong tulog?

"Ano ibig mong sabihin?"

"Diba nga may sinagip kang bata?" nag-nod ako tapos nagpatuloy sya. "Eh, nasagip mo yung bata, medyo nagalusan lang. Pero yun nga, naabutan ka pa rin ng karwaheng kumakaripas sa daan."

"Ganun ba? Eh anong lugar ba 'to?" ako.

"Dude, tss. Malala nga talaga ang tama sa ulo mo. Andito ka sa Canai. Gets mo na?" satsat naman nitong si Olivier.

"Hindi nga, eh panu ko maiintindihan, eh wala man lang akong naaalalang mga bagay-bagay tungkol dito sa lugar na 'to. Sa pagkakaalam ko, Daniel John Ford Padilla ang pangalan ko normal ang buhay ko. Nakatira ako sa Pilipinas. Mayaman, komportable, masagana, tapo---" he cut me off.

"Tsss. Na-amnesia ka na siguro."

"Bakit ayaw mo maniwala?" ako.

"Eh, ang pangalan mo naman kasi ay Jackson Lee. Isa kang hunter, galing sa mahirap na pamilya na nakatira sa Trekking Mountain. Saan ba yang pinagsasabi mong Pilipinas? Wala 'yan dito noh! Nanaginip ka lang siguro. Ulila ka, napadpad ka dito dahil wala kang mapasukan at wala ng pwedeng bumuhay sayo. Eh, bago ka nga naaksidente eh nag-aral ka pang maging archer. Pshing!" tapos nag-act sya na parang nag-shushoot ng arrow. Hanep naman ng info ko. Trekking mountain? San yun? Mahirap? Sino? Ako? Ano pinagsasabi nito. Tss.

"Tapos?" tanong ko.

"Yun lang." then he shrugged his shoulders. "Sige, Bro. Punta lang akong training camp. May training pa tayo eh. Kaw rin, sumunod ka na. Ipakita mo na yang mukha mo kay Chief, siguradong matutuwa yun." tapos nagsmirk sya at ngumiti. Aalis na sana sya, pero pinigilan ko.

"Sige, sig-- Teka teks! Ikaw na mismo may sabing may amnesia ako, diba?"  sabi ko sa kanya while grabbing his left arm.

"Oo. Bakit? 'Nung problema dun?"

"'Di ibig sabihin, hindi ko kabisado mga pasikut-sikot dito."

"Ah, oo nga pala noh? Sige, magbihis ka na." pumunta sya sa may pader at kinuha yung nakasabit na parang pang-soldiers na outfit ng mga Koreano na pang-ancient? Yung katulad ng sa Dong Yi? Haha, yun, tapos binato nya sa 'kin. "Oh, ayan! Suotin mo na uniporme mo."

"Kelangan talagang ibinabato? Pwede naman sana kung sinabi nyang 'Uie, Danie--- Jackson! Catch!' Tss. Wala ka pa ring pinagkaiba sa kuya ko." bulong ko sa sarili ko habang nagbibihis. Pagkatapos kong magbihis, lumapit na ako sa kanya.

"Oh? Handa ka na? Halika na." tapos nag-nod ako.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng infirmary. Wow, napakaganda naman ng lugar nila. Ang tirik ng sikat ng araw pero hindi gaanong mainit. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, siguro mga ten minutes na kaming naglalakad, at sa ten minutes na yun, ang dami naming nadaanang magagandang view! Para tuloy akong timang na grabe kung maka-react.

Eh, kasi naman. Ang ganda talaga eh! Kung kayo lang nandito sa anong lugar nga ba 'to? Canai? Wow, parang paraiso lang. Sigurado ako, nganga kayong lahat! Makalaglag panga naman kasi yung kagandahan ng lugar eh!


Habang naglalakad kami, tumitigil ako paminsan-minsan. Tapos meron ring pagkakataon na naglalakad akong nakatalikod habang tinatanaw ang magandang view. Ang ganda talaga! Heto ako ngayon, naglalakad na naman ng nakatalikod hanggang sa may nabangga ako sa likuran ko. Tumalikod ako tapos

KYAAAAAAAAAAAH!

"Ano yan?!" Tumakbo ako palayo ng mga three meters.

"Timang! Kabayo! Anong ano yan? Naging bakla ka na rin ba, Jack? Ha?" ang sagot naman ni Olivier, tapos tumawa sya ng konti.

Tss. Oo na, alam ko na. Mahangin ako, tanggap ko na yun. Pero masisisi nyo ba ako kung takot ako sa mga kabayo? Oo lang naman. TAKOT PO AKO SA MGA KABAYO!

"Hindi! Ibig kong sabihin, anung gagawin mo sa dalawang kabayong yan?" sigaw ko tapos tinuro-turo ko ang mga kabayong hawak ni Olivier.

"Ano ka? Hilo? Edi sasakyan! Tss. Lumapit ka na nga dito! Para kang tibo dyan!" tapos sumakay sya sa isang kabayo. Wow. Galing nya naman, hindi sya natakot, habang ako dito. Hindi pa rin gumagalaw mula sa pwesto ko.

"Huy!" sigaw sakin ni Olivier. "Halika na! Baka hinahanap na tayo sa camp!"

Napalunok ako, at huminga ng malalim. Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to. Tapos naglakad na ako papunta kay Kuya Dieg-- Este, Jackso-- Ay, mali. Olivier pala, ako yung Jackson eh.

Pagkarating ko, lumapit yung kabayo sa mukha ko, tapos binugahan ng hangin ang mukha ko. HMMP! Talk about no brushing for like centuries!

Mas lumapit pa yung kabayo, waah! Gusto ko ng tumakbo pero hindi pwede. Pumikit ako at sinabi sa sarili kong, "Take the risk, Padilla." Then dumilat ako ulit at kinuha ang tali ng kabayo at sumakay, nung una, parang natakot ako at nanibago.

"Woah! Woah! Still boy! Still." sabi ko habang kina-caress ang kabayo sa may batok nito. Ang dali lang naman pala eh. Napangiti ako sa sarili ko. >=) Hindi na ako takot sa kabayo! Wooohoooo! Laking achievement nito! 'Wag na kayong magmarunong dyan! Kayo ba pasakayin ko ng kabayo? =P

"Oh ano? Tara na?" yaya sakin ni Olivier.

"Sige." tapos nag-half smile ako.

"Tsk, tsk." sabi ni Olivier sa kabayo nya, tapos lumarga ang kabayo.

"Huy! Panu 'to?" sigaw ko sa kanya, iniwan nya kasi ako eh!

Lumingon sya sakin sa likod, "Sabihin mo, 'tsk tsk', lalarga yan!" tapos humarap sya ulit sa daan.

Napakamot ako sa batok ko. Sige na nga lang. Isang try lang, pero bago yun, pikit muna ako. "Tsk, tsk." Tapos ayun! Lumarga ang kabayo! Laking tuwa ko! =)) Nakasabay na ako kay Olivier. Ang likot ng kabayo ko. Nakakaaliw.

"Na-miss ka talaga ni Exodus." biglang sabi ni Olivier at nag-smirk..

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng may pagtataka.

"Ulul! Pati ba naman kabayo mo? Nakalimutan mo?" ha?! Ako?! Na takot sa kabayo?! Magkakaroon ng kabayo?! Ang galing naman!

"Hindi, joke lang yun." panloloko ko, tapos nag-half smile ako at humarap na sa daan.

After mga 20 minutes ng pagsakay, nakarating na rin kami sa sinasabi ni Olivier na camp. Bumaba na kami at ipinuwesto yung mga kabayo namin sa may puno at pumasok na sa loob. Para syang isang malaking tent na pagkapasok mo, may sasalubong sayong parang counter, tapos makakalabas ka agad sa kabilang lagusan ng tent! And I gotta tell you, ang ganda ng sight!

Pagkalabas namin sa kabilang lagusan, sinalubong agad ako ng mga ingay ng mga espadang minamartilyo. Tapos may nakita akong mga nag-fefencing gamit ang real swords! Tapos sa medyo kabilang banda, may mga archers na nakahanay at nagpapana. Nag-uunahan sa pagtama sa target. Tapos may mga nagkakabayo! Ang ganda talaga!

"Woah! Talk about cool! Whit-whew!" napamangha talaga ako sa mga nakita ko. May biglang humawak sa balikat ko, lumingon ako para malaman kung sino yun. Si Olivier pala, tapos may kasama syang malaking ginoo na pagkatangkad-tangkad. At alam nyo ba kung sino yun? Phh, walang iba kundi yung teacher ko nung highschool, Si Mr. Richard Yap! Woah! Ano 'to? Lahat nalang ba ng mga kakilala ko, andito sa lugar na 'to?

"Kumusta ka na, Jackson?" tanong sakin ni Mr. Yap.

Hula ko, sya yung Chief na sinasabi ni Olivier. Ano naman kaya pangalan nya dito? "Ah, okay lang po. Ano po bang pangalan ninyo?" sabay half smile.

"Anong sinasabi mo? Ako 'to, si Chief Don." ang sagot ni Mr. Yap-- Este, Chief Don. Sabi na nga ba eh. Sya yung Chief!

"Ah, eh, alam nyo na po, Chief. Nabagok ulo nya, diba? Sumobra yata ang tama kaya ganyan. Amnesia yata?" bulong naman nitong si Olivier kay Chief. Tss. Pwede namang sabihin ng deretsahan eh. Kelangan pa talagang ibulong? Ha? Ha? Ha?

"Ah, opo. Sorry po kung 'di ko kayo maalala." sabi ko naman kay Chief Don.

"Ah, ganon ba? Sige, sige. Ililibot ka nalang ni Olivier dito ULIT sa camp." tapos tumawa sya ng konti. Emphasized pa talaga yung ulit. =))

Tapos yun nga, sinimulan na akong ilibot ni Olivier. Nagsimula kami sa mga nagfefencing, tapos tumigil kami sa paglalakad at nagsalita na para bang tour guide si Olivier. Habang nagsasalita sya, napatigil sya bigla at ngumiti ng wagas. Napanu kaya 'to? May tinititigan sya, trinace ko kung saan sya nakatutok. Isang babaeng nakauniform na katulad sa 'min, feminine style nga lang, tapos mahaba ang buhok, nakatalikod nga lang sya. Mukha naman syang maganda, at na-prove ko yun lalo na nung humarap na yung babae sa direksyon namin. At kilala nyo ba kung sino?

TAMA! Si Julia nga! Nagulat ako. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero busy pa sya eh, nageensayong mag-fencing. Ang hanep naman!

"Sino sya?" tanong ko kay Olivier, phh. Sigurado naman kasi akong iba na naman ang character ni Julia dito sa mundong 'to. Nasanay na ako. =))

"Huy!" tinapik ko si Olivier sa balikat ng medyo may kalakasan.

"Ha?" lumingon sya sakin. Yan, buti naman at natauhan na. =)) "Ah, eh, si Caren. Ang pinakaastig na babaeng makikilala mo dito sa Canai." tapos lumingon sya ulit kay Jul-- Este, Caren daw at ngumiti ng abot tenga!

Engk! Panu nya nasabing pinakaastig? Meganun ba talaga? Sa pagkakakilala ko kay Julia, mahinhin yun eh. Tsaka, ibang-iba sa nakikita ko ngayon kay Caren.

"Panu mo nasabing pinakaastig? Tss, niloloko mo lang yata ako eh."

"Ano ka ba? Bulag ka ba? Kita mo naman sigurong sya lang ang babae dyan sa Fencing Session na yan noh? Tsaka, isa pa, astig talaga sya. Kasi sya yung pamangkin ng hari ng Kingdom of Canai, na si King Jake, at isa pa rin, sya lang ang babaeng pinayagang mag-ensayo dito sa loob ng camp. Kahit san ka maghanap dito sa loob ng camp, sya lang talaga ang babae." sunod-sunod nyang sabi. Parang nagagalit sya, natatawa ako, pero pinipigilan ko by covering my mouth with my hand. =)) Wala talaga silang pinagkaiba ng Kuya ko.

"Tss, kaya 'yan pinayagan kasi nga sabi mo, sya ang pamangkin ng hari. Kaya natural lang kung automatic pagpasok nya dito noh." pang-aasar ko sa kanya. Haha, feel ko mang-asar ngayon eh. =)) Wala namang mommy na magtatapon sakin ng tuwalya.

Teka, teks. Speaking of, asan kaya sila? Kasali kaya sila dito sa fairy tale na napasukan ko? Nakakalungkot naman bigla. Haaay.

"Hindi kaya. May pinagdaanan yang si Caren na mga pagsubok noh! Na gaya nalang ng sa 'tin."

"Okay Bro, chill! RELAK ka lang, pumupula ka na oh. Ipagpatuloy nalang natin 'tong tour natin." satsat ko para tumahimik na. Tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad.

---------------------------------------------

Chapter three is done! =)

Yan ha, may mga characters na na naintroduce. =P Don't cha guys worry. Marami-rami pa silang darating sa susunod na mga chapters. x)

Ano say nyo sa chapter na 'to? CommVo kayo ha? ;-)

Title of the next chapter: Our First Meeting?

Hula kayo. Heee, 5 votes and 3 comments for the next chapter, ano? Keri nyo? =) Basta 'wag lang yung "update" and "next please."

REMINDER: Fantasy lang po lahat ng 'to at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa nyo. XP

Comment po kayo ha? Kahit criticism lang, oks na oks na yun! =))

Oh, sige. Hanggang sa next chapter uyet! :-*

Love, love, love!

@KathNiel143

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...