Devil's Bride: Volume 1 β€’ 2

By pererokun

62.4K 1.7K 46

"Devil is real. He's not a guy with horns. He can be beautiful because he's a fallen angel. And he used to be... More

Work of Fiction
Devil's Bride
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
End of Book 1
Author's Note
Work of Fiction
Book 2
Serial Killer: The Archer
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 10

1.5K 47 0
By pererokun

TOXIC





Aria's POV




Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, dahan dahan akong umupo sa kama at tumingin sa paligid. Wala na pala akong kasama sa kwarto, nasaan si Mary? Inalis ko na ang kumot sa aking katawan at natigilan ako sa aking nakita, bakit ko suot ang uniporme namin? Naka sapatos din ako. Teka, natulog ako nang naka uniporme? Kumunot ang noo ko, wala akong maalala. Napatingin ako sa orasan sa gilid ng aking kama, 5:30PM na. Teka, hapon na? Tumayo na ako at lumabas sa aking kwarto. Nakasalubong ko ang mga kapwa ko estudyante na nagmamadaling bumaba, tumingin ako sa ibaba at nakita kong nagkukumpulan sila sa ibaba ng flag pole kaharap ng garden ng Madre Superyora. Ano 'yon? Hinarang ko ang isang estudyante na parating, tumapat ako sa kanyang harapan.




"Excuse me, alam mo ba ang-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng tumagos siya sa akin. Nanlaki ang mata ko. P-paanong? Paano siya tumagos sa katawan ko? Lumingon ako sa kanya, dire diretso sa paglalakad na parang wala siyang nakasalubong. Teka, bakit ganon? Patay na ba ako? Dali dali akong bumaba para magtanong sa iba. Lumapit ako sa dalawang babae na nag uusap, sinubukan kong kalabitin sa likod ang isa sa kanila ngunit tumagos lamang ang kamay ko sa kanyang likuran.




A-anong nangyayari?




"Nakakaawa naman ang dinanas ng Madre Superyora, napaka walang puso ng gumawa sa kaniya 'non." Napatingin ako sa sinabi ng isang babae. Ano bang nangyari? Anong pinag uusapan nila?

"Sinabi mo pa, karumal dumal ang sinapit ng Madre Superyora." Sagot naman ng isa pa niyang kasama. Gusto ko sanang itanong sa kanilang dalawa kung ano ang nangyari pero hindi ko magawa, ni hindi ko nga sila mahawakan.


Umalis na ako sa kanilang pwesto at bumalik ako sa second floor para makita ang pinagkukumpulan ng mga estudyante sa ibaba. Walang tao dito sa second floor, ako lang ang nandito. Lahat sila ay nasa ibaba, pinag uusapan ang nangyari. Nakita ko ang nasa gitna ng pinagkukumpulan nila. Katawan ito ng isang babae, wala itong ulo at puro dugo ang kanyang suot na puting damit pang madre. Puro saksak din ang katawan nito at putol din ang kanyang dalawang kamay. Sino ang gumawa niyan sa kaniya? Nakakaawa, hindi ko kayang titigan ng matagal ang bangkay na 'yon, umalis na ako at naglakad pababa. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang dormitoryo nang makakita ako ng isang babaeng tumatakbo mula sa aking likuran.






"Evelyn!" Sigaw nito. Evelyn?



Tumingin ako sa nasa kaliwa ako, nakita ko ang isang babaeng naglalakad sa 'di kalayuan. Siya siguro ang hinahabol ng babaeng ito. Teka, anong sabi niyang pangalan? Evelyn? Pamilyar talaga sa akin ang pangalang 'yon, saan ko nga ba ulit 'yon narinig? Namalayan ko nalang na sinusundan ko na pala ang babaeng iyon. Naglalakad siya mag isa papunta sa garden ng Madre Superyora. Teka, anong gagawin niya 'don? Nakita ko siyang pumasok at naglakad pa sya papunta sa dulo, sa gusaling gawa sa bato. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang pumasok doon. Pagkakataon ko na 'to, sumunod ako sa kanya at pumasok din ako sa loob ng gusali. Napaka dilim sa loob at ang baho, malansa ang amoy. Bakit ganito dito? Akala ko ba dito ang pahingaan ng Madre Superyora? Naglakad lakad pa ako sa parang mahabang pasilyong ito, ang dilim. Wala akong maaninag. Kumapit ako sa pader at nangapa ako sa dilim. Naramdaman kong dulo na ito ng pasilyo, tumingin ako sa ibaba. May isang mahaba at paikot na hagdan sa ibaba, at duon lang may liwanag. Bumaba ako sa hagdanan, pagkadating ko sa ibaba, napakaraming pasilyo ang aking nakita. May nakaukit sa itaas na pader nito na mga numero. May anim na pasilyo. Saan ako papasok? Pumasok ako sa pasilyo sa aking harapan, katulad kanina nakapa haba ng pasilyong ito at napakadilim. Habang naglalakad ako naramdaman kong pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. B-bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam. Natatanaw ko na ang dulo, huminga ako ng malalim bago ako tumuloy. Isang kwarto ang tumambad sa akin, may mga taong nakaupo sa upuan ng katulad nung sa simbahan. Ang dami nila, nakatakip ng belong puti ang kanilang mga ulo at hindi sila gumagalaw. Pumunta ako sa pinaka harapan at pinagmasdan silang lahat. Nakaupo lang sila habang nakatakip ng belong puti. Napatingin ako sa kanilang mga kamay na nakapatong sa kanilang mga hita, nakatahi ang mga daliri nito at naagnas na din.


Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. M-mga patay na ba sila? Pero bakit nandito pa sila? Isang sigaw ang umalingasaw sa buong lugar na ito. Kasunod ng sigaw ang mga hagulgol. Teka, saan galing 'yon? Luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang isa pang kwarto sa gilid nito. Nakabukas ang pinto nito ng kaunti kaya nakikita ang liwanag sa loob. Nakita ko ang isang nakataling babae sa isang sofa. Nagpupumiglas ito sa mga gapos sa kanyang kamay at paa, naka tali din ng panyong puti ang kanyang bibig. Napatingin ako sa kabilang banda ng kwarto, isang babaeng naka suot ng itim at mahabang tela ang parang may hinahanap sa kanyang cabinet. Ano bang nangyayari dito? Bakit nakagapos ang babaeng 'yan? Kitang kita ng dalawang mata ko ang kinuha niya sa kanyang cabinet, isa itong mahabang itak at lagare. A-anong gagawin niya sa mga 'yan? Nakita kong lumapit siya sa nakagapos na babae. Umupo siya sa upuan sa harapan nito, iyak ng iyak ang babaeng nakagapos. Anong gagawin niya?






"Hindi kana dapat nakialam pa." Rinig kong sabi ng babaeng naka itim at hinawakan nito ang paa ng babaeng nakagapos. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa, nilagare niya ang paa ng babaeng nakagapos. Tanging iyak lang nito ang naririnig ko. Ang daming dugo, napaatras ako sa aking nakita. A-ayoko na dito. Nanginginig ang mga tuhod kong tumakbo palabas ng palisyong ito. Pinilit kong makatakbo palabas kahit na nangangalambot ang mga tuhod ko. Umakyat agad ako sa hagdanan para makalabas na ako sa lugar na ito. Konti nalang... malapit na. Hirap na hirap na akong huminga, malapit na ako. Natatanaw ko na ang pinto.





Konti nalang...





Hinawakan ko ang bisagra ng pinto at binuksan ko ito ngunit isang mukha ang tumambad sa akin. Nanlaki ang dalawang mata ko, anong ginagawa mo dito?





Lucy?






Minulat ko ang aking mga mata, pawis na pawis ako. A-anong nangyari? Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Madilim pa din, tumingin ako sa orasan sa gilid ko, 4:50AM palang. Nananaginip na naman ba ako? Pero bakit ganito? Bakit parang totoo? Hindi pa rin mawala ang panginginig ng mga kamay ko. Pawis na pawis ako, pati ang buhok ko ay basa na rin. Ano bang klaseng panaginip 'yon? Bakit parang totoo? Hanggang ngayon nahihirapan pa din akong huminga, parang totoo ang nangyaring pagtakbo ko palabas ng gusaling 'yon.





Natigilan ako ng narinig kong pumihit ang door knob ng kwarto. Nagtago ako sa ilalim ng aking kumot ngunit nag iwan ako ng maliit na siwang sa aking gilid para makita ko kung sino ang pumasok. Nagpanggap akong tulog, hindi ako gumalaw sa aking higaan. Nakita ko siyang pumasok sa aming kwarto. S-sino siya?






Tumapat siya sa gilid ko, nakita ko siyang parang may hinahanap sa mga gamit namin. Hindi ko makita ang kanyang mukha. Anong hinahanap niya? Tumimpo siya sa gilid ko, nakatalikod siya ng bahagya sa akin. Nakita kong kinalkal niya ang laman ng bag ko, natigilan siya ng makita niya ang itim na libro na nakuha ko sa diary. Mula sa liwanag ng buwan, nakita ko kung sino siya. Nakita ko siyang ngumiti habang hawak niya ang itim na libro. Anong gagawin mo sa librong 'yan, Lucy? Agad agad niyang inayos ang mga gamit ko at lumabas na din siya pagkatapos, dala ang itim na libro. Narinig kong sumara na ang pinto bago ako lumabas sa aking kumot. Anong gagawin niya sa librong 'yon? Hindi ako pwedeng magkamali, si Lucy 'yon.





Lumipas ang ilang oras at hindi na ako nakatulog, hinintay ko nalang mag umaga. Nakaupo lang ako sa aking kama habang nag iisip. Inisip ko lahat, pakiramdam ko magkakadikit lamang ang mga panaginip ko. Pero bakit ko napapanaginipan ang mga bagay na 'yon? Bakit ako? Napabuntong hininga ako, napatingin ako sa pwesto ni Mary. Gising na din siya, tumayo na ako at pumasok sa cr. Ang dami dami kong iniisip ngayon, idagdag mo pa ang pagpasok dito ni Lucy sa kwarto at ang pagkuha niya sa librong itim. Hindi ko lubos maisip kung anong kailangan niya sa librong 'yon.






Sabay kaming pumasok ni Mary sa aming mga klase, pagkapasok ko palang umupo na agad ako sa aking pwesto at humarap ako sa bintana. Hindi ko pa rin lubos maisip kung anong balak gawin ni Lucy sa itim na librong 'yon. Kailangan ko siyang makita. Tama, kailangan ko siyang- Tatayo na sana ako pero natigilan ako nang may biglang humawak sa braso ko. Tinignan ko siya, nakatingin din siya sa akin.





"Saan ka pupunta? Magsisimula na ang klase." Seryoso nyang sabi sa akin, at napaupo ulit ako. Binitawan na din niya ang braso ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?



"Wala naman, mag babanyo lang sana ako." Palusot ko, pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Hindi ba kapani paniwala ang palusot ko?




Hays, napabuntong hininga nalang ako. Umayos na din ako ng upo nang makita ko ang teacher namin na papasok na sa aming room. Napatingin ako sa gilid ng kisame, kapansin pansin ang dalawang parang maliit na speaker sa gilid nito. Wala namang ganyan dyan kahapon. Pero ano 'yan? Sigurado akong konektado ang mga speaker na yan sa silid ng Madre Superyora.





Kasalukuyang nagtuturo ang aming guro nang mapansin ko ang isang usok na pula na lumalabas sa mga speakers. Napatingin ako kay Katarina, napatingin din siya sa akin. A-anong ibig sabihin nito? Tinakpan ni Katarina ang ilong ko ganun din ang aking bibig. Kumalat ang usok na pula sa buong silid. Kitang kita ng dalawang mata ko ang mga kaklase ko na unti unting namamatay ng dahil sa usok na ito. Unti unting naaagnas ang kanilang mukha at may lumalabas ng dugo sa kanilang ilong at bibig. A-anong nangyayari? Tumingin ako kay Katarina, unti unti na din siyang nanghihina.




Nakarinig na lamang ako nang parang may nabasag sa likuran ko, at nakita ko siya sa aking tabi. Ang itim nyang buhok at ang kanyang pulang mata.



Buti naman at dumating ka.




Luke.

Continue Reading

You'll Also Like

13K 518 44
Everyone has secrets. . Lingid sa kaalaman ni Cherry Ann ay may itinatagong sekreto ang mga kaklase niya na siyang maglalagay sa kanya sa binggit ng...
2.3M 10.3K 10
A girl who was once sweet and friendly who came from a very wealthy family. She simply lives her life like a normal teenage girl. Nagmahal rin siya b...
526K 2.9K 6
Babaeng kung umasta daig pa ang lalakeng pumorma. Mahilig sa sports at walang inuurongan. Isang Prinsipeng kinaiibigan ng lahat, pero sa puso niya. I...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...