Babae yun! Ano laban mo dun? Umuwi ka na lang besss. Bakla ka lang. 😢💔
Sakettttt! 😭
-----
• FITA'S POV •
"Kuya! Ibaba mo ako!" Sigaw ko! Mygaaad tong halimaw na Ace nato! Ayaw nya pa rin akong ibaba! Buhat buhat nya pa rin ako.
"Relax ka lang Fit. Ibababa din naman kita." Nakangiti nyang sabe!
Hanggang sa makarating na kami sa dinning area!
OHMYGAAAAD!
NOOOOOO WAAAAYYY!
Hindi ako pwedeng makita ni Xylene!
"Kuya! Ibaba mo na ako!" Sigaw ko ulit.
Pero wala na!
Huli na ang lahat!
Nakapasok na kami sa loob.
Nakatitig sina Kuya Axe, Ash at Air sa amin at syempre pati na rin si Xylene.
"Were here." Kuda ni Kuya Ace at binaba nya na ako mula sa pagkakabuhat nya!
"Ace! Ano na naman ang ginawa mo kay Fita?" Matigas na tanong ni Kuya Axe.
"Wa-wala. Wala akong ginagawa sa kanya. Binuhat ko lang sya dito. Mukha kasing nahihiya ata syang makilala si Xylene." Sagot ni Kuya Ace!
"Really?" Nagdududang tanong ni Kuya Ash habang matalim ang tingin nya kay Kuya Ace! Kaya umiksena na ako!
"Totoo ang sinasabi ni Kuya, wala syang ginagawang masama sa akin." Kuda ko.
"Ohmygad! You! I know you! Fita? Is that you?!" Gulat na sabi ni Xylene. Mukhang matagal pa syang nag-isip, hindi nya pa ata ako nakilala. Naglakad sya palapit sa akin. "Sabi ko na! Ikaw yan. Sorry I didn't recognize you immediately, medyo malabo kasi ang mata ko." Dagdag nya pa.
"What?! Magkakilala kayo?!" Gulat na gulat na sabe ng apat na halimaw na to. At yung expressions nila! Napaka OA talaga.
"Yes. I met him in the airport." Sagot ni Xylene.
"How? Paano kayo nagkakilala sa airport?!" Tanong ni Kuya Air.
"Diba sabi ko sa inyo kanina, I came here because of that damn arrange marriage. Sya, si Fita ang girlfriend ng lalaking dapat papakasalan ko." Sagot nya!
Pisteeee kang babae ka!
Hindi mo man lang ako in-inform na ire-reveal mo na agad yan!
Mygaaasssh!
I'm not ready! Ano ng gagawin ko?!
Juskoooor!
"What?! Girlfriend?!" Gulat na gulat ulit na sabe ng apat na to!
"Totoo ba yang sinasabi mo Xylene?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Ash.
"Yes. Kahit tanungin nyo pa si Fita." Nakangiti nyang sagot! Pisteee.
Sabay sabay silang apat na tumingin sa akin. Gooosssh!
Tog! Tog! Tog!
Meggeeed! Walang humpay sa pagtambol ang dibdib ko sa sobrang kaba! Juskkkkoooo!
"Totoo ba yun Fita?!" Tanong ni Kuya Ace!
"Ahm. Ah-eh-ih-oh-uh!" Mygaassh! Nabaluktot na naman yung dila ko sa sobrang kaba!
"Who's that guy?! Yung lalaking papakasalan mo dapat? Sino sya?!" Tanong ni Kuya Ash kay Xylene.
"His name is Ethan--- Ethan Salvador. His Dad is my Dad's business partner." Sagot ng babaeng ito!
"E-Ethan!" Sabay sabay ulit nilang sabi at gaya kanina. Pare parehas silang nagulat.
Ibang klase ang apat na halimaw na to! Duet kong duet! Ahahahaha.
Wait! Bakit ba ako tumatawa!
Dapat kinakabahan na ako!
Juskoooo.
"Totoo ba yun Fita?! Girlfriend kana ni Ethan!" Matigas na tanong ni Kuya Axe! Katakot!
"Ahm. A-ano. Ka-kase---"
"Yes, it's true. Two months na daw yung relationship nila. Nakakakilig nga sila eh." Pag-eksena ni Xylene at mukhang kilig na kilig pa sya! Pisteee! Hindi naman sya yung tinatanong sabat ng sabat! Grrrrrr.
"I can't believe this!" Inis na sabe ni Kuya Axe!
"Matagal mo na pala kaming niloloko." Dagdag pa ni Kuya Ash at halatang galit sya! Meggeeed!
"So you're fooling us all this time!" Sabe naman ni Kuya Air.
Ayaaan na!
Beast mode na sila sa akin!
Mygaad!
"Hindi ako naniniwala. Alam kong hindi naman kayo ni Ethan. Diba? Ikaw lang naman ang may gusto sa kanya, at hindi ka nya gusto." Pagsingit naman ni Kuya Ace!
Araaay hah!
Ang sakettt naman nun.
Dati yun noh! Pero hindi na ngayon!
Gusto na rin ako ni Ethan!
Pero in fairness dito kay Kuya Ace, magaling kumutob. Ahahaha.
"Si Ethan mismo ang nagsabi Ace, they're in relationship." Pagsabat ulit ni Xylene. Epal din talaga ang babaeng to eh. Pigilan nyo ako mga besssh! Pepektusan ko na ang babaeng to sa fallopian tube nya! Grrrr.
"But that's impossible." Matigas na sabi ni Kuya Ace. "Maniniwala lang ako kung kay Fita mismo mangagalang na sila na nga ni Ethan." Dagdag nya pa! "Ano? Kayo na ba talaga ni Ethan?" Pagbaling nya sa akin! Kalokaaaa!
Parang may rock band na sa dibdib ko! Tog! Tog! Tog!
Walang humpay sa pag-drums tong flat kong dibdib! Juskoo.
"Ahm. A-ano. Ka-kasi---- " naputol ang sasabihin ko ng may umeksena na naman.
"Anong meron dito?" Tanong ni mudra at kasama nya pa si Fafa Ark!
"Nay! Ikaw pala yan. Saan po kayo galing ni Tito Ark?!" Kuda ko.
"Nagpa-check up lang ako Nak sa ospital." Sagot ni mudrabells.
"Ah. Okay po." Ang nasabi ko nalang.
Napatingin si mudra kay Xylene at tinitigan nya ito mula ulo hanggang paa. "Sino ka hija? Parang ngayon lang kita nakita?" Tanong ni mudra kay Xylene.
"Uhm. I'm Xylene po Tita. Kaibigan po nila ako." Nakangiting pagpapakilala nya.
"Kababata nila Axe yan hon." Sabe naman ni Fafa Ark. "Kailan ka pa dumating Xylene?" Tanong nya naman dito.
"Kahapon lang po Tito." Sagot nya.
"Ang ganda mo hija! Dapat palagi ka nalang nandito para palagi kitang makikita. Baka sakaling maging kasing ganda mo itong si baby." Kuda ni mudra!!! "
Aba!
Baket?! Hindi pa ba sapat ang ganda ko para sa kanya?! Grrrrr.
"Sure po Tita. Bibisita po ako ng madalas." Nakangiting kuda ng Xylene na to.
"So na saan na ba tayo Fita?" Seryosong tanong ni Kuya Ace! "Totoo ba yung sinasabi ni Xylene?" Dagdag nya pa.
"Ha? Ano yun Ace? Ano yang sinasabi ni Xylene tungkol kay Fita?" Tanong ni mudra!!!! Juskooor!
"Sabi po kasi ni Xylene, Fita and Ethan are in relationship." Sagot ni Kuya Ace!!!!! Mygaaaaddd talaga!!!
"Ano?!" Gulat na sabe ni mudra! "Totoo ba yun Nak?! Kayo na ni Ethan?!" Tanong nya pa!
Juskooooo.
Anong isasagot ko?!!!
"Hi-hindi po Nay. Hindi po yun totoo." Nakayukong sagot ko.
"What?! Pero sabi nyo ni Ethan kayo na?! Sabi nyo two months na yung relationship nyo. Ano ba talaga? Niloloko nyo ba ako?!" Tanong ni Xylene at medyo naimbyerna pa sya.
"I'm sorry Xylene. Sinabi lang ni Ethan na may relasyon kami para hindi matuloy ang kasal nyo, at para daw ma-turn off ka sa kanya at para sa ikatatahimik ng lahat. Yun yung dahilan. Pero ngayon, dahil hindi mo rin naman pala gusto ang kasal nyo ni Ethan, wala na sigurong dahilan para magpanggap pa kami. Kaya ngayon, sinasabi ko na ang buong truth. Ganon." Paliwanag ko. Ahahaha. Ang haba.
"Helena! Hon!" Bulalas ni Fafa Ark nang mahilo si mudra at matumba ito sa kanya!
Goooosssh!
Si mudraaaa! Juskooo!
"Nay! Nay!" Kuda ko at mabilis akong lumapit sa kanya.
Binuhat ni Fafa Ark si mudra!
"A-ayos lang ako. Me-medyo nahilo lang ako sa mga nalaman ko." Sabe ni mudra. "Gusto ko na munang magpahinga." Dagdag nya pa kaya naman dinala na sya ni Fafa Ark sa kwarto nila.
Mygaaassh!
Kibahan ako dun ha!
Akala ko naman kung ano ng mangyayari sa kanya.
Mabuti nalang okay lang sya!
"Sabi ko na nga ba, hindi yun totoo." Nakangiting sabi ni Kuya Ace at inakbayan nya pa ako!
Ang bigaaat!
"Sorry po ulit Xylene, kung nagpanggap kami ni Ethan." Sabi ko ulit sa kanya.
"It's okay. Naiintindihan ko." Nakangiting sagot nya. "Pero in fairness, bagay kayo ni Ethan kung magiging kayo man." Dagdag nya.
"No! No! No! Hindi sila bagay. Mas bagay kami ni Fit." Pagsingit naman ni Kuya Ace.
"What? Why are you saying that Ace?" Kunit noong tanong ni Xylene.
"Is it not obvious? I like him." Nakangiting sabi ni Kuya Ace sabay kindat sa akin! Juskoooo naman.
Napanga-nga si Xylene sa sinabing iyun ni Kuya Ace! At mukhang na shocked sya! Ahahaha!
"Seriously? You like him?" Tanong ni Xylene.
"Yeah." Sagot ni Kuya Ace.
Napansin kong parang nag-iba ang timpla ni Xylene. Na fe-feel ko yung itim na awra sa paligid nya! Ganern!
Anong nangyari sa kanya???
"Tara na Fit, kain tayo sa labas. Libre ko." Sabi ni Kuya Ace.
Oo nga pala, hindi papala ako kumakain. Bigla tuloy tumunog ng malakas ang tiyan ko nung marinig ko ang salitang Libre! Ahahaha.
"See? Gutom ka na. Kaya let's go." Sabi nya ulit at hinawakan nya yung kanang kamay ko! Megeeesh!
"Ha? Eh Bakit? Dito nalang tayo kumain." Pagtanggi ko.
"Eh maraming tao dito sa dinning area. Hindi kita masosolo. Kaya tara na." Sabi nya at hinila nya ako.
"Wait Ace! Bitawan mo si Fita! Ayaw nya namang sumama sayo, huwag mo syang pilitin." Matigas na sabe ni Kuya Axe!
"Wala akong gagawing masama sa kanya. Kakain lang kami." Sagot ni Kuya Ace.
"Are you sure about that?!" Tanong ni Kuya Ash. Naglakad sya palapit sa akin at hinawakan nya ang kabila kong kamay. "He'll stay here." Sabi nya pa.
"No Bro, he'll come with me." Sagot ni Kuya Ace.
"Dito nalang kayo kumain ni Fita. Nagluto naman si Manang ng caldereta." Kuda naman ni Kuya Air.
Nakuuuu!
Itong tatlong halimaw na to!
Kanina lang hindi nila ako pinapansin! Tapos ano to? Concern sila sa akin ngayon? Bakit hindi nalang kaya ang Xylene na yan ang bigyan nila ng concern na yan.
Grrrrr.
Inalis ko ang kamay ni Kuya Ash na nakahawak sa kamay ko.
"Sasama ako kay Kuya Ace. Nag-promise sya sa akin. Kaya nagtitiwala na ulit ako sa kanya. Tsaka sya hindi nakakalimot ng ano nya sa akin, basta something that starts with letter F, eh kayo? Wala! Para kayong nagka-amnesia, may dumating lang, nakalimutan nyo na lahat!" Kuda ko.
Kinuha ko yung kamay ni Kuya Ace. "Tara na po Kuya. Gutom na ako. Kain na tayo." Aniko at hinila ko palabas si Kuya Ace.
Nilingon ko sina Kuya Axe, Ash at Air. Tulala sila sa mga nangyari. Mukhang nakalimutan ata nila ang script nila. Ahahaha. Buti nga sa kanila! Magsama sama sila ng Xylene na yan.
Dumating lang ang babaeng yun, nakslimutan na nila yung feelings nila sa akin! Huhuhu! Bahala sila!
Napalingon din ako kay Xylene, at naloka ako sa ekspresyon ng fess nya!
Ano to????
Galit ba sya???
------
Itutuloy. . .