Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 190

910K 32K 38.5K
By eatmore2behappy

A/N: NO EDIT! Sorry kung matagal. Alam nyo na.... Ang ganda kasi ni Author----charot!

Open ears

Jay-jay's POV

Gusto kong lumabas ng kwarto. Gusto kong buksan ang pinto at ihakbang ang paa ko palabas. Gusto ko dahil nagugutom ako.

Hindi na ko nakapag-hapunan ng dahil sa nalaman ko. Akala ko uurong ang gutom ko dahil sa mga nangyari pero mukang ayaw makidamay ng sikmura ko sa drama ng buhay ko.

Pero natatakot ako, natatakot ako na sa pagbukas ko ng pinto may panibagong lihim na naman akong malalaman.

Baka may kakambal ako na hindi ko alam?!

Tinignan ko ang oras sa wall clock, 11:39pm. Sure akong tulog na ang mga tao sa bahay pero kahit ganun natatakot pa rin ako.

Malakas ang naging pagtunog ng tyan ko. Para bang nagsusumigaw ng 'Kingina! Pakainin mo ko!'. Hindi ko pwedeng idaan sa tulog ang ganitong gutom, hindi na nga ako nakakain ng maayos kaninang tanghali.

Labag man sa loob ko, pinihit ko ang doorknob at unti-unti hinataka palapit sakin. Sinilip ko sandali ang labas, patay na ang mga ilaw. Kinuha ko ang phone ko at ginamit ang liwanag nito para nagsilbing tanglaw sa daan ko.

Lalim sa tanglaw!

Dahan lang ang bawat paghakbang ko----teka nga! Muka akong magnanakaw sa ginagawa ko! Binilisan ko ang lakad at dumiretso sa kusina. Nakita ko pa ang ilan sa mga maid na papasok sa mga kwarto nila.

Binuksan ko ang ilaw pagdating ko sa kusina. Malayo pa pero kita'ng kita ko na ang magbibigay buhay sakin. Ang gagamot sa sakit na nararamdam ko. Ang magpapasaya sa malungkot kong puso.

Ang refrigerator!

Itoy isang portal na magdadala sakin sa kakaibang paraiso. Binuksan ko ang pinto ng ref at napapalakpak ako sa nakita ko. Ang daming natirang ulam at merong pang cake!

Kumuha muna ako ng ulam at ininit yun sa microwave. Habang naghihintay tumingin pa ko ng pwedeng kainin. Meron pa kong nakitang Chuckie na bahagyang nagpatawa sakin.

Pffttt... Bata!

Alam ko kung kanino ang Chuckie na yun. Kay Kuya Angelo yun, madalas nyang inumin kapag nai-istress sya. Iniisip ko tuloy kung pwede ba kong kumuha kayalang baka magalit naman si Kuya. Pero hindi naman nya malalaman kung sino.

Malapad ang naging ngiti ko. Kinuha ko yung isa at inalog yun. Tatanggalin ko na sana ang straw na naka-dikit sa likod ng mapatingin ako sa pinto ng kusina. Cross arm na nakatingin sakin si Aries habang walang reaksyon.

Mabilis kong binalik ang Chuckie sa ref at sinara yun. Patay malisya akong bumalik sa microwave para tignan yung iniinit ko. Narinig ko ang yabag nyang palapit sa pwesto ko.

Kinabahan ako sa hindi ko maintindihan na dahilan. Hindi ako nakagalaw at para akong hihimatayin. Naramdaman ko nalang ang presensya nya sa likod ko kaya napapikit ako.

Hinintay ko kung may sasabihin sya o gagawin. Nang marealize kong wala, dumilat ulit ako at nakita ko ang daliri nyang palapit sa microwave. May pinindot sya at umilaw ang loob non kasabay ng pag-ugong.

Ang tanga! Nakalimutan kong pindutin yung choices.

Napakamot ako sa ulo at nilingon sya. Wala na sya sa likod ko. Kumuha sya ng tasa at nagtimpla ng kape. Binalik ko ang tingin sa microwave ng mag-bell yun. Kumuha muna ko ng plato na pagsasalinan.

Akala ko aalis na sya matapos magtimpla ng kape pero nag-stay pa rin sya don, malapit sa sink. Matapos makuha ang mga kailangan ko nagsimula na kong kumain. Muka akong ewan dahil sa pagsulyap ko sa kanya sa bawat subo.

Hindi naman sya tumitingin sakin kaya hindi ko alam kung napapansin nya ko. Habang patuloy sa pagkain, paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang nangyari kanina. Kakaiba sa pakiramdam.

Pero may pinag-tatakhan lang ako. Yung edad nya at edad ko, pareho. Sure akong hindi kami kambal dahil mas matanda daw sakin ng isang taon ang Kuya ko. Naguguluhan tuloy ako.

"Tigilan mo ang pagtingin-tingin sakin." Sabi nya na nagpatigil sakin sa pag-iisip.

"S-sorry..." Halos pabulong kong sabi. "...Ari----anu pa lang itatawag ko sayo?"

Gusto kong sampalin ang sarili ko sa tinanung ko. Seriously?! Tumaas ang isang kilay nya dahilan para mapayuko ako.

"Nothing will change." Madiin nyang sabi.

Okay.... Aries pa rin. Aries the horoscope! Kamusta si Taurus?

Hindi talaga mawala sa isip ko yung edad namin. Ayoko pa sanang pag-usapan yung mga ganung bagay sa kanya dahil sariwa pa ang lahat, pero hindi ko mapigilan na hindi magtanung.

"Aries... B-bakit pareho t-tayo ng edad?"

Muling tumaas ang isang kilay nya. Kasabay ng matalim na tingin sakin habang umiinom sa tasa.  Dinaig pa ko sa pagtaas ng kilay. Kulang nalang ahitin nya yung sa kanya para mataray na mataray.

Binaba nya ang tasang hawak at nagbuntong hininga. Walang buhay ang kanyang mga mata na tumingin sakin.

"Mas matanda ako sayo ng isang taon. Sinabi ko lang magkasing-edad tayo para hindi mo isipin na baka ako ang Kuya mo." Paliwanag nya.

Nag-nod lang ako biglang pagtanggap sa sinabi nya. Kaya pala tinatawanan nya ko dati kapag binabati ko sya sa birthday nya, mali pala kasi yung edad na sinasabi ko.

Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit noon pa, ayaw na talaga nyang ipaalam sakin. Hindi ko alam ang kwento kung bakit sya pinaampon. Sinasabi ng mga kamag-anak namin na para daw sa ikakabuti namin pareho.

Pero hindi naman naging mabuti.

Hindi na ko nagsalita. Natapos ang pag-inom nya ng kape at umalis na. Naiwan akong mag-isa habang nakatitig sa pagkain sa harap ko.

Nakakainis yung ganito! Alam kong galit sya sakin. Malaking bahagi ko ang nalulungkot dahil hindi kami magkasundo sa kabila ng mga pinag-daanan namin pero may galit din ako sa kanya. Pinsan ang tingin ko sa kanya kaya naman hinahayaan ko lang sya at sinasagot kapag may pagkakataon.

Pero ngayon na alam ko na ang totoo, gusto kong magka-ayos na kaming dalawa. Kahit hindi kagaya ng dati pero at least alam namin na okay kami. Hindi man nya ko kilalaning kapatid, ayos lang sakin.

Pinigilan ko ang luhang nagbabadya sa mata ko. Tinapos ko agad ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan. Pati yung pinag-inuman ni Aries hinugasan ko na rin.

Pinatay ko ang ilaw at mabilis na bumalik sa kwarto ko. Naglinis muna ko ng katawan bago tuluyang nahiga sa kama. Blanko ang isip ko hangang sa makatulog ako.

Nagising ako sa malakas na katok sa kwarto ko. Para bang may kaaway ako na naghahanap sakin. Wala naman nagsasalita, katok lang ng katok.

Gandang pang-gising!

"Gising na!" Inis na sigaw ko kaya tumigil ang pagkatok.

Bwisit! Ang aga-aga mambulahaw ng lintik na yon. Maka-katok wagas parang wala ng bukas. Padabog akong bumangon. Cellphone ko ang una kong tinignan, nagbabaka-sakali.

Nakaramdam ako ng lungkot. Malalim ang naging buntong hininga ko. Hangang ngayon hindi pa rin sya sumasagot sa mga text ko. Nakapatay ang cellphone nya kapag tinatawagan ko.

Shit naman! Keifer...

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Nag-ayos na ko para makapag-almusal. Paglabas ko ng kwarto saktong labas din ni Aries sa kwarto nya. Walang buhay nya kong tinignan bago tuluyang lumakad paalis.

Dati kapag tinitignan nya ko ng ganyan, iniirapan ko lang sya. Pero ngayon parang ang bigat na sa loob.

Pagdating sa Dining, boses ni Mama ang nangingibabaw sa pagtawa at pagku-kwento.

"Good morning Jay!" Naka-ngiti nyang bati sakin.

Walang good sa morning ko!

"Good morning din." Sagot ko bago maupo.

Katapat ko si Aries na nagsisimula ng kumain. Para syang walang paki-alam sa mga tao sa paligid nya. Nakayuko at sunod-sunod ang subo.

Sinimulan ko na ding kumain at umarteng walang paki-alam sa mga nasa paligid ko. Pero dinig na dinig ko pa rin ang mga usapan nila.

"Magiging okay din sila... Lalu na nga yon." Sabi ni Mama.

"Parang hindi naman. Tignan nyo sila." Sabi ni Lola at ramdam ko ang pagtingin nila samin.

Sabay kaming nag-angat ni Aries ng tingin at nagsalubong pa ang mga mata namin. Agad akong umiwas sa pagtingin kila Lola.

"B-bakit po?" Patay malisya kong tanung.

Ngumiti lang naman sila sakin. Ang lakas nila maka-loko sa totoo lang. Obvious naman na kami ang topic nila. Feeling ata nila magiging okay na kami ni Aries dahil alam ko na ang totoo.

Pero feeling lang nila yun.

Naunang natapos kumain si Aries. Halos magkasunod lang kami kaya naman magkasunod din kaming naglakad pabalik sa mga kwarto namin.

Kaunti hakbang nalang malapit na kami sa kwarto nya pero bigla syang huminto. Taka akong napatingin sa kanya pero hindi nya ko hinarap.

"Stop it." Sabi nya na lalung nagpa-taka sakin. "...Wag ka ng umasa kagaya nila. Hindi na tayo magkaka-ayos."

Hindi na nya hinintay ang magiging sagot ko. Mabilis syang naglakad at pumasok sa kwarto nya. Nanatali ako dun habang nakatingin sa kung saan.

Wag na kong umasa?

Napailing ako bago naglakad pabalik sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nag-ayos. Kita pa rin yung mga galos na nakuha ko galing sa aksidente kahapon. Kumikirot ang bawat muscle ko pero nakasanayan ko na.

Benefits ng laging napapa-away!

Naglalakad na ko papuntang sala ng marinig ko ang galit na boses ni Kuya at nagrereklamong Aries.

"Ayoko!" Inis na sabi ni Aries.

"Sundin mo utos ko, kung ayaw mong bawiin ko sayo ang kotse mo!" Sagot ni Kuya Angelo.

Lumipat ang tingin sakin ni Kuya ng makita nya ko.

"Sumabay ka kay Aries." Utos ni Kuya sakin.

"Ha?"

"Sumabay ka sa kanya. Sabay na ulit kayong papasok at kung pwede pati pag-uwi."

Kita ko ang pag-gulo ni Aries sa buhok nya. Wala syang magawa kaya naman mabilis syang naglakad palabas diretso sa garahe.

"Bakit? Para saan?" Tanung ko kay Kuya ng masigurong nakalabas na si Aries.

"Baka maulit yung nangyari sayo kahapon. Mabuti ng safe ka." Sagot nya at naglakad na paalis.

Safe! Ulowl... Sinong niloko nyo?

Gumagawa lang sila ng paraan para maging malapit kami at magkasundo. Nagsasayang lang sila ng effort. Naglakad ako palabas, balak ko sanang takasan nalang ang inuutos ni Kuya.

Ang bigat na nga ng loob ko dahil sa problema ko sa mga Section E. Tapos nadagdagan pa ng malaman ko yung totoo. Kung anu man yung balak nila, dapat itigil na nila. Lalu lang akong nahihirapan.

Napahinto ako sa gate ng bahay ng makita ko ang kotse ni Aries na nakahinto. Bumaba ang bintana sa pinto ng driver's seat at bumungad ang sibangot na muka nya.

"Sakay." Utos nya.

"Wag na... May dadaanan pa ko." Walang buhay kong sagot at nagsimulang maglakad.

Hindi pa ko nakakalayo nadinig ko na ang malakas na busina ng kotse nya. Pagtingin ko, nasa likod ko na ang kotse nya. Mahigpit ang kapit nya sa manibela at halatang iritang-irita.

"Sakay!" Inis na sigaw nya.

Malalim ang naging buntong hininga ko. Lumapit ako sa pinti ng back seat at binuksan ko. Sumakay ako agad at sinara ang pinto.

Alam ko namang ayaw nya kong makasama dito sa loob ng kotse nya kaya pinili kong maupo sa back seat. Ramdam na ramdam ko ang iritasyon nya sakin pero pinili kong tumingin sa daan.

Pinaandar nya ang kotse at tanging paghinga lang naming dalawa ang ingay na maririnig.

Nakakainis!

Wala syang ginagawa pero nasasaktan ako. O baka kaya ako nasasaktan kasi wala syang ginagawa. Nasanay akong sinisigawan nya ko sa galit at inis pero ngayong tahimik sya....Kingina! Pakiramdam ko napaka-wala kong kwenta.

Huminto ang kotse ni Aries, isang kanto bago makarating sa school. Hindi sya nagsalita pero alam ko na ang ibig sabihin non. Kusa akong lumabas ng kotse nya at hinayaan syang mauna sa school.

Tanging usok nalang ng kotse ang naiwan sa harap ko pag-alis nya. Buti pa ang usok! Haaayyy...

Naglakad na ko papasok ng school. Gate pa lang tanaw ko na ang mga istudyanteng pinag-titinginan ako.

"Pinahiya talaga sya!"

"Hindi man lang sya pinagtanggol."

"Kawawa naman."

Bulungan ng mga istudyante. Nakakuha na agad ako ng clue kung bakit nila ko pinag-titinginan. Parang apoy na mabilis kumalat ang tsismis kaya hindi na ko magtataka.

Sa mga nangyari sakin kahapon, wala na ko sa mood intindihin sila. Masyado ng mabigat ang mga nangyari sakin. Dagdag isipin lang kung papakinggan ko pa ang bawat komento nila na hindi naman makakatulong para sakin.

Sa totoo lang, natatakot akong pumasok. Natatakot ako dahil sa galit ni Keifer. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung pano ko haharapin ang bawat isa sa kanila. Natatakot ako....

Pagdating sa building namin, nakiramdam muna ko. Tahimik sila at mukang walang nangyayaring gulo....pero yun lang pala ang akala ko.

"Sabihin mo na kasi ang totoo!" Sigaw ni David.

Nasa tabi na ko ng pinto ng marinig ko yun. Napahinto ako at sandali pang pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Wag mo ngang utusan si Keifer!" Sagot ni Rory. "...Sasabihin din naman nya eh. Tamang oras lang ang kailangan."

"Naaawa na ko kay Jay-jay." Sabi ni Ci-N na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Naaawa?! Totoo?!

"Sinabi na kasing tigilan na yang plano na yan!" Galit na sigaw ni Eman.

"Kuwari kapa! Isa ka nga sa nanguna sa lintik na plano na yan!" Sagot ni Denzel.

Plano?!

Naghahalo-halo ang mga sinasabi nila sa isip ko. Naguguluhan ako! Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Tungkol sakin, sa isan plano at gusto na nilang malaman ko ang totoo dahil na-aawa na sila sakin.

"Sabihin mo nalang ng maayos tapos humingi tayo ng tawad." Sabi ni Blaster.

"Parang ganun lang kadali ano?" Sarcastic na sabi ni Drew.

"Hindi tayo patatawarin ni Jay-jay." Sabi ni Yuri.

"Susuyuin natin sya." Sabi ni Rory.

"Hindi ganun kadali yun." Sagot ni Edrix.

Lalu akong nalilito sa mga sinasabi nila. Gusto kong malaman ang totoo, ayoko na ng ganito. Lagi nalang bang may ililihim ang mga tao sa paligid ko?

Suntok sa buwan ang paghakbang ko papasok sa room. Lahat sila nakatingin sakin na may gulat. Pinilit kong itinago ang emosyong nararamdaman ko. Bumagsak ang mga tingin ko kay Keifer na walang reaksyon.

"J-jay-jay...." Pabulong na tawag nila sakin.

Kumpleto silang lahat. Pati si Kit na mamaga ang muka ay nandito din.

"A-anung totoo? Anung plano?" Nanghihina kong tanung.

Gusto kong malaman ang totoo pero parang ayaw ko din. Andun yung takot, yung takot na masaktan na naman ako sa malalaman ko. Kakaiba yung kutob ko.

Tumingin silang lahat kay Keifer. Wala syang emosyon, naka-cross arm habang nakasandal ng tuwid sa upuan nya.

"Anu yung plano? Anu yung totoo?" Pag-uulit ko sa tanung habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Magsalita kana!

"Keifer... Magsalita ka na." Paki-usap ni Yuri.

"Keifer! Sabihin mo na!"

"Magsalita kana!"

"Anung plano yon? Anung totoo?" Pag-uulit ko at sa pagkakataon na to basag ang tinig ko.

Tangina! Sabihin mo na!

Nanatili syang walang reaksyon at nakatingin sakin. Para syang walang pakialam sa nangyayari sa paligid nya. Para syang walang pakialam sakin.

Nagsisimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Malalim ang bawat paghinga ko dahil sa pagbabara sa lalamunan ko. Para akong sinasakal.

"Keifer! ANU YANG PLANO NA YAN?!" Sigaw ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Nahihirapan ako sa ginagawa nyang pagtitig lang sakin at hindi kumikibo. Halatang nabigla din ang iba sa naging reaksyon ko pero pinili nilang umiwas ng tingin.

"You sure you want to hear it?" Seryosong tanung ni Keifer.

Pinilit kong pigilan ang luha ko at nag-nod sa kanya. Mapait ang naging pag-ngiti nya kasabay ng pag-iling. Unti-unting bumuka ang bibig nya pero wala akong narinig na boses o kahit anung ingay mula sa iba. Para akong biglang nabingi at may ilang sigundo bago tuluyang nag-sink in sakin ang sinabi nya.

"I used you."

Nanatili akong nakatanga, naghihintay ng susunod nyang sasabihin. Muling bumagsak ang grupo ng luha galing sa mga mata ko.

"...and the whole Section E knows it."

Yung pakiramdam ng binugbog ang puso ko ng walang kalaban-laban. Tanging pag-iyak at pagtitig sa kung saan lang ang nagawa ko.

G-ginamit?

Tumayo si Keifer at dahang-dahang naglakad palapit sakin. "Ginamit kita para makaganti sa pinsan----oh wait! Sa kapatid mo pala."

Nanginig ako sa sinabi nya. Alam din nya ang tungkol don? Alam din nilang lahat? Pano? Pano nangyari yun?! At bakit ako nalang yata ang huling naka-alam.

Napailing ako habang nakatitig pa rin sa kanya. Hindi nagbago ang expression ng muka nya.

"H-hindi ko m-maintindihan." Nanginginig ang labi ko.

Huminto si Keifer ilang dipa malapit sakin. Nagtama ang mga mata namin at dun ko lang napansin ang tila malamig at madilim nyang mata. Kung panu nya ko tignan ngayon ay kapareho nung unang beses kaming nagkita.

"Then i'll explain it to you." Mahinahon nyang sabi. "...The moment Aries show up in front me, acting that he cares for you the plan started----to be exact? That was the time that we make fun of you at the gymnasium."

Yun yung pinatamaan nila ko ng bola. Dumugo ang ilong ko at bago pa magdilim ang paningin ko, dumating si Aries para pigilan ako at ayaing umuwi.

"...We make sure we have your information----thanks to Rory here." Tumingin ako kay Rory pero agad syang yumuko para umiwas. "...We found out that you and Aries are siblings."

Tang'na! Alam nila!

Bigla syang nag-smirk at biglang nag-iba ang awra nya. Hindi ko masabi kung galit sya o para bang may balak gawin.

"...but the plan has no use. That asshole don't care about you and my revenge is useless." Sabi nya at bahagyang tumawa.

Parang ibang Keifer ang kaharap ko ngayon. Ang dilim ng mga mata at parang puno ng galit.

"K-keifer... T-tama na." Awat ni Yuri.

Nanigas ang binti at paa ko sa pagkakatayo. Gusto kong isipin na 'Joke' lang ang mga sinasabi nya. Pero hindi, hindi sya nagbibiro at hindi sya mahilig magbiro.

Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko kaya naman basa na ang pisngi ko. Kahit punasan yun hindi ko na magawa. Parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib ko.

"G-ginamit mo l-lang ako? K-kasama ba d-dun ang pa-ibigin ako?" Halos ayaw lumabas ng boses ko dahil sa nangyayari.

Ayokong itanung ang bagay na yon, natatakot ako sa isasagot nya pero gusto ko pa ring malaman ang totoo. Sana mali ang naglalaro sa isip ko.

Bigla nalang syang tumawa na para bang may nakakatawa akong sinabi. Naglakad sya pabalik sa table nya.

Baka nga joke lang ang lahat ng to. Pinagt-tripan siguro nila ko. Baka gumaganti lang sya sakin.

Siguro pagkatapos nyang tumawa sasabihin nya na yung hinihintay kong linya----'Joke lang, nakakatuwa ka kasi inisin.' At sasabihin nyang hindi nya kayang gawin yon kasi mahal nya ko.

Sana tama lahat ng iniisip ko kayalang alam kong hindi. Tuluyang nabasag ang puso ko ng magsalita sya pagkatapos tumawa. At ang mga salitang binitawan ang nagpabago ng lahat sakin.

"Of course it's part of my plan."

Jusko!

Natakpan ko na ang bibig ko sa pag-iyak ng malakas. Wala na kong paki-alam sa itsura ko. Napaatras din ako dahil sa panlalambot ng tuhod at napahawak sa isa sa mga table.

TANGINA! HINDI TO JOKE! PINANIWALA NYA KONG GUSTO DIN NYA KO! HINAYAAN NYANG MAHULOG AKO SA KANYA! GINAMIT LANG NYA KO! ARGH!

ANG BOBO MO JAY! ANG TANGA-TANGA MO AT NAPANIWALA KA NYA!

"Jay..." Tawag sakin ni Yuri at akmang lalapit sakin pero tinignan ko sya ng masama.

"Alam mo?" Nagpipigil na tanung ko. "...Kasama ka sa nagplano?"

Tumigil si Yuri sa paglapit sakin. Parang umurong ang dila nya at hindi nakapag-salita. Hindi man lang nya maitanggi kahit sa simpleng pag-iling. Lalu akong napaiyak dahil sa naging reaksyon nya.

LAHAT SILA!

Lumipat ang tingin ko kay Ci-N. Umiiyak na rin sya habang nakatingin sakin at parang nagmakaka-awa.

"Kasabwat ka din?" Nakakapanglambot kong tanung.

Humagugol sya habang pilit pinupunasan ang mga luha. "I-i'm sorry, Jay."

Kaya pala humihingi sya ng tawad sakin dati, dahil dito. Umpisa pa lang may ginagawa na silang katarantaduhan sakin. Hindi ako makapaniwala, ang laki ng tiwalang binigay ko sa kanila.

Tinignan ko din yung iba pero pare-pareho silang umiwas ng tingin. Si David lang tumitig sakin ng matagal. Pero kahit sa kanya may galit ako.

May ginawa ba kong mali?! Bakit kailangan kong mapag-laruan ng ganito?!

Binalik ko ang tingin kay Keifer na walang kahit na anong expression. Wala man lang akong makitang bahid ng awa o pagsisisi sa ginawa nya.

"B-bakit Keifer? B-bakit?"

Hindi sya sumagot. Hindi ko na kaya pang magtagal sa harap nya, sa harap nilang lahat. Anung saysay ng pag-iyak ko sa harapan nila? Kahit nanginginig ang tuhod ko pinilit kong lumakad paalis.

"Jay! Sandali!"

"Jay-jay."

"Teka lang! Jay!"

Nakalabas na ko ng pinto ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Agad kong tinabig yun at tinignan sya ng masama.

"Anu pa bang kailangan mo?!" Galit na tanung ko kay Yuri.

"I-i'm sorry..." Huminga sya ng malalim. "...Please. Let me exp----."

"Wag mo ng subukan pa!" Pinunasan ko ang pisngi ko. "...Mag-bestfriend talaga kayo! Ang galing nyong magmanipula!"

"Jay... Maniwala ka, nagsisisi na kami----."

"Kaya inamin nyo na?! Kasi kinakain na kayo ng konsensya nyo!"

Napatingin ako sa likod nya ng mapansin kong kasunod nya si Ci-N. Umiiyak pa rin sya. Gustuhin ko mang maawa sa itsura nya, hindi ko kaya.

"Isa ka pa..." Napailing ako. "...tinuring kitang kapatid tapos ganito."

"Jay... I'm sorry." Sabi nya.

Nakita ko din yung iba na nakatingin samin. Tinignan ko sila ng masama hangang sa huminto ako kay Yuri.

"Tama na..." Halos pabulong kong sabi at agad na tumakbo paalis.

Tiniis ko ang sakit at kirot ng muscle ko sa binti at hita ko. Pero parang wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko. Hindi sapat yung salitang Durog para masabi kung gano kasakit.

Naririnig ko sila Yuri na nagtatalo sa likod. Mukang pilit nila kong sinusundan pero pinipigilan ng iba. Mas binilisan ko ang takbo, malapit na ko sa gate ng school ng makita ko si Aries na nakatingin sakin.

Gusto nilang makaganti sa kanya...

Kaya ko nararanasan lahat ng to, dahil sa kanya. Dahil gusto nila syang gantihan. Ginamit nila ko para makaganti sa kanya. KUNDI DAHIL SA KANYA, HINDI KO MARARANASAN TO!

Sabay-sabay ang sakit na nararamdaman ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Hindi ko alam kung nakalabas na ko ng gate pero isang malakas na busina ang napatigil sakin kasabay ng palapit kotse.

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP*



++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

388K 1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
702K 24.7K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...