Seychelle's PoV
Hi Nay. Kamusta na po kayo diyan?
[Napatawag ka anak. Ayos lang kami dito, tulad parin ng dati.]
Andiyan po ba si Itay? Gusto ko po siyang makausap. Madalas po kasing hndi ko siya naabutan pag tumatawag ako e.
[O sige anak, teka lang ha. Tatawagin ko siya.]
Narinig ko na tinawag niya si Tatay.
[Hello Anak?]
Tay! Namiss ko po kayo!
[Ako din anak! Bakit kasi ngayon ka lang napatawag? Nakakalimutan mo na tuloy kami.] Medyo Tampo ni Tatay.
Pasensya na po Tay. Nag-enroll pa po kasi ako. Saka laging wrong timing pag tumatawag ako dyan. Madalas po kasi kayong nasa trabaho..
[Oo nga anak. Pero talaga anak?!! Bakit di mo man lang sinabi na mag aaral ka n?!! Padadalhan ka namin diyan ng pang matrikula mo.]
Naku Tay, huwag na po. Scholar po ako sa University na papasukan ko kaya sagot na po nila lahat. Dahil po yun sa pagpa-piano ko.
[Proud na proud kami sayo ng Nanay Cecilia mo! Galingan mo Anak ha! Pupunta kami diyan pagka-graduate mo!]
Opo Tay. Namimiss ko po talaga kayo. Dalawang taon narin pala akong di nakakauwi dyan.
[Wag mo kami alalahanin dito. Ayos lang kami. Basta para sa kinabukasan mo at tumawag ka lang, mapapanatag na kami.]
Babawi po ako sa inyo ni Nanay, pangako.
[Nakabawi ka na anak. Maabot mo lang ang mga pangarap mo ay para naring natupad ang sa amin.]
Aww... Si Tay talaga ang sweet! I love you Tatay!!!
Maya-maya ay may biglang humalik sa pisngi ko..
"Chris!"
[Anak?!! Ano nangyayari dyan??!! Sino ang lalakeng yan?!! Sinaktan ka ba niya??!!]
Patay!
[Ah e... Ma-mamaya ko nalang po ulit kayo tatawagan. Si Chris po pala.. Siya ang... Siya ang sub-mentor ko sa piano.. Si-sige po.. Ba-bye po ulit Tay!]
*doo.doo.doo
Agad kong binabaan ng phone si Tatay which is ngayon ko lang ginawa sa buong buhay ko. Malaking kasalanan ito!
Tiningnan ko ng masama si Chris. WHY DOES HE HAVE TO DO THAT?!?
"You told your father that I was just your sub-mentor?"
"What are you saying? Isn't true? Saka, bakit ka biglang sumulpot dito?"
"You said that I'm just your sub-mentor." Ulit niya.
"Oo nga. Bakit ba ang kulit mo?! Bakit bigla bigla kang nanghahalik?! Bakit ka nandito?!"
Naiirita kong tanong sa kanya. Ibang usapan na kasi kapag si Tatay na ang nakarinig sa kabilang linya na may kasama akong lalake. Syempre kahit ako, iba ang papasok sa isip ko pag may narinig akong lalake sa kabilang linya ng kausap ko.
"Sabihin mo nga sa akin Seychelle... Iyon lang ba ang tingin mo sa akin? Your boyfriend is just your sub-mentor in piano?"
Yung tono niya habang tinanong yan parang mamamatayan.
A-ano bang pinagsasabi nito?
Bad timing naman kasi siya e!
"Christian, please not now. Sinira mo ang usapan namin ni Tatay. Alam mo bang bihira ko lang siya makausap dahil may trabaho siya? Hindi ibig sabihin na girlfriend mo ako ay malaya kang halikan ako kahit saan at kahit kailan mo gusto. You did not even respect my privacy. " Deretso kong sabi.
"It wasn't my intention. I was just going to give you a--"
"Pero sana hinayaan mo muna akong matapos sa kinakausap ko. He's my foster father and it's been 2 years since the last time we saw each other. Tanging tawag, Facebook o Skype nalang ang komunikasyon namin tapos sinira mo pa.."
"I'm sorry..." Sincere siyang humingi ng sorry skn..
"Wala nang magagawa ang sorry mo. And kaya ko sinabi na sub mentor kta is because hndi pa nla alam na may boyfriend na ako. Ang alam nila wala pa akong boyfriend. Kumukuha pa ako ng right timing para sabihin sa kanila. Pero... sinira mo na.. You ruined it."
Tinalikuran ko siya.. Nagsimula akong pumanhik sa taas..
Galit ako sa kanya ngayon....
"Seychelle... Please let me explain.."
"The door will listen to your explanation. Leave." Agad kong sabi sa kanya na hindi ko man lang nilingunan.
Napahiga ako sa kama ko..
Away na naman, Seychelle??? Away na naman?! Wala pa kaming isang bwan pero nakakadalawang away na kami...
Kasi naman e! Bakit niya kasi yun ginawa?! Alam kong natural lang yun pero kasi hindi ko naman alam na bigla bigla siyang lilitaw sa eksena kung saan magkausap pa kami ni Tatay. .
Bad timing talaga si Chris...
After 2 hours, bumaba na ako para makapag luto ng dinner ko..
I went straight to the kitchen.
Nagluluto ako ng deep fried chicken in spicy flavor.
Habang hinihintay kong maluto ang yummy dinner ko, may napansin akong nakalagay sa ref. A red post-it...
Binasa ko ito...
"I'm sorry... Please forgive me. "
-from 7:11 pm
7:11 pm? Napatingin ako sa wall clock. 7:11 na nga! Pero galing daw kay 7:11 pm? Who is this 7:11 pm?
Is Chris still here?
Lilingon na sana ako nang...
May nagtakip ng panyo sa ilong at bibig ko! Nagpupumiglas ako pero agad nag-iba ang pakiramdam ko. I felt weak. May kakaibang amoy ang panyong nakatakip sa kalahati ng mukha ko...
Unti-unting nagdilim ang paningin ko... Bumigat ang mga mata ko....
Chris...... help....
===
Biglang nagmulat ang mga mata ko at pati buong katawan ko agad na kumilos dahil... NADUDUWAL AKO!
Tinatakpan ng mga kamay ko ang bibig kong handa nang bumulusak ano mang oras! Asan ba ang c.r?!? Asan ba ako?!?
Hindi naman to mukhang bahay ko!
At sa wakas nasa loob lang ng kwartong to ang c.r kaya.....
Nagsilabasan na ang mga di kanais nais na mga suka ko sa bowl... #___#
Uggghhhh....
Nahihilo din pala ako....
Isa pa! -_____-
Suka ulit... Uggghhhh...
Feeling ko sinuka ko na pati bituka ko! T____T
And for the last time....
Holy caramel cow.... -___- Uuggghhh..
*Flasshhh!
Ayoko na ulit sumuka! Nakakawala ng dugo... Nag-gargle ako at dahil saktong may Listerine sa c.r na ito ay ginamit ko nadin.
Nang matapos, lumabas ako at napa upo sa kama..
Teka...
ASAN NGA PALA ULIT AKO?!?
Isa lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit ako sumuka..
Ano palang nangyari sa akin?!?
Oo nga pala!!!
Nakidnap ako! O___O
NAKIDNAP AKO!!!
Pero saan niya ako dinala?!?
Sinapo ko ang ulo ko... Medyo nahihilo parin ako at wala akong ideya kung nsan ako..
Pinihit ko ang door knob at lumabas dala ang bed side lamp sa kwarto.
Kailangan ko ng self defense kung sakaling makita ako ng kidnapper.
May pintuan pa sa labas... Pero parang hindi lang siya basta-basta na pintuan.. May hole sa gitna kung saan kita ang labas na parang... Parang sa barko ko lang nakikita...
Biglang nanigas ang buong katawan lalo na ang mga paa ko... Hindi kaya----
Para malaman ang kasagutan, nagpatuloy ako sa paglalakad...
Nang mabuksan ko na ang pinto...
Pakiramdam ko... MAMAMATAY NA AKO!
Dumiretso ako sa deck... at NAG-SUKA!
*^)!&!&^!#
Hindi ko alam kung yung mga nakain ko pa ba ang sinusuka ko o kung mga lamang loob ko na!
Napaupo ako dahil sa sobrang hilo...
Nasa....
nasa....
nasa....
Nasa gitna ako ng karagatan sakay ng isang yate... Isang malaki at magarbong yate.
Sino ang may-ari nito?!?
Buti nalang at hindi ako nahirapan na hanapin ang pangalan dahil sa nakaengrave ito sa isang side ng pader dto sa deck...
Martinez
Martinez?
Pag mamay-ari ni----
Bago pa ako makapagsalita ay nag-suka na naman ako...
Ang dami ko nang sinuka pero suka parin ako ng suka....
Naaawa na ako sa dagat dahil kanina ko pa cla sinusukahan...
Ugh...
Di ko na talaga kaya... Wala na akong isusuka pero patuloy parin ako sa pagduwal na parang buntis....
"Seychelle, are you okay?"
Lumapit kaagad siya sa kin at hinagud-hagod ang likod ko. Alalang-ala siya.
Lumingon ako sa kanya at pinagdarabog ang dibdib niya.
SABI KO NA NGA BA! IKAW ANG MAGDADALA SA AKIN DITO!
"Iuwi mo ako, Chris! Mamamatay ako dito!" Sigaw ko sa kanya na halos mapapaiyak na rin!
"Twinkie, calm down. This will not sink. You're perfectly safe here in my yacht."
"Safe?!? Nakita mo ba kung naka ilang suka na ako??! Nakalimutan mo na bang may takot ako sa dagat?! Ibalik mo na ako Chris! Maawa ka sa akin..."
Ano ba kasing ginagawa namin dito? Hindi ko kaya mag-tagal dito.
"Seychelle, please calm down. Doon ako mag eexplain sa loob para hindi ka na maduwal."
Sasagot pa sana ako nang....
Naduwal na naman ako at sa hindi inaasahang pagkakataon, si Chris ang nasukahan ko! Nasukahan ko siya!!!
Parehas kaming nagulat sa nangyari. NAKAKAHIYA!!! SANA LAMUNIN NA AKO NG KARAGATAN SA SOBRANG KAHIHIYAN!!!
HINDING HINDI KO TO MAKAKALIMUTAN KAHIT MAMATAY MAN AKO!!!
Imbis na magalit sa akin si Chris dahil sa nasukahan ko siya, hinila niya kaagad ako papasok at dinala doon sa kwarto at ipinasok sa bathroom.
"Maligo ka na. I'll get new clothes when I return. Dalian mo at maliligo din ako."
Napasandal ako sa pintuan ng c.r...
Bakit ba kasi kami nasa isang yate?!
Binuksan ko ulit ang pinto at nakita ko ang shirt niya sa sahig na sinukahan ko kanina lang.
Mukhang hinubad niya ang damit na sinukahan ko..
NAKAKAHIYA TALAGA....
Ang baho pa naman ng suka ko!!!!! T_____T
Sinara ko na agad ang pinto at naligo na...
Nang matapos akong maligo, nakita ko sa kama ang nakahanda kong damit.
Light blue blouse with white maong shorts na 1 inch lang ang above the knee.
Napansin ko ring pumasok na si Chris... Naka half naked siya pero suot pa naman ang pants niya.
AAAAAAHHHHH!!!!
"Chris!!!! LABAS!!!"
"Why? This is my room and I'm going to take a bath. Tabi diyan."-_-
Aba at siya pa ang wala pa sa mood. Itinabi niya ako dahil nakaharang ako sa entrance ng c.r.
At ako heto, naka-tapis lng..
At nakita niya na ganito lang ang ayos ko. Para kaming mag-asawa na nasa honeymoon get-up pero nasa love quarrel situation....
Pumunta ako sa kama, at kinuha ko ang damit..
Pero wait-----------
Nasaan ang undies at bra ko???!!!!!
Ano to, ssuotin ko nang walang bra at panty????!!!!!
Kinatok ko ang pinto ng bathroom kung saan naliligo si Chris.
*tok tok tok!!!
"Chris! Nasaan ang undies at bra ko?!"
Hindi niya ako sinagot. Mukhang mas nilakasan pa niya ang shower.
NAKAKAIMBYERNA TALAGA!!!
"Bahala ka diyan! Malunod ka sana sa paligo mo! Maghahanap ako ng bra at panty sa buong yate mo kung kinakailangan kahit pa wala akong damit!"
Nakakainis na talaga! Lalabas na sana ako ng kwarto ng....
may biglang basang kamay ang humawak sa braso ko.
"Dito ka lang."
At agad siyang lumabas ng kwarto.
Naka bath robe siya at may shampoo pa ang buhok.
Wala pang 1 minute ay nakabalik na siya dala ang isang bagahe ng bag..
Inilapag niya yun sa kama.
"Your things are all in there. I'll explain everything later. Nasa bag mo narin pala ang gamot na nilagay ko para mabawasan ang pagsusuka mo.. So please, don't go outside unless gusto mo ulit ako sukahan pati na ang buong yate ko."
Naiwan ako sa kwarto na estatwa.. Ano bang pinaplano niya?!?
Nagbihis na ako..
Grabe, kalahati ng damit ko sa bahay ay dinala niya!
Wah! San ba kami pupunta kung kelan 2 weeks nalang at may klase na?!?
At bakit sakay pa ng yate?!
Ganito ba siya kayaman?!?!! Pwede namang mag-eroplano... Alam naman niyang may phobia ako sa dagat e!
Hinanap ko ang phone ko pero wala siya sa bag ko.. Asan ang phone ko?!? Kailangan kong tawagan si Kath na wala ako sa bahay dahil tinangay ako ng mismong boyfriend ko nang wala man lang pasabi..
At sa wakas, natapos narin siya maligo. Naka plain shirt siya na dark blue at beige pants na abot hanggang tuhod.
"Twinkie, saan mo ba ako dadalhin? Baka hanapin ako sa bahay. At hindi talaga ako komportable na nandito sa kalagitnaan ng karagatan. Hindi tumatagal ang epekto ng gamot sa kin.. Kaya please, bumalik na tayo..."
"I can't.. I have to kidnap you for a while.. Maiintindihan mo din ako pag nakarating na tayo s destinasyon natin."
"Ilang oras na ba tayong nasa dagat?"
"Almost 6 hours.. Don't worry nandoon na tayo tomorrow after before sunset. "
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Home."
Isang maikling sagot ang binigay niya.
Home?!! Pero nasa Maynila ang bahay ko at ang condo niya..
"Please take me home Chris... Hindi sa dagat ang buhay ko.. You know how much I hate to be in the sea..."
"I know... That is why I'm taking you home... To where you belong... But in order for you to go home, you must cross the seas and tides.. Nandito naman ako.. I won't leave you.."
Then niyakap nya ako..
Medyo nakaramdam na naman ako ng pagduwal..
"Did you take the medicine I gave you?"
"Yes but like I told you, hindi tumatalab ng matagal ang gamot sa akin."
"Don't worry... This trip won't be long. Dito ko na lang kung gusto mo para di ka makaramdam ng masydong hilo at pagsusuka. My best advice: Don't think that you're traveling at sea."
===
Javier's PoV
"Asan na sila, Philip?"
"Hindi ko pa alam, Javier. Hindi nila dala ang mga phones nila kaya hindi ko sila ma-track parehas." Sagot niya na katatapos lang mag-track gamit ang laptop niya.
"Paano kung nakakaalala na si Chris? Hindi kaya sa pagkakataon na to, magpakalayo na sila ng tuluyan ni Seychelle?" Seryosong tanong ni Vincent.
"Hindi ko rin alam, Vince. But let's hope not. Mali ang ginagawa ni Chris kapag ginawa niya yun. " Sagot ko.
"Wala bang huling sinabi si Chris na may kinalaman sa bigla nilang pagkakawala ni Seychelle? " Tanong naman ni Seth.
"Kung meron man edi sana na-track na natin sila diba?" Singit ni William.
"Si Chris talaga, naghahanap na naman ng ikapapahamak niya..." Anya ni Kiel.
"Wait! May na receive na ako na signal." Biglang sabi ni Philip.
Lahat kami ay lumapit sa kanya habang kinukumpuni ang mga tracking system sa laptop niya.
"Teka Phil... Satellite?! May satellite si Chris?!" takang tanong ni Troy habang nakatingin sa laptop screen. May radar na lumabas sa bandang Visayas
"What's with the red circling over there?" Tanong ni Ian.
"I put a micro tracking device inside Chris' brain during his operation in Japan."
"Ano?!?" Bulalas ni Matthew.
"Bakit mo ginawa yun?!" Tanong ni Kiel.
"I'm doing what's right here. I need to put a tracker somewhere he will not suspect so that we would know where he's up to. Alam kong sobrang mali to sa paningin niyo, pero kung tutuusin mas maganda narin to para hindi na siya ulit mawala sa atin."
"Naiintindihan kita Phil. Now, tell us where they're exactly located. "
Utos ko sa kanya habang tinapik ko ang balikat niya.
===
Seychelle's PoV
"Chris, how long are we going to be in this ship?"
"It's not a ship. It's a yacht. Here drink this. "
Inabot niya sa akin ang tsaa na magpapabagal sa pagsusuka at hilo ko.
Ininom ko naman kahit ang panget ng lasa.
"Basta bago lumubog ang araw bukas, nandoon na tayo." He then smiled and kissed my cheeks.
Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama. Siya naman ay nakasandal lang sa headboard.
"Saan ka pupunta?"
"Sa labas. Pwede mo ba akong samahan?" Yaya ko.
"You're crazy. You just said you hate the sea and yet you wanted to go outside." -____-
"Wala naman din ako magagawa dito.. Kailangan ko lang pagtiisan na nandito sa gitna ng dagat. And besides, I have nothing to lose aside from vomiting."
"Are you serious?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko.
"Yes."
Sa totoo lang, natatakot ako lumabas... Gabi narin kasi...
"Okay ka lang?"
"Yeah..."
Geezz... Nanginginig talaga ang mga paa ko habang nasa deck kami..
Masarap naman ang simoy ng hangin at payapa ang dagat.... Pero bakit natatakot parin ako?
"I didn't realize na ganyan ka pala katakot sa dagat."
"To be honest, ngayon lang ako naging ganito kalapit sa dagat... Pakiramdam ko kanina mamamatay na ako."
"But like you said, you have nothing to lose. I'm surprised na kahit nakailang suka ka na ay buhay ka parin." Asar niya at nagawa pang ngumiti.
"I almost hate you back there when you kidnapped me and brought me here." Walang bahid na biro kong sinabi sa kanya.
"But luckily, you did not.. Trust me, I have good intentions for kidnapping you."
"Pero bakit mo pa ako kailangang i-kidnap?"
"You were mad at me when I kissed you while you're talking with your dad. I did not have the chance to say to you about this because you did not give me the chance to explain. Kaya wala akong ibang maisip na paraan para masama pa kita dito. You left me with no choice."
"Pero sana di mo na kinidnap. O kung kikidnapin mo ako, sana hindi sa dagat ang dadaanan natin sa kung saan mo man ako dadalhin. Pwede namang mag-bus o kaya mag-eroplano.."
"This is the best plan. Don't worry, ligtas ka dito."
"Uh... Twinkie.... I'm sorry.."
"For what?"
"For shouting at you. Nagalit talaga ako kasi naputol ang pag-uusap namin ni Tatay dahil sayo.. Minsan ko nalang makausap si Tatay dahil sa twing tatawag ako lagi siyang nasa dagat para mangisda... And sinira mo din ang plano ko na sabihin sa kanila na may boyfriend na ako..."
"Babawi ako. Pangako." Then kissed me on my forehead. Niyakap ko din siya.
"Twinkie, you're cold.." Sabi ni Chris noong ginantihan niya din ako ng yakap niya.
"Am I?" taka kong tanong nang kumalas ako sa pagkakayakap namin.
"We should probably head back inside. Baka sipunin ka niyan."
Bago pa kami maglakad pabalik sa loob....
"Seychelle!"
Tumakbo ulit ako sa deck at nagsuka!
Hinagod agad ni Chris ang likod ko para mabawasan ang hirap ng pagsusuka ko...
I feel weak...
After kong sumuka like for a trillionth time.... Binuhat ako ni Chris in a bridal style at pumasok na sa loob.
"You look pale... Here take this."
Binigyan niya ako ng gamot to reduce my vomiting. Hindi na ako tumanggi dahil kailangan ko din yun.
"You need to rest." Sabi niya.
"I can't sleep..."
"Natatakot ka parin ba?"
Tumango ako.
"Don't worry. I won't leave you."
"Promise?"
"Promise. As long as I'm here, you have nothing to be afraid of."
"Thank you Chris."
I hugged him on his waist since nakahiga na ako at siya ay nakasandal naman sa headboard habang hinahagod ang ulo ko.
"You don't have to thank me. It's my sole duty, Twinkie."
He leaned closer; making our faces so close to each other. His hazel brown eyes are sparkling...He was about to kiss me...
Pero umiwas ako...
"I'm... I'm sorry..."
Sabi niya nang umiwas rin..
"You don't have to... It's okay."
Then I kissed him on his left cheek.
Humiga na ulit ako but this time, I will sleep to his chest... Ang katawan na sinukahan ko kanina.
I hugged him then he hugged me...
Muntik na yung kanina....
Muntik na niya akong halikan sa labi...
And I wasn't prepared for it...
Not now... not yet...
~~~
"No Twinkie! Hindi mo na ako mapapasakay diyan!"
"But we can't set the yacht on shore. Malapit lang din naman ang baybayin. I'm with you, remember?"
"Kahit na. Hindi na ako bababa at sasakay pa sa kahit anong bangka o barko!"
"Come on, Seychelle. Don't you recognize a familiar view?"
"Basta! You can't make me ride with that thing!"
Chris let go of a deep sigh and reached out his hand.
"Nothing will bad happen to you. Don't fear the water, let the water fear you."
I was hesitant to grab his hand but those words strucked me. I guess his right...
Inabot ko narin ang kamay ko sa kanya at inalalayan ako na makasakay sa kanyang motor inflatable boat.
I was more afraid than before but it all suddenly vanished. Ganito na ako kalapit sa dagat... Paano ko hinayaan ang sarili ko na pumayag sa mga sinabi ni Chris? Bakit napakadali kong harapin ang takot ko sa dagat sa tuwing siya ang kasama ko?
I felt safe....
He started the engine.
"You're not vomitting, aren't you?"
"Bi-biglang nawala ang pakiramdam na nasusuka ako..."
"I get the feeling that you're starting to conquer your fears." He smiled.
"This place seems familiar."
"This is way familiar, Twinkie. Just enjoy the ride. We'll be there in less than a minute."
Umandar na ang inflatable boat. Water started to gush at both sides of the boat. Medyo nababasa din ako at nakaramdam ng unting takot.
I closed my eyes and feel the soft breeze of air.
Tubig ka lang... Hindi mo ako matatakot...
"We're here."
Naramdaman kong huminto na ang tunog ng motor. Nasa pangpang na kami.
Naunang bumaba si Chris sa boat para alalayan ako sa pagbaba.
Inabot ko ang kamay ko at bumaba narin sa boat...
Shivers started to cover me nang tumapak ang mga paa ko sa may pangpang since nagwa-wave ang dagat kaya nabasa ang mga paa ko..
Tiningnan ko si Chris na may unting takot dahil sa nabasa ang mga paa ko.
"Huwag ka matakot." He then kissed my forehead. "Water won't hurt you."
Nagsimula kaming lumakad paalis sa pangpang at napakahigpit ng yakap ko sa buong braso ni Chris.
"Chris, parang alam ko ang lugar na to."
"I know. But you see... This is a surprise."
Napaisip ako... Alam ko ang lugar na to e...
Nasa probinsya kami...
This is where I lived....
This is... HOME...
My home.
May mga taong tumingin sa direksyon namin ni Chris. Para silang nakakita ng artista...
Nginitian nila kami.
"Hanggang dito sikat ka parin, Chris?" Mahinang bulong ko sa kanya.
"It's not me they're looking at. They're looking at you." Bulong niya din sakin.
Sa di kalayuan. may pamilyar na babae akong nakita...
Mukhang nasa 40's ata siya...
May apron siya sa bewang at nakabistida na yellow. I haven't seen her face for 4 years sinceBut it feels like time is rewinding...
Si...
Si...
"Seychelle, Anak ko!"
I heard her shout for my name. Tumakbo siya papalapit sa akin as she burst into tears...
Napabitaw ako sa pagkakakapit kay Chris at tumakbo rin palapit sa kanya.
Isang mainit na yakap ang ibinigay niya sakin at ganun din ako sa kanya... Niyakap ko siya na parang mahigit sa 10 taon na hindi kami nagkita...
Tears started to fell from my eyes...
Naguunanahan na ang mga luha ko as I hugged her with every feelings and mixed emotions..
"Nay!!! Sobra ko kayong na-miss!!!!"
"Anak ko! Sobra din kitang na-miss! Hindi ka man lang nagpa-sabi na bibisita ka dito sa atin!"
"Biglaan po Nay e! Masayang-masaya ako na nakita ko kayo!!!"
Pinunasan niya ang mga luha ko habang napapaiyak din siya.
"Tahan na, anak. Hindi maganda na umiiyak sa muli nating pagkikita. Lalo kang gumanda, hija."
"Lalo rin kayong gumanda, Nay!" Sabi ko rin.
Nagtawanan kami.
"Mga kababaryo! Nagbalik ang anak ko! Ang maganda kong anak na magaling sa piano! Nag-balik na ang aking Seychelle!"
Sigaw ni Nanay na pumukaw sa atensyon ng mga kababaryo namin.
Naglapitan ang mga tao sa amin at nakipag-kamayan sa akin.
May mga bata lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Ate Seychelle, sino po siya?"
Tanong sa akin ng bata.
Napalingon ako sa kanya at katabi niya ang lalakeng nagdala sa akin sa lugar ni tinuring kong tahanan.
Napatingin din si Nanay.
Lumapit ako kay Chris.
"Inay, mga bata, at sa lahat ng naririto ngayon, siya po si Chris. Ang lalakeng dinala ako dito sa lupang kinilala kong bilang tunay na pamilya ko." Hinawakan ko ang kamay ni Chris at tumingin ako sa kanya.
Medyo naguguluhan siya dahil nahalata ko iyon sa mukha niya, pero sa huli, nginitian niya ako.
"Kasintahan mo siya, Hija? Bagay na bagay kayo." tanong ng isa sa mga kababaryo.
I was about to answer nang sumingit si Nanay.
"Mga kababaryo, saka na kayo sasagutin ng aking anak kapag nakapagpahinga na siya kasama ng lalakeng nagdala sa kanya dito sa atin."
Hindi naman mukhang galit si Nanay, agad kaming umalis sa maraming bahay at nagtungo sa bahay namin.
I CAN'T BELIEVE I MISS THIS PLACE! IT'S BEEN SO LONG!
"Aayusin ko lang ang matutulugan niyo. Chris--" Lumapit si Nanay kay Chris at nagkatinginan sila.
"Maraming salamat. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Hijo. Maraming, maraming salamat." Naluluhang niyakap ni Nanay si Chris.
Naiiyak ako sa nakikita ko ngayon. Naguumapaw ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Hinagod ni Chris ang likod ni Nanay.
"Walang anuman po iyon. Alam ko po na sobra kayong na-miss ni Seychelle kaya gumawa ako ng paraan para magkita po ulit kayo."
Kumalas si Nanay sa pagkakayakap.
"Hijo, dederetsuhin na kita ha."
"Tungkol po saan iyon?"
"Ikaw ba ang kasintahan ng anak ko?"
Nanlaki ang mga mata ko.
At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok sa bahay.
"Cecilia, may nakaka-alam ba kung kanino yung-----"
Si Tatay.
Napalingon kaming lahat sa kanya.
Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Alam kong nagulat si Tatay dahil para siyang nakakita ng multong ngayon lang nagparamdam.
"Se-Seychelle, anak?"
"Ako nga, Tay!"
At sinalubong ko si Tatay ng aking super power hug.
"Anak ko! Nagbalik ka!"
Ayan na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot para umiyak ulit pero kusa na itong tumulo na parang gripo.
"Opo, Tay. Pasensya na po kung natagalan ha?"
Kumalas si Tatay sa pagkakayakap.
"At sino ang lalakeng iyan?"
Naging militar ang tono ng pananalita ni Tatay nang makita niya si Chris..
LAGOT!
"Siya ang lalakeng nagdala sa anak natin dito, Nestor." Sabi ni Nanay.
"Magandang araw po. Ako po si Chris."
Ngayon ko lang nakitang ganito karespeto si Chris, dahil itinungo niya ang ulo niya.
"At kaano-ano ka naman ng anak ko?"
Tanong ni Tatay.
"Itay, Inay. Siya po si Chris. Boyfriend ko po."
Pumagitna ako sa kanila.
"A-ano kamo?" Laking gulat ni Tatay.
"Siya po ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa harap niyo ni Nanay. Siya po ang tumutulong sa akin na maibalik ang ala-ala ko. Siya po ang lalakeng tinulungan akong harapin ang takot sa dagat. Kami po ang sakay ng yate na malapit sa pangpang. At si Chris po ang tumulong sa akin kasama si Sir Miguel na matupad ang pangarap kong maging pianist."
Sa unang pagkatataon, nagkaroon ako ng lakas para sabihin sa kanila na may minamahal na ako.
"Seychelle, hindi naman ako tutol sa inyo ni Chris. Nararamdaman kong hindi ka niya sasaktan at iiwan." Sabi ni Nanay.
Nakahinga ako ng maluwag doon.
"Pero ako hindi pa." Sabi ni Tatay. "Hindi pa niya napapatunayan sa akin."
"A-ano pong ibig niyong sabihin, Tay?"
"Kailangan niya muna patunayan sa akin na karapat-dapat siya para sayo."
"Kahit ano po gagawin ko." Seryoso ngunit may respeto na sinabi ni Chris.
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya na may pagaalinlangan.
"Kaya ko to, Twinkie."
Pumasok si Tatay sa kwarto nila ni Nanay.
Kinausap naman kami ni Nanay.
"Ganyan talaga ang Tatay mo, alam mo naman."
"Ayos lang po yun Nay."
"Chris--" baling ni Nanay sa kanya. "Huwag ka kakabahan. Sa simula lang siya ganyan, basta ba papatunayan mo na kaya mong ipaglaban ang anak namin."
"Opo, Tita Cecilia. Makakaasa po kayo."
"Nanay nalang itawag mo." Ngiti ni Nanay.
"Opo, Nay." Ngiti ni Chris.
"O siya, dahil dalawa lang ang kwarto dito sa bahay, sa isang kwarto kayo matutulog ni Seychelle."
"Sige po, Nay." Sabi ko.
"Ipasok nyo nalang ang mga gamit nyo ha? Maghahanda pa ako ng makakain natin."
Nang makaalis si Nanay ay inayos na namin ni Chris ang mga dala naming gamit.
"Phew, that went well."
Sabi ko nang matapos kaming mag-ayos ng gamit.
Na-miss ko ang kama ko. Malaki-laki naman ito kaya kasya kami ni Chris.
"Not yet my, Twinkie."
"What do you mean?"
"About your father's challenge to me."
"Are you afraid?"
"A little. He's your father that is why I need to prove to him that I am worthy for his daughter. For you."
Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Alam kong magagawa mo. I trust you."
"I did not think that this will come too far. Dapat nga ikaw isu-surprise ko e. Pero parang ako pa ang na-surprise." There was a glint of smile marking on his godly face.
"I was so surprised. Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira? Ang pagkakaalala ko, sinabi ko lang na taga- Cebu ako but I did not tell the exact place."
"I asked Kath." tipid niyang sagot.
"Alam ba niya na nandito tayo ngayon?"
"No. She did not suspect since I asked her 3 weeks before I kidnapped you and brought you here."
"Bakit ba napaka-mautak mo, Twinkie? Lagi nalang ako nasu-surprise sa mga ginagawa mo."
"Don't ask obvious answers."
Lumapit siya sakin at hinalikan niya ang likod ng palad ko.
"I'm sorry about last night."
"Diba sinabi ko na okay lang?"
"Kahit na... Nadala ako sa nangyari kagabi nung hinalikan mo ako."
"Sa pisngi lang naman yun a."
"Even so. Your kisses makes me feel that I wanted more of that... I'm so sorry."
"You really are a pervert." Piningot ko ang ilong niya.
"But there was no malice inside of me when I almost kissed you. I will never take you for granted. I always have respect for a woman especially for you."
"Thank you, Twinkie."
"I will just kiss you on your lips if you told me to do so."
"What?"
"Ayokong gawin ang isang bagay na ayaw mo. Ayokong pilitin ka dahil masasaktan kita."
Niyakap ko siya.
"I love you, Twinkie."
"I love you too. Gagawin ko lahat para maniwala si Tatay na karapat-dapat ako para sayo." He said as he hugged me tight.
"I'll support you all the way, Sparks. Naniniwala ako na kaya mo!"