Dealing With The Fake Nerd At...

By CalypsoCleo

4.2K 128 19

Dealing #1 More

Prologue
Chapter 1 - Welcome ?
Chapter 2 - Angel and Devil
Chapter 4 - The Devil is Sick
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 3 - What really Happened

261 10 1
By CalypsoCleo

Xage's POV

"Bro asan ka na?" Tanong ni Reigan sa kabilang linya. Tinawagan nya ko kanina na may magaganap na karera mamaya sa Arena.

"On the way" Sabi ko at ibinaba ang tawag.

Kinuha ko yung Susi ng sportcar ko at saka mabilisang lumabas ng bahay.

Agad akong sumakay at mabilis na pinaandar ito papunta sa Arena. Sino naman kaya tong sinasabi ni Rei na makakalaban namin.

Mabilis akong nakarating sa Labas ng arena. Kung titignan ay isa lamang itong tambakan mula sa labas. Nag beep ako ng tatlong beses at kasabay non ang pagbukas ng gate. Ipinasok ko ang kotse ko sa loob at bumaba muna saglit para hanapin sila Rei.

"Xage! Pre bilis mo naman" sabi ni Peter. Isa sa member ko sa Dark Phantom.

"Tara na. Sino ba?" tanong ko sa kanila kung sino ang kalaban ko sa Karera ngayon.

They just Shrugged. Nagtaka naman ako dahil hindi nila inalam kung sino.

Pumasok na sila sa arena at sumunod narin ako sakay ng Aston Martin AM-RB 001 na binili ko last year.

Dumeretso ako sa bulletin board para tignan ang makakalaban ko.

Sakto naman na nagsalita ang MC at tinawag ang codename ko.

"Alright! Nandito na ang dalawang Maglalaro ngayong Gabi. Let us all welcome! Student X!"

naPuno nang hiyawan ang Buong Arena ng tawagin ang aking codename.

"Nuks! Bro goodluck!" sabi ni Rei sabay tapik sa balikat ko. Napangiwi nalang ako.

"And the other player... LET US ALL WELCOME!.... 9TH QUEEN!"

Rinig na rinig ang sigawan ng mga lalaki sa buong Arena. Mukhang may ibubuga rin itong makakalaban ko ah.

"Tol! kung sineswerte ka nga naman! Babae ang makakalaban mo!" pangangantyaw sakin ni Croix na isa ko ring tropa.

Napailing naman ako "Mga loko! May Princess nako" sabat ko naman sa kanila.

Sumakay nako sa kotse at inipwesto ito sa starting line.

Ang bet ng kalaban ay Rolls Royce Sweptails Year 2017 na nagkakahalaga ng $13 million.

Maganda ang ipinusta nya kung kaya't mabilis akong pumayag. Easy lang toh.
Ang ipinusta ko naman ay $15 million cash. Pinagawalang bahala ko nalamang iyon dahil sigurado naman akong hindi ako matatalo.

Sinabi ng MC ang mga Rules and regulation para sa race at ang Ruta na dadaanan namin... Dadaan pala kami sa National Highway.

I checked the time and it's already 10:00 pm. Siguro after 30 minutes ay maiiuwi ko na ang bago kong kotse.

Sumakay na ako ng Kotse at sinimulang painitin ang makina nito. Tumingin ako sa bintana at tinanaw ko ang kalaban. Nakasarado ang bintana nito at super black tinted ng salamin nito.

Ineksamina ko rin ang sasakyan nito. Medyo pamilyar ito kaya't inaalala ko kung san ko iyon nakita....

Hays! hindi ko talaga matandaan. bahala na nga magfofocus nalang muna ako dito sa karera na toh.

Nagsimula nang mag bilang ang Monitor

3.......

2.......

1.......

GO!

Elyzaxine's POV

Nang tinawagan ako ni Daniel, isa sa myembro nang grupo ko... ay agad akong nagtaka.

Sinabi nito na 'dating gawi' agad kong tinong kung saan at sino ang kalaro.

Hindi naman sya ako sinagot basta ang sabi neto ay malaki ang ipinusta ng kalaban kaya gumora nalang din ako.

Nang makarating ako dito sa arena na sinasabi ni Daniel ay nadatnan ko ang sobrang daming tao at ilan ilan ay estudyante pa ng WHU.

Nanatili muna ako dito saglit sa loob ng kotse ko at huminga ng malalim.

Matagal tagal narin mula nung huli kong karera. Sa France pa yung huli. Kinuha ko sa backseat ang aking Maskara na gawa sa Glass at napapalibutan ng Red Ruby stones. Ang Tali nito ay gawa sa espesyal na tela. Ito ang aking Signature Mask na ginagamit ko tuwing may Laban o laro ako In or Outside of this country.

Pagod ako ngayon dahil Tinapos ko pa ang Research ko kanina ngunit hindi yon magiging sagabal para manalo ako ngayong gabi.

Tinawagan ko muna saglit si Daniel at iba ko pang mga kasama. Nandito na rin daw sila sa Arena at nakahanap na ng pwesto nila para manood.

Ipwenesto ko na rin ang aking Kotse ng tawagin ako ng MC.

Napangiti naman ako. Bago ako pumasok kanina ay  nakita ko sa bulletin board ang makakalaban ko.

Si Student X.

Kilala ko ito, kilalang kilala. Natawa ako kanina kasi napakaliit nga naman ng mundo. Ang dating Lalaking hindi makabasag pinggan ay makakapunta na pala sa gantong Underground events?

Isinara ko ang aking bintana para hindi mapasukan ng hangin ang loob ng kotse ko.

Nakita kong bukas ang sakanya at parang sinisilip silip pa ang aking kotse. Natawa naman ako sa ginagawa nya.

Nagsimula nang mag count ang Monitor at nang nag-Go na ay mabilis kong itinodo ang speed nang aking kotse.

Medyo nauuna sya sakin ngayon dahil malamang ay ifinull nya agad ang speed nang sa kanya.

Natawa naman ako.

Just wait and see. Mr. Student X

Nang matanaw ko ang 2nd Lap ay agad kong Itinodo ang Speed ng aking kotse at iniliko ito nang konte pakanan. Medyo lumamang na ako sakanya nang konting espasyo.

Ganoon parin ang takbo ng laro. Nang makarating kami ng 3rd Lap ay nauna nanaman sya. Nasa unahan ko na sya at tila hinaharangan ako tuwing ililiko ko ang aking kotse.

Natawa naman ako bigla. Sanay na ako sa gantong moves. Nang may matanaw akong Curve nang Lane ay agad akong nakahanap ng tyempo para makawala sa ginagawa nyang pagharang.

Nice try Student X

Xage's POV

Lintek!

nauunahan nya na ako!

Agad kong nahampas ang manibela ko nang makalabas sya sa ginawa kong pagharang.

Mainit na ang laban at malapit narin sa National Highway.

Nang matanaw ko ang Entrance ng National Highway ay agad kong binilisan ang pagpapatakbo.

Nasa likod ako ngayon ng Kotse ng kalaban. Ako naman ang na ka-counter nya ngayon. Shit! hindi ako makalagpas!

Hindi nya ako pinapalabas kung kaya't naisipan kong gitgitin na lamang ang kaniyang bumper dahilan para mapa punta sya sa kabilang gilid.

Nagkaron nako ng way para makalabas at makapasok sa entrance ng national Highway.

Ngayon ay nangunguna na ako.

Dalawang Lap na lamang ang natitira bago ang finish line pabalik sa arena.
Kailangan ko nalang madepensahan ang posisyon ko ngayon at hindi sya mapauna.

Tumingin ako sa Rare view ko ng mapansin kong wala na ang kalaban ko. Tsk! naiwan na siguro don! Haha

Napatawa ako ng maisip kong may iuuwi nanaman akong bagong kotse sa bahay.

Napatigil naman ako ng Bigla akong nakaramdam ng may kung anong gumigitgit sa tabi ng kotse ko.

Pagkatingin ko ay binabangga na ako ng kalaban ko sa gilid kaya gumigilid din ang aking kotse.

Shit! Kanina naman ay wala sya!

Kunot noo kong mas binilisan ang takbo ko. Tinignan ko ulit sa mirror kung nasaan na ang kalaban ko.

Malapit na ang end ng National highway kaya nakahinga ako ng maluwag nang wala akong nakitang kalaban sa likuran.

Nakalampas na ako sa pang apat na Lap. At end narin ng National Road.

Ang sunod nito ay The End road.

Nawala ang Ngiti sa labi ko nang may mapansin akong kung ano sa harapan ko. Nang maaninag ko iyon ay agad akong nagulat!

Paano?!

Kanina lamang ay Wala sya!

Gulat na gulat ako ng makita kong nangunguna na saakin ang kalaban ko at ang laki ng agwat mula sa kotse ko.

Lalo kong itinodo ang speed ko. Nang makapasok kami sa Tunnel ay walang ibang ilaw doon. Tanging ang ilaw lang ng kotse namin ang nagsisilbing liwanag para makita namin ang daan.

Napangiti ako bigla. Hinayaan ko sya sa Kaliwa at hinayaan ko rin siyang manguna.

Lumaki ang ngiti sa labi ko. Mukhang sumasang ayong ang nangyayari sa inaasahan ko.

Sa dulo ng tunnel ay mahahati ang daan sa dalawa.

Ang sa kanan kung nasaan ako ay patungo sa Finish line at ang kaliwa kung nasaan sya ay Putol ang daan na yon.

Nang matanaw ko na Nauna na sya at nawala na sa paningin ko ang sasakyan nya ay agad akong napatawa.

Malamang ay nandoon na sya ngayon sa End road at nahulog na kung saan don.

Dumeretso na lamang ako sa pagmamaneho.

Nang makaalis ako sa Tunnel ay agad akong kumanan. Tama nga ang hinala ko. Wala sya dito. Walang kahit akong bakas na dito dumaan ang kalaban.

Tahimik ang daan. Binilisan ko at natanaw ko narin ang finish line.

Putaena. Napaka Easy naman.

Dumeretso nalang ako.

Elyzaxine's POV

Medyo matawa tawa akong naghihintay dito sa finish line.

Oo! dito! Sa finish Line!

Gulat na gulat ang mga tao kanina dahil ang inaasahan ata nila ang makikita nila ay ang kotse ni Xage.

Lahat kami ngayon ay nag iintay kung nasaan man iyong lalaking yon.

Kanina ay napansin kong pinapauna na nya ako. Napatawa naman ako sa nangyari. Akala ko ba ay Walang nakakatalo sakanya pagdating sa Karera ? Akala ko ba ay sya ang Unbeatable X dito ?

Akala nya siguro ay talagang Kakaliwa ako sa daan kanina. Masyado syang naging pabaya without knowing na ineksamina ko muna ang ruta ng Lane kanina bago pa man ako makarating dito. Salamat kay Daniel dahil sinend nya sakin iyon.

Nang matanaw ko ang Kotse nya ay pinigilan ko ang tawa ko. Nakasandal lamang ako sa pintuan ng kotse ko at hinihintay syang lumabas sa kotse.

Nang makalampas sya nang Finish line ay agad nya itong pinatigil.

Ang arena ay puno ng katahimikan. Walang maririnig na kahit ano.

Nang maka moved on ang lahat ay unti unti ring nag hiyawan ang mga tao.

Nakita kong lumabas si Xage mula sa kotse at itinalpak ang pintuan nito.

Napangisi naman ako mula sa likod ng aking maskara.

You're good Xage. You improved a lot. But not quite enough to beat me.

Lumakad ako papunta sa kanya. Medyo lumagpas ako hanggang sa magkatapat ang tagiliran namin.

"Salamat sa $15 million, Student X. Sana maulit" medyo matawa tawa kong sambit bako ako magsimulang maglakad palayo.

Eto yung babaeng iniwan mo 5 years ago.... Much better and much stronger than before. Isasampal ko sayo kung sino at kung ano ang iniwan mo.

Nagbago ka man. Pero mas nagbago ako.

————-

Nang makuha ko ang premyo ko ay agad kong hinanap sila Daniel.

Nang di kalayuan ay natanaw ko na rin silang papalapit sakin.

Si Daniel, ang katuwang ko sa pagpapatakbo sa Grupo ko.

Si Zone ang naka assign sa mga documents and other paper works ng grupo.

Si Zole naman ang bahala sa Technical and Pag mamanage ng bond ng grupo sa ibang group.

Si Reji naman ang bahala sa Properties and Accounts ng grupo.

At ako naman ang Leader. Nabuo ang grupo ko 4 years ako. Sila yung karamay ko nung mga panahong halos pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Tinulungan nila akong makabangon muli. Dinamayan nila ako sa mga problema ko. at kahit kailan ay hindi nila ako iniwan. Talikuran man ako ng lahat, pero sila nanjan parin. Kaya buo ang tiwala ko sakanila.

Kahit nung nasa France pa ako ay lagi nila ako doon binibisita at iniinform sa mga nagaganap sa Grupo.

Kami ang VIPER RED SOCIETY o mas kilala bilang VRES

"Astig mo kanina Queen a!" Masiglang sabi sakin ni Reji. Hinalikan nya ako sa noo at saka niyakap. "Pucha sorry ngayon lang tayo nagkita, may pinagawa pa kasi sakin tong si Zone na dapat ay hindi ko naman gawain" madiin na sambit nito at madilim na tumingin kay Zone na ngayon ay Nagwawalang bahala.

"Baliw! Okay lang... Namiss kita Rej pati narin ikaw Daniel!" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa.

"Hep hep! tama na yan! Mabuti pa ay manlibre ka nalang Babe tutal ay nanalo ka naman... bawasan na natin yannn" Masayang sabi ni Zone sabay inakbayan ako.

"Sure. Arat namimiss ko na mag Clubbing eh" Nakangiti kong sabi.

Miss na miss ko silang lahat.

Hindi lamang kaming Lima ang miyembro nang itinayo kong grupo. Marami pa kami at ang iba ay nasa iba't ibang parte ng mundo. Sila naman ay ang Nagkokonekta ng VRES sa ibat ibang parte ng mundo.

Ganto ang naging buhay ko simula ng iwan nya ako. Mas namulat ako sa katotohanan na walang permanente dito sa mundo kung kaya't habang maaga pa ay pahalagahan mo na kung anong meron ka ngayon at wag nalang basta bastang iwan o itapon na lamang.

Masakit man. Na ang taong minahal mo at ginawa mong mundo....

Yung taong hinintay mo ng pagkaytagal tagal ay itinuturing ka na parang wala sa kanya.... na parang hindi nyako kilala, na parang hindi kami magkakilala..... Ganon ba ako kadaling kalimutan?

Oo alam kong hindi nya entensyon na kalimutan ako. Nalaman ko A year ago mula ng iwan nya ako. Nag ka car accident sya habang nasa New York sya. Sa sobrang pag aalala ko ay Nagmakaawa ako sa parents ko na papuntahin ako ng New york. Nung una ay hindi pa nila ako pinayagan ngunit sabi ko ay gagawin ko ang kahit na anong gusto nila papuntahin lang nila ako sa New york nung time nayon.

And then, Pumunta nga ako. Agad kong hinanap kung saang ospital sya andon. Ngunit halos gumuho ang mundo ko ng hindi ko na sya maabutan sa Ospital.

Nagtanong ako sa Nurses at mga Doktor kung alam ba nila kung saan na pumunta sila Xage. Ang sabi nila ay hindi nila alam.

Hinang hina akong bumalik ng Pilipinas noon. Isang taon kaming hindi nagkikita tas malalaman ko nalang nagka car accident na sya? Laking pasasalamat ko naman ng makatanggap ako ng mensahe mula sa Mama nya.

Elizaxine,

       This is Xage's mom. I know that you knows already what happened to my son. I'm so thankful that he is okay. I just want you to know that his brain is affected by the accident. He lost almost all of his memories. The doctor said that he cannot assure if xage's memories will bring back as soon as possible. Elyza alam mo na parang anak na rin ang turing ko sayo. May kinaharap pa kaming mas malaking problema kung kaya't mas pinili muna naming manirahan dito sa London. Masakit, Napakasakit ng nangyaring aksidenteng ito para samin ng tito Calix mo. Sobra sobra ang nawala saamin. Alam kong masakit rin sayo ang nangyari kaya ako gumawa ng sulat para wag ka nang mag alala pa. Ayos na ngayon si Xage pero sa tuwing tinatanong ko sya kung naalala nya ba ang taong mahal nya ay hindi naman sya sumasagot. Pasensya na ulit Elyza.

Nang matanggap ko ang sulat ni Tita Janine ay sobra sobra ang sakit na nadama ko.

Ang Taong inaantay kong bumalik...

Kinalimutan na ako.

Ang tanging pinanghahawakan ko nalang ngayon ay ang pangako nya.

Pangako na babalik sya

...Na babalikan nya ako. No matter what happens, babalik sya.

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...