Montello High: School of Gang...

By sielalstreim

86.9M 1.9M 825K

What's a reckless transferee with a feisty attitude got to do when her new school puts the lives of its stude... More

Chapter 1: School of Monsters
Chapter 2: The Bloody Welcome Party
Chapter 3: The Evil Prince
Chapter 4: Nightwoods
Chapter 5: Dance with the Gangsters (Part 1)
Chapter 6: Dance with the Gangsters (Part 2)
Chapter 7: The Punishment (Part 1)
Chapter 9: Mind Maze
Chapter 10: Death For Cutting Class
Chapter 11: Dark Fairytale
Chapter 12: Cats and Curiousity
Chapter 13: Damsel in Distress
Chapter 14: Blood as Red as Fire
Chapter 15: Taming a Monster
Chapter 16: Colder Farewells
Chapter 17: Shattered Glasses
Chapter 18: School of Sick Heroes
Chapter 19: Waging Conflict with the Gods
Chapter 20: The Masquerade
Chapter 21: The Lion in its Cage
Chapter 22: The Elixir of Life
Chapter 23: Unmasked
Chapter 24: Storm's Eye
Chapter 25: Calm and Quiet
Chapter 26: The Mafia Reaper
Chapter 27: Insurgency
Chapter 28: Mercy Falls
Chapter 29: Safe and Danger Zone
Chapter 30: Moving Target
Chapter 31: When Blood Turns to Poison
Chapter 32: Autumn and Arturia
Chapter 33: No Escaping The Deadly Rose
Chapter 34: For the Most Invited
Chapter 35: Maximus Brown
Chapter 36: Blank Stares
Chapter 37: For Those Who Were Left Behind
Chapter 38: Through the Most Legal Means
Chapter 39: To Use and To be Used
Chapter 40: Driver's Seat
Chapter 41: Poisoned
Chapter 42: Treachery
Chapter 43: Ground Zero
Chapter 44: Under the Moonlight
Chapter 45: Taking Shots
Chapter 46: Behind the Mask
Chapter 47: Shakespearean Tragedy
Chapter 48: Farewell, My Romeo
Chapter 49: Achilles' Heel
Chapter 50: A Game of Chess
Epilogue
Montello High: School of Gangsters Official Soundtracks
Special Chapter I: The Woman and the Devil
Special Chapter II: Dreaming Alone
Special Chapter III: Shadows and Silhouettes
Special Chapter IV: The Menace from the Past
Special Chapter V: Invitation to the Devil
Special Chapter VI: The Woman of a Freniere

Chapter 8: The Punishment (Part 2)

2M 45.4K 16.9K
By sielalstreim

Chapter 8: The Punishment (Part 2)


I almost regretted going with him. I would have enjoyed my lunch more if I decided to eat alone. Pakiramdam ko ay may mga matang nakasunod sa aking bawat galaw. Hindi ko gustong makakuha pa ng atensyon. Hindi rin nakatulong na mukhang kumalat na sa Montello High ang balita tungkol sa aking punishment. Imagine a transferee who got involved in the fight at the sixth floor. Masyadong mabilis para sa isang estudyanteng hindi pa nakakatapos ng first quarter sa school na ito.

"What do you want for lunch?"

And yeah, it didn't help that I was having lunch with the student council's vice president who happened to be a Black Government member as well. How did I get myself in this situation? Hindi naman ako kasama sa away ng mga gangsters kagabi na ngayon ay nagko-community service.

"That one. That one. That one!" Magkakasunod kong tinuro ang pizza, chocolate cake, and chicken meal. And it was so frustrating that Ethan easily persuaded me with free food. How could I be so weak when it came to food?

"Wow. Hindi ako makapaniwalang kaya mong kumain nang ganito karami," nanggigilalas niyang usal habang nilalagay sa tray ang mga pagkain.

"Don't judge. I'm just taking advantage of your generosity," malamig kong depensa. It was too obvious na sumama lang ako sa kaniya para sa libreng pagkain.

Kung na-offend man siya sa aking sinabi ay hindi ko iyon nakita. Naiiling na ngumiti lang ito habang binabayaran sa counter ang mga pagkain namin. Kumpara sa pasta niya, pakiramdam ko ay isa akong taong-grasa na ilang araw na walang laman ang sikmura kung kaya naman nang magmagandaang-loob ang isang tulad ni Ethan ay nilubos ko na ang pagkain ng pang-isang lingo.

"Magkakasundo kayo ni Makki pagdating sa pagiging food monster," aniya nang maka-upo na kami sa bakanteng mesa.

Agad akong nagsimula sa pagkain. I was so damn hungry. And I didn't trust my mood and decision-making skills when I was hangry. Nang napapangalahati ko na ang pagkain ay nag-angat ako ng tingin.

"Bakit mo 'ko nilibre ng lunch, Ethan?" tanong ko.

"I bought you dinner last time. And now I'm looking forward for breakfast," kaswal nitong sagot.

I eyed him skeptically. "You're really a complicated person, aren't you? A student leader and a gangster. A rule-implementer and a rule-breaker. What do you want from me, two-faced creature?"

Bahagyang nawala ang kaniyang ngiti at huminga nang malalim. "Why do I have to need something from you to be your friend?"

Nagkibit ako ng balikat. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. "I don't trust gangsters," sa halip ay sagot ko.

"But I'm also a student leader."

"I don't trust corrupt leaders as well."

Matiim niya akong pinagmasdan na tila binabasa ang ekspresyon sa aking mukha. Siguro naman ay maiisip na niyang hindi ko maibibigay sa kaniya ang kung ano mang kailangan niya sa akin kahit pa pakikipagkaibigan lang iyon.

"If I wear a mask then you are building walls," kapagkuwa'y saad nito. "Thick and high walls no one can invade."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Kung totoo man ang sinasabi niya, pinatutunayan lang nito na may kani-kaniya kaming issue na lihim na hinaharap. Hindi na kailangan abalahin pa namin ang isa't isa tungkol doon. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain.

"Stay away from the dark, Summer," muli ay wika nito nang hindi na matiis ang katahimikan.

Bigla ay tila nawalan na ako ng ganang kumain. Tuluyan ko nang ibinaba ang aking kubyertos at sinalubong ang kaniyang mga mata. "Feeding me doesn't mean that you can now tell me what to do, Ethan. Even cats bite their owners' hands."

Itinigil na rin ni Ethan ang pagkain at inilapat ang dalawang palad sa mesa upang mas mapalapit pa sa akin. "Hindi mo alam kung gaano kadelikado ang ginawa mong pagpunta sa Nightwoods noong isang gabi. Hindi ka mapo-protektahan ni Jin kung sakaling may masamang nangyari."

"Why are you telling me this?" nagsasalubong na ang mga kilay kong tanong. The sudden change in his behavior was disturbing. It was somehow making me suspicious of him.

He sighed in frustration. "Just please listen to me. You're the new kid and you're too curious and..." Bahagyang lumalamlam ang kaniyang mga mata. "And I'm worried about you."

"You don't have to be. I can take care of myself."

Hindi ko napansin na masyado na palang maiksi ang distansya sa pagitan namin. Isang estudyante ang lumapit sa aming mesa kaya't agad akong umiwas sa kaniya at sumandal sa aking upuan.

"Ethan, kailangan ka sa student council office," bungad nito.

Saglit akong tinitigan ni Ethan na tila ba hindi pa nito gusto akong iwan. Maya-maya pa ay tumayo ito at saka nagpaalam. Nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko ay nakadagdag sa pagod ko ang naging pag-uusap namin.

Nagpasya na rin akong tumayo at bumalik ng gym. Natapos ko nang linisin ang comfort room, ang locker room naman ang haharapin ko. Siguro naman ay wala nang masiyadong gumagamit nito. It was lunchtime, after all. Kung hindi nagtatanghalian ang mga estudyante ay siguradong hindi gusto ng mga ito ang init na dulot ng tanghaling tapat.

Nang marating ang gym ay napansin ko ang mangilan-ngilang naglalaro. Kahit si Makki ay naroon din subalit nakaupo lang ito sa bleachers at nakikipagtawanan sa mga naroong cheerleaders. Dumiretso ako sa locker room at nakadama ng dismaya nang matagpuang hindi ito bakante. Bagkus ay ilang pares ng mga lalaki at babae ang naroroon at mga naghahalikan.

What the hell? Girls were not supposed to be in the boys' locker room! At mukhang abala ang mga ito sa ginagawa kaya't hindi nila pinansin ang aking pagpasok. Inipon ko ang natitira kong lakas at pasensya at saka nagsimulang maglinis. Hindi ko na lang sila tatapunan ng tingin at iisipin na hindi sila nag-e-exist. Damn. Why did they have to torture my innocent eyes?

Ang marahas na pagbukas ng pintuan ang nagpatigil at kumuha ng atensyon naming lahat. Nang lingunin ko ang direksyon niyon ay nakita ko si Van na humahakbang papasok. Tila dala nito ang isang matinding delubyo sa kadiliman ng kaniyang mukha.

"All of you! Get out!" pasigaw nitong utos sa mga naroroon.

Hindi magkandatuto sa pagdadamit at pag-aayos ng sarili ang mga nasa silid. Halos wala sa kanila ang nais mahuli sa paglabas. Nang muling sumara ang pinto ay nagpatuloy ako sa paglilinis.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko, lumabas ang lahat!" sita niya nang makitang naroon pa rin ako.

And here I thought he was helping me inconspicuously. "Hindi mo ba nakikita na naglilinis ako? Bakit hindi ka na lang din lumabas at hayaan akong matapos sa ginagawa ko?" ganting tanong ko.

Mukhang mainit nga ang ulo niya dahil nasipa niya sa inis ang lata ng Coke na naiwan sa sahig. Tumumba iyon at kumalat sa sahig ang laman. Huminga ako nang malalim at nagbilang hanggang tatlo. Malapit na talagang maubos ang aking pasensiya. Kinuha ko ang mop at saka naglakad palapit sa kaniya. Nagsasalubong ang kilay na tinitigan niya ako nang iabot ko sa kaniya ang panglinis ng sahig.

"Clean it," seryoso kong utos.

Nagpakawala siya ng isang pagak na tawa. "Inuutusan mo ba ako?"

So, the signorino was not used to being ordered around. Inilagay ko ang isang kamay ko sa aking baywang. "Well, you spilled it. Were you not taught how to clean up your own mess?" sarkastiko kong tanong.

Sa halip na sagutin ako ay kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Ugh, damn these smokers! Isinandal ko sa katabing pader niya ang mop at lumayo sa kaniya nang magsimula siyang magbuga ng usok. Kung gusto niyang magsunog ng baga ay huwag na niya akong idamay. Binilisan ko ang paglilinis upang makalabas agad ako mula sa silid na iyon.

"Why were you with Ethan during lunch?"

Ikinagulat ko pa ang kalmadong paraan ng kaniyang pagtatanong. Madalas na kapag nag-uusap kami ay nauuwi sa sigawan.

"And why would you want to know that?" balik-tanong ko.

His expression darkened and to my revulsion, itinapon niya ang natitirang sigarilyo sa sahig at tinapakan iyon ng sapatos. Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya.

"Answer me, Leondale. O hindi ka matatapos sa paglilinis dito," seryoso niyang banta.

Nagpupuyos ang kalooban na kinuha ko ang dust pan at walis at saka sinimulang linisin ang kalat niya. Akala ko'y muli siyang magkakalat subalit nagulat ako nang hawakan niya ako sa aking braso at marahas na isandal sa full-length mirror na naroon. Bahagya akong napangiwi dahil medyo napalakas ang pagtama ng aking likod rito.

"What the hell is your problem, Freniere?!" sigaw ko sa magkahalong inis at gulat. Sinubukan kong maka-alpas subalit nakulong ako sa dalawang matibay na bisig sa aking tagiliran.

I gasped as I realized how close we were. We were so close na halos nararamdaman ko ang mainit niyang maghinga sa aking mukha. His masculine scent was mixed with expensive cologne and strawberry-mint.

"Why were you with Ethan?" muli nitong tanong.

Nag-umpisang mag-init ang aking mukha kung kaya't agad akong nag-iwas ng tingin. "He just warned me about being too curious in this school," sagot ko. Siguro naman ay hahayaan na niya ako.

Nang magawa ko nang kalmahin ang aking sarili ay lakas-loob akong tumingala sa kaniya at sinalubong ang kaniyang tingin. Don't blush. No matter how close he is, don't ever blush! His eyes were dark and his thick brows and eyelashes added to the mystery of those orbs.

"Can you let go of me now?" Pinuno ko ng sarkasmo ang aking tinig upang hindi niya makita ang epekto sa akin ng kaniyang tingin.

"Are you scared of me, Leondale?" sa halip ay tanong niya.

"Hell, no!" mabilis kong tanggi. Did I sound too defensive?

Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "But I can smell fear in you," bulong niya sa aking tainga na halos pangilabutan ang aking buong katawan.

Sa ganoong tagpo bumukas ang pinto. Hindi man nito natinag si Van ay napalingon naman ako at nakita si Trinity. Bakas ang shock at disbelief sa kaniyang mukha habang nakatingin sa amin. Of course, this should be the part where I claim that what she saw meant nothing. But a part of me wanted to leave her in the dark and torture her mentally.

"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong niya nang makabawi. Her voice was calm but fury was evident in her eyes.

Tinulak ko palayo si Van upang magkaroon ng distansya sa pagitan namin. The girl was jealous, I was sure of it. And it was unnecessary for her to feel that way because the devil and I loathed each other. Subalit makikinig ba siya kung sasabihin ko iyon? Tingin ko sa kaniya ay isa siyang bulag na babae na tanging si Van ang nakikita. Also, hindi ko rin maintindihan ang lalaking ito. He was treating her badly. If he didn't like her, then he should have made it clear to her—tell her that it was already over between them. Damn weirdos.

Balewalang ipinagpatuloy ko ang paglilinis. They had issues of their own. Hindi kailangang madamay pa ako sa bagay na iyon.

"I already warned you, Leondale," nanggigigil na usal ni Trinity nang makabawi sa pagkabigla. "Stop seducing Van! A slut like you will never get his attention!"

Marahas kong binitiwan ang hawak kong gamit na panglinis at hinarap siya. I had been trying to ignore every stupid thing that got in my way para lang magawa at matapos ko na ang punishment na ito. Hell, I was willing to ignore the making-out and nudity around me for as long they would let me finish cleaning. Subalit kahit anong gawin kong pagpipigil ay hindi pa rin ako tinitigilan ng mga ito. At ngayon ay aakusahan niya akong inaakit ang lalaking ito?

"You still don't know how to look yourself in the mirror, do you?" sarkastiko kong wika.

Bumakas ang kalituhan sa maganda niyang mukha. "What do you—"

Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil mabilis ko siyang hinawakan sa braso at hinila palapit sa malaking salamin na naroroon.

"Ouch! Van!" daing nito nang marahas ko siyang iniharap sa kaniyang repleksyon. Kahit ako ay gustong mamangha sa aking nakikita. Sa pagitan naming dalawa ay hindi maikakailang ako ang nang-bu-bully sa kaniya. Mukha sa salamin ay nakita kong akmang lalapit si Van. Subalit isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya kung kaya't kibit-balikat na sumandal na lang siya sa pader.

"If I will seduce Van Freniere, I will kiss him in the backstairs like we're having some illicit affair. I will call him in the middle of the night and beg for him to have a relationship with me. I will not let him out of my sight. Damn, I would even follow him in the boys' comfort room and watch him pee because I'm pathetic like that." A sarcastic smile plastered on my lips as I stared at her through the mirror. "But I didn't. And guess who did all those things?" Bahagya ko siyang itinulak palapit pa sa salamin. "Pathetic slut." At saka ko siya binitiwan.

Her face was red. Whether it was from anger or embarrassment, I didn't care. Sa aking pagbaling ay nasalubong ko ang isa pang pares ng mga matang nakamasid sa amin. Mabalasik ang tingin na ipinipukol nito sa akin. Nagbawi lang ako ng tingin nang talikuran ni Trinity ang salamin at harapin ako.

"How did you know those things?" galit niyang kumpronta. Tuluyan nang nawala ang pagiging kalmado nito. "Magkasama ba kayo kagabi?"

Hindi ako sumagot. Unti-unti kong na-realize ang kamalian sa aking mga sinabi. She must never know about my overnight trip in Van's room. Baka panibagong parusa na naman ang maisip ng babaeng ito kapag nalaman niya.

"W-well, he told me," sagot ko na itinuro si Van. Hindi ba dapat lang na sumalo rin siya kahit paano sa problema? Bahagyang nabawasan ang bangis ng kaniyang mukha at nahaluan ng pagkagulat. Paanong hindi kung bigla na lang ay naging kaibigan niya ako na sinasabihan ng kaniyang sikreto?

But such thought was too much for Trinity. Mas namula ang mukha nito sa galit at tila maluluha pa. "Hindi ako naniniwala sa iyo!" bulalas niya at akmang hahablutin ako.

Subalit bago pa man niya nagawa iyon ay mabilis nang nakalapit si Van at hinapit si Trinity palayo sa akin. Well, he witnessed how I handled Cattleya and Scarlett. He was probably worried about her.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan nang mailabas ni Van si Trinity. Sa pagsara ng pinto ay naging tahimik ang paligid. Bagaman pakiramdam ko ay lubha na akong napagod ay sinamantala ko naman iyon upang matpos ang paglilinis.

Malapit na ang oras ng hapunan nang matapos ako. Dumiretso ako sa dorm at mabilis na naligo. Ang halos maghapon na paglilinis ang dahilan kung bakit lubha akong nakakaramdam ng gutom. Kung hindi nga lang nadudumihan ako sa aking katawan ay baka dumiretso na ako ng cafeteria.

Marami nang estudyante sa cafeteria nang magtungo ako. Agad akong tinawag nina Jamie at Mirden. Hindi na rin ako nagulat nang makitang kasama rin ng mga ito ang freshman na si Tyler. Mabilis akong kumuha ng pagkain at pinuntahan sila.

"Mukhang pagod na pagod ka, ah," pabirong komento ni Tyler.

Masama ko siyang sinulyapan. "I mean, of course, nakaligo ka na and supposed to be fresh. Ibig kong sabihin—maganda ka pa rin kahit pagod," agad na paliwanag nito.

Hindi ko talaga mapigilang hindi ma-amuse sa reaksyon ng freshman na ito sa akin. Ni hindi ko mawari kung hinahangaan ba ako nito o nadadala lang ng intimidasyon dahil sa aking personalidad. Well, maaari rin naman na pareho.

"Kung puwede nga lang sana, tinulungan ka na namin," ani Jaime.

"Dahil gusto mo makakita ng abs?" tanong ni Mirden na tinugon naman ng pag-irap ni Jaime.

"Judgmental ka talaga," angil ng huli. Pagkuwa'y bumaling ito kay Tyler. "May abs ka ba?"

Naiilang na ngumiti si Tyler habang napapakamot sa batok. "Ah, e, I'm still working on it?" nag-aalangan niyang sagot.

Jamie and Mirden both rolled their eyes. Ibig sabihin lang naman ng sagot ni Tyler ay wala itong abs. At bakit ba hinahapan nila ng abs ang freshman na ito? He was still young to worry about his abdominal muscles.

"Ikaw, Summer? Nakakita ka ba ng abs?" nangingislap ang mga matang tanong sa akin ni Jamie. Mayroon kaya siyang obsession sa abs?

Tumango ako. "Black Government abs."

"For real?" she squealed.

"Six pack? Eight pack?" Even Mirden looked interested in those abs. Bakit ba gusto nilang makakita ng abs? Kung totoong pandesal sana ang mga iyon tulad ng pagkakahambing ng marami sa mainit na tinapay ay baka matuwa pa ako at nakapagkape. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga ito kapag sinabi kong nakulong ako ng ilang saglit sa shower room kasama si Van?

"I don't know. I didn't pay attention." Bahagya akong napayuko dahil nararamdaman ko ang unti-unting pamumula ng aking mukha dahil sa pagka-alala sa tagpong iyon.

"You didn't pay attention?" ulit ni Jamie. "Hindi ka ba normal na tao?"

"Summer is unique, cool, and a real badass!" sabat ni Tyler at nahihiyang ngumiti sa akin. Naiiling na ipinagpatuloy ko ang pagkain. I didn't pay attention? Ha! I tried not to pay attention. Dahil kung magtatagal ang mga mata ko sa parteng iyon ng katawan ni Van, baka matukso akong ilandas pa ang aking paningin pababa.

"Ibang klase ka rin dumirskarte sa crush mo, ha? You're making her blush!" tukso ni Mirden.

And they thought I was blushing because of Tyler's hopeless crush. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Maybe it was better for them to assume that. Kaysa naman aminin ko na si Van Freniere ang dahilan ng pagba-blush ko. No way.

Kasalukuyan nilang tinutukso si Tyler at akmang magsasalita ito upang ipagtanggol ang sarili nang biglang balutin ng kadiliman ang paligid. Brownout? Posible. Subalit hindi ko maipaliwanag ang kabang bigla kong naramdaman habang lumilinga sa paligid. Stay away from the dark, Summer. Marahil ay naapektuhan ako kahit papaano ng pag-uusap naming ni Ethan kung kay't ang saglit na dilim ay binibigyan ko ng kahulugan.

"Calm down. Stay where you are," malakas na tinig ni Mr. Gueco, ang aking Math teacher, ang nagpakalma sa nag-uumpisa nang mag-panic na mga estudyante sa cafeteria.

"Hindi ba gumana ang mga emergency lights? Generators? Ngayon lang nangyari ito, ah," mahinang usal ni Mirden sa aking tabi.

Bigla ay naalala ko ang sunog sa boys' dormitory at ang mga lalaking may suot na maskara sa Nightwoods. Hindi ko napigilan ang kilabot na gumapang sa aking katawan habang pinakikiramdaman ang paligid. Wala naman sigurong koneksyon ang blackout na ito sa pangyayaring iyon.

Ilang sandali pa ang lumipas at muling sumindi ang mga ilaw. Bahagya pa akong nasilaw dahil sa pagliwanag ng paligid. Bumakas ang relief sa mukha ng mga naroong estudyante.

"Well, that was scary. It felt like being in the Scream movie —"

Hindi pa natatapos ni Jamie ang kaniyang sinasabi nang bigla ay pumailanlang ang malakas na tili ng isang estudyante mula sa labas ng cafeteria. Nag-uunahang lumabas ang mga estudyante upang alamin ang nangyari. At dahil nababagabag pa rin sa tensyon na dulot ng brownout ay sumunod na rin kami.

And I wished that we didn't. We should have stayed where we were and let the faculty members handle it. Gasps, curses, and sobs were heard first among the students and then followed by a chilling silence. Some of them deliberately stepped back and ran away from the scene. It must have been traumatizing for them. Kahit ako ay nakaramdam ng panghihina habang nakatitig sa senaryo sa aking harap.

"Oh, God! It's him," nanlalaki ang mga matang bulalas ni Jamie. Napatutop naman ng kamay si Mirden. Kahit si Tyler ay tila nanigas sa kaniyang kinatatayuan. Saka ko lang naramdaman ang panlalamig ng aking katawan nang ipatong ni Tyler ang kaniyang kamay sa aking balikat.

It was him—the kid with the nerdy glasses on the poster. He had been missing for days but now, we finally found him. He was lying on the ground, full of bruises and open wounds. His eyes were open but no light could be found in them. His skin was pale aside from the blue and black patches and red stains. He looked so cold, but I knew that he could never feel anything anymore. He was there...but we knew that he wasn't. Because he was already gone. He was dead.

Continue Reading

You'll Also Like

416K 8.4K 21
"Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman once, perhaps love her still. But I broke to pieces when she died. Hindi ko...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...