Your Secret Admirer, D

By akosiRenka

32.7K 1.8K 323

PS. if you want to write back, leave your letter on top of your locker. PSS. And one more thing, please do no... More

Your Secret Admirer, D
THE START
FLASHBACK
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44

CHAPTER 15

19 4 1
By akosiRenka




CHAPTER 15


Renji's POV



After akong isnabin ni Noemi na nag feeling maganda, umupo na lang ako sa tabi nya.
Wala naman syang reklamo.
Wala naman syang imik.
Kaya eto, nababato ako.





"Peram nga!"

Bigla na lang may humablot sa libro na binabasa ni Noemi.


"Bastos ka ba?!"
Sagot ni Noemi sa lalakeng kakarating lang.



Medyo nabigla ako kasi ngayon ko lang nakita si Noemi na sumigaw pero hindi naman kalakasan.



"Pakialam mo ba?"
Sabi nung lalake tapos ngumisi ng pang-iinis

Parang binu-bully si Noemi.

Then umupo yung lalake sa kabilang side para makatabi nya si Noemi.
Bale pinapagitnaan namin si Noemi.



"Bakit ka umupo dyan?"

"Masama?"


Hindi na umimik pa si Noemi pero nakakunot ang noo.


"O ito na nga, tsss. Peram lang eh. Damot mo. Sumbong kita kay Ririn"





Sino ba tong lalakeng to?
Mukhang transferee dahil ngayon ko lang sya nakita.

At ito lang din ang unang pagkakataon na nakita ko si Noemi na nainis.
Since elementary madalas kaming classmate. At lagi ko din syang nakikitang binu-bully at uto-uto sa mga iba naming classmates. Pero never syang umangal o nagpakita ng inis at galit.

Pero wala naman akong pake sa kanya. Nakakapanibago lang na marunong na syang umangal o magpakita ng emosyon sa mga taong inaabuso ang kabaitan nya.

So sino ba tong lalakeng to?






*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*




Noemi's POV



Kanina, tumabi sa upuan ko ang isang Renji Ayala.



Kilala ko sya kasi madalas kaming classmate since elementary. At isa pa sikat sya sa buong campus, at lalo syang sumikat nung nabalitaan ng lahat na girlfriend nya si Yurilyn.



Popularity?
Fame?

Isa yan sa mga dapat mong makuha kung gusto mong galangin at tingalain ka ng lahat.

At iyan ang wala ako.
Palagi na lang akong pinagdidiskitahan at binubully ng lahat.


Pati na din yung Toffy na yun.


Ewan ko ba kung bakit ganun sya sakin. Wala naman akong kasalanan sa kanya.

Tapos ang bait-bait naman nya kay Ririn.







Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa locker room, hindi para magpa-bully kundi para ilagay ang hawak-hawak kong sobre na naglalaman ng sulat ko para sa aking Knight in Shining Armor.


Nasa tapat na ako ng locker ni Shiro at dahan-dahang binuksan ito.
Hindi ito nila-lock ni Shiro ayon na din sa mga dating naglalagay ng love letter dito. Kaya lang tumigil na sila dahil itinatapon lang daw ni Shiro ang mga love letter na ibinigay nila.


Pero siguro naman pag nalaman nyang galing sakin to, hindi nya basta itatapon lang.

Yun ang nasa isip ko.
Yun lang ang nasa isip ko ngayon.
Dahil alam ko, hindi ako ibang tao para kay Shiro.




Mapayapa ko na sanang mailalagay yung sulat ko, kaya lang biglang may pumigil sa kamay ko at hinablot yung sulat.

Agad ko itong inagaw ngunit nailayo nya agad.






"Ano to ha? Love letter?"
Sabi nya habang nakangisi ng pang-iinis


"Akin na nga yan!"
At inagaw ko ito muli ngunit nailalayo nya agad.



Nakita ko na binuksan nya yung sobre at tinignan ang sulat na nasa loob.


"Dear Shiro, first of all. . . ." Sinimulan nyang basahin ang laman ng sulat ko para kay Shiro kaya pinilit ko itong agawin muli sa kanya pero nailalayo nya agad.




". . . . Thanks for being my knight in shining armor everytime that I need help. If I need a hero, you just come on time. . . ."
Lalo pa nyang nilalakasan ang pagbasa na halatang pinaparinig sa lahat para lalo akong mainis.




Buti na lang at walang tao dito dahil ang iba ay umuwi na at ang iba naman ay nasa cafeteria.




"Uy akin na yan! Ano ba Toffy! Di ka na nakakatuwa! Ano bang ginawa ko sayo? Bakit ba ganyan ka sakin?!"
Sa inis ko ay nasigawan ko sya at kung anu-ano na ang pinagsasabi ko.


"Bakit kita ginaganito? Bakit? Ako lang ba ang gumagawa nito sayo?"
Sabi nya sa akin in a sarcastic way.


Medyo natigilan ako sa sinabi ni Toffy.
Tama sya.
Hindi lang sya ang gumagawa nito sakin. . . Lahat sila.





Pero mas nabigla ako sa sunod nyang ginawa, iniharap nya sakin ang sulat ko at saka. . . . .

PINUNIT

Pinunit nya ito sa mismong harapan ko.

Pinunit nya ito at pinagpira-piraso habang nakangiti sya sa akin, at pagkatapos ay inihulog ito sa may paanan ko.


Nakita ko ang ngiti na nasa kanyang mga labi na nagpapahiwatig ng pang-iinis sa akin.


"Pulutin mo kung gusto mo"

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon, ay umalis na sya at iniwan ako na nakatulala pa din sa nangyari.












"Sasama ka ba sakin o magpapaiwan ka lang dyan para bully-hin nila?"


Naaalala ko yung mga sinabi sakin ni Shiro.




"Hangga't di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, at wala pang magtatanggol sayo. . . don't worry, you're under of my protection"



Para bang kusang nagpe-play back sa aking isipan ang mga bagay na nagawa nya para sakin.




"Gusto mo pa bang umiyak? You can use me to lean on when you want to cry more"



Ang mga nagawa at nasabi nya na hinding hindi ko malilimutan.




"Maganda ka pa din kahit wala kang salamin"


Ang lahat. . . . para bang naglaho.


Napayuko lang ako habang pinagmamasdan ang sulat na nakapira-piraso sa aking paanan.

Ang sulat na naglalaman ng lahat ng gusto kong sabihin kay Shiro.
Sulat na pinaghandaan kong mabuti.
Sulat na pinagpuyatan ko kagabi.

Sa isang iglap, wala na itong lahat.



Dahan-dahan akong lumuhod para mahawakan ang sulat na nagkapira-piraso sa aking paanan.

Bigla na lang may gumuhit na luha sa aking pisngi na kumawala sa aking mga mata.





Bukod kay Ririn, si Shiro din ang nagparamdam sa akin ng halaga ko sa buhay.

Sya ang nagpaniwala sa akin na totoo palang mayroong Knight in Shining Armor na handa kang iligtas sa oras na kailanganin mo sya.
He treats me like a special someone na ni minsan hindi ko nakitang ginawa nya sa iba.
And that's the reason why I fall for him.




Tumayo na ako at pinunasan ang luha sa aking mga mata gamit ang braso ko.
Hindi ko na pinulot pa ang mga papel na nasa aking paanan.


Iniwan ko na lamang ito, at diretsyo at taas-noo akong naglakad palayo ng walang lingon-likod.




________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

To be continue. . .
[END OF CHAPTER 15]

Continue Reading

You'll Also Like

397K 5.9K 24
Dice and Madisson
2.2M 86.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
128K 4.5K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...