A month later,
Tristan's POV
"Midnight!" bulalas ko ng makita ko sa SCR si Midnight. Pinagkakaguluhan ito Nina Milly.
"Hello, Tristan." Bati ng dalagita "May dala akong cake para sayo."
"S-salamat, nag abala ka pa."
"Palagi mong sinusumbong sakin na nauubusan ka ,eh." masiglang sabi ni Midnight.
"Oy! Tinitirahan na nga namin yan,eh!" reklamo ni Flinn.
Bumungisngis naman ito.
"Nakakatuwa kayo, sa totoo lang."
"Talaga, Middy?!'bulalas ni Candy.
Nangunot ang noo ko. "Middy?"
Nag kibit balikat naman si Midnight.
"Nahahabaan sila sa pangalan ko,eh. Di bale, okey lang."
Noon niya napansin ang itsura nito. She wore his school's uniform habang naka pony tail ang itim nitong buhok. dahan-dahan naman itong dumilat reaveling her soft violet eyes.
"Clarineth, ang mansion." anito.
Yumukod naman ang private nurse.
"Yes, My Dear Lady."
Mabilis namang nawala ang babae.
Clarineth's POV,
Nakuyom ko ang mga kamay ko ng makita ang ngayong abo nang mansyon. Ang mansyon na naging kanlungan namin ni Midnight sa loob ng labing anim na taon mula ng umalis kami sa Sairan.
Patay na lahat ng tao roon. Sigurado akong mag -iiiyak si Midnight oras na malaman niya ang tungkol rito.
"Wala na sila. Dapat na kayong tumakas."
Lumingon ako. Nakatayo sa likod ko ang male version ni Midnight na si Aizeburg Dennis, Her brother.
Pero nalaglag ang panga ko ng makita ang itsura nito. Nakaitim na lipstick, makapal na eyeliner na itim plus nail Polish na itim din!
"Ano yan? pang kulto ang peg mo?" bulalas ko.
Kibit balikat lang ito. "Itakas mo na ang kapatid ko rito, Len."
"Shut up. Porke anima mo ako ay ganyan ka na."
"Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo, Len." anito saka nawala.
Badtrip talaga ang ungas na to. Tss.
Nagpasya akong bumalik kay Middy. She need to know her brother.
Aizeburg's POV,
Kasalukuyan akong nakaupo sa puno ng kaimito sa tabi ng Student Council Room or SCR. Doon ay malaya kong napapanood ang ginagawa ng kapatid kong si Midnight . .Palagi ko naman iyong ginagawa, ang bantayan siya kahit dyablo na ako.
I blamed myself sa nangyari kay Midnight. Being the Keeper of the Dark gates, dapat ay nagawa kong ipagtanggol ang kapatid ko. Sana, hindi niya ito naranasan pa.
Naalerto ako ng makita kong palapit ang wheelchair ng kapatid sa kinaroroonan ko. Akmang aalis na ko ng . .
"Huli ka!" nakangising sabi ni Len.
"Bitiwan mo nga ako!" asik ko.
"Ayoko nga." anito sabay kaladkad sa kin papasok.
Patay na. . .