Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 521K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 6: The Four of Us?
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 25: Leon Lancaster
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 29: Finally Captured
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 34: All In Battle
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Charm Academy: Special Chapter
Academy Series: Self Published Books

Chapter 14: The Bow and Arrow

1.4M 42.3K 11.2K
By april_avery

Chapter 14: The Bow and Arrow

Snow's POV

I saw Jett walking out of the classroom. Mukhang galit siya. He even slammed the door behind him. Alam kong nakabalik na sila. I think they returned early this morning. Their mission lasted more than two weeks, not the longest but definitely one of the most dangerous.

Naalala ko pa ang sinabi ni Collin bago sila umalis. They have to go to Augury to spy yet another attack. Hindi na sila nagsawa. Ano nanaman kayang binabalak nila sa mga panahong ito. I hope hindi kasama si Ariela sa mga yon.

Speaking of Ariela, nasaan na ba siya? Hinanap ko siya sa office ni Mr. Miller kanina pero wala naman siya doon. I thought doon siya pupunta, or did she lie? Mukhang ayaw niya lang kasing pumunta sa clinic. Augh, she's so stubborn, really. She's the girl version of Jett.

Pumasok ako sa room kung saan nanggaling si Jett. I almost shriek when I saw Ariela in there. What is she doing here? Wait! Nangaling dito si Jett. Did they saw each other? Of course, dummy! Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit galit siya.

"Ariela?" I asked hesistantly. Nakayuko kasi siya while standing few meters from the doorway. She's bitting her lips as if trying hard not to cry. "What happened?"

Maaring alam ko na ang dahilan kung bakit siya nangkakaganyan but I still want to hear from her. Or maybe not. Wala siyang balak magsalita kapag ganito na ang sitwasyon. I know her that much. She has the tendency of keeping things to herself.

Ariela tries to smile but she's failing. I could see the sadness there and guilt? I can't help but notice how pale she is. All her prohibited trainings are taking revenge.

"You need to go to the clinic." I'm not asking for permission, I'm demanding that she'll come with me.

"I'm fine—"

"You're not!" my voice raise. "Ariela, please. Kahit ngayon lang isipin mo muna ang sarili mo."

"But I want—"

"Ariela, if you don't want to get paralyzed for the next few days sasama ka sa akin."

I wouldn't have a second though na gimitin ang kapangyarihan ko sa kanya para lang sumama siya. On the other hand, hindi niya magagamit ang kapangyarihan niya sa akin hindi lang dahil masyado siyang mahina ngayon kundi dahil hindi niya lang talaga kaya. That is one of the weaknesses I saw in her. Her emotions often clouded her judgement.

Out of her will, sumama siya sa akin. Nang makarating kami sa Clinic ay agad ko siyang pinapasok. Ipinagpaalam ko siya sa nurse na nakashift doon. Narinig ko silang nag uusap bago ako lumabas para hanapin si Jett.








"What the hell did you do?" I demanded. Wala na akong pakialam kahit na natiningin siya ng masama sa akin. If the situation is different malamang natakot na ako. But not now.

Nilampasan ako ni Jett na para bang walang narinig. This bastard really knows how to annoy people. But unfortunately I also know what could unnerve him.

"Nasa clinic siya ngayon. She looks really pale. Ano bang mga sinabi mo sa kanya?"

Huminto siya sa paglalakad. Hindi parin siya lumilingon but I could almost see his peircing eyes and clenching jaw. I glance at his fist, they form into ball.

"Look, siguro nga wala na akong pakialam doon pero sana hwag mo muna siyang bigyan ng problema."

I sigh before continuing.

"Alam kong alam mo na nagt-training siyang mag isa. You need to stop her, Jett. You either help her or she'll die."











Ariela's POV

"Did you now what the nurse told me?"

Pumasok si Snow sa kwarto at umupo sa tabi ng kama ko. Katatapos lang ginamot ng nurse ang mga sugat ko na ngayon ay unti unti ng nagf-fade.

"She didn't know how you did it pero napakadelikado ng ginawa mo, Ariela."

She held emphasis in every word para siguradong tatatak sa akin ang sinabi niya. But I find myself tuning out of Snow. Napatingin ako sa labas kung saan madilim na. Anong oras na kaya?

"Hindi mo dapat pinatatagal ang mga injuries mo ng ganito. Maari kang maparalyzed. Did you even know that?"

I shake my head. "No." I answer honestly.

"Kaya naman pala. Over use of Charms during trainings is prohibited. Hindi mo na uulitin ang ginawa mo, Ariela."

She pauses and gave me a calculated glare. "Unless you want me to disclose it with Sir Chase. Yun lamang ang natitirang paraan na alam ko para tumigil ka."

"You sounded like I'm a criminal." natatawang sabi ko.

Napangiti na din siya. The tension in the air is too much to handle. Alam naming pareho na hindi kami sanay dito.

"What you're doing is a crime here." She looks at me thoughfuly for a second. "Hindi lahat nakakaya ang ginagawa mo, Ariela. You are lucky. But you are slowly killing yourself."

Umalis si Snow sa clinic para bumalik sa dorm at kumuha ng ilang gamit. Kahit sa palagay ko ay maayos na ako, hindi parin ako hinayaang makaalis ng nurse. Sa clinic ko kailangang magpalipas ng gabi.

It was I think nearly eleven o'clock in the evening nang may marinig akong ingay mula sa bintana ng kwarto kung saan ako nagpapahinga. I'm in the verse of falling asleep then pero bigla akong nagising dahil sa ingay. Pagtingin ko sa bintana, nakabukas na ito. Pumasok kasabay ng malamig na hangin si Jett.

"Crap! Jett! You scared the life out of me!" halos masapo ko ang dibdib ko sa gulat. Ano ba yan! Bakit ba bigla bigla nalang siyang sumusulpot kung saan!

"Tss. OA." kinuha niya ang upuan na nasa tapat ng bed ko at umupo patalikod doon. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama. Ano bang ginagawa niya dito?

"Ok ka na?" bigla niyang tanong sa akin. Nakarest ang chin niya sa sandalan ng upuan at nakatitig sa akin. M-may mali nanaman ba sa itsura ko? Bakit ba ganyan siya makatingin?

I silently nodded. Kung akala niya nakalimutan ko na ang mga sinabi niya ilang oras na ang nakakalipas, nagkakamali siya. Maraming tanong parin ang gumugulo sa isip ko. Pero hindi ko siya magawang tanungin ngayon.

"Good." linibot niya ang tingin sa kwarto. He scoffed in disapproval.

"Ano ba ang ginawa mo noong wala ako at dito ka napunta?" tanong niya. Hindi ko alam kung talagang interesado ba siyang malaman ang dahilan o talagang wala lang siyang magawa.

"Sinabi ko na, di ba? Nagt-training akong mag isa." Tsk! Akala ko ba matalino siya. Paulit ulit ko nalang bang sasabihin.

He shakes his head lightly. I can't help but to stare at him and his gorgeous presence. He looks really hot just by doing that. Wait, what?

"Hindi lang dahil sa training ang mga injury mo. Simpleng mga sugat lang yan na kayang gumaling mag isa. Masyado mong inabuso ang sarili mo."

Ok, so now he's talking to me. Parang kanina lang halos galit siya sa akin. Iniiwasan niya pa nga ako hindi ba? Bipolar ba siya?

"Wala naman akong ginagawang masama," natigilan ako ng tumaas ang isang kilay niya. "Maliban nalang siguro sa training." mahina kong dugtong.

"At pagalam sa sekreto ng Academy." dugtong niya para sa akin.

Natigilan ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon. Napatingin nalang ako sa mga palad ko.

"Masama bang malaman ko? Darating ang araw malalaman ko din naman ang tungkol doon."

"Na kung pwede lang hindi na mangyari."

Napalingon ako sa kanya. "May sinabi ka?"

"Tss. Wala." Tumayo siya at napabuntong hininga. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. Para siyang bata.

"Paglabas mo dito magsisimula na tayong mag training."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi nga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Malay mo naman kasi nagj-joke lang siya.

Palabas na siya nang kwarto nang lumingon siya sa akin. Take note, kung saan siya nangaling doon din niya planong lumabas. Seriously? Ang luwang kaya ng pintuan.

"Ayaw mo?" tanong niya.

I shake my head quickly. "No! Hindi sa ganun! Pero bakit? Akala ko ba wala ka ng balak—"

"Magt-training ka parin kahit hindi kita turuan. Ganyan katigas ang ulo mo. Mabuti ng nababantayan kita."

Humawak siya sa upper railings ng bintana bago nag-swing palabas. Eksakto namang kumatok sa pinto ang nurse na nagtatanong kung gising pa ba ako. Mabilis kung sinara ang bintana. Nagtakip ako ng kumot at nagkunwaring nagpapahinga na.

A small smile crept into my face. But slowly it vanishes into a confused and worried expression. Ano ba itong nararamdaman ko pagdating kay Jett? Maging ako naguguluhan na.





Three Days Later:

"Bow and arrow."

"What?"

"Kailangan ko pa bang ulitin? Bow and arrow. Palaso at pana."

So, ito nanaman kami sa walang kwenta naming pag uusap. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, alam ko ang isang pana kapag nakita ko. Ang gusto ko lang malaman anong kinalaman nun sa training ko.

"Jett, wala tayo sa isang survival activity." nakacross arms na sabi ko sa kanya habang naka-lean naman siya sa pader at kausap ako.

Bow and arrow. Sa survival activity lang pwedeng gamitin ang mga weapons na yun. Maliban doon ay hindi na ito pwedeng hawakan ng kung sino sino. I admit I feel in love with the weapons the moment I touched and used them. Hindi ako magaling sa survival pero bigyan mo ako ng pana at palaso makakaligtas ako.

"Hindi ba magaling ka doon?" tanong ni Jett. Nakikita niya pala ang mga ginagawa ko kapag may activity.

"Hindi naman magaling. Marunong lang gumamit." naalala ko ang unang beses na humawak ako ng pana at palaso. The memory is hazy but I remember who hand me the weapons. My father.

"Tss. Ang gusto ko gamitin mo ang alam mo sa pana at palaso at i-relate mo sa charm."

"Paano ko gagawin yun?"

Umalis siya mula sa pagkaka-lean sa pader at lumapit sa akin. Nang ilang metro nalang siya sa akin huminto siya. He put his hands in his pockets and leans in just inches from my bare face.

"I want you to make a bow and arrow out of your charm."

***

Continue Reading

You'll Also Like

78.4K 2.7K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
66.1K 4.6K 78
(On-Going)
5K 662 12
[NOW A PUBLISHED NOVEL UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Akala ni Ryan ay isang masayang weekend getaway lang ng barkada ang magaganap. Malayang panahon pa...
19M 578K 53
She vowed to stay. She just needed a keeper for maintenance. Henrietta Arturia is a drop-dead, gorgeous ice princess and yeah, a Freniere Mafia Reape...