The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 26: Hello Korea

2.8M 63.7K 55.4K
By blue_maiden

CANDICE

"Ingat ka ro'n, Manang." Inabot niya sa 'kin 'yong bag ko. Mukhang mabigat pa 'ata 'yong loob ni Kuya Charles sa pag-alis ko. "Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangang makasama mo pa si Jeydon do'n."

Tinaasan ko siya ng kilay. "What's wrong with that?"

"Anong what's wrong? So gusto mong makasama si Jeydon?" Hindi ko makita kung ano 'yong big deal do'n.

"Ayoko siyang makasama, but I don't really care." Ngumiti ako. "We are just strangers. Strangers with memories."

"Hindi na ako makikipagtalo at baka mahuli ka pa sa flight mo. Tumawag ka sa 'min kapag nando'n ka na." Bakit gano'n? Hindi pa rin maalis kay Kuya 'yong bigat ng loob. I know that it's not about me anymore.

"Kuya, okay lang ba kayo ni Ate Serina?" Biglang nag-iba 'yong expression ng mukha niya. Bigla siyang lumungkot. "Just by looking at your face, it seems like hindi kayo okay." Nag-nod lang siya. Naaawa ako sa kuya ko.

"'Wag ako 'yong isipin mo. Isipin mo 'yong sarili mo." Ginulo niya 'yong buhok ko. "Magiging okay rin ang lahat."

"Alright, then. Bye, Kuya."

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Pupunta ako ro'n para sa 'yo."

"Yes, boss." Niyakap ko muna si Kuya Charles bago ako pumasok sa loob. Pagpasok ko, nando'n na silang lahat papasok sa plane. Na-late kasi ako ng dating.

Hinintay ako nina Stacey sa pinto ng plane.

"Bee, ikaw dapat maging tour guide namin do'n dahil kabisado mo na 'yong Namsan City."

"Sige, ako nang bahala sa inyo."

Kinindatan ko sila kaya natawa silang lahat. Tinawag na kami ng flight attendant kaya pumasok na kami sa loob.

Doon kami sa by threes na upuan. Kami nina Stacey at Blake 'yong magkakatabi sa upuan. Sina Troy, Tiffany, at Juan Paulo naman sa isa. Si Ginno, hindi nakasama kasi mas ginusto niyang ipasyal si Ginny sa Tagaytay kaysa pumunta sa Korea.

"Excited na ulit akong bumalik ng Korea, Candice my loves," bulong sa 'kin ni Blake. Nasa gitna namin siya ni Stacey. "Ang dami nating memories do'n." Napatingin ako sa kanya pero nalipat agad 'yong tingin ko sa dumaan.

Sina Kim at Jeydon.

Tiningnan ako ng masama ni Kim. Ano pa bang bago? Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang matagal na akong pinaglalamayan. Sabagay, hanggang tingin lang naman siya e. Wala naman siyang masabing maganda kapag magkaharap kami. Minsan, ako na lang 'yong naaawa sa kanya. Hindi niya kasi ako matapatan.

Sumunod naman sa kanila 'yong Powerpuff Girls. Sina Blossom at Bubbles, manang-mana kay Kim. Ang sama rin ng mga tingin sa 'kin. Nakakapagtaka lang si Anne kasi ngumiti siya sa 'kin. 'Yong ngiti niya, napakaamo. Lately, na-weirdohan ako sa kanya. Kapatid kaya siya ni Margot?

Sumunod naman sa kanila 'yong kamukha ni Troy na kuya pala niya. Para silang carbon copy ni Travis. Napatingin naman ako sa direksyon ni Stacey, at aba, ang Queen Bee, halatang may gusto kay Travis at natulala na sa kakisigan nito.

'Yong huling dumaan, si Marky. Tumigil siya sa harap namin. "Hi, Candice!"

"Hi, Marky!"

Ngumiti siya sa 'kin pagkatapos ay naglakad na siya sa harap. Sa grupo 'ata siya nina Jeydon sasama. Well, expected ko na naman 'yon at wala na naman akong issue roon.

Kaso si Troy, ang laki ng issue kay Marky. Hindi na nga sila nagpapansinan, sinasamaan pa niya ng tingin. Nalulungkot lang ako kapag naiisip at nakikita ko 'yon. Kung gaano sila ka-close noon, gano'n sila kalayo sa isa't isa ngayon.

Ilang minuto lang, lumipad na 'yong plane namin.

"Naiisip mo pa rin ba si Jeydon minsan?" biglang tanong sa 'kin ni Blake. Si Stacey nakasuot na ng headset kaya hindi na niya siguro naririnig 'yong pinag-uusapan namin. "Ang tagal ng pinagsamahan niyo 'di ba? Imposible naman na kahit minsan, hindi siya sumagi sa isip mo." Hindi siya nakatingin sa 'kin. Doon lang siya sa bintana nakatingin.

"Oo, minsan naiisip ko pa rin siya pero hindi ibig sabihin no'n, mahal ko pa siya."

Nakatingin lang ako sa kanya at bigla siyang ngumiti. Nakakapagtaka si Blake. Bakit niya ba tinatanong sa 'kin 'yong mga bagay tungkol kay Jeydon?

"Nagtataka ka siguro kung bakit ko tinatanong?" Tiningnan niya na rin ako. Nakatingin din naman ako sa kanya. Nag-nod lang ako. "May naisip lang kasi ako o sabihin na natin na may na-realize ako."

Hindi ako sanay na ganito siya. Seryoso. "Ano naman 'yon?"

"Mahal ka pa niya at mahal mo pa siya." Napatitig ako sa kanya pagkatapos ay natawa ako. Nagpapatawa ba siya? Akala ko pa naman seryoso siya.

"Are you kidding me?" Ngumiti siya sa 'kin. "Hindi na namin mahal ang isa't isa, pwede ba?"

"Hindi mo lang kasi kayang tanggapin 'yong katotohanan kaya ayaw mo siyang paniwalaan."

"May mga bagay na pinapaniwalaan pero may mga bagay rin na dapat pinapakinggan lang." Umiwas siya ng tingin sa 'kin. "Ano ba talagang gusto mong iparating sa mga tanong mo na 'yan?"

"Ayoko lang na lokohin mo 'yong sarili mo, Candice." Pumikit siya habang nakasandal sa upuan. "Baka sa sobrang pagsisinungaling mo, pati 'yang sarili mo, maloko mo."

Iniwasan ko siya tingin. Sinandal ko 'yong ulo ko sa upuan habang nakatingin ako sa langit.

Lokohin 'yong sarili ko?

Bakit ko naman lolokohin 'yong sarili ko? Hindi ko na naman talaga mahal si Jeydon e. Wala na akong kahit na anong nararamdaman para sa kanya. Nagsisimula na rin akong mahalin si Lucas.

"'Wag mo na lang isipin 'yong sinabi ko, Candice. Matulog ka na kasi mahaba pa 'yong byahe natin."

Kagaya nga ng sinabi ni Blake, pinikit ko 'yong mga mata ko tsaka ako natulog..

***.

"Bee, gising na!" Minulat ko 'yong mga mata ko at nakita ko agad si Stacey sa harap ko. "We're here in Korea!" Hindi naman siya excited, 'no? Akala mo first time makarating sa Korea.

Inayos ko 'yong sarili ko pagkatapos ay tumayo ako at sinundan ko sina Stacey palabas ng plane. Nasa labas na pala 'yong grupo nina Jeydon. Lahat sila, kinuha na 'yong mga bag nila. Samantalang kami naman, kukunin pa lang namin 'yong sa amin.

No'ng nakuha na namin lahat ng gamit namin, pumunta kami sa lobby ng Incheon Airport.

Hello, Korea. I'm back.

"Okay, guys! May tatlong bus na naghihintay sa 'tin sa harap. Do'n tayo sasakay at dadalhin nila tayo sa hotel na tutuluyan natin dito," sabi ng professor namin.

Kami 'yong unang batch ng mga graduating students na pupunta rito sa Korea. Sa dami namin, hinati nila kami by batch.

"Mas maganda, ro'n tayo sa bus na hiwalay sa grupo nina Jeydon," singit ni Troy. Sumang-ayon naman kaming lahat sa naisip niya.

Nakahilera na 'yong mga bus. Hinila ko 'yong bag ko papunta sa bus na sasakyan namin. Papunta pa lang kami ro'n, narinig ko na 'yong mga schoolmate ko na nagtitilian at nagbubulungan.

"Ang gwapo niya talaga!"

"Sino kayang hinihintay niya?"

"Ang pogi ni Shawn!"

Shawn daw? Naalala ko tuloy si Lucas.

"Candice, si Shawn nandito," sabi ni Tiffany.

Naglakad agad ako papunta sa likod ng bus na sasakyan namin. Nakita ko nga si Lucas na naka-shades at nakasandal sa sports car niya. Bakit siya nandito? At teka lang, nakatingin ba siya sa 'kin?

"Sinundo ka 'ata, Bee, e. Ikaw na," pang-aasar sa 'kin ni Stacey. Bigla pa niyang kinanta 'yong commercial ng Rejoice. "Haba ng hair! Nag-Rejoice ka ba, girl?" Sira talaga.

Tinanggal ni Lucas 'yong shades niya at nakatingin nga siya sa 'kin. Tinulak naman ako nina Stacey at Tiffany papalapit sa kanya. Ito talagang magkapatid na 'to.

Nakatayo na ako sa harap ni Lucas. Wow, ang gwapo niya ngayon ha. Napapalunok na lang ako rito. Para 'ata akong na-starstruck bigla kay Lucas.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa 'kin?" tanong niya habang nakatingin siya sa mata ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako?

"He-hello?" Tumawa siya bigla tapos ginulo niya 'yong buhok ko.

"I miss you too, Candice." Ngayon ko lang na-realize na wala palang kwenta 'yong sinabi ko. Ano ba kasing nangyayari sa 'kin? I'm acting as if it was my first time to see him. "C'mon."

"Ha? Whe-where?" What the hell? Why am I stuttering?

Tumawa na naman siya. "Sa bahay."

"Sa bahay niyo? Wae?"

"Gusto ka makita nina Umma. Pinaalam na kita sa mga professor." Tumingin ako sa likod kung nasa'n 'yong mga professor ko, at aba, nag-okay sign sila? So pumayag talaga sila? Napatingin ako kina Troy. Nag-okay sign din sila sa 'kin. Napansin ko rin na nakatingin din pala sa 'min 'yong iba naming schoolmates.

"Tara na?" Hinawakan niya 'yong kamay ko tapos may narinig akong mga nagtilian. Seriously? Kinilig sila?

Tumingin ako kay Lucas tapos nag-nod ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Bago pa man ako makapasok sa loob, napatingin ako sa grupo nina Kim at Powerpuff Girls. Ang sama ng tingin nilang apat sa 'kin, but I can feel the jealousy. Hindi ko rin naiwasan na mapatingin kay Jeydon. Nakatingin siya nang masama kay Lucas. Anong problema niya? No'ng nakita niya akong nakatingin sa kanya, bigla siyang umiwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng kotse ni Lucas.

No'ng nakapasok na sa loob si Lucas, inalalayan pa niya ako sa pagsuot ng seatbelt. Gentleman talaga si Mr. Dela Fuente.

"Mukhang hindi mo ako miss ha?" sabi niya habang pinaaandar niya 'yong kotse. "Hindi ba ako gano'n ka-importante sa 'yo para hindi mo man lang ako ma-miss?" Tiningnan ko siya. Hindi ko masyadong makita 'yong reaksyon ng mukha niya kasi nakatingin siya sa harap.

"What are you talking about?" Umiwas ako ng tingin sa kanya tapos tumingin lang ako sa gilid ko. "I miss you so damn much."

Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Jinja?"

Bigla niyang hininto 'yong kotse. Napatingin ako sa kanya at nakatingin na rin pala siya sa 'kin. Habang nakatingin ako sa mata ni Lucas, unti-unting lumalapit 'yong mukha niya sa mukha ko. Bumilis 'yong tibok ng puso ko at napapalunok na lang ako. May balak ba siyang halikan ako?

Sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa, napapikit na lang ako. Akala ko talaga hahalikan niya ako sa labi ko pero hindi, hinalikan niya lang pala ako sa noo ko.

"I miss you so damn much, too."

Kahit mulat na 'yong mata ko, ayoko pa rin tignan si Lucas dahil pakiramdam ko, nangangamatis na ako rito. Tumawa na lang siya kaya mas lalo lang akong nahiya. Tumingin na lang ako sa may bintana ng kotse. "Bakit ba tayo huminto, Lucas?"

"Bibili lang ako ng cake. Just wait here. I'll be back." Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya ng kotse, napahinga na ako nang malalim.

Kakaiba na talaga 'yong nararamdaman ko towards Lucas.

Am I falling in love with him?

I don't know, but I don't want to rush things. Sabi nga ni Kuya Charles, may tamang panahon para sa lahat ng bagay.

After fifteen minutes, bumalik na rin si Lucas dala 'yong cake. And then I realized, I'm gonna meet his family again. Bigla akong kinabahan.

"Are you okay?" tanong ni Lucas habang nagmamaneho kami. Gano'n ba ako ka-obvious? "What's wrong?"

"Matagal ko na kasing hindi nakikita 'yong pamilya mo kaya kinakabahan ako ngayon." Hinawakan niya 'yong kamay ko.

"'Wag kang kabahan. Lahat sila, gusto ka."

"Aniyo! How about your Halmoni? She doesn't like me." Natawa siya. Naalala rin siguro niya 'yong katarayan ng lola niya sa 'kin.

"Masungit lang siya, but she likes you and I know that. Matulog ka na nga muna kasi malayo pa 'yong byahe papunta sa bahay."

"Just wake me up when we're there."

Tiningnan niya ako at ngumiti. Kahit na kakagising ko lang sa byahe, nag-decide pa rin akong matulog para hindi ako gaanong mag-isip.

Siguro inabot kami ng isang oras sa byahe bago kami nakarating sa mansion nina Lucas. Nag-aalangan pa rin akong bumaba at pumasok sa loob, pero inalalayan naman ako ni Lucas.

Unang bumati sa 'min 'yong mga maid nila. Mas malaki pa 'ata 'yong mansion nila kaysa sa mansion nina Jeydon. Dumiretso kami sa family room nila. Pagpasok na pagpasok pa lang namin, bumungad na agad sa 'min 'yong buong pamilya ni Lucas.

'Yong Umma at Appa niya. 'Yong nakakabata niyang kapatid na lalaki. At pati 'yong lola niya. Napatingin agad ako sa kanya at napalunok agad ako dahil sa tingin niya sa 'kin. Silent but deadly.

"Everyone, this is Candice," pakilala ni Lucas sa 'kin.

Lahat sila, nakatingin sa 'kin. Lahat sila, ang laki na ng pinagbago pero isa lang 'yong hindi nagbabago at ito 'yong pagiging seryoso nila. Kaya nga siguro napakaseryoso rin ni Lucas. Mas lalo lang akong kinabahan na parang hindi na ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Buti na lang naisipan ko na batiin sila.

"Annyeonghaseyo! Candice imnida," tapos sabay bow sa kanilang lahat.

Tumayo 'yong mama ni Lucas at lumapit siya sa 'kin. Hala, bakit gano'n? Ayaw rin niya 'ata sa 'kin. Huhu. Lucas, sinungaling ka! Parang ayaw nilang lahat sa 'kin.

"The last time I saw you, you're just a girl. But look at you now, Candice, you're a lady." Flattered ang lola mo. Mukhang gusto naman niya ako. Bigla siyang ngumiti sa 'kin. Wow, ang ganda pala ng mama ni Lucas. "Shawn, I really like her for you."

"Umma!" Natawa 'yong mama ni Lucas. Hala, tumatawa rin pala siya? Napakaseryoso kasi niya e, nilang lahat.

"Hyung, are you blushing?" singit ni Simon, 'yong kapatid niya. "It's the first time I saw you like that after your relationship with Kim." Bigla akong nakaramdam ng konting pagkainis no'ng narinig ko 'yong pangalan ni Kim.

"Yah! Simon, don't tease your hyung," singit ng papa ni Lucas. Mukhang hindi na rin seryoso 'yong mukha niya kasi nakangisi na siya sa 'min. "Candice, I hope Shawn isn't giving you a hard time."

"Aniyo, he's very kind to me," sabay ngiti. "I'm really thankful for your son."

"Jinja?" Tiningnan ng papa niya si Lucas. Para bang may gusto siyang sabihin. "So, when will I hear the wedding bells?" Bigla akong naubo sa sinabi niya.

"Appa! What are you talking about?" Lahat sila nagtawanan. Hala, trip nila kami ni Lucas.

Looks can be deceiving talaga. Akala ko seryoso silang tao pero ang lakas pala nila magbiro.

"Candice is not even my girlfriend, so please stop teasing us." Medyo sumeryoso na sila.

"She's not your girlfriend, but you like her." Narinig ko 'yong boses ng lola niya. Tumaas 'yong mga balahibo ko sa katawan. Para siyang si grandma. "I don't think there would be a reason for her to reject you." Ngumiti siya sa 'kin. "Am I right, Candice?"

"Ah... ne..." Hindi ko alam kung ano bang tamang sasabihin.

"Good." Hindi pa rin nawawala sa kanya 'yong pagkamasungit niya. "Let's have our lunch." Nilagay niya sa likod niya 'yong kamay niya.

Mukhang siya ang batas sa bahay na 'to. Lahat sila, hindi nakakapagsalita kapag siya 'yong nagsasalita.

Pumunta kami sa dining area ng bahay nila. Sa isang sixteen-seater na lamesa kami umupong lahat. Nakaupo sa unahan 'yong papa ni Lucas at ako naman ay napapagitnaan nina Lucas at Simon. Katapat namin 'yong mama at lola nila.

Ang sarap ng mga pinahanda nilang pagkain. Muntik ko nang hindi mapigilan 'yong sarili ko sa pagkain. Nakakahiya naman kung magiging matakaw ako sa harap nila.

"So, Candice, when are you planning to say 'yes' to Shawn?" Kinuhanan ako ng tubig ni Lucas. Bigla na lang akong nabulunan sa sinabi ng mama niya. "Did I say something wrong?"

"Lara, don't pressure her," tipid na sabi ng lola ni Lucas.

"Forgive my mother, Candice," singit ni Simon. "She just really wants you to be my hyung's girlfriend. You know, Hyung is always telling us how much he loves you. And I can tell you, he does love you to death." Nosebleed.

"Jinja?" Tiningnan ko si Lucas. "Ano ba kasing mga pinagsasabi mo sa kanila?" bulong ko sa kanya.

"I always tell them how much I love you." Shet! Shet! Shet! Kinikilig 'ata ako. Lucas, why are you doing this to me, huh? "I love you, Candice." Pwede bang mag-walk out? Hindi ko na kaya 'to e.

"Candice, are you okay?" tanong sa 'kin ng papa ni Lucas. "You're turning red."

"Ah, ne, I'm fine." Pinilit kong tumawa para mawala 'yong pagkapula ng mukha ko. Humanda ka lang talaga sa 'kin, Lucas. Kapag tayong dalawa na lang, kung anu-anong sinasabi mo.

Inubos lang namin 'yong pagkain tapos nag-decide na si Lucas na ihatid ako sa hotel na pagtutuluyan namin. Marami rin naman kaming napag-usapan ng pamilya niya kanina habang kumakain kami. Hindi naman pala sila gano'n kaseryoso at pati si grandma, hindi naman pala gano'n kasungit. Ang kukulit nga nila e. Nosebleed nga lang.

"I hope you can visit us again, Candice," sabi ng mama niya, sabay bow sa 'kin. Nag-bow silang lahat sa 'kin at gano'n din ako.

"Hyung, take care of her, arasso?" Tumingin sa 'kin si Simon. "Noona, if ever you'll reject my hyung, can I apply as your boyfriend?" Binatukan agad siya ni Lucas.

"Candice is mine, Simon."

"I'm just kidding, Hyung," sabay peace sign. Hindi ko maiwasan na maisip sina Jeydon at Jayshin sa kanilang dalawa. Ganyang-ganyan din kasi sila.

"Take care, lady, and take care of our Shawn," sabi ni grandma.

"Ne, I will." Nag-bow ulit ako sa kanilang lahat. "Kamsahamnida!"

Inalalayan ulit ako ni Lucas papasok sa kotse niya. Whoah, that was fun. Ang saya at ang sarap pala kasama ng pamilya niya. Parang mas lalo ko pang nakilala si Lucas ngayon.

"How was it? Sabi ko sa 'yo, gusto ka nilang lahat e." Kahit hindi ko makita 'yong mukha niya dahil nagda-drive siya, alam ko na masaya siya.

"Oo nga e. Hindi ko inaasahan. Buti naisip mo na dalhin ulit ako sa bahay niyo." Napangiti siya nang malaki.

"Gusto ko kasing makilala nila nang lubos 'yong taong mahal ko." Geez, here's the sweet side of him again. Nagugulat pa rin ako sa mga effort na pinapakita ni Lucas, but nevertheless, it makes me like him more.

"Napansin ko lang. Bakit Shawn na 'yong tawag nila sa 'yo? Dati naman, Lucas'yon."

"Pinagbawalan ko silang tawagin akong Lucas." Napataas ako ng kilay.

"Wae?"

"Gusto ko kasi na ikaw lang 'yong tumatawag sa 'kin ng Lucas."

Natigilan ako bigla. I hate myself for thinking about Jeydon now. Ayaw rin kasi niyang tinatawag na Jaydee ng iba. Why can't he just fucking get out of my head?

"What's wrong?"

"Nothing. That's just so sweet of you." Hinawakan ni Lucas 'yong kamay ko.

"Hindi man ako sweet na tao pero para sa 'yo, magiging sweet ako. Mas sweet pa sa asukal." Napangiti ako. Wala na akong kahit na anong mahihiling pa kay Lucas.

Lucas is the perfect boyfriend, but why do I feel this way?

"Thank you, Lucas. I hope that one day I could love you in return."

"Hindi mo na kailangang mahalin pa ako. Sapat na 'yong nasa tabi mo ko para mahalin ka." I shook my head.

"Ang pag-ibig, hindi binabayaran pero sinusuklian." Hinawakan ko nang mahigpit 'yong kamay niya "I will love you at the right time and at the right place."

"Kagaya ng sinabi ko, maghihintay ako kahit gaano katagal."

I smiled at him and let myself rest.

Lucas, I think I'm already falling in love with you.

***

JEYDON

"'Wag na wag kang gagawa ng kahit na ano." Sobrang sama ng tingin niya sa 'kin. Gusto niya 'ata akong suntukin pero nagpipigil siya. "Kung hindi lang nagkasakit si Dad, hindi ako aalis at hindi ko iiwang mag-isa sa 'yo si Candice." Hindi ko siya balak sagutin. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya, gusto na niya akong suntukin.

"Troy, umalis na tayo," tawag sa kanya ni Travis.

Tinginan niya ulit ako nang masama pagkatapos ay hinarap niya si Tiffany. "Boo, I'm sorry if I'll go now. Ikaw na lang mag-explain kay Candice ng sitwasyon ko."

"Don't worry, Boo. Ako nang bahala at sigurado naman ako na maiintindihan ka niya." Niyakap niya si Troy. "Ingat ka. I love you."

Hinatid ni Tiffany sina Troy at Travis sa labas ng hotel. Lumabas din ako para mag-yosi dahil naiinis ako. Naiinis ako dahil alam kong magkasama sila ngayon. Ang sakit lang.

Unti-unti rin naman nawawala 'yong pagkainis ko dahil sa katotohanang buong araw ko siyang makakasama na kaming dalawa lang.

Maaring iyon na ang huling araw na pwede ko siyang makasama. Siguro, susulitin ko na 'yong araw na 'yon. Ang araw na makakasama ko ulit 'yong babaeng pinakamamahal ko.

Candice, mahal ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 65 30
Sagedalle Series #1 "When the great ruler of all Is born along side two more Excellency and treachery will fall One kingdom shall rise, and one shall...
3.5K 870 62
Broken-hearted? Bitter? Realist? Whatever you may call yourself who doesn't believe in happy endings, this compilation is for you.
197K 7.6K 5
One summer camp before someone goes to New York...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...