But, even though I'm very very sad. I'm still hoping. Hoping that even though 1 week na lang kami magkikita ay mapansin nya na din ako o makausap ko man lang sya.
Alam mo yung feeling na kahit nalulungkot ka nang talaga ay umaasa ka pa din?
Ako kasi, mahilig akong umasa. Pero lagi lang akong umaasa sa wala. Minsan lang matupad ang mga bagay na matagal ng umaasa para dun.
Di ba mahirap umasa sa wala?? Minsan nasasaktan ka na. Minsan naman okay lang tapos aasa ka naman. Ako kasi ganun eh. Kahit nabigo, umaasa pa din. Di ko nga mapigilan itong sarili ko na 'to eh.
Balik na tayo sa crush ko na di ko na makikita pag katapos ng week na 'to...
Nung una ko syang nakita....
*Flashback*
Papunta kami ngayon ng nga friends ko sa guard house. At dahil sa mabagal akong lumakad, ayun nahuli ako.
So, mag-isa akong lumalakad nang biglang may lumapit sa mukha ko at parang pinag-aralan ang mukha ko. Pero agad naman syang umalis papunta sa mga kaibigan nya sabay sabing "Saan si Thea?"
Siguro napagkamalan nya ako na ako si Thea. Yes, kilala ko si Thea. Classmate ko yun eh. Short hair kasi si Thea. Ako naman short hair din. Nagpagupit kasi ako. Mahaba dati buhok ko.
*End Of Flashback*
Pero di ko pa alam yung name nya noon. Ang alam ko lang ay hindi namin sya kaklase.
Nakilala ko lang yung name nya noong...
*Flashback*
Kumakain kami ngayon ng lunch. Kasama namin kumain yung gay namin na classmate. Nang biglang,,, nakita ko sya. Tinanong ko yung gay na classmate namin...
"Ano yung name nya?" sabay turo sa crush ko.