Nag sisisi ako? nag sisisi ba talaga ako sa mga sinabi ko kay Renz?
Alam ko sa sarili ko na mahal ko padin siya. Na kailangan ko siya. Na siya yung buhay ko...
ayokong maniwala sa mga sinasabi ni Lyra. Alam kong hindi totoo yun..
Minahal naman ako ni Renz diba?
totoo bang hindi na talaga niya ako mahal?
kaya niya ako iniwan?
kaya ipinagpalit niya ako?
kay pinili niya yung babaeng yun?
di ko napansin umiiyak nanaman pala ako..
"oh.."
tapos may panyo sa harap ko. Tumingala ako para makita kung sino yung nag aabot ng panyo.
"Phoenix?"
tapos umupo siya sa tabi ko at inabot yung panyo
"a-anong ginagawa mo dito?"
"sinasamahan ka"
"okay lang ako"
sabay punas sa luha ko at tumayo. Papalakad na ako nung biglang hawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko siya.. yung, mukha niya ngayon.. seryoso, nag aalala.
Tumayo siya pagkatapos humarap sakin. Hawak padin niya yung kaliwang kamay ko. Habang nakatitig siya sa mata ko.. Hinawakan niya yung left cheek ko tapos pinunasan yung luha..
"a-anong ginagawa mo?"
"sshhh.."
niligay niya yung finger niya sa lips ko.. telling me to hush
"Nikki, listen to me first."
tinitigan ko lang siya
"I know, para sayo masakit. Pero hindi mo dapat tinitiis yan sa sarili mo. Mas nahihirapan ka lang kung itatago mo yan jan. Mas masakit. Mas mabigat.."
"Phoenix..."
Phoenix's POV
"Phoenix..."
eto na to Phoenix. Gawin mo na lahat ng makakaya mo.
"ssh.. Makinig ka. Be open in what you feel. Walang masama Nikki. You are just being what you are"
ayoko ng nakikita siya ng ganito. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiiyak, malungkot, nasasaktan.
"Hindi masamang ipakita na nasasaktan ka, na nahihirapan ka"
ayan nanaman.. tumutulo yung luha niya..
Nikki, andito lang ako, tutulungan kita. sasamahan kita
"hmm"
nag nod lang siya.. Yun lang yung reaction niya tapos ngumiti sakin.
lumapit pa ako sakanya tapos, niyakap ko siya.
"ayos lang Nikki.. Andito ako"
tapos naramdaman ko na yumakap nadin siya.
"Bakit?" -Nikki
narinig ko yung pag crack ng boses niya.. naramdaman ko yung pagpatak ng luha niya sa damit ko.
"bakit pa? Hindi mo na ba ako mahal?"
umiyak ka lang, ilabas mo lang.. pag katapos nito, hindi kana iiyak ulit...
"bakit mo ako sinaktan!?"
Pipiliin ko munang hindi mag salita.. alam kong yung gagong yun ang iniisip niya.
yayakapin ko lang siya..
para maramdaman niya, na ayos lang lahat..
"bakit bigla kang nawala!? Diba may pangarap tayo? Mag sasama ng matagal?"
niyakap ko siya ng mahigpit.
"bakit nung isang linggo kang nawala, pagbalik mo iniwanan mo ako? Bakit sa lahat ng babae yung bestfriend ko pa? bakit mo ako niloko?"
Nikki, andito ako.. hindi ko hahayaan na masaktan kapa, pangako.
"Bakit mo ako pinag palit? bakit mo ako iniwan?"
tapos humigpit yung yakap niya sakin.
"totoo bang hindi mo na ako mahal?"
tapos umiyak siya ng mas malakas..
mas mararamdaman mo yung sakit sa puso niya.
"mahal na mahal kita ee! alam mo ba yun Clarenz!?"
Niyakap ko siya ng mahigpit habang siya tuloy tuloy padin sa pag iyak.
"ang sakit sakit."
napahigpit siya sa pagkapit sakin.
"ang sakit sakit na"
"Nikki, pagkatapos nito mawawala na yung sakit... Di kana ulit iiyak, di kana ulit masasaktan"
Nikki's POV
Pagkatapos kong mailabas lahat ng sama ng loob at mag drama kay Phoenix, parang gumaan nga yung pakiramdam ko. I bet tama siya.. wait! kailangan ko pala mag pasalamat kay kabote :) asan kaya yun?
"oh my gosh!" -girl1
"bakit friend?" -girl2
andito nga pala ako sa library. Tumatambay. hehe. Dito kasi airconditioned yung room :P
"shhh! maintain silence please!"
ayan, ang ingay kasi ng dalawang mag kaibigan dito sa kabilang table.
"tara friend!" -g1
"bakit?" -g2
"nag text si besh, nasa open ground lahat ng campus prince!!!" -g1
"oh my gosh! tara na!!" -g2
haha. ang chismosa ko din noh? Yung librarian napatingin ng masama sakanila, tapos yung ibang estudyante napatingin sakanila..
"omg? Mga campus prince?" -extrang gir3
narinig kong bulong nung isang babae, tapos biglang nag sitayuan ang mga kababaihan.. haha. pati yung librarian napatayo. tapos lumabas sila at pumunta nadin sa open grounds.. hay.. so ang nangyare ang naiwan ako at ang mga lalake..
kru~ kru~ kru~
AWKWARD.
HAY!
BAT SILA NAKATINGIN SAKIN!?
MAGANDA AKO? matagal na noh..
awkward..
"ah.. hehe aalis nadin ako. "
shit naman, ang awkward pala pag puro lalaki kasama mo sa isang room. feeling mo anytime baka mawala at mag fall of bataan. hahaha! :P
kinuha ko na yung bag ko pagkatapos pupunta nadin dun sa open grounds.. hehe, sige na nga.. susulitin ko na ang pag kakataon na ito.. mag fifishing ako~ lalalalala~ hahaha.
*beep, vibrate vibrate
from: Janica, forever beshi :">
best, punta ka dito. Andito sila, dadating daw ang isang Campus prince..
intriga aketch, haha. Lance Tiu daw pangalan. Senior natin from engineering dept.
punta kana dito! alam ko hanap mo vitamins sa mata. dito ang dae!
malulunod na ako sa daming isda~ bwahahaha!
makapamingwit na nga.. hintayin kita dito aa! :)
mmuuaah! <3
sus! kaya naman pala~ hayst.. sino naman itong Campus Prince na Lance ang pangalan?
eeh ang pagkaalam ko apat lang sila? San galing yun isa? haha..
makapunta na nga dun, mamimingwit ako! :P
wow grabe aa. papalapit palang ako sa open grounds maririnig mo na mga tiliian ng mga babaeng ito. grabe lang ahh.. di kaya sila maputulan ng litid nan? :P
hahaha. ang mean ko. eeh grabe naman kasi makatili, parang mawawalan ng matress! haha.
hello naman grabe itooo!!!
ang daming taooo~ wah! ee pano ko nyan makikita yung best friend kong kanina pa nangingisda? tss. Mostly girls andito, yung iba bading.. haha. yung iba mga nakikigulo pa.
wow naman, pati yung iabng mga prof andito? eh? hahaha..
okay, singit singit~
"excuse me, excuse me, padaan!"
sisingit nalang ako dito. haha. makikiepal nadin sa crowd :P
okay, meet our Campus Prince
James Noto
Seph Padilla
Kean Garcia
at.. hays.. kasama nga pala siya.
Phoenix Gomez
pero hindi ko na talaga alm kung sino yang Lance Tiu na iyan.. tama ba? haha. mejo familiar yung name, may kilala din akong ganyan pero.. nah, imposibleng siya yun. +.+
"OH MY GOSH!! KYAAAA!! I LOVE YOU JAMES! ANG GWAPO MO!!"
"AKIN KA NALANG PAPA SEPH! ANG YUMMY MO! WAHHH! PAKASAL NA TAYOOO!"
"PAPA PHOENIX PA CHUPA!" -bading
EW!
hahahaha!
natatatawa talaga ako, hahahaha! lahat sila pinag papantasyahan ang mga campus prince na ito! haha. nakakatawa naman kasee.. hahaha.. okay kakabagin ako kakatawa. :D napatigil kaming lahat dun sa sinabi ng bading hahaha! eww~ kadiri to highest level! hahaha.. INDEFINITELY! lols~
tapos biglang lumakas yung hiyawan...
"OH MY GAHHHDD!!! LANCE TIU ANG GWAPO MO PADIN!!!"
"kyaaaa!! I LOVE YOU LANCE!!"
teka nga, ee sino banaman kasi yung Lance na iyon? feeling ko kilala ko ee. hehe, okay singit singit din.. makapunta nga sa harap.
"OH MY GOSH" O_O
ako na yan. haha... grabe, dumikit ata yung paa ko dito sa kinatatayuan ko..
NO WAY!
HINDI PWEDE TO!
teka parang iisa lang yun aa? haha
okay baliw na ako :P
EH HINDI NGA PWEDE EE!!
Si IKOY!!!?
SI IKOY SI LANCE!!!?
"welcome back pre!" -James
"oh pare kamust na!? long time no see aa!" -Seph
a-ano to? Siya? Si ikoy na childhood best friend ko na forever nasa childhood (BWAHAHAAHA!) ay isang Campus Prince!? ehhhh!? :O
"kamusta London?" -Kean
"ayos naman.. Maganda environment. Mejo stressing dun at nakakapagod pero super saya. Daming chix! haha"
"loko ka talaga pre. Hindi padin nag babago" -Phoenix
sabay akbay sakanya ni Kabote.
"oh tsong! kamusta? anung nangyayari sayo? Payat mo na aa? Kinakarma kanaba?"
tapos tumawa lang sila. I still Can't believe it. errr! tapos nag simulang umikot yung mata niya sa school at sa crowd.
"AKIN KA NALANG LANCE!"
shit! sumigaw tong katabi ko!?
tapos napatingin siya sakin.
oh no. Nikki, you're dead.
"Hani?"
napatigil ang lahat dun sa sinabi ni Lance na si Ikoy.
"han?"
shit. galaw galaw din kasi!!
eh! hindi nga ako makagalaw!!
kaasar! papalapit na sya! wah! epal kasi tong babaeng ito ee! may pasigaw sigaw pang nalalaman. sabi ko na nga ba makikita niya ako ee! >_<
"Hani! namiss kitaaaaa!" -Lance
tapos niyakap niya ako ng mahigpit. shit. ano naba ako? poste? :P
"HONEY!?"
sabi ng apat at nung mga crowd.. mga loko kayo, Hani yun! hindi Honey! baka iba ang maisip nila~
"ang ganda mo parin Han! namiss kita sobra! mmuuaahh!" :*
loko tong si Ikoy! halikan banaman ako sa pisngi!? tae. chismis to X<
"tara excited na ako umuwi sa bahay! namiss talaga kita Han!"
tapos inakbayan niya ako papalapit dun sa apat.
shemay! mas malapit na view sa mga nag
seseksihan, at nag gwagwapuhan na Campus prince!! kyaaaaaaa!~
OPS! tama na landi, may problema kapa~
ay oo nga. hehe.
"Guys, meet Nicole, si Hani ko" :D
"nice pre!" -Seph
"Hi Nicole" -James, Kean
"tss. Nikkitots" -Phoenix
Nag smile ako kayla Seph, James a Kean.. haha friendly nga ako diba?
lalo na sa gwapo! chos! haha.. tapos tinignan ko ng masama si Kabote.
tawagin banaman kasi akong 'Nikkitots'? eh ang pangit kaya~ >_<
pero yung istura ni Phoenix mukhang badtrip na ewan?
"tara Han uwi na tayo" ;)
tapos ako di makapalag dito.. urgh! gusto ko ng magwala! chochombagin talaga kita Ikoy kung wala lang ibang tao dito at nanunuod!! >_<
Pag dating sa bahay....
"Oi Han! isara mo yung pinto pag bumababa ng kotse!"
ewan ko sayo~ bad trip ako! tsk.
*BLAG!*
"oi, ingat naman sa pag sara! tsk."
tapos lumabas nadin siya ng kotse niya at sumunod sakin sa loob ng bahay.
"Kuya Ikoy!"
sabi ni Cindy tapos yumakap kay Ikoy.
"Hi ate! muah!"
lumapit lang itong si kulit para ikiss ako, tapos bumalik dun kay Ikoy. Namiss niya rin siguro...
"Kuya~ alam mo po, nung umalis ka naging masungit si ate! pero tapos nun bigla siyang nag ka boypren!"
"wala akong boyfriend" -___-
"AY! break na nga pala kayo" :P
tinignan ko si Cindy ng 'ano-bang- sinasabi-mo-jan' look. tapos biglang lumabas si Mama mula sa kusina.
"oh, Ikoy. welcome back! dapat nag pasabi ka para nag handa man lang ako!" -mama
tapos nag mano ako kay mama at ganun din si Ikoy.
"kamusta? wow. anlaki ng pinag bago mo ah! gwapong gwapo na!" - mama
"salamat po tita" ^___^v -Ikoy
"oh, anung problema naman nito ni Nikki? mag kasalubong kilay?" -mama
"ewan ko nga rin po tita ee. hehe" -Ikoy
"osya, dito kna magpalipas ng gabi. namiss ka lang nyan" :) -mama
"MA!?" - ako
"Sige po tita!" :D -Ikoy
"sa kwarto kana din nya matulog" ;) -mama
"WHAT!?" -ako
"hehe. sige po, wala pong problema sakin yun!" :D -Ikoy
"NO MA! AYAW KO!!!" -ako
tapos pumunta sila sa kitchen. wow. great huh. di nila ako pinapansin :(
sayang beauty ko! chos! haha. tss. Mama kasi ee. kung anu ano din pumapasok sa isip! haha. jan ako mana :P eeh nakakainis, biglang bumabalik.. tampo padin ako sakanya! di kami bati! bwahahaaha! :P
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
3:00am Apr 20 '12
hahaha! yow guys!
napansin niyo ba mejo bipolar ang ating bida ngayon? :P
hahaha! biglang may bagong Character dito ee nu?
abangan niyo nalang ang papel niya dito! hahaha! xD
hahaha. tae kakabagin nga ako. puro tawa na ako ee.
sorry aa, mejo tinotopak si Author :P
nag basa muna kasi ako nung
For Hire: A Damn Good Kisser2: Good Girl Gone Bad
ni ate Eydee.. :)
tsk.. eh, nakakainis kasi yung skinny bitch dun! haha
okay, affected much? hahaha :P
well anyway, ang haba po nitong Chapter na ito~
thanks po sa mga reader's na sumusubaybay!
please read, vote and comment :)
para mas masaya!
feel free to everyone!
<3AE