Her Eyes #Wattys2018 Winner

Door deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... Meer

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 13

5.4K 160 32
Door deitoy







[Reed]

Parang ang bigat-bigat ng mga mata ko. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Gusto ko umupo pero kahit na nakapikit lang ako ay para bang hilong-hilo ako at mukhang hindi ko na magagawa pang bumangon.

"Hindi nga siya makakain kasi lahat eh iniluluwa lang din niya," dinig kong mahinang sabi ni Mama. Nakaramdam naman ako ng mainit na palad na tila baga dumampi sa noo ko. Ang pagiging mainit noon ay para bang nagbigay ng kaunting ginhawa sa akin.

"Ayaw naman niyang magpadala sa ospital dahil okay lang naman daw siya." Pagtuloy ni Mama, mababakas ang pag-alala sa kanyang boses. "Tss.. Pasaway talaga." Tila nagising ang diwa ko sa boses na narinig ko. Gusto kong dumilat pero ubod ng bigat ng mga talukap ng mata ko.

"Siguro over fatigue ang nangyari sa kanya at baka dahil sa ulan tuluyan na bumagsak yung katawan niya."

"Apaka tigas kasi ng ulo mo." Nakaramdam ako ng mahinang pitik sa noo ko at mahinang tawa mula sa kanya.

"Maiwan muna kita." Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa kwarto ko. Nung sinubukan kong dumilat ay napapikit naman ako dahil sa liwanag na mula sa ilaw ng kwarto ko. Mukhang gabi na.

Nakarinig ako ng mahinang buntong hininga mula sa tabi ko. "Ano, hindi pa nakakamove on nanay mo, ngayon naman pinag-aalala mo na." kahit pa nahihirapan ako dumilat ay pinilit ko ipilig ang ulo ko sa banda niya.

Makikita sa mata niya ang lungkot pero agad din niyang nabawi yon nang makita niyang nakatitig din ako sa mata niya. Nakita ko ang pag-kurba ng sulok ng kanyang labi. "Ang putla mo." Hindi ako makapagsalita dahil para  bang tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.

Yung pagkahilong nararamdaman ko ay para bang nadagdagan pa nung idinilat ko ang mga mata ko. "Here, uminom ka muna ng tubig. Nalaman ko hindi ka makakain, atleast try not to be dehydrated." Iniabot niya sa akin ang baso ng tubig tsaka ako inalalayang inumin yon.

Tumikhim ako kaya naman natuon sa akin ang paningin niya. "Bakit andito ka?" Paos kong tanong. Sa bawat pagpilit kong magbitiw ng mga salita ay para bang kinakaskas ng liha ang lalamunan ko. "Pasaway ka talaga no?" napapangising sita niya sa akin. "Tigilan mo ang pagsasalita mo, wala ka na ngang boses yung pagiging madaldal mo pa inaatupag mo."

Bakit ganito ka? Bakit hindi mo na lang ako layuan?

Inilapat niya ang kamay niya sa aking noo. "Mataas pa rin ang lagnat mo, pasaway kasi. Tsk." Pagtalak niya.  Kahit pa masama ang pakiradam ko ay nakuha ko siyang ismaran kaya narinig ko ang mahina niyang halakhak. "Ayos ka na ata at nakuha mo pa akong ismaran." Tumayo siya pero para bang may sariling isip ang mga kamay ko at hinawakan ko ang kamay niya dahilan para matigilan siya.

Lumandas ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Dito ka lang," mahina kong bulong ngunit sapat na iyon para marinig niya. Hindi ko alam ngunit sa pandinig ko ay para bang nagsusumamo ako na sana ay wag siyang umalis sa tabi ko.

Tikom ang bibig niya at nakatitig lamang sa akin ang mga mata niya na para bang hinahalungkat nito ang nasa isip ko.

'Please, Ryoichi. Stay this time.'

Tahimik kong usal, nagbabaka sakaling mabasa niya iyon sa mga mata ko. Hindi ko alam, para bang oras na lumabas siya sa kwarto ko ay maaaring hindi ko na siya muli pang makita.

Narinig ko ang mahina niyang buntong hininga at saka siya umupo sa upuang katabi ng kama ko. Tila naman tumalon sa tuwa ang puso ko sa ginawa niyang 'yon at nanatili ang mga titig ko sa kanyang mga mata.

Hindi ko na napigilan pa ang mapangiti. "Salamat," garargal man ang boses ko ay pinilit ko pa ring sabihin yon. Hindi ko mapigilan mag isip ng ibang bagay habang nakatingin ako sa mga mata niya.

Kung bakit nakadarama ako ng kaligtasan pag nakikita ko siya ay hindi ko rin maipaliwanag. Iba pa rin ang comfort na nadarama ko pag-nakikita ko ang mga matang yon. Para bagang sinasabi noon na hindi ko kailangan mag-alala.

Umupo siya ulit sa upuan sa tabi ng kama ko at bumuntong hininga. Ipinatong niya ang kamay niya sa aking noo at ang hinlalaki niya ay tila hinahaplos ang aking sentido pataas. Unti-unti noong pinapawi ang pagod at bigat ng pakiramdam na nadarama ko.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at nagpa-agos sa lamyos ng haplos na iyon sa sentido ko.

Tanging tunog ng makinarya ang naririnig ko. Pilit ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Para bang oras na idilat ko ang mata ko ay may mga mukha nang demonyong sasalubong sa akin.

Pilit kong iginalaw ang kamay ko pero para bang hindi ko ito mabuhat, may pumipigil dito. Nagpumiglas din ako gamit ang mga binti ko pero parang may nakatali roon. Masyadong mahigpit na pakiramdam ko ay pinipigilan nito ang pag-hinga ko.

"Tulong! Tulong!" pilit kong pagtawag pero tila walang nakakarinig sa akin.

Sinubukan kong muling magpumiglas pero tila lalong humihigpit ang kung ano mang nakapulupot sa akin.

Napapahiyaw na lamang ako sa sakit at halos malagot ang hininga ko sa higpit ng gapos na iyon. Nasaan nga ba ako? Bakit hindi ko maimulat ang mga mata ko?

"Reed!" isang pamilyar na sigaw ang narinig ko pero unti-unti rin itong nawawala hanggang sa purong katahimikan at kadiliman na lamang ang aking kapaligiran.

Pawis na pawis ako nang idilat ko ang mga mata ko kasabay ng malalalim kong paghinga. Tumingin ako sa paligid at nakita kong tirik na ang araw.

"Oh, gising ka na pala." Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Mama kaya napatingin ako sa kanya. May dala siyang mangkok at mga hiwa-hiwang prutas. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Sinipat ko naman ang sarili ko at pinakiramdaman ang katawan ko. "Siguro, hindi na ako nahihilo eh." Ngumiti naman si Mama at ipinatong sa mesang katabi ng kama ko ang mga pagkain. "Kumain ka muna," nakangiti niyang sabi.

Naalala ko nanaman ang nakita ko nung nakaraang araw sa lifespan niya. Wala na yung kulay abo sa isang bahagi ng lifespan niya.

Siguro nga ay namamalikmata lang ako. Kumain na lamang ako ng sopas at tila naman naginhawahan ang lalamunan at nainitan ang tiyan ko. Nang mapangalahati ko 'yon ay pumulot ako ng isang strawberry na hiwa sa gitna at sinubo iyon.

Tinignan ko si Mama na nakangiting nakatingin sa akin. "Ayan, maayos na ang itsura mo, atleast bumalik na ang kulay mo diba?" nakangiting tanong ni Mama kaya tumango na lamang ako.

"O, s'ya iiwan muna kita, magpunas ka muna at magpalit ng damit." Tumango ako kay Mama at dinala na niya ang pinagkainan ko, tumayo ako at pumasok sa banyo ng kwarto ko.

Nagsepilyo muna ako at kumuha ng bimpo sa cabinet at binasa iyon ng maligamgam na tubig.

Nang mapunasan ko ang mukha ko ay humarap ako sa salamin. "Kailan ko makikita gamit ang mga mata ko ang tago mong sikreto?" tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin at kita ko sa mga mata ko ang tila malalim na sikretong nakatago roon.

[Ryoichi]

Her angelic face tainted with pain because of fever, her face is paler than usual.

"Tss.. Pasaway ka kasi masyado," bulong ko habang sapo ko ang noo niya. Hindi na kasing taas ang lagnat niya katulad nung tinawagan ako ng Mommy niya.

Her mom almost cried when she called me that Reed can't even eat nor drink. Bakas ang kaba sa boses ng Mommy niya habang gumagaralgal ito.

I heaved a sigh.

Hindi ko pa nararanasan ang pagmamahal ng isang ina. My Mom never looked at me the way he looked at Ryosuke.

Ryosuke had always been the apple of her eyes. For her Ryosuke is a perfect son. Ryosuke is this and that. She keeps on comparing me with Ryosuke and all I have to do is to accept the fact that I am a monster on her eyes.

Nagvibrate ang phone ko. Speak of the devil.

"Moshi-moshi?" I keep my voice icy cold. (Hello?)

"Ne, otouto, where are you?" he asked. I gritted my teeth. (Hey, lil bro)

"Why do you care?" narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Nah, nevermind." The line ends with that. Tinignan ko pa ang screen ng cellphone ko.

Muli kong ibinalik ang paningin kay Reed. Mahimbing na ang tulog niya. Tumayo ako at inayos ang kumot niya tsaka bumaba sa bahay nila.

"Mrs. Tyler, mauna na po ako," magalang na paalam ko sa Mommy ni Reed. Umiling lang ito at nginitian ako.

"Salamat sa iyo, Ryoichi." Nakangiting sabi niya. Inihatid niya ako hanggang sa palabas. "Mag-iingat ka, iho." Tumango lang ako at umangkas na sa motor ko tsaka isinuot ang helmet.

Noon ko lang ininda ang tila kirot sa dibdib ko. "Tsk."

Halos kumuyumos na ang buong kamay ko na yon lang ang maaring maging paraan ko para maibsan kahit papaano ang sakit noon. Nangingilid man ang mga luha dahil sa sakit ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon nang bahagya itong humupa.

Mabilis lang ang naging pagbyahe ko pauwi. Nang makababa ako sa parking ay napansin ko ang bagong sasakyang nakatabi sa Audi SUV na lagi naming gamit ni Kuya Dino. Tumabingi ang ulo ko at sinuri yon.

It's a blue Chevrolet Cruze. Nagulat ako nang may lumapit doon. She seems familiar.

"Oh! Ayan ka na pala, Ryoichi." Napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Kuya Dino. Tumango lang ako. "Who is she?" I asked. Tinignan ni Kuya ang tinutukay ko. "Ah, si Amari ba? Siya yung bagong lipat sa tapat ng unit mo."

"Tss, sa lahat ng magiging kapit bahay, babae pa." singhal ko. Tinignan ko si Amari and hindi maitatangging maganda siya. Matangkad siya for a girl, she wears a black dress and a choker at knee high boots. She looks like a Lolita.

Her eyes has a heavy make up of black pero lalo noong nadepina ang malalaki niyang mga mata. Sinuri ng mga mata ko si Amari but I can't remember where I saw here.

Naglakad na lang ako papunta sa elevator at sumunod si Kuya Dino, nang pasara na ang elevator ay nahagip ng mata kong tumingin pa si Amari sa banda ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang nakita ko. Ipinilig ko ang ulo at umiling na lang.

Pero bumalik muli sa isip ko ang nakita ko nang magtama ang mga mata namin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi na iyon inisip.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1K 187 29
SEQUEL OF THE NOVEL 'INOCENCIA' (FROM THE 'ONE WORLD EMPIRE' SERIES) Nahanap ni Ino ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na katauhan at kung pa...
7.3M 372K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
2.7M 135K 94
SEASON 2: |COMPLETED| When things gone wrong in Pandora.... August was left with no choice.... Heartbreak.... Lies.... Her death was the key to send...
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)