Taming the Mafia Boss

Autorstwa abbigeyll

660K 14.1K 745

UNDER REVISION 7/7/23 WAG BASAHIN ANG KUKULET HAHAHAHAHA Elicia is dead. At binigyan siya ng isang misyon na... Więcej

Taming the Mafia Boss
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE

Chapter 41

6K 122 8
Autorstwa abbigeyll

"Huwag na huwag ka ng lalapit sa lalaking 'yon." Iyan ang unang tumambad sa'kin ng magising ako.

Ang nanay ko na mayroong naglalaking perlas na palamuti sa katawan. Mayroon itong itim na gloves sa kamay at maliit na sumbrero sa ulo. Halata din sa pula na damit nito ang karangyaan niya. Kahit may edad na ito ay mapapansin mo ang ganda niya--pero puno ng awtoridad.

Agad kumunot ang aking noo. Sinong lalaki? Mayroon akong ideya pero hangga't maari ay pinagsasawalang-bahala ko 'yon.

"Mom." Saway ni Kuya. Ang sama ng tingin sa'kin ni Mommy at kung wala lang ako sa ospital ay siguradong raratratin ako nito.

"I'm trying to keep my cool, Lymir. But your sister is so stubborn!" Inis na wika ng aking ina. Napakagat ako ng labi ng tumulo ang luha nito. "Lumiere, do you really wanna die?"

"Mom!" Saway nila Kuya.

"Ma. .." Iyon lang ang nasabi ko. Ilang beses na akong napunta sa ospital na 'to kaya't naiinitindihan ko kung bakit siya nagkakaganito.

"Tell me, nagkamali ba ako ng pagpapalaki sayo kaya hindi ka na nakikinig sakin?"

Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya 'yon. "Ma! Hindi ganon 'yon!"

"Then what? How many times did I warned you from that boy? Huh? Lumiere? Bakit hindi ka na nakikinig?" Sunod-sunod na tanong nito. Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba gustong-gusto nila na lumayo ako sakanya?

Is it Marcus? Or should I call him Andrei?

"Ilang beses ba kita aalahanan na ilang beses ka ng muntik mamatay dahil sakanya! I almost lost you, Lumiere! Tapos ngayon, ito na naman?"

"Ma. ..Mahal ko po siya--"

"No! You and Greg, are going to marry each other!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ma. .." Umiling-iling ako.

"You don't want him? At sino ang gusto mo, anak? Iyong lalaki na 'yon? Is it Andrei Goncielo? Na laging nagpapahamak sayo? Na laging nilalagay sa alanganin 'yang buhay mo?"

I cried. "Ma, hindi niya kasalanan! Siya pa nga ang nagligtas sakin--"

"Iniligtas ka niya kasi siya ang naglagay sayo sa ganoong sitwasyon!"

"Kaya niya ako niligtas kasi mahal niya ako! Ma!" Sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero tinabig niya lang ako.

Kahit wala akong natatandaan na sinabing mahal ako ni Marcus, parang awtomatiko itong lumabas sa bibig ko.

"Mahal? Diba pag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya ilalagay sa alanganin? Ha, anak? Ikamamatay mo ang pagmamahal niya!"

"Ma. ..Siya 'yong mahal ko. Ayoko magpakasal kay Greg! Bata pa ako!"

Agad akong sinampal ni Mommy. Natigilan kaming lahat dahil sa ginawa nito.

"Don't you even dare tell me that kind of reason! Bata? Kahit ang totoo mong rason ay dahil sa Goncielo na 'yan!"

"Ma. .." Hinawakan ni Kuya Lymir ang balikat ni Mommy. Samantalang ako ay napahagulgol na lang dahil sa sakit na nararamdaman.

Ayaw ni Mommy kay Marcus.

Medyo napangiwi ako ng may mga litratong pumasok saking isipan. Isang lalaki. ..at ako 'yong babae. Si Mommy! Pinaghihiwalay niya kami! Tinatawag niyang Andrei ang lalaki. ..

Si Marcus at Andrei. Iisa lang.

At ngayon ko lang napagtanto na parang. ..umuulit ang nangyari sakin. Samin.

"Your mother is right, Lumiere. That boy is no good for you." Wik a ni Daddy. "Paano pag nakarating 'to sa Lola mo? This will be a big mess. A shame. Ang alam lang niya, na-aksidente ka. Next time, don't be too stubborn. Sundin mo kami dahil alam namin ang mas makakabuti para sayo." Inayos ni Dad ang tie niya bago ako talikuran.

"Just. ..I'll set a wedding. Pronto! Para hindi na makalapit sayo ang lalaking iyon!"

"Ma. ..Ayoko. ..Ayoko!"

"Pagkatapos ng kasal, uuwi ka sa bansa natin. Doon kayo mamumuhay ni Greg--"

"Ayoko! Ayoko! Ma! Ayoko! Hindi niyo ba makuha ang salitang 'yon? I don't want it!" I cried at tinignan si Kuya, trying to plea na pigilan niya si Mama sa pamamagitan ng tingin.

Agad itong tumingin sa'kin at umiling. He look sorry. Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa ginawa niya. Wala na akong kakampi. Wala na akong katulong. ..

Tumaas ang kilay nito bago pinunasan ang luha niya gamit ng kanyang puting panyo. "Iyan ang nakuha mo kakasama sa Mafia boss? Indeed, a bad inlfluence."

"Hindi n-niyo siya kilala, Ma. .." Napayuko ako. Napapagod na ako. Gusto ko siyang makita. Gusto ko ng matulog.

"Anak, ayusin mo na dapat ang ayusin sa papeles ng anak natin. I'm going." Utos nito sa Kuya ko.

"Ma! Ayoko! Ayokong magpakasal!"

"And I'm not gonna let you to have that Mafia boss." She said then put her aviators sunglasses before leaving my room.

"K-Kuya. ..Please. Don't." Wika ko sakanya. Kumunot lang ang noo nito bago nag-iwas ng tingin sa'kin.

"Sorry baby. Pero tama sila Dad at Mom. That man will be the reason why you're going to die. I don't want that to happened. Hmm?" Aniya bago lumabas ng kwarto.

Napaiyak ako sa sinabi niya. Talaga ba? Talaga bang masama siyang magmahal? Kasi iyon ang pinaparating nila sakin. Like his love for me was too toxic.

Bakit ganon? Nakakapagod. Napapagod ako dahil sa sakit na idinudulot ng ginagawa nila, para mapaglayo kami. Pero nakakatakot isipin na wala manlang isipin na si Marcus. ..di ko siya makikita. ..

Hindi na kami pwede.

Parang may pumiga sa puso ko ng maisip 'yon. Ayoko!

Kahit gusto kong tumayo ay hindi ko magawa. Kailangan kong makaalis dito, pero hindi sa ngayon! Kailangan ko makita si Kaila, Kian! Verix at Krish, Rama at Avy. ..

"Avy." Lalong tumulo ang aking luha. Kung nailigtas nila ako. .. Alam nilang may ginawa si Avy. May kinalaman siya. ..

Sana walang nangyaring masama sakanya. Please, please! Tama. Hindi siguro siya paparusahan ni Marcus. ..She's his sister. Family. Hindi nila sasaktan ang isa't-isa.

Pero pinatay ni Marcus ang tatay niya para sakin. ..

Agad akong umiling sa naisip kong 'yon. Pilit kong isiniksik sa'king utak na walang nangyaring masama kay Avy.

Kailangan ko 'rin siyang makausap.

Alam kong kaya't hindi bumibisita sila Marcus dahil kay Mom. Sigurado ako 'don. Pero kailangan ko gumawa ng paraan para magkita kami!

Nang makaisip ako ng ideya ay agad ko 'yong isinagawa. Nanghiram ako ng telepono sa nurse na nagche-check sakin. Mabuti na lang at pumayag siya.

Agad akong nag-dial ng numero. Sige na, please.

"Sino 'to?" Walang buhay ang boses nito pero halos magtatatalon ako sa tuwa.

"Krish!"

"L-Lumi. ..?! Gising ka na?" Agad kong tinignan ang nurse. Paalis na siya kaya't kailangan ko magmadali.

"Please! Dalawin niyo naman ako dito bukas! Kung free kayo during lunch, please? Isang oras lang!" Agad kong binaba ang tawag. Nagpasalamat ako sa nurse bago ito umalis.

Sana na-gets ni Krish ang sinabi ko. Tuwing 12 noon ay walang nagbabantay sakin dahil kumakain sila non at shifting ng guards. Meron lang kaming isang oras para mag-usap.

Agad dumating ang bukas at ang oras ng pagkikita namin. Lumaki ang ngiti ko ng may kumatok sa kwarto bago pumasok. Naroon si Krish.

"Pasok. ..kayo?" Napangiwi ako ng tatlo lang silang nagpunta para sakin. Nasaan sila?

Nasaan si Marcus? Rama at Avy? What about Kian? May nangyari bang masama sakanila noong iniligtas nila ako?

Ayaw ba nila ako makita dahil masyado ako naging pabigat?

"Sorry." Iling ni Krish. Mukhang nabasa niya 'ata ang mga iniisip ko. "Wala sila. .."

Bahagya akong tumango. "Okay lang 'yon. ..M-May next time pa naman. .." Doon na ako nakaramdam ng takot. Si Avy? Si Marcus?

"Hindi puwedeng makalapit sayo si Andrei. Restraing order." Maikling paliwanag ni Verix. I bit my lip. Nakaramdam na ako ng kaba.

Mugto ang mata ng dalawang babae habang si Verix nama'y tila naiinis habang nakatingin sakin. They are now cold. Iyong tingin nila. ..Ibang-iba na. Parang sinasabi nilang napapagod na sila dahil sakin.

"Bakit mo kami pinapunta dito?" Tanong ni Kaila na ikinagulat ko. I just want to see them! Pero mukhang salungat ang nararamdaman niya para sakin base sa tono nito.

Agad akong umiling. Kailangan kong tantanan ang sarili ko kakaisip ng hindi maganda. Kailangan hindi ako magpadala sa takot na nararamdaman ko ngayon.

Pakiramdam ko, maraming mawawala.

Argh. Marahan akong ngumiti.

"Gusto ko lang magpasalamat sainyo. Salamat. Pasensya na kung napahamak kayo dahil sakin." Paghingi ko ng tawad sakanila. Nanatiling walang emosyon ang kanilang mga mukha habang nakatayo sila sa harap ko.

"Kailangan namin gawin 'yon. .." Wala sa sariling wika ni Verix.

Napangiti ako. "P-Pwede niyo ba akong tulungan? Ikakasal k-kasi ako kay G-Greg. .."

"Congrats!" Nagulat ako sa malakas na pagbati ni Krish. Namumula ang mata nito at may ngising pilit.

Nabawi ang ngiti ko. "K-Krish. .. Ayoko magpa-kasal sakanya. .."

"At?" Kaila hissed. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Base sa tono niya, wala siyang balak tulungan ako! Maski ang dalawa niyang kasama ay ganoon rin!

"Alam niyo naman. ..Kay Marcus." Kahit malabo pa ang alaala ko patungkol sakanya, sigurado akong nagmamahalan kami sa mga alaalang iyon.

Hinawakan ni Krish ang kamay ko at nagulat ako ng umiyak siya. Umiiling ito habang nakatingin sakin. Dumagundong ang puso ko dahil sa kaba. Gumulo ang aking sistema dahil sa takot!

"Tama na. .Lumiere." Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit na natatakot ako ay hindi ko maiwasan na tumawa.

"Bakit? Bakit ngayon pa titigil, Krish? Ang layo na nang narating namin."

"At klarong walang patutunguhan ang destinasyon niyong dalawa." Napalingon ako kay Verix dahil sa komento nito.

"Napapagod na ba kayo? Pasensya na. I know I'm quite selfish na tinawagan ko kayo para tulungan lang ako. Pwede niyo namang sabihin na napapagod na kayo sa'min. Kaya ko naman mag-isa." Hindi kung ano-anong pangaral ang sinasabi niyo sakin!

"Tama na! Kayong dalawa, hindi ba kayo napapagod?!" Nagulat ako sa biglaang sigaw ni Kaila. Bakit? Bakit nila ginagawa 'to?!

"Kailan ba nakakapagod ang magmahal!?" Singhal ko dito. Umiling lang si Kaila sakin.

Bakit? Bakit ganito ang nangyari sa pag-uusap namin? Akala ko matutulungan nila ako! Pero hindi! Pinipilit nila akong layuan si Marcus. ..

Pagak akong tumawa ng manahimik sila. "If you three will not going to help me, It's okay. Just don't order me around to stay away from him! And now, If you'll excuse me. I'm going to have my rest."

"He killed her sister just for you." Agad akong natigilan sa sinabi ni Kaila. "He just lost his alliance with Mendez 'coz we're telling him some rude facts about you."

Kumunot ang noo ko. "Ano 'bang sinasabi niyo?"

"She just killed Avy!" Sigaw ni Krish na parang kasalanan ko iyon. ..

Avy. ..was killed by Marcus?

"Kasi nga, siya ang traydor! Siya ang nagpahamak sayo! Siya na kahit kadugo niya ay pinatay niya ulit, para sayo!" Singhal ni Krish. "You're my best friend, Lumiere! Think! Makakasama sainyong dalawa ang ginagawa niyo! He's love we're too venomous for you! And you are a poison for him!"

Patay na si Avy? "S-She can't kill Avy. ..! Kapatid niya yon! She's his little sister that wanted to be notice!" Doon na mistulang gripo na tumulo ang luha ko.

Ramdam ko ang sakit para kay Avy. Pinatay siya? Dahil sakin? Dahil sakin?!

"B-Bakit. .." Tila humalo sa hangin ang tanong kong iyon.

"He pointed me his gun because I'm telling him na makakasama ka para sakanya." Wika ni Kaila.

"Sorry, Lumiere. Naging kaibigan kita, but we just lost our great alliance just because of you." Komento ni Verix.

Tila punyal na ilang beses isinaksak saking dibdib ang sinasabi nila. Paulit-ulit na itinatarak at sa sobrang sakit ay gusto ko na lang maglaho.

"Hindi namin 'to sinasabi dahil ayaw namin sayo. Pero ikamamatay niyong dalawa ang pag-ibig niyo."

"I am. ..willing to die." Garalgal ang tinig ko pero sapat na iyon para marinig nilang tatlo.

Alam 'kong para sa ikakabuti namin 'tong dalawa. Pero bakit? Bakit ang sama-sama nila ngayon para sa pangin ko?

"Look. Marry Greg then live happily ever after with him. Kasi kung magiging kayo ni Andrei, you'll kill him. Mawawala sakanya lahat. Pero ikaw, pag umalis ka sa pilig niya ay magiging masaya kayo. Siya ay tanyag na mafia boss at ikaw ay masayang prinsesa na namumuhay kasama ang kanyang knight in shining armor." Sarkastikong sambit ni Verix.

Agad akong umiling. Marami silang sinasabi na ayaw tanggapin ng sistema ko.

"Hindi pwedeng sumama ang prinsesa sa dragon. Palaging tutugisin ng pamilya ng prinsesa ang dragong iyon at maaring durugin ang palasyo na itinatag niya--hanggang sa siya ang patayin." Kwento ni Verix. Bahagya akong natigilan sa kwento niya.

Tama siya. Pag sumama ako kay Marcus, hindi ako tatantanan ng lahat upang mahanap. ..at maaring mapahamak si Marcus dahil don.

Pero mahal ko siya.

Pero sapat nga ba ang pagmamahal namin para protektahan kaming dalawa?

"He killed his own father, sister and lost his alliance just for you. Pag sumama ka sakanya, maaring marami ang mawala sakanya. Pag nangyari yon, he won't have his people to protect him. At mahuhuli siya ng pulis dahil 'don! Tell me, Miss Lumiere. Maganda ba ang kalalabasan ng pag-ibig niyo?!" Singhal sakin ni Verix. "We just lost Avy! At parang nawala na rin si Rama! Pati ako, nararamdaman kong malapit na  mawala ang aking respeto kay Andrei! Mag-isip ka. Diba Prinsesa ka? Hindi ba, hindi lang ang sariling kapakanan niyo ang iniisip mo? Dapat para sa mas nakakarami. Mag-isip ka."

Agad siyang lumapit sakin. Madilim ang mukha nito at masama ang titig. Pero hindi ako nakaramdam ng takot dahil sa pamamanhid ng kalamnan ko.

Pamamanhid dahil sa sakit nang sinasabi nila. Dahil sa sakit na nangyari kay Avy at Rama. Sakit na dahil marami palang naaapektuhan kung ipagpapatuloy pa namin ang aming pagmamahalan.

Inabot niya ang isang maliit na card sakin. "Call him. It's up to you if you're gonna ruin yourself and kill him. Or have your own lives without each other." Tinalikuran ako nito at tuluyang umalis.

"You're a poison for him. Pinapatay siya ng sarili niyang pagmamahal para sayo at wala siyang pakialam kung masaktan niya ang lahat. And he's a venomous for you; siya ang dahilan kung bakit ka nalalason, at the same time siya lang rin ang makakapagpagamot sayo." Wika ni Krish. "Sana maisip mo 'yong sinabi namin."

Si Kaila at Krish ay parehong umiiyak. Krish mouthed her sorry before pulling themselves out of my room.

Tinignan ko ang calling card nito. Napangisi ako ng maalala kung gaano kami kasaya noong siya lang si Marcus at hindi si Andrei. Kahit kaunti ang alaalang iyon, tila sobra na iyon sakin dahil marami pa akong hindi naalala tungkol sakanya.

Pero nakakakungkot. Hanggang dito na lang ba talaga?

Marcus, tama pa ba tayo?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

17.6K 297 52
Surrender is not in our dictionary
20.9M 765K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.6M 35.1K 57
Nang dahil sa maling natahak ko na daan patungong photo shoot kuno na yan nakilala ko si "KHEN ASHFORD" the HEARTLESS MERCILESS and RUTHLESS "MAFIA...
63.4K 2.8K 26
(ctto of the photo) Trust is the foundation of love, but what will happen when someone broke your trust. All I did is to love you, all I want is to...