Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Twenty

2.9K 66 4
By krizemman

EUL CYRUS POV

Nagising ako ng maramdaman kong wala na akong katabi sa higaan. Kaya pinili ko ng bumangon na agad para hanapin si Shamy kung nasaan.

Kumatok ako sa pinto ng banyo ngunit walang nasagot, kaya nagpasya na akong buksan ito.

Ngunit wala siya sa loob nun ng pagbukas ko.

'Nasaan ka Shamy?' Tanong sa isip ko. Pero wala naman akong pangambang nararamdaman, dahil alam kong walang mangyayaring masama sa kanya.

Lumabas na ako ng silid. Para hanapin siya.

"Shamy!" Tawag ko ng malakas sa kanyang pangalan.

Pero wala pa din siya.

Hinanap ko siya sa buong kabahayan. Ganun din sa labas ng lumabas ako ng bahay, wala din siya.

Nagpunta na din ako sa ilog na nasa likod nun ngunit hindi ko siya nakita doon.

Sa pagkakataong ito, nakaramdam na ako ng takot para sa kalagayan niya. Masyadong magubat ang nakapaligid sa lugar na ito. Kaya natatakot ako na kung ano na lang mangyaring masama sa kanya.

"Shamy!" Muling sigaw ko sa pangalan niya. Pero walang pa din nasagot. Mas lalong bumilis tibok ng puso ko sa kaba.

'Nasaan ka na ba?' Nag aalalang usal ko sa sarili ko. Paano na lang kung may nangyari ng masama sa kanya. Maisip ko pa lang yun, bumubilis na tibok ng puso ko sa takot.

Nagpunta ako sa hardin na madalas namin puntahan dalawa.

"Shamy." Mahinang tawag ko sa pangalan niya ng makita ko siyang nakatalikod na nakaupo at tila namimitas ng mga bulaklak na nakapaligid sa kanya.

Nawala lahat ng takot ko na nararamdaman ko kanina.

Marahan akong lumapit mula sa likuran niya at niyakap ng mahigpit.

"Ahhh." Mahinang sigaw niya, marahil ay nagulat ko siya sa ginawa kong pag yakap "Ikaw pala aking mahal, akala ko kung sino na." Nakangiti niyang saad sakin.

"Bakit may iba pa bang yayakap sayo, bukod sa akin? Ano bang ginagawa mo dito at ang aga pa wala ka na sa tabi ko?" Malambing na tanong ko habang nakayakap pa din sa kanya mula sa likuran. "Alam mo bang nag alala ako, dahil pag gising ko wala yung pinakamamahal ko sa tabi ko."

Ngumiti naman siya, bakas sa mukha niya na kinilig siya sa iniusal ko.

"Pasensiya na kung pinagalala kita. Hindi na kasi kita ginising. Mukhang napagod ka kagabi." Makahulugang saad niya sa'kin.

Ngumiti naman ako ng makahulugan sa kanya.

"Sa susunod ayokong gumising ng wala ka sa tabi ko. Ano bang gagagwin mo dyan sa mga bulaklak?" Tanong ko makita kong napakarami niyang pinipitas.

"Ilalagay ko sa buong kabahayan. Para mag mukhang paraiso natin ang buong bahay." Shamy

Napangiti ako sa sinabi niyang 'yun. "Kahit saan lugar tayo nandoon, isa ng paraiso para sa akin basta ikaw ang kasama ko. Mahal na mahal kita Shamy." Mahinang bulong ko sa tenga niya.

Masaya ako dahil sa wakas nakilala ko na ang babaeng makakasama ko sa habang buhay.

Saglit siyang lumayo sakin para ituloy ang ginagawa niyang pamimitas ng mga bulaklak. Nang may mapansin akong maliliit na sugat sa kamay niya.

"Shamy ano yan?" Turo ko sa kamay niya na may maliliit na sugat.

"Ahh ito, wala to. Natinik lang ako sa mga rosas na pinitas ko kanina." Nakangiti niyang usal sakin.

Pinapanood ko lang siyang mamitas ng mga makukulay at iba't ibang uri ng mga bulaklak na nandoon sa hardin.

"Tayo na Eul, ilalagay ko pa ito sa mga bulaklak sa plorera." Tumayo na siya at nauna ng naglakad.

Habang nasa likod ako, pinagmasdan ko siyang maigi. Ang maputi niyang balat at ang mahabang kulot niyang buhok.

'Mahal na mahal kita Shamy.'

Binilisan ko na ang paglalakad para sabayan siya. Hinwakan ko ang isang kamay niya at sabay na kaming naglakad pabalik ng bahay.

Ngayon sigurado na akong mahal ko na talaga siya. Dahil tuwing kasama ko siya sa bawat araw, lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Eul iaayos ko lang itong mga bulaklak." Paalam nia sakiin.

Tumango naman ako bilang tugon.

Naiwan akong mag isa ngayon  dito sa sala ng bahay. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng short ko. 'Bakit wala pa din signal?'

Simula ng dumting ako dito sa bahay ni Shamy. Hindi na nagkaroon ng signal ang cellphone ko. 'Baka nag aalala na sila sa'kin.

"Eul,"

Napatingin ako sa likuran ko ng marinig kong tinawag niya ako, may hawak na siyang flower vase na may laman na mga bulaklak na pinitas niya kanina lang.

 "May problema ba aking mahal?" Malambing niyang tanong sakin. Marahil napansin niyang nag aalala ako.

"Wala kasing signal dito, gusto ko sanang tumawag sa bahay para ipaalam kung nasaan ako at para hindi din sila mag alala. Kaso nga lang hindi ko sila matawagan dahil walang signal."

Ngumiti lang siya sakin sabay baba  ng hawak niyang flower vase.

"Hayaan mo muna sila, importante magkasama tayo." Usal niya habang nakatitig saking mga mata.

Parang may kung ano akong naramdam habang sinasabi niya sakin yun, pakiramdam ko nawala lahat ng alalahanin ko. Kaya naman niyapos ko siya ng mahigpit. "Tama ka, ang importante ngayon ang magkasam tayo, Maiinitindihan naman nila kung bakit hindi ko sila matawagan. Dahil walang signal." 

Ngumiti siya at nag aya ng kumain. "Tayo ng kumain, may nailuto na akong pagkain para sa tanghalian natin."

Sumunod na ako sa kanya papuntang kusina.

 -----

NIKKI POV

Papunta na kami ngayon sa bahay ni Shamy. Nagbabakasali kaming doon niya dinala ang katawan ng pinsan naming si Eul.

"Nico sana nandoon nga si Eul." Usal ko.

Hinawakan naman niya ang balikat ko bilang tugon niya sa sinabi ko.

Kasama namin si Tatay Jess at Shishai sa sasakyan. Nasa kabilang sasakyan naman sina Arail at Mylene, na kasama si Mang Arturino at isang Pari.

"Ihinto mo na dyan ang sasakyan Totoy." Turo ni Tatay sa malaking puno na nasa gilid ng kalsada.

Pinagmasdan ko yung paligid. Masyado na palang malayo ang narating namin. Wala na akong makitang bahay kahit isa sa lugar na 'to.

Isang malawak na bukirin at hindi sa kalayuan may makikita namang gubat. 'Tangina ang layo naman ng bahay ni Shamy.'

Sabay sabay na kaming bumaba ng sasakyan nila Nico.

Natanaw na din namin yung isang sasakyan na parating na din at palapit sa'min.

"Hintayin na natin sila bago tayo tumuloy sa bahay ni Shamy." Tatay Jess.

"Malapit na po ba ang bahay ni Shamy dito Lo?" Tanong ni Shishai sa matanda.

Umiling naman si Tatay. "Hindi apo malayo pa ang bahay nila dito. Malayo pa ang lalakarin natin bago makarating ang gitna ng gubat. Kung saan nakatayo ang bahay nila."

Nakita ko naman kung pano lumaki ang mata ni Nico sa sinabi ng matanda.

"Grabe naman ang layo ng bahay nila. Bakit naman doon pa sila nagtayo. Takot ba sila sa tao?" Asar na tanong niya. Alam kong tamad itong maglakad ng malayo,lalo ganitong magubat pa.

"Naalala niyo ba yung sinabi ko kahapon sa inyo? Dating mga mamatay tao ang pamilya niya. Mga bayarin kaya kailangan nilang magtago sa liblib na lugar." Tatay Jess.

Ilang sandali lang dumating na din sila Aira kasama si Mang Arturino pati ang pari.

"Tayo na." Yakag ni Tatay Jess.

Nauna na siyang maglakad habang nakaalalay sa kanya ang apong si Shishai.

"Nikki, malapit lang ba bahay nila Shamy dito?" Bulong ni Mylene ng lumapit sa'kin.

"Hindi daw. Malayo layo pa. Sabi ni Tatay Jess, nasa gitna pa daw ng gubat nakatayo yung bahay." Ako.

Tahimik na kaming naglakad. Hanggang makarating kami sa loob ng gubat.

"H'wag lalayo sa isa't isa. Hindi lang tayo ang nandirito sa loob ng gubat. Maraming mga matang nakamasid sa atin." Makahulugang usal ni Mang Arturino.

Nagkatinginan kaming magpipinsan. "Nakakatakot naman dito sa loob." Usal ni Nico na nakadikit na sa amin ni Arail at Mylene.

"Ikaw talaga kalalaking tao nito napaka duwag." Asar ni Arail sa kanya.

"Matapang ako sa mga away. Kahit ilan pa yang iharap mo sakin. Pero sa multo, kingina kahit marami tayo at isa lang siya, kaya niya tayong saktan ng sabay sabay." Nico

Kaya magkakasabay kaming apat na naglakad habang nasa loob ng gubat.

Palinga linga ako sa paligid habang naglalakad. Pakiramdam ko may mga mata ngang nakatingin sa amin habang naglalakad.

"Ahhhh!" Sigaw ni Arail.

Kaya lahat kami napatingin sa kanya na may pagtataka.

"M-may nakita akong dumaan." Turo niya sa bandang unahan namin. Kaya naman napitingin kami sa tinuro niya.

"Tulad ng sinabi ko sa inyo hindi lang tayo ang nandito. Kung ano man ang mapansin niyong kakaiba, wag niyo itong pagtuanan ng pansin, diretso lang ang lakad niyo hanggang makarating tayo sa pupinthan natin." Mang Arturino.

Tumango naman kaming lahat bilang pagsunod sa sinasabi niya.

Malayo layo nga ang bahay nila Shamy, dahil nararamdaman ko na ang sakit ng paa ko. Samahan pa ng mabatong daan. Pero Ilang saglit huminto na kami sa paglalakad.

"Nandito na tayo." Dinig kong usal ng matanda sa unahan namin. Nandito na kami sa harap isang malaki at nakakatakot na bahay. "Ito ang tahanan nila Shamy at ng pamilya niya. Dito na din siya lumaki." Saad ni Tatay, mababakas sa pananalita niya ang lungkot. Marahin kahit paano ay may nararamdaman pa din siya para sa babae.

Naunang pumasok sina Mang Arturino at ang pari.

"Saan tayo unang maghahanap dito?" Nico.

Nandito na kami sa loob ng bahay, konting liwanag lang nasa loob nito, dahil sarado ang ibang mga binatana.

Masyado na din luma ang buong kabahayan pero mababakas pa din dito ang dating karangyaan.

"Maghiwahiwalay tayo." Suhisyon ni Tatay Jess.

Gustong kong tumutol dahil natatakot ako. Nakita kong ganun din ang reaksyon ng mga pinsan ko.

"Hindi natin agad mahahanap si Eul kung lahat tayo magkakasamang maghanap. Kaya mainam na maghiwa-hiwalay tayo." Tatay Jess.

Ako at Arail kasama namin si Mang Berting. Si Nico kasama si Mylene at Shishai.

Si Tatay Jess kasama ang pari at albularyo.

Dito kami sa baba naghanap, sila Nico naman sa ikalawang palapag.

"Mang Berting, 'wag niyo kaming iiwan dito ha?" Arail na nakahawak sa braso ko.

"Ano ka ba? Bakit parang naduwag kana?" Ako.

"Namputa naman Nikki, tingin mo hindi ka maduduwag kung alam mong may multo dito, anumang oras pwede niya tayong saktan." Bakas sa tono ng pananalita niya ang inis.

"Biro lang, asar ko lang para naman mawala yung takot, mapalitan ng inis." Natatawang usal sa kanya.

Pumasok kami sa isang pintuan na nasa loob ng kusina. Pero agad din kaming lumabas dahil sa amoy na nandoon.

"Grabe ang baho naman nun." Halos masuka na kami sa amoy.

"Doon ata  nilalagay yung mga napapatay nila." Mang Berting.

Halos lumuwa na yung mga mata namin dahil sinabi niya.

"Hindi niyo ba nakita, may mga kalansay ng tao ang nasa loob nun?" Tanong pa niya sa aming dalawa ni Arail.

"Whaaa!" Sabay namin sigaw, natakot kami sa sinabi ng matandang Driver.

Bumalik kami sa sala kung saan kami magkakasama kanina. Sumunod naman sa amin si Mang Berting.

"Mga Hija dapat maging matapang kayo, kung gusto niyong iligtas ang pinsan niyo. Isipin niyo buhay niya ang nakataya dito, Kayakailangan natin siyang mahanap agad." Paalala niya.

'Ano pa nga ba, lintek kasi naghahanap kami ng hindi namin sigurado kung nandito nga yung hinahanap namin.'  Inis na bulong sa sarili ko. Walang kasiguraduhan ang ginagawa naming ito.

*****

VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

327K 8.5K 42
(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners while Zyren and Ehdrey Mae are married...
511 78 12
Following the aftermath of Thanos's universe-altering actions, the blip brings back those who have vanished, thanks to the Avengers' heroic efforts...
1.3M 18K 15
One and Only Rule: Bawal pumasok ang magandang babae sa loob ng BAHAY ni MARIA.
11M 28.5K 7
"It's one of those things you won't understand unless it happens to you" -Author.