First Day, Last Day

By DaseFernando

15 0 0

Story of my experience in life in search for my happiness 😉 More

First Day, Last Day

15 0 0
By DaseFernando

First Day, Last Day

I lost my job a month ago. My 8 year job as a clerk in a remittance company. Na-layoff ako. I am 30 now. 5 years ago sinabi ng cousin ko sakin na kapag nagtagal ako sa trabaho ( as clerk) mahihirapan na ko maghanap ng trabaho sa future. 5 years ago, 3 years palang ako sa company. I was scared to lose the only job I have. Aaminin ko, noong una napilitan lang ako pasukin yun kasi, yun yung nagbigay sakin ng opportunity. At kailangan kong kumita ng pera dahil ako palang ang magkakatrabaho sa aming magkakapatid. Hindi ko talaga love and accounting, book keeping and customer service. Wala talaga kong tyaga magcompute at magsulat at makipag-usap. Pero sa katagalan, nagustuhan ko nadin. Ok naman sya. Nautunan ko ang pasikot-sikot. I can tell na naging magaling ako sa trabaho ko. I was promoted as officer in charge ng area. That time ako yung pinakabata pero ako yung napromote. But then, after 6 months later I realized, hindi ko ikakaganda yung trabaho na yun. Super stressful, nawala ang aking social life. Kailangan mo ihandle lang ng concerns ng mga tao. At kung kinakailangan, magsususpinde at magtatanggal ka ng tao, kapag pasaway sila.

Hindi ko kaya ang pressure, I have to explain bakit mababa ang income, bukod sa reporting kailangan mong alamin lahat ng dahilan, bakit ganito, bakit ganyan. JuiceColored! Tatanda ako ng maaga. 25 palang ako magmumuka nakong lola!

So I quit, nagrequest ako na ibalik nalang ako sa dati kong pwesto as clerk. Back then, nahikayat akong magkaroon ng credt card. I was really happy at first. Wow, in ako kasi may CC ako. I can buy everything I want for as long as pasok sa limit ko. Swipe pa more! First month, masaya pa... second month, ok padin. Third to fourth month, umaandar na ang interest. Lumaki nadin sya hanggang sa interest nalang yata binabayaran ko. For 2 years bayad ako ng bayad ng di ko naman nagagamit. Taragis! So I decided na magloan sa company para bayaran ang balance at pina cut ko na ang CC ko.. ako'y sising-sisi sa CC na yan. I've learned my lesson. So simula non di na ko nag CC pa.

Kausuan ng social media. Travel naman ang napagtuunan ko ng pansin. Punta dito punta don, kain dito kain don. Basta may maipost. Syempre nag enjoy din naman ako. Dumami kaibigan at nagkaron ng... "Say" sa buhay este sa paniniwala nila. Kakapost ko, akala ng ibang tao ang laki ng sweldo ko. Ang sarap daw ng buhay ko. Pagala-gala nalang. Hindi nila alam, outlet ko lang yun para malibang at mag unwind dahil naiistress nako sa trabaho ko.

27 na ko non. Binigyan ko na ng ultimatum ang sarili ko. Need ko na magseryoso, magipon. Nag attend pa ko ng mga financial coaching/ seminar. In fairness naman may natutunan din ako. Nag-avail ako ng insurance, pumasok sa small business. Nag apply ako ng housing loan para naman kahit papano may maipundar ako. Back then nawala na sa utak kong lumipat ng trabaho. Iniisip ko, kahit maliit ang kita eh stable naman. At saka malapit lang sa bahay namin, hindi pa ganoon kahigpit.

2 more years, 29 na ko. Nagisip na ko na mag resign. At maghanap ng ibang trabaho. Hindi nako masaya at kapag hindi na ko masaya hindi ako nagiging productive. Unfair sakin at sa kompanya diba. Ngunit nakikita ko sa mga balita ang hirap ng buhay at bagsak ang ekonomiya.. ( well kelan ba tumaas ang ekonomiya?) By that time wala padin akong lakas ng loob umalis. Yung housing loan ko, pending pa. Sa tingin ko mahihirapan ako magsimulang muli.

Ngayon 30 na ko. Napag desisyunan ko ng magresign sa trabaho ko dahil stable naman na ang pamilya ko kahit papano. Hindi ko nadin masyado iniisip ang housing loan dahil mapag tutulung-tulungan naman. Desidido na kong umalis sa trabaho ko. Handa na ang resume at mga requirements. Wala padin akong ipon, pero mas malakas na ang loob ko ngayon.

June ko balak magresign. Pero sa kasamaang-palad. Na layoff ako ng May. Blessing in disguise nadin kasi babayaran naman ako ng kompanya. Kahit wala akong ipon, may pangsimula naman ako.

Akala ko madali lang ang lahat. 30 na ko. Matured, well experienced, cute padin at energetic. First day na wala akong trabaho, excited pa ko. Dahil after 8 years, makakatulog ako ng walang gigising sakin para pumasok. After 8 years makakanuod ako ng TV hanggang madaling araw ng walang inaalalang call time. Naihanda ko naman ang mga magulang at kapatid ko na wala muna akong ikocontribute sa bahay kasi nga maghahanap palang ako ng bagong work. Ok naman sa kanila. Somehow, masaya padin kasi may oras na ko kasama ang parents ko sa bahay. Makakagala din ako. Limited nga lang kasi wala masyadong pera. Pero, malayang malaya ako sa oras.

First week ok pa. Second week, nagtitingin-tingin na ko ng mga job Ads. Nagpunta din sa Job fair at nagbaka-sakaling matanggap. Taragis! Ang hirap pala mag-apply! Well alam ko naman yun dati pa. Pero hindi ko ineexpect na mas mahirap sa part ko. Parang pinapamuka sakin ng mga trabaho na yan na.. "Oy, matanda ka na! Bata ang kailangan namin, bata!"

Baby face naman ako ( check nyo pa fb ko ). Pero akala ko pagbabasehan nila yung working experience ko at tinapos ko. Pero hindi. Yung edad po eh. Saka yung height nadin. So discriminating! Pero somehow may point din sila. Siguro kasi pag may edad kana, mahirap ka nang pagsabihan , choosy sa trabaho or may sungay ka na, Choz! Dahil mas eager at energetic mag trabaho ang mga bata kesa may edad. Shet! May edad? Ako ba yon?!

Napaisip tuloy ako, 5 years ago sinabi ng pinsan ko. Dapat noon palang naghanap na ko ng mas magandang trabaho, yung gustong-gusto ko. Siguro kung malakas loob kong umalis baka nasa abroad na ko or nasa isang magandang kompanya. Nag-isip din ako magbusiness pero wala akong pampuhunan at sa laki ng utang ko sa CC non, walang magpapa-utang sakin. Bata pa ako non, madaming pangarap, madaming gustong gawin, uhaw sa success. Pero dahil nadin sa kahinaan ng loob at doubt sa sarili, hindi ko nagawa.

Pero hindi din, noon ang iniisip ko lang kumita ng pera, makapag-abot sa pamilya, gumastos at gumala. Yung sense of purpose ko hindi ko naiisip. Blessed naman ako pero bat di ko ginagamit ng maayos? Bakit stocked padin ako? Bakit dati alam ko san ako pupunta, alam ko ang goal ko... pero ngayon hindi na?

Na hire naman ako, kahapon lang. Yey! May trabaho na ko. Supervisor sa isang Gas Station. Maganda ang kita at magaan ang trabaho. Habang nagte-train ako kahapon, sinabi ng training officer na "Ang tunay na kaligayahan at mahahanap mo lamang sa iyong sarili at hindi sa ibang tao." Kasi dati daw ang dami nyang gustong makuha, kotse, bahay, magandang trabaho, malaking kita at respeto ng ibang tao. Nakuha nya ang lahat ng yon pero di padin sya kuntento. Nabasa nya itong libro ni Buddha, na nakalimutan ko ang title kung ano. Nakalagay nga don na para makamit ang tunay na kaligayahan ay hanapin mo ito sa iyong sarili at hindi sa iba.

Napa-isip ako, baket ba ko nag-apply don? Kasi ayoko ng tumambay sa bahay, kasi mauubos na yung pera ko, kasi ayokong masabihang tambay. Nag-apply ako kahit di ko alam ang exactly ang magiging trabaho at kung magugustuhan ko ba. Nag-apply ako kasi ayokong walang trabaho at ayokong bumaba ang tingin nila sakin. Dahil wala akong trabaho para akong alagaing biik. Kain, tulog, repeat.

Very fit for the job nga daw ako, base nadin sa aking resume. Pero ako mismo na may katawan, na may ari ng kaluluwa ko. Hindi ko ma-sure kung karapat-dapat ba ako sa trabahong iyon. Parang mali ang dahilan ko para sa trabaho na yon . Baket nga ba ako magtatrabaho? Una kasi kailangan ko ng mas magandang income, pangalawa ayokong bumaba ang tingin nila sakin kasi wala akong trabaho, pangatlo para hindi ako ma bore kasi may ginagawa ako. Pag may pera ko makakagala ako ng bonggang-bongga, mabibili ko na ang gusto ko, mababayaran ko ang mga dapat bayaran, makakatulong na muli sa magulang at hindi na ko patabaing biik. Mali. I am living the expectation of others.

     Nag set ako ng goal sa buhay ko dahil ipinares ko pala ang buhay ko sa iba. Na dapat by this age, may trabaho na kong maganda or business, may pamilya, nakapagtravel, may magandang kita, may maayos na buhay. Kasi yun ang nakikita kong pattern sa karamihan. Kasi yun ang idinikta ng mundo sa atin. Yun daw ang dapat. Yun ang standard.

Isinet na kasi ng mundong ito and pattern ng buhay. At kapag tumaliwas ka sa pattern na yun, may mali sayo, huhusgahan ka, hindi ka magiging masaya. Pero bakit kapag nakuha mo na lahat ng pangarap mong iyon eh hindi ka pa din masaya? Bakit naghahangad ka padin ng mas maganda? ng mas maayos? Bakit? Hanggang kailan ka makukuntento?

Kaya napa-isip ako pagkatapos ng training. Inisip kong mabuti. 30 na ko ngayon. Nasa kalahating parte na ko ng buhay ko. Kung papasok ako sa trabahong hindi ko gusto. Hindi ko ba sinasayang ang buhay ko? Tama, matutuwa ang mga magulang ko kasi may trabaho ko, magiging proud ang mga kaibigan ko kasi promoted ako from clerk to supervisor. Mabibili ko ang gusto ko kasi maganda ang kita, pero dun ba talaga ko magiging masaya? Baka kung susubukan ko , magustuhan ko nadin, katulad ng dati kong trabaho. Pero baka nagsasayang lang din ako ng panahon, pano kung di ko talaga magustuhan? Sa totoo lang ngayon ako nanghihinayang sa mga panahong nasayang ko. Oo, 30 lang ako, medyo bata pa kung tutuusin. Pero mabilis ang panahon. Sa sobrang bilis, hindi mo namamalayan... Naubos na pala yung oras mo kaka fulfill ng pangarap mo.. na pangarap pala ng magulang mo sayo, na pangarap pala ng mga kaibigan mo sayo... na pangarap pala ng lipunan.. na akala mo.. pangarap mo.

Na realize ko na, di naman talaga paunahan ang buhay eh, paunahang yumaman, maging successful, maging famous. Kasi kung karera ang buhay, iwan na iwan na ko. Kasi wala ako ng lahat ng yon. Nandon palang ako sa starting line. At sila, nasa finish line na.


Saka wala naming measurement ang happiness, na dapat ganito ka para maging masaya ka. Dahil kung meron, ede sana kuntento na lahat.

Ang tunay na kaligayahan ay mahahanap mo lamang sa iyong sarili at hindi sa iba. Hindi sa idinidikta ng mundo. Ang kaligayahan ay pinipili at ginagawa..mo at di ng ibang tao. Pangarapin mo talaga yung pangarap mo. Para sayo, para sa sarili mo.

Siguro sasabihin ng iba, ano ba yan nagkakagulo na nga sa mundo, sarili mo padin iniisip mo? Maraming problema sa bansa pero uunahin mo padin yung kaligayahan mo? Hindi ka paba kuntento kung ano meron ka? Mas madaling maghanap ng trabaho at lovelife kesa maghanap ng "Tunay na Kaligayahan". Opo. Tama, mas madali nga yun. Siguro sa ngayon, hindi ko pa mahanap o hindi ko pa makita. Pero pipiliin ko padin hanapin ang kaligayahan ko, kasi akin to... kasi ako to. Sabihin na nilang selfish ako, pero ayokong mamatay ng hindi ko nahahanap yon sa sarili ko. Tama din naman ang sabi nila na ang kaligayan ay ginagawa at pinipili. Pinipili kong maging masaya kaya hindi ko hahayaan masayang ang buhay sa choices na hindi ko naman gusto. Pag labag sa loob mo ang pinili mo..yun ang choice mo. At ayaw kong maging ganon.

Masaya ako, blessed din, maayos ang pamilya, maayos ang lahat kung tutuusin at pinagpapasalamat kong lahat yun sa Diyos. Pero ako ang kulang. Ang sarili ko. Ang kaligayahan ko. Kaya dapat ko ng simulan, ang pagtuklas, bago pa mahuli ang lahat. Maaring hawak ko na ito sa ngayon, hindi ko palang talaga alam kung paano ang gagawin. Peron malinaw sa akin na pinipili kong maging maligaya. Maikli lang ang buhay. Hindi naman natin madadala lahat ng meron tayo dito sa mundo sa kabilang buhay. Pero yung mapikit kang maligaya at fulfilled... yun.. madadala mo yun. Mapipikit kang may ngiti sa labi.

Walang makaka-agaw ng isang bagay na tanging ikaw lang ang nagtataglay. Ang kabuuan ko bilang tao ay maaari kong maibahagi sa iba. Kung buo ako sa sarili ko, bilang alam ko na nga ang tunay makapagpapaligaya sakin.. Magiging mas mabuti akong tao. Mas produktibo at hindi maapektuhan kahit ano pa man ang sabihin ng iba. Ang kaligayahang tinataglay ko ay parang araw na sisinag sa akin at magrereflect sa mga tao.

Alam kong di madali ang tinatahak kong landas ngayon. Trenta. Walang trabaho. Walang maipagmamalaki at wala sa pamantayan ng mundo ang hinahanap. Isipin man nila ang gusto nilang sabihin. Hindi ko naman sila kailangan i-please. Ang mahalaga, nauunawaan ko ang sarili ko at ng mga mahal ko sa buhay.

Di madali ang aking lalakbayin, ngunit naniniwala akong di din ito mahirap. Basta't bukas lamang tayo sa pagtanggap. Kung ano tayo at kung ano talaga ang gusto natin.

By the way, hindi ako pumasok ngayon. Tinawagan ko nadin yung training officer na hindi na ako tutuloy. ✌

Ngayon, sa bawat desisyon ko sa buhay ko, pipiliin ko kung ano ang makapagpapasaya sa akin. Sana ganon ka din 😘.

Continue Reading

You'll Also Like

327K 12.5K 44
Rival Series 1 -Completed-
380K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
100K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...