Ryan Lee Sanchez – POV
Habang nakahiga ay nilalaro ko ang dalawang kuwintas sa kamay ko. Dapat ay nag-aaral ako ngayon pero hindi ako mapakali. Hindi siya pumasok ngayong araw at nabanggit ni Yaj na ni isa sa mga kaibigan niya ay walang alam sa kung nasaan siya o kung anong nangyari sakanya. Kung sakali naman siguro ay pinuntahan siya ng mga kaibigan niya?
"Ryan, may bisita ka," sigaw ni Manang Amor mula sa labas ng pintuan. Itinago ko ang mga kuwintas at bumaba. Kung si Lhaine man ang dumating ay siguradong babanggitin ni Manang Amor ang pangalan niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay JM na ngiting-ngiti. May hawak siyang isang box ng cake at dalawang iced coffee.
"Visiting my hero of course."
"It's late," tinuro ko ang relo. Pasado alas nuwebe na ng gabi eh. Ah, sakto, may tatanungin din ako sakanya.
"It's not. Don't tell me gusto mo ng mga girls na may curfew?" she said flirtily.
"For me? Kainin na natin," balewala ko sa sinabi niya. Tumungo kaming dalawa sa kusina.
"Pumayat ka, kumakain ka ba ng husto?"
"Yeah, lagi lang puyat. Ah, kamusta nga pala 'yung stalker mo?" pasimpleng tanong ko.
"Why are you interested?" now she's teasing.
"Baka lang naman may biglang magsisigaw diyan sa labas kapag malamang nandito ka."
"No way! Actually nakakagulat nga dahil hindi na siya nagte-text o tumatawag. I mean, it's not like him."
"Ex-boyfriend na stalker?"
"Err—I kind of lied. Matagal na kaming magkakilala, our parents are business partners. Lagi kong nakakasama si Zenrid sa mga gatherings. At one time ay bigla nalang niyang sinabi na gusto niya ako. I just took it and we dated. I really hate commitments kaya nang nasasakal na ako, I just ignored him. But now, I think I like to try dating seriously," titig na titig siya sa akin. Nakuha ko na agad ang gusto niyang palabasin.
"Zenrid huh. Siya ba iyong tipo ng tao na gumagamit ng iba para makabawi?"
"I don't know. Maybe? He's the bad boy type. Why? Are you worried that he might get between us?"
"Hmm... Ibig sabihin ay puwede," naalala ko bigla si Lhaine Lee.
"What do you mean?"
"Salamat sa kape at cake. Lalabas ako kaya sumabay ka na," dinampot ko ang susi ko mula sa counter.
"Wait, kararating ko lang!" sumunod siya.
"Emergency," tugon ko nalang. Binuksan ko ang gate at nakita ko ang isang sasakyan na sa tingin ko ay kay JM.
"Okay then can you help me tomorrow? I'm planning on enrolling at your school next school year," habol niya. Tumango nalang ako. Lumabas siya at sumakay naman ako sa sasakyan ko. Mas nauna akong umalis kaysa sakanya. Nakita ko pa siyang nagsindi ng yosi habang nagmamaneho ako palayo.
Pagdating ko sa complex nina Lhaine ay kakaunti nalang ang bukas na ilaw. Umakyat ako at nakita ko agad na kausap niya si Brix, Czarina at Briezel. She looks pale but at least she is smiling. Ah, saka na nga. Sa huli ay bumalik din ako pauwi.
"Naayos na namin ang lahat ng kailangan mo. We just need to finalize a date," inilapag ni Ma ang ilang folders sa center table habang nanonood ako.
"Hindi pa po sigurado kung magsa-summer class ako o hindi."
"I trust you and Lhaine. Anak, I really feel bad about this. Sa wakas ay may pamilya na ulit si Lhaine pero ganito ang nangyayari. I'm not blaming you Ryan, dear. It's just that—sana hindi nalang namin siya kinuha," malungkot na sabi ni Ma.
"Did you plan on adopting her?"
"Not really. We just wanted to be her legal guardian. She just called earlier that she wants the petition dropped," mas lumungkot si Ma. I'm causing pain to everyone I guess.
"She might think that we are abandoning her by not asking her to go with you," singit ni Dad. Inabutan niya si Ma ng isang baso ng tubig.
"But Lhaine's not like that. I think we made a mistake. For now, we just want to give her freedom. Ayaw naming mag-suggest sakanya ng puwede niyang ikapressure. Mamaya ay napipilitan lang pala siya. O gaya ng dati ay naiipon ang lahat sakanya. She has a bright future ahead of her," dagdag ni Ma.
"Same goes to you, son. You made up your mind about leaving. Wala na tayong magagawa kung hindi bumalik ang ala-ala mo. All you could do then is to create a new one," sunod ni Dad.
"Thanks Ma, Dad," tugon ko nalang. Kinuha ko ang mga folders at umakyat sa kuwarto ko. Mukhang kailangan ko na nga yata ng tulong na inaalok ni Czar.
Pagpasok ko kinaumagahan ay nakita ko si Lee. Mukhang mas ok na siyang tignan dahil nakikipagkuwentuhan ito kina Czar, Brie, Brix at Yaj. Dumiretso ako sa upuan ko at nagbasa. Ilang sandali pa ay tumabi siya sa akin.
"Ang dami nating hahabulin," nakangiting sabi nito.
"Kung hindi ka komportable na i-tutor ako, ok lang sa akin."
"Okay," sagot niya. Iyon lang? Sinasapian ba itong babaeng ito ng iba't-ibang espirito kada araw?
"Pero kailangan ko talaga ng tulong. Ayaw kong mag-summer class," bawi ko rin lang sa naunang sinabi ko.
"Kaya magtulungan tayo dahil pati ako ay bumababa na ang grades."
"May sakit ka parin ba?"
"I'm PERFECTLY SUPER fine. Thank you nga pala sa notes last time," diniin niy ang salitang perfectly at super. C'mon, there's really something wrong here. She's been really ambivalent. Buong klase yata ay pasimple akong nakatingin sakanya o sa ginagawa niya. Sa isang subject nga ay sulat siya ng sulat at akala mo nagno-notes pero kapag titignan mo ang notebook ay walang ni isang salitang maintindihan.
"Hindi ka ba magbe-break?" niyugyog ka ang balikat niya. Yumuko kasi ito agad nang maka-alis ang teacher eh. Umiling lang siya. Dinapo ko ang palad ko sa noo niya.
"You're burning, Akala ko ba perfectly super fine?! Tara na sa clinic," hindi siya pumalag nang buhatin ko siya.
"Tahvla--mah--rap-hag—" wala akong mabuong salita sa sinasabi niya. Hindi pa nga lang kami nakakalayo ng classroom ay nagpupumiglas siyang bumaba.
"Kaya kong maglakad. Let me go," sumadal siya sa may pader.
"Huwag ng matigas ang ulo!" napasigaw ako.
"Ryan Lee! I finally found you!" lumapit si JM sa kinakatayuan namin.
"Go with her," sabi ni Lee bago pinilit na maglakad palayo sa amin. Napahawak siya sa railings dahil muntik ulit siyang matumba.
"JM, kaya mo naman sigurong ikutin ang school mag-isa? Itetext nalang kita mamaya," baling ko kay JM. Naglakad nanaman si Lee at mukhang ginagamit niya ang buong lakas niya para layuan ako. Ang tigas naman ng ulo eh. Lalapitan ko sana siya para buhatin pero may dumating para alalayan siya.
"Zenrid, anong ginagawa mo dito?" sabi agad ni JM nang makita ang dumating. Hindi man lang pumalag o nagsalita si Lhaine at siya pa mismo ang sumandal sa lalaking 'yun.
"Bitawan mo siya," utos ko sakanya.
"Sinundan mo ba ako? Can you please stop? I'm with Ryan now," lumapit si JM sa akin at tinitigan. It's as if she's saying 'help me again'.
"Nah, sige lang. Hindi kita sinudan," tinignan niya si JM, "hindi rin kita binabawian," sunod niya akong tinignan.
"Gusto ko ng umuwi," Lhaine's voice sounded flat.
"Alam ko, iuuwi na kita," sagot ni Zenrid sakanya. Inaalalayan niya ito habang naglalakad. Natulala lang naman si JM sa tabi ko. Sinundan ko ang dalawa.
"F*cking let her go," hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Pare, ano bang problema mo? Girlfriend ko 'tong sinusundo ko," ngumisi si Zenrid.
"Ano?" si Lhaine ang tinignan ko. Nagtinginan sila saglit.
"He's right. Kami na, so please back off," sagot ni Lhaine. Hanggang tingin nalang ang sunod ko sakanilang dalawa. What the heck... Kung si Risaralda ang kasama niya ngayon ay baka mas matanggap ko pa...
---