Hold Me More (More Trilogy #2)

By FGirlWriter

3.2M 117K 22.9K

More Trilogy Book 2: Hold Me More (2017) Mga taon ang lumipas at kahit siya ang nang-iwan, hindi alam ni Czar... More

Content Warning and Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Thirteen

85.2K 3.1K 417
By FGirlWriter

CHAPTER THIRTEEN

Sa kabila ng sakit nang pagtalikod mo, mahal pa rin kita.

Sa kabila ng mga salitang nanakit sa puso ko, mahal pa rin kita.

Sa kabila ng mga araw na hindi kita nakikita, mahal pa rin kita.

Sa kabila ng mga taong lumipas, mahal pa rin kita.

Marahil nakapagtataka na sa kabila ng lahat, ikaw pa rin ang siyang nais ko.

Marahil nakapanghihinayang na sana nagmahal na lang ako ng ibang kayang humigit sa'yo.

Marahil puso ko na mismo ang tumatangging maghanap ng bago.

Marahil ayoko nang magmahal ng iba dahil sa'yo at sa'yo lang ako babagsak ng ganito.

Sana ganoon lang kadali ang hindi ka na mahalin, sana ganoon lang kabilis na ika'y limutin.

Sana hindi na 'ko bastang natutulala sa tuwing naaalala ka, sana hindi na 'ko lumuluha sa tuwing iniisip kong sana'y nandito ka pa.

Sana bumulong ang Diyos sa puso mo na sa'kin ay bumalik na.

Sana sa paghahanap mo ng bagong mamahalin, sa akin ka pa rin dadalhin.

Dahil sa bawat pagpikit ng mga mata, ang mga ngiti mo ang nakikita.

Dahil sa tuwing nagbabalik-tanaw, ang mga halik at yakap mo lang ang naaalala.

Dahil sa mga panaginip, ang mga haplos mo pa rin ang nagpapaliyab sa akin.

Dahil sa oras nang pagtatalik, ang pangalan mo pa rin ang paulit-ulit kong sasambitin.

Alam mong gagawin ko ang lahat para sa pagmamahal na ito.

Alam mong hindi ako bibitiw sa iyo.

Alam mong ipaglalaban ka ng pag-ibig ko.

Alam mong aasa pa rin ako saan ka man dalhin ng mundo.

Ipinapangako ko, muli kong mahahawakan ang mga kamay mo.

Ipinapangako ko, muli mong ibibigay ang matatamis na halik mo.

Ipinapangako ko, muli kitang maikukulong sa mga bisig ko.

Ipinapangako ko, muling magkakaroon ng tayo sa dulo.

Mamahalin kita sa lahat ng paraang alam ko.

Mamahalin kita at mararamdaman mo iyon sa bawat haplos ko sa buong katawan mo.

Mamahalin kita sa kabila nang nakaraang winasak ang puso ko.

Mamahalin kita nang higit-higit pa sa pagbalik mo.

BARI stopped. He put down his fountain pen. Binasa niya ang tulang basta na lang pumasok sa isipan habang nagta-trabaho.

Sumandal siya sa swivel chair at inikot ang upuan. He sounded like a desperate and obsessed lover. This isn't him. Ngunit kailan pa ba siya naging ordinaryo sa tuwing si Czarina na ang tumatakbo sa isip niya?

He looked at his Michael Kors watch. Speaking of the love of his life, she's late.

"Still lazy to get up in the morning." Napailing na lang siya at tinabi ang mga papel na sinulatan. After a few minutes, he heard a knock on the door.

"Come in," he said while signing papers.

"Traffic. It's traffic," depensa agad nito. "I got up early but traffic ruined everything."

Nag-angat siya ng tingin at hindi niya pinahalata ang paglukso ng puso nang muling makita ito. Mabuti na lang at pinalaki siyang malakas ang pagtitimpi. Dahil kung hindi ay wala na siya sa upuan ngayon.

Look at his beautiful wife, standing lovely in front of his table—wearing a goddamn mini-skirt showing off her flawless pair of white legs. And who the hell invented those off-shoulder top? Her smooth and bare shoulders were also dangerously threatening his self-control.

"Good morning, Maria Clara."

When she smiled sweetly, Bari just fell in love, again. Great.

"Good morning!" she happily greeted back. "Wait a minute." Tumalikod at lumabas saglit. She returned immediately with two cups of coffee from a famous coffee shop nearby. "This is also the reason why I was late. I bought us coffee."

He can sense something that he doesn't like. "You are happy today. Care to tell me why?"

Umupo ito sa upuan sa harap ng lamesa niya. Nakita niya ang pagtatago nito ng ngiti. That smile... he'll trade everything just to see her smile like that at him again.

"Wala 'to. Masarap lang ang tulog ko kagabi."

Inabot niya ang kapeng binili nito. "Hindi ka nagpuyat?"

Umiling ito. Czarina is already twenty-seven but when she blushes, she looks like fifteen years old all over again—that lovely fifteen-year old girl who likes him so much then.

"Maganda ang gising mo."

Tumango ito.

And he can't believe he will be asking the obvious. "You're in love?"

Nalaman niya mula kay Johann mismo na mula nang bumalik sila ni Czarina galing sa Tierra Fe ay mas naging madalas ang paglabas ng dalawa. It's been two weeks. Kung ganoon ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Hmm.

She pouted her lips like she used to do. Kumapit na siya sa armrest ng upuan dahil kapag hindi niya napigilan ay hahalikan niya iyon.

"Maria Clara."

"Eh... s-siguro." Napakamot ito sa pisngi. "H-Hindi ko pa alam. Basta... masaya ako."

"Kailan mo siya balak sagutin?" Naramdaman niyang tumayo si Czarina at lumapit sa kanya.

"Papayagan mong sagutin ko si Johann?" hindi-makapaniwalang saad nito.

May bigla siyang naalala.

"May maganda akong nakita sa burol ng lola nina Reeve, eh," ani Johann habang nagkakayayaan ang magpipinsan na kumain sa labas.

"Pinsan ni Reeve iyan, ano?" ani Charlie.

"Oo yata. Sapphire yata 'yung pangalan. Kaso ang taray at saka suplada. Pero ang ganda talaga."

"Crush mo?" tanong ni Reynald rito.

"Slight. Pero loyal ako kay Czarina."

"Kung wala si Czarina?" tanong ni Gideon na lihim na napatingin sa kanya.

"Hindi ko kayang isipin na wala si Czarina, eh."

Napangisi siya. He'll answer the same thing.

"Kunwari lang naman, eh," pilit pa ni Charlie.

Johann shrugged. "Siguro. Ang ganda kasi talaga, eh. I-a-add ko sana sa FB kaso sikat pala! Socialite logger ang lola niyo! Nag-follow na lang ako sa Instagram."

Nagtawanan ang mga ito.

"Bari, payag kang sagutin ko si Johann?" ulit pa ni Czarina.

Nilingon niya ito. "Sure."

Napakurap ito at napatingala sa kanya. "But our annulment..."

He put his one hand inside his pocket. "I'll take care of that. Pero may gusto akong gawin mo."

"Ano?"

"Reject Johann first."

Nanlaki ang mga mata nito. "A-Ano?! Pero sabi mo puwede kong sagutin?"

She's too beautiful when she's too confused. "I have a plan. Titignan natin kung hanggang saan ang kayang gawin ni Johann para sa'yo. Kung talagang mahal ka niya, kahit ayawan mo siya ay gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para mapasakanya ka. Am I right?"

Tinitigan siya nito nang matagal. Bari maintained a straight face.

"Ang tagal na niyang nanliligaw sa'kin...Five months na."

"Maria Clara, I courted you for two years."

Lumabi ito. "I-I know..."

"We'll just test him. Like what we did with Dylan."

Napabuga ito ng hangin. "Okay. "

He hid his grin. "Tell me when you are going to reject him. Then, I'll take you to Tierra Fe."

"Ang layo naman!" Ngunit halata ang pagkinang ng mata nito. He knew it. Czarine fell in love with Tierra Fe as much as he did. "Hahabulin ba 'ko doon ni Johann?"

"He will if he truly loves you."

Nagsalubong ang mga kilay nito. He continued to act serious. Kabisado niya si Czarina. Mabilis itong maniwala.

"Okay, fine. Siguro, next week."

Sorry, Johann, if I'm going to play with your feelings. But this girl's mine. "Good. Now, let's plan about Gideon and Haley."

Agad na tumango si Czarina at prinesenta sa kanya ang ginawa nitong character at situation analysis mula sa mga binigay niyang impormasyon rito. He's glad that Czarina really knows what she's doing now.

She's more responsible and wiser in her field. Czarina bloomed so wonderfully, that he won't regret letting her go for a while. But the way she dresses still bothers him. Kung mahina lang talaga ang kontrol niya ay hinapit niya na ito at hiniga sa lamesa niya—which is not appropriate at all.

"What do you think?" tanong nito pagkatapos ikuwento ang mga puwede nilang gawin para kay Gideon.

"Impressive," totoong puri niya. He likes all the things she presented. No plot holes at all. Nice twists. No doubt she became a bestselling author.

Pabiro itong nag-bow. "Thank you." She's being so adorable again. "Can I go now?"

Tumango siya. Sana kung saan man ito mapunta ay hindi ito mabastos o ano. Sana kung may tumingin man ditong lalaki ay hindi ito lalapitan. He can only pray.

"Thanks, Bari!" Lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi. "Ba-bye!"

He held her hand. "Czarina."

"Hmm?"

"Take care for me."

Napakurap ito at parang natigilan. "I-I will."

He gently let go of her hand. Mabigyan lang ulit siya nang tamang pagkakataon, hinding hindi niya na bibitawan ang kamay nito.

He watched her leave his office. Nang nasa pinto na ito ay bigla itong lumingon sa kanya. "Don't forget to drink that coffee and eat your lunch later," bilin pa nito.

He nodded. At ang sumunod na sinambit nito ang muling nagpababa ng lahat ng depensa niya.

"I love you," saad nito sa paraang sinasabi sa isang kaibigan.

Hinding-hindi niya susukuan ang asawa niya.

"I love you, too," saad niya sa paraang katulad pa rin ng dati. Hindi niya alam kung napapansin iyon ni Czarina. Ngunit hindi niya rin naman itinatago iyon.

Bumalik siya sa kinauupuan, kinuha muli ang mga papel na sinusulatan kanina.

Mahal pa rin kita, pilit ka mang lumayo.

Mahal pa rin kita, magmahal ka man ng bago.

Mahal pa rin kita kahit maghintay ulit ako.

Mahal pa rin kita dahil ako'y laging iyo.

Napabuntong-hininga siya. He's hopeless.

He will forever be in love with his wife, Maria Clara delos Santos.

Nag-isip siya ng mga susunod na hakbang. Kinuha niya ang telepono. Next thing, he's talking with Reeve Monteverde.

"Can you tell me anything about Sapphire Monteverde?"

"Sapphire?" takang-takang sambit nito. "Why do you have to know something about my cousin?" He sounded protective.

"One of my cousins is interested with her."

"Three of your cousins are already interested with mine."

"Ayaw mo bang madagdagan pa?"

"Sino ang nagkakagusto kay Sapphire? Hindi siya madaling ligawan. Hindi siya nagpapaligaw. She hates men."

"Is she gay?"

"She just hate men. Lumaki siyang walang tatay."

Perfect. Johann and Sapphire are just a perfect combination. Malakas ang kutob ni Bari.

I'm sorry, Maria Clara. I guess, I will always find a way for you to always end up with me.

Continue Reading

You'll Also Like

150K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
64.2K 1.7K 18
| Stonehearts #9 | People see her as a rock of solid power and strength. She isn't easily wavered and never goes down without a fight. Elora Ysabelle...
49.6K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...