6 Days [ Blackpink & BTS ]

By ZeWickedPrincess

28.4K 1K 761

Two talented groups that everyone ships. What if they got picked to have a vacation together in a variety sho... More

6 Days (1)
6 Days (2)
6 Days (3)
6 Days (4) Plans
6 Days (5) Philippines
6 Days (6) EK
6 Days (7) Baba ni Jhope
6 Days (8) Awkward
6 Days (9) Cotton Candy
6 Days (10) Reason
6 Days (12) Palawan
6 Days (13) Chef RoseMin
6 Days (14) Shenegeng with lafu lafu
6 Days (15) Ayreng
6 Days (16) Heartless Duo
6 Days (17) Confusion and Promises
6 Days (18) - Inlove yan?

6 Days (11) Detectives

1.4K 63 32
By ZeWickedPrincess

Jungkook's P.O.V

"Lisa! Hoy!" tawag ko sakanya.

Grabe naman kasi ang isang to. Second to the last na nga kami dahil sakanya tapos siya pa ang galit.

"Ano ba?" Inis nya akong liningon kaya napatigil ako sa paghabol sakanya. Kitang kita ko ang iritasyon nya saakin.

"Hindi ko mahanap sila Hyung, kaya ikaw muna guguluhin ko" nginitian ko siya pero inirapan lang nya ako.

Bakit ba ang taray taray nya ngayon? Ibang iba ang pakikitungo nya sakin ngayon. Dati naman ang bait bait nya sakin tapos ang kulit kulit nya. 'Ehee' pa nga siya ng 'ehee'.

"Lubayan mo nga ako" sabi nya pero hindi ako nakinig at sinundan ko lang siya.

Nawawala sila hyung eh, ayoko namang mag-isang mag-ikot ikot sa amusement park. Ang corny non diba? Kaya kukulitin ko nalang siya.

"Libre kita ng chocolate frappe" sabi ko. Nagulat ako nang agad siyang lumingon sakin at hinatak ako.

"Java choco chip. Large ha. Kamsaaa~" tuloy tuloy na sabi nya bago umupo sa may bench malapit sa bilihan. Kinawayan lang nya ako at tinanguan habang nakangiti.

Wow ha. Parang kanina lang pinagtatabuyan nya ako. Iba rin ang isang 'to. Malala na.

Napailing nalang ako bago bumili. Iniabot ko sakanya ang frappe nya at nagkapuso ang mga mata nya.

"Mahilig ka ba sa chocolate?" Tanong ko sakanya habang umuupo at tinutusok ang straw sa takip ng frappe ko.

Humigop muna siya bago haluin yon gamit ang straw, "Oo. Mahilig kami ni Jisoo unnie" sagot nya habang nakatingin sa ilalim ng frappe nya habang hinahalo yon.

"Ahh. Okay" awkward kong sagot bago sumandal sa sandalan ng bench.

"Uy ilong, may tanong ako"

Nasamid ako sa tinawag nya sakin.

"Maka-ilong to. Jungkook ang pangalan ko" inis na sabi ko.

"Ang laki kaya ng ilong mo" nagkibit balikat siya bago humigop ulit.

"Pogi parin. Teka nga! Kesa pakialaman mo yung ilong ko, itanong mo nalang yung dapat mong itanong" sabi ko habang tinatanggal yung takip ng frappe ko. Nakakatamad uminom sa straw! Humigop ako na parang sa baso bago siya tignan.

"Bakit ba nakipag-break si Jin kay Jisoo?" Seryosong tanong nya.

Pumasok sa ilong ko yung frappe sa sobrang pagkagulat ko sa tinanong nya kaya napaubo ubo ako at pakiramdam ko mamamatay na ko. Napailing siya at tinapik tapik ang likod ko.

"Kadiri naman 'to. Ayan kasi. Ang laki laki ng ilong" nandidiring sabi nya. Lumingon ako sa kabilang side bago ilabas ang panyo ko at punasan ang ilong at bibig ko.

Grabe! Akala ko mamamatay na ko non.

Tinapon ko yung frappe sa katabing basurahan ng bench na inuupuan namin bago ko siya harapin.

Tinignan nya lang ako na parang nandidiri bago umiling iling.

"Ano? Anong ibig mong sabihin? Nakipag-break si Jin hyung kay Jisoo noona?" Seryosong tanong ko sakanya.

Nanlaki ang mata nya bago hawakan ang bibig nya.

"So.. hindi mo alam?" Nag-aalangang tanong nya.

"Obvious ba?" Sarkastiko kong sagot. Napairap siya bago umayos ng upo.

"Oo. Nakipag-break si Jin oppa kay Jisoo unnie 2 days before tayo magkasama sama dito" pagpapaliwanag nya.

Napaisip ako bigla...

May kinuwento si Jimin sakin na nangyare kela hyung sa sala nung bago kami magshoot ng first episode. Sabi ni Jimin, feeling daw nya may something kay Yoongi hyung at Jin hyung base sa nakita nya. May kinalaman kaya don yung letter na nakita ko sa kwarto ni Yoongi hyung? Hindi ko naman binasa, nakabukas na kasi nung nakita ko tapos nagmamadali na akong hanapin yung charger ng laptop ni Yoongi hyung dahil baka masali pa ko sa Cypher pt. 5. Sa pagkakaalala ko, para kay Jisoo noona yun pero hindi ko nakita kung kanino galing.

Hmmm..

"Hoy! Ano ba? Nakikinig ka pa ba?"

Naalala ko lang na kasama ko pa pala si Lisa nang ipukpok nya yung nangangalahati na nyang frappe sa ulo ko. Napahimas ako sa ulo ko dahil medyo masakit yon.

"Aray naman. Ano ba kasing sinasabi mo?" Inis na tanong ko. Inirapan lang nya ko bago mag-mouth ng OA pero di ko nalang pinansin yun.

"Ang sabi ko, napapansin ko lang na may something sa mata ni Jin kapag nakatingin siya kela Jisoo unnie and Suga oppa, diba? O ako lang nakapansin?" Tuloy tuloy na tanong nya.

Napaisip ako bigla sa tanong nya. Napapansin ko nga din yun. Na parang di siya kumportable at parang nasasaktan pa siya.

"Feeling ko din eh.." nakatingin sa malayo kong sagot. "Lisa may sasabihin ako. Wag kang maingay ha. Satin munang dalawa to"

Napatingin siya sakin pagtapos nyang humigop. Nginitian nya ako at tinuro. "Ikaw ha! Aamin ka na crush mo ko, noh? Nako, Jungkook. Alam ko namang maganda ako, magaling mag-rap, magaling sumayaw pero grabe ha. Di ko inexpect na crush mo pala ako" tuloy tuloy nyang sabi.

Napaface palm ako. Medyo feeler din pala siya.

"Nakasinghot ka ba?" Inis na tanong ko sakanya. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Sus. Indenial ka pa. Pero kung maka-kanta ka ng kanta namin wagas. Kala mo ah. Nakikita ko kaya sa fancams" pang-aasar nya pa.

Napabuntong hininga nalang ako. Abnormal din pala ang isang to. Akala ko nakatakas na ko sa kaabnormalan dahil no where to be found sila hyung pero mas malala pa pala ang isang to.

"Hindi kita crush wag kang feeler, okay? Nakikikanta ako sa kanta nyo dahil trip ko at nakakahyper. Seryoso kasi tong sasabihin ko kaya pwede wag muna kung ano ano sasabihin mo" seryosong tanong ko. Tinignan nya ako ng seryoso bago siya tumango. Tinapon na nya ang ubos na nyang frappe sa basurahan bago siya maglabas ng lollipop mula sa bulsa nya.

"Go" nagkibit balikat siya habang seryosong nakatingin sakin.

Di naman siguro siya moody sa lagay na yan.

"May nakita kasi akong letter sa kwarto ni Yoongi hyung na para kay jisoo noona pero.. di ko alam kung kanino galing"

Tinignan nya ako na parang 'are you serious' look.

"Sa kwarto ni Yoongi oppa mo nakita diba? Edi malamang galing sakanya. Grabe ha. Akala ko golden maknae ka. Bakit simpleng logic di mo nagets"

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero sabagay may point siya.

"So anong gagawin ko don?" Takang tanong nya.

Nginisian ko siya habang nakatingin sa may bandang likod nya. Malayo pa lang kilala ko na kung sino.

"Jungkook para tayong tanga dito. Ano bang ginagawa mo?" Bulong ni Lisa sakin pero tinakpan ko lang ang bibig nya.

"Shhh! Papakinggan nga natin eh! Nacucurious ako sa nangyayare sakanila"

Tinanggal nya yung kamay ko at inis na nakisilip nalang sakin. Nagtatago kami ngayon sa likod ng bench at pinapakinggan ang usapan nila Jin hyung at Yoongi hyung.

"Hanggang ngayon ba naman, Yoongi? Sinabi ko na ang dahilan diba? Hindi ko na nga siya mahal" rinig kong sabi ni Jin hyung. Parehong nanlaki ang mata namin ni Lisa bago kami nagkatinginan.

Tama ba ang narinig ko? Hindi na mahal ni Jin hyung si Jisoo noona? Parang imposible naman yun!

Tumawa lang si Yoongi hyung at umiling, "Hindi ako naniniwala. Alam kong nasasaktan ka. Alam kong nasasaktan ka kapag kasama ko siya"

Nagkatinginan ulit kami ni Lisa at nag- tanguan. Hindi lang kami ang nakapansin.

"Tapos na yon, Yoongi. Mukha namang masaya na siya kaya pwede ba, kalimutan mo na yon" tumalikod na si Jin hyung.

"Aray! Yung paa ko hoy ilong!" Napatingin ako kay Lisa bago alisin ang paa ko na naapakan na pala ang paa nya bago magpeace sign. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang hindi ko naintindihan yung huling sinabi ni Jin hyung dahil kay Lisa.

"Ano daw?" Medyo malakas na tanong ni Lisa kaya agad kong tinakpan ang bibig nya. Medyo napalingon si Yoongi hyung sa gawi namin pero di nya pinansin at naglakad na palayo.

Nang masigurado naming wala na silang dalawa. Tumayo na kami.

"Tsk. Ayan kasi! Ang ingay ingay mo hindi ko tuloy narinig yung huling sinabi ni Jin hyung!" Sabi ko sakanya.

"Wow ha. Ako pa? Paa ko na nga yung naapakan kasalanan ko pa" inirapan nya ako. "Tsk! Ano ba yan! Sayang! Yun na yon oh! Malay mo umamin na siya na mahal padin nya si Unnie!" Inis na sabi nya.

"Eh bakit sakin ka nagagalit? Ako ba yung nag-ingay?"

"Exciting yung love story nila. Naiintruiga ako!" Dagdag pa nya.

Nagkatinginan kami at para bang nagkaintindihan kami kahit tingin lang.

"Detectives Liskook" sabay na sabi namin bago nag-apir.

Di ko akalaing magiging partner in crime ko ang isang to.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 86 31
She fell first, who fell harder? Si Colleen Vergara at Maya Celeste Arceta ay galing sa magkaibang squad na eventually ay nag-join force as Bibi squa...
49K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
19K 694 35
A MikhAiah x MikhaLoi Parallel Universe Maven is deeply inlove to Avery but she's always looking for someone
6.2K 150 67
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!