Dedicated sa lahat ng mga nagbabasa sa chapter na 'to :*
__________________________________________________________________
TBG 58: Game 2 (pt.1)
Krypton's POV
Halos ilang minuto na kaming naghihintay dito sa classroom at hindi pa rin dumadating ang aming guro. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, ewan ko kung ano ang ginagawa ng mga 'yon. Baka masyado lang nabored kaya lumabas na.
Kanina pa'ko nakaupo dito at kaunti nalang parang mababagot na ako, wala naman kasi akong makausap. May kaibigan naman ako dito sa classroom 'yun nga lang hindi ko masyadong close. Idunno!
Napatingin nalang ako doon sa classmate kong nasa teacher's table at parang may balak siyang sabihin. "Guys, sinong manunuod mamaya? Cheer natin sila ah?" Tanong nito. Karamihan naman sa mga kaklase ko ay nagtaas ng kanilang kamay.
"Good! Gawa na rin tayo ng banner. Hehehe!" Request pa niya, napatango nalang yung iba kong kaklase. Tinalo niya ang president namin sa pagrequest. Hahaha!
"HI GUYS!" Napatingin naman ako bigla sa pintuan kung saan pumasok doon ang lima. Natuwa naman ang ibang girls at yung mga boys ay sinalubong sila at may patapik tapik pa sa balikat na ginawa.
Wait! I thought hindi sila papasok?
"Goodluck guys mamaya."
"Galingan niyo!"
"Iche-cheer namin kayo!" Iyan ang mga narinig kong sinasabi ng mga kaklase ko sa kanila. Ako nga lang ata ang hindi naimik dito.
"Uy! Krypton, punta ka mamaya ah." Napatingin naman ako sa gilid ko at doon nakita ko si antimony na nakangiti.
"Hah? P-pero-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumulpot si lead sa likod ni antimony at seryoso akong tinignan.
"You have to be there." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Tumango nalang ako tapos ay naramdaman ko ang pananapik ng balikat sa akin ni antimony bago siya umalis. Makakatanggi pa ba ako e, pumayag na ako? Hays! Sige na nga pupunta ako sa laro nila sana sumama si shine para naman may kasama ako mamaya. Alam ko na rin kasi kung saan gaganapin ang laro. Sa Del valle Academy.
*****
Lead's POV
Masayang nag-uusap-usap sina antimony, neon at copper habang kami ni zinc ay hindi naimik. I hope she will be there later. It's kinda corny but she's my inspiration at parang naiinganyo pa akong galingan mamaya sa paglaro kapag nakikita ko siya. Wala akong magagawa, iba na talaga kapag tinamaan ka. Minsan kung ano-ano nalang mga cheesy'ng salita na pumapasok sa utak mo at parang wala kanang pake du'n dahil mahal mo naman ang dahilan kung bakit ka napapaisip ng mga gano'n.
"Mukhang hindi na dadating si Mrs. Vuendero." Napapakamot-ulo na sabi ni neon. Sang-ayon ako do'n dahil kalahating oras na at wala pa rin siya.
"Sana pala hindi na tayo nagpunta dito. Amboring gusto ko na maglaro." Masyado namang excited itong si copper. Magtatanghali palang at mamayang alas kwatro pa ang laro namin.
"Excited mo masyado." Sabi ni antimony.
"Don't be too much excited baka hindi tayo manalo." Wika ni zinc.
"Ang dami mong alam." Sagot ni copper.
"Oh lead, ang tahimik mo ata?" Binalewala ko nalang ang tanong ni neon. Nagtaka pa ba siya? Tss! Tumingin na muna ako kay krypton at nakita kong may sinusulat siya sa notebook niya. Napangiti naman ako, hindi ko alam kung sa anong paaran masasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. But it's not yet time to confess. Ayokong iwasan niya ako, ayokong ka-ilangan niya ako.
~~****
Lunch break.....
Katatapos lang naming bumili ngayon ng pagkain at hindi na muna kami nagtungo sa likod ng canteen. Mas prefer namin ang maglunch ngayon dito sa loob. Habang kumakain kami ay pasekreto naman akong sumusulyap kung saan nakaupo sina krypton. She's with shine now at mukhang masaya sila habang nag-uusap.
"Lead naman huwag kang magpapahalata." Siniko ko naman si antimony. Chutakte! Baka mamaya marinig ng apat ang mga pinagsasasabi nito at mabuking pa kami. Loko talaga! Tinawanan niya lang ako kaya nailing naman ako at kumain na muli.
"Guys, kailangan nating mag-usap-usap kasama sina zirco, nick pati narin yung captain." Wika ni neon.
"Eh tawagin natin sila." Suhestiyon ni copper.
"Mamaya na! Kita niyong kumakain pa tayo. Pagkatapos nito puntahan natin sila tsaka mag-usap-usap tayo." Tumango naman ang dalawa sa sinabi ni antimony. Makalipas ang ilang minuto ay nagsitayuan na kami sabay labas sa canteen.
~**
Kasalukuyan naming hinahanap sina nick at zirco nang bigla naming makita sila na naglalakad patungo sa gymnasium.
"HOY!!" Sigaw ni neon. Tumigil naman sila sa paglalakad at pagkatalikod nila ay nakita nila kami kaya sabay na silang tumakbo palapit sa amin.
"Bakit ba ang gala niyo masyado? Kanina pa namin kayo hinahanap. Tss!" - Neon.
"Pasensya na bro. May hinahanap kasi kami." Sagot ni zirco.
"Ano naman 'yun?" Copper asked.
"Yung nawawalang pokemon." Sagot ni nickel dahilan para batukan siya ni copper.
"Kung makabatok 'to. Close tayo pre?" Ngumiti nalang si copper sa sinabi ni nickel.
"Pagpasensyahan niyo na 'tong kasama ko. Hindi kasi nakainom ng maintenance at kalalabas lang din nito nu'ng isang araw sa mental." Mahinahong sagot ni zirco.
"Ulol! Ginawa mo namang akong baliw." Nagtawanan naman sila habang ako nanatiling seryoso dito.
"P're, hindi ba nakakatawa yun? Sorry ah. Hahahaha!" Tinignan ko lang naman 'tong si nickel. Tss!
"Tara na nga doon sa tambayan." Pag-aaya ni antimony.
"Wait! Saan 'yun? Hindi namin alam na may tambayan pala kayo sa paaralang 'to. Wahaha!" -Nickel.
"Basta! Sumunod nalang kayo." Tumango naman ang dalawa at sumunod sa amin papunta sa canteen. Nang makaratng kami dito ay kanya kanya naman kaming upo sa dating pwesto.
"Oh! Ano gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni zirco.
"Hulaan mo." I said.
"Sorry pre, hindi kasi ako manghuhula." Nagsitawanan naman sila sa sinabi nito. Tss!
"Siya nga pala nasaan si captain? Ano nga pala pangalan nun? Hahaha!" Tanong ni antimony.
"Ah! Si Travis, Ewan pero kanina nakita namin siya kasama ang forever niya." Sagot ni nick.
"Forever? Hay naku! Lamporeber 'noh." Singit naman nitong si copper.
"Bitter?" -Zirco.
"Better!" -Copper.
"Anyway, nasabi niyo na ba sa kanya kung ano ang napagplanuhan natin?" Tanong ni antimony.
"Oo kahapon pa. Nakita kasi namin sila kasama na naman yung girlfriend niya." Sagot ni zirco.
"Matanong nga kayo mga pare. Matagal na ba kayong naglalaro ng basketball?" Kunot-noong tanong ni nick.
"Oo! Pero kami-kami lang din ang naglalaro. Hindi kami sumasali sa mga liga liga sa mga baranggay. Hindi kami mahilig nu'n. Naglalaro lang kami minsan sa mga gadgets namin at sa lugar nila zinc." Sagot ni neon.
"Wow! Kaya naman pala mga sanay na kayo." -Zirco.
"Hindi naman masyado. Hindi naman kami pangpro pero may alam kami at marunong kami." Sagot naman ni antimony. Marami pa silang napag-uusapan hanggang sa umabot sa punto na hindi na basketball ang topic nila. Minsan napag-usapan na din nila iyong mga iba't-ibang laro. May punto din na tungkol sa pag-ibig ang pinag-usapan nila. Hindi naman ako nakisali dahil baka mamaya madulas pa ako sa mga itinatanong nila. Kagaya ni zinc nakinig lang naman ako sa mga usapan nila.
"By the way, sabay sabay na tayong umalis mamaya. Siguro naman may sasakyan din kayo?" Sabi ni neon pero napailing naman sina zirco at nick. Wala man lang ba silang motor o kahit anong vehicle na service nila patungo sa school?
"Nasira yung motor ko. Hindi ko pa napapagawa kaya hanggang ngayon, nagkocommute pa din ako." -Nick.
"Nagkocommute lang din ako, grounded ako e, dahil nakagawa ako ng kasalanan sa mga magulang maski magbike patungo dito sa paaralan, pinagbawalan ako." Zirco said while holding his nape.
"Ano ba kasing kasalanan ang nagawa mo? Mabigat ba 'yun na umabot sa puntong magagrounded ka?" Pati ako nilamon ng kuryusidad ko at interesado akong malaman kung ano ang nagawa niyang kasalanan at kung bakit nagrounded siya.
"Nagasgasan ko kasi yung bagong kotseng binili ng dad ko. Hindi ko naman sinasadya yun, hinahabol ko kasi yung dagang nambutas ng sapatos ko at dahil hindi ko mahuli kaya napag-isipan ko nang kumuha ng bato at dahil sa malayo layo ako kaya napaiba ang tama ko ng bato imbes na mapunta sa dagang mapang-insulto e, bumagsak naman yung bato sa harap ng kotse ni dad. Mabuti na nga lang dahil gasgas lang ang inabot kasi kung nagkataong nabasag yung salamin. Baka hindi lang grounded ang abutin ko, baka hindi na ibigay sa akin ang cellphone at susi ng motor ko pati susi ng bike ko." Hindi ko naiwasang hindi tumawa sa kwento niya.
"Mukha ka naman palang engot kahahabol sa dagang iyon. Bwahaha!" Tatawa-tawang sagot ni nick.
"Letse! Pagtawanan niyo pa ako." Sabi niya.
"Hahaha! Kung ako sayo dapat hindi mo nalang hinabol yung daga. Hahaha!" Sabi naman ni neon.
"Eh malay ko ba." Napapakamot ulo niyang sagot.
"Ampfufu! Alam kong nagsisi ka sa ginawa mo. Hahaha!" Natatawang sagot ni copper.
"Oo naman! Kung alam ko lang kasing mangyayari 'yun Edi sana hindi ko nalang ginawa." Sagot niya.
"Hayaan mo na. Wala ka na rin naman kasing magagawa dun. Nangyari na!" Sabi pa ni zinc. Tumango nalang si zirco. E, ano pa ba'ng magagawa niya? Maghihintay nalang siya hanggang sa magdecide na ang parents niya na pagamitin na siya sa mga pinagbawal sa kanya.
"Wengya! Kasi kasalanan nung daga." Badtrip niyang sagot.
"Sinisi mo pa yung daga." Sabi ko. Nagsitawanan naman ulit sila. Nagpatuloy pa ang tawanan na iyon hanggang sa magtanong si antimony kung anong oras na. Tumingin naman si zinc sa relo niyang suot.
"It's 3:20Pm to be exact." Sagot niya. Tumayo na kami dahil oras na pala para umalis na kami dito sa school. 4PM pa ang start pero sabi ni couch na pumunta na daw kami doon pagka 3'oclock pero 3:20 na ayon sa relo ni zinc kaya naman umalis na kami sa tambayan namin.
"Paano si travis?" Tanong ni copper.
"Alam na niya 'yun. Baka nga nandoon na 'yon. Magala din kasi ang lalaking 'yun." Sagot ni zirco. Tumango-tango naman siya pagkatapos nun ay naglakad na kami patungo sa locker namin para kunin ang mga bag namin. Nandoon ang susuotin namin kaya hindi pwedeng kalimutan namin 'yun. Matapos naming kunin ang mga bag namin ay nagtungo na kami sa parking lot para sumakay sa mga motor namin. Magko-commute nalang sana sina zirco at nickel pero dahil sa mabait daw si neon at anitmony kaya sa kanila na nakisakay yung dalawa. Hindi na nila tinanggihan iyon, hits na yun e, tatanggihan pa ba? Pinaandar ko na ang motor ko at nauna nang umalis. Alam kong nakasunod lang yung apat, alam naman naming lahat kung saan ang del valle academy sa tingin ko minsan na naming nadaanan ang paaralan na iyon. It seems so familiar kaya parang nadaanan na namin iyon.
*****
Krypton's POV
Ilang minuto din akong naghintay sa classroom. Kaunti nalang kami dito dahil yung iba kong kaklase ay nauna nang umalis. Hinihintay ko kasing pumunta dito si shine pero parang hindi siya dadating. Bakit nga ba ako umaasa? Nasanay lang ata ako na minsan ako pinupuntahan ni shine dito sa classroom at inaaya akong pumunta sa canteen, library at kahit saan pa.
Niligpit ko nalang ang mga gamit ko tapos ay nagtungo na ako sa labas. Hindi naman ako nagpromise sa kanila na pupunta ako. Tumango lang naman ako ah. Paano kaya kung hindi nalang ako pumunta?
Konsensya: Naku, pinapaasa mo na naman yung mga taong naghihintay sayo do'n.
Ano ba 'yan! Sa tingin ko naman hindi nila ako kailangan. Anong gagawin ko dun? Manunuod lang naman 'diba? Wala akong planong magcheer 'no, baka mamaya mamaos pa ako. In-invite lang nila akong manuod. Natural naghahanap ata ng taga suporta. Pati nga teacher namin. Sinabihan kaming manuod kami sa laro nila at isupport daw namin sila.
Naglakad na muna ako patungo sa classroom nila shine. Tumingin tingin pa ako sa loob pero wala nang patao-tao. Umalis na kaya si shine? Nagpunta na kaya siya del valle academy?
Napabuntong hininga nalang ako at tuloy tuloy na lumabas sa campus. Habang naglalakad ako ay bigla ko namang narinig ang pagtunog ng phone ko. Huminto muna ako at kinuha ang phone ko saka binasa ang message.
From: Shine
Krypts, sorry hindi ako makakapanuod ng laro nila dahil kailangan ako ngayon dito sa bahay. Ikaw nalang ang pumunta doon. Cheer mo sila. Sorry talaga kung wala kang kasama ngayon. Sorry!
-
I sighed when I read her message. Pati siya pinapapunta din ako doon? Pero wala akong kasama. Parang amboring naman ata.
Pumunta ka na! Baka magsimula na 'yun. Sige ka!
Tinignan ko muna ang oras ng phone ko. And it's already 3:30PM. 4PM daw yung start ng laro. Makakahabol pa ba ako sa panunuod? Paano kung hindi nalang talaga ako pumunta? Pero parang may nag-uudyok sa akin na pumunta doon. Hays bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Naglakad nalang uli ako hanggang sa may makita akong trycicle kaya sumakay ako at ilang minuto lang ay narating ko na din ang del valle academy. Dito ako mismo dinala ng mga paa ko, kahit kalahati ng utak ko ay ayaw. May namumuo pa ring desisyon at sinasabing kailangan kong manuod.
Pagkababa ko ng trycicle saka naman ako nagbayad. Nandito na ako ngayon sa tapat ng school. Ano pa ba ang magagawa ko? Nandito na ako. Hindi naman pwedeng uuwi kaagad ako. Sayang din yung perang ginastos ko pamasahe. Okay! Siguro naman papapasukin ako ng guard dito.
Nanatili na muna akong nakatayo dito sa tapat ng Del Valle Academy. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng school. Malaki siya at natitiyak ko na malawak at maganda ang paligid sa loob kahit sarado yung gate. Ilang minuto na muna akong nagmasid hanggang sa may marinig akong isang boses na ikinalingon ko naman.
"Wala ka bang balak na pumasok miss?" Pagkatingin ko sa hitsura niya. Huwaw! May katangkaran. Siguro kasing height lang niya si lead or mas lamang siya ng dalawang inch. Maputi rin, makinis. It seems like a perfect guy pero syempre walang perpekto. Seryoso ang mukha niya habang tinatanong iyon sa akin. Napatingin naman ako sa kanya from head to toe at nakasuot siya ng jersey na may numerong 15. Kung ano ang ginawa ko iyon din naman ang ginawa niya.
"I know that you're an outsider pero dahil sa may laro ang team niyo kaya free kayong pumasok dito." Sabi pa niya. Hindi naman ako nagreresponse sa bawat salita niya. Hindi ko naman siya kakilala. Hindi na niya ako pinansin pa at naglakad na siya papasok dahil awtomatikong bumukas yung gate. Matapos nun ay napag-isipan ko nang pumasok.
Pagkarating ko sa loob ay parang maliligaw ako dito. Maliban sa hindi ko kabisado ang lahat dito ay malawak din. Sabi na e! Malawak din naman yung paaralan namin pero sa tingin ko mas malawak 'to ng kaunti. Hindi ko alam kung saan ako mauunang pumunta. Wala namang signs kung nasaan ang basketball court nila dito o kung may gymnasium ba sila. Wala akong masyadong makitang estudyante dahil sa tingin ko nandoon na rin ata yung iba. Nagsimula na ba? Bakit kaunti lang ang nakikita kong naglalakad na mga estudyante dito?
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naglakad lakad nalang muna ako. At wala pa din akong nakikitang basketball court dito. May nadaanan na din akong mga classroom pero hindi ko nagawang pumunta sa 2nd,3rd,4th floor dahil sa tingin ko naman wala doon ang laro. Wala naman kasing sinabi sa amin ang guro namin kung saan banda ba gaganapin ang laro nila dito. Ang hirap pala kung galing ka sa ibang school 'no? At mapapadpad ka nalang dito. Hays!
"Naliligaw na yata." Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Tumalikod ako para harapin siya. Siya na naman?
"Wala man lang ba nakapagsabi sa'yo kung saan banda ang laro namin?" Tanong niya pero hindi ako sumagot.
"Bingi ka ba?" Tanong uli niya.
"H-hindi." Sagot ko.
"Hindi naman pala. Anyway, kung hinahanap mo kung saang banda gaganapin ang laro. Doon lang oh! Dumiretso ka sa daan na 'yun at may makikita kang hall at doon mismo ang basketball court namin." Napatango naman ako sa eksplinasyon niya.
"S-salamat!" I said.
"Hindi pa magsisimula ang laro. Mamaya pang 5Pm." Napatingin naman ako sa kanya. Mamaya pa? Akala ko ngayong 4PM na? Ehhh?
"Niremove yung sched. dahil may naglalaro pa doon. But I guess matatapos na din 'yun." Sabi pa niya. Tumango nalang ulit ako.
"Sige! Salamat!" Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit dahilan para hindi ako matuloy sa paglalakad.
"By the way, what's your name?" He asked.
"K-krypton..." I answered. Lumapit naman siya sa akin.
"Nice name. Btw, I'm Draven. Draven Hynson." Pagpapakilala niya sabay lahad niya sa kamay niya. Nag-aalinlangan ko namang tinanggap iyon and we both shake hands.
"Sige! Mauna na ako." Naiilang kong sabi at tumalikod na talaga ako ng tuluyan saka tinahak ang direksyon patungo sa court.
Pagkarating ko doon ay maraming tao na din ang nandoon. May ibang nasa labas nag-uusap-usap. Karamihan sa kanila ay nakauniform. May iba naman akong nakikitang schoolmate ko. Mabuti dahil walang war na nangyayari, mayroon kasing mga taga ibang school na kapag pumasok ka sa school nila ay parang nakagawa ka ng kasalanan na ansama-sama ng tingin sayo. May iba namang napapatingin sa akin dahil na rin siguro sa ibang suot kong uniform kasi nga hindi naman ako dito nag-aaral. Pinabayaan ko nalang iyon at nagpunta sa loob. Sisilip lang ako! Pagkarating ko sa loob ay agad nahagip ng mga mata ko ang lima. Nakaupo lang sila doon habang nanunuod din ng laro. Hindi ko na naman alam kung nag-iilusyon lang ba ako pero nahagip ng mga mata kong tumingin sa akin si lead. Baka napakaassumera ko na naman. Pero sa direksyon ko kasi tumingin. Nailing nalang tuloy ako at lumabas na muna.
Naghanap hanap lang muna ako ng lugar na pwede kong pagtambayan dito. Wala naman akong makausap kaya tatambay na muna ako. Sa kalalakad ko ngayon ay nakarating ako sa isang flower garden ng school. Walang masyadong tao at may nakita akong bench doon na pwede kong upuan. Naglakad na muna ako papunta dito tsaka umupo ako sa isang bench na sa gilid nito ay mga halaman. Ang gaganda ng mga bulaklak dito parang ansarap amuyin. He-he!
Habang nakaupo ako ay hindi ko naman maiwasang hindi pagmasdan ang paligid.
"So you're here." May narinig ako na pamilyar na boses. Tumingala ako para makita kung sino ito. And wadapak! Siya na naman? I'm not complaining na siya na naman ang makikita ko dahil makikita at makikita ko talaga siya hangga't nandito ako. Umupo naman siya sa tabi ko na animo'y close na close talaga kami.
"Wala ka bang kakilala man lang dito?" He asked.
"Meron! Hindi nga lang ako malapit sa kanila." I said.
"I see! Anyway, do you have boyfriend?" Ano ba'ng tanong 'yan? Kung umiinom lang ako. Malamang natapon ko na 'yon. Bago ako sumagot ay bigla ko namang naalala si grey. Wala na pala kami! So sad ilang weeks na kaya ang nakaraan. Hays!
"Wala!" Naiiling kong sagot.
"Good!" Mahina niyang sabi.
"Hah?" Kunot-noo kong tanong. Umiling-iling naman siya.
"Nothing." Pagkasabi niya nun ay nanahimik nalang muna ako hanggang sa may narinig na naman akong pamilyar na boses. Nakatingin lang kasi ako sa sapatos ko nang marinig ko ang boses na 'yun.
"Krypton...." Pagkatingin ko sa kanya ay para akong kinabahan sa seryoso ng mukha niya.
"Lead..."
_______________________________________________________________________✒
Note: Pabitin si otor! Pero don't worry mag-uupdate naman siya sa pt.2 Stay tune guys. Please vote, comment and share. Kamsahamnida.