Reaching Out

By taekooktrashcan

2.3K 65 119

Single 5ever. Studies ang priorities. Mataas ang standards. At higit sa lahat, CONFUSED. Yan si Tan, minsan n... More

Reaching Out
Chapter 1 - Type ko?
Chapter 2 - Starting a Friendship
Chapter 3 - A Chance
Chapter 4 - The Roommate
Chapter 5 - PDA
Chapter 6 - It's All or Nothing
Chapter 7 - Compromise
Chapter 8 - Us
Chapter 10 - Useless
Chapter 11 - The Break Up (short update)
Chapter 12 - Chinito
Chapter 13 - Moving On
Chapter 14 - Start With Something
Chapter 15 - The House Party
Chapter 16 - Chance
Chapter 17 - The Past and The Present
Chapter 18 - The Truth
Chapter 19 - The Day
Chapter 20 - Snaps!
Chapter 21 - Bourbon Street
Chapter 22 - Journey to the Past
Chapter 23 - Burger King
Chapter 24 - Wine Coolers
Chapter 25 - The Truth About Us
Chapter 26 - Complication
Chapter 27 - Tiffany Teal Box
Chapter 28 - Surprise
Chapter 29 - Ins and Outs
Chapter 30 - Broadway
Chapter 31 - French Holiday
Chapter 32 - Little Red Riding Hood

Chapter 9 - Valentine's Day

73 2 4
By taekooktrashcan

Months passed, hindi pa din nagsasawa si Ken na surpresahin at pasayahin ako sa bawat bagay na ginagawa niya. Napatunayan niya sakin na hindi ako nagkamali sa pagpili sa kaniya. Valentine’s Day ngayon at nasa school kami pareho. In fact, magkasama kami ngayon sa isang subject at katabi ko siya.

Nakikinig ako sa Prof at nagsusulat ng notes nang may ilagay siyang papel sa ibabaw ng notebook ko. Binasa ko yung laman at hindi siya nabigo sa gusto niyang mangyari. Kinilig ako. Kainis naman to eh. Namumula ako baka makita ko ni Sir mapagalitan pa ko.

“I will love you forever.

Happy Valentine’s Day, my baby.”

Napangiti ulit ako habang binabasa ko ulit yung sulat niya sa kapirasong papel na pinilas niya sa notebook niya. Kahit walang ka-effort effort yung papel, sumobra naman sa ka-sweetan yung message na laman nun. Kaya lalo akong nahuhulog sa taong to. Kumuha ako ng isang pirasong papel sa notepad ko at nagsulat ng sagot sa kaniya.

“Every day is Valentine’s Day when I’m with you.

I’ll love you in every single way I can think of.

Happy Valentine’s Day too, my baby.”

 

Napangiti ako, satisfied sa sinulat ko. Tiniklop ko yung papel tsaka ko nilapag sa desk niya. Kinuha naman niya agad iyon at binasa. Halata sa mukha niya na masaya siya kasi nakangiti at namumula siya tulad ng reaction ko kanina habang binabasa ko yung sulat niya.

Nung saktong lumabas yung Prof namin, nag-lean siya sa tabi ko tsaka nilapit yung bibig niya sa tenga ko. Naramdaman ko yung paghinga niya na medyo nakakiliti sakin.

“I have a surprise for you later.” Bulong niya sabay kindat nung nakatingin na ko sa kaniya.

“Ano?” tanong ko. Na-curious na ko eh.

“Surprise nga diba? You’ll find out later, baby.” Kindat ulit niya. Konti na lang dudukutin ko na mata nito. Ang gwapo kasi... haaaay.

“Is it safe?” tanong ko ulit. Sorry haaa? Di ko kasi talaga mapigilan magtanong.

“Safe na safe. Bumili nga ako ng protection kanina sa Convenience Store eh.” Seryosong sagot niya.

“Ha?! Ano sabi mo?” hindi ko alam kung namali lang ba ako ng rinig o ano eh.

“Walaaaa. Basta hihintayin kita sa labas ng room mo sa last subject mo tapos tuloy na tayo dun sa secret place.” Sagot niya sakin. Ang galing naman nito. Napatahimik niya ko. Siya pa lang ata yung taong nakatiis sa pangungulit ko.

Iba talaga tong si Ken. Hinintay nga niya talaga ako sa labas ng room after ng last class ko. Kaya eto, naglalakad na kami papunta sa “secret place” niya. Ewan ko ba dito may pa-ganun ganun pa eh malalaman ko din naman.

Akala ko sa loob lang ng campus namin. Hindi pala. Lumabas pa kami ng school at sumakay ng jeep papunta kung saan man niya ko dadalin. Guys, kapag ako hindi na nakita kilala niyo kung sino kasama ko ah. Joke. Huminto yung jeep sa harap ng mall at bumaba kami ni Ken. Pumasok kami sa mall at umakyat sa last floor. Naisip ko na kung saan niya ko dadalin. Sa Dance Studio...

Pagpasok namin, patay lahat ng ilaw at walang tao. Tinulak ako ni Ken sa loob at sinarado niya yung pinto. Dumilim yung paligid at wala na kong makita. Iiyak na sana ko nang buksan ni Ken yung ilaw at nakita ko kung ano yung nasa paligid ko. May nakaset na table sa gitna ng studio. Ramdam ang Valentine’s spirit dahil sa pulang table cloth, Rose na naka-vase as a center piece at mga mukhang mamahaling pagkain. Napatingin ako kay Ken at nakita ko siyang nakangiti at may hawak na malaking box ng Chocolate.

Lumapit ako kay Ken, kinuha yung box at niyakap ko siya ng mahigpit. Naiyak na ko kasi di ko na talaga kayang pigilan. Kaya nabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at napaupo sa sahig.

“Baby, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba sa ginawa ko?” mahinang tanong sakin ni Ken, halata sa boses niya yung lungkot.

“Hindi naman, baby. Na-overwhelm lang talaga ako. In fact, tuwang tuwa ako dito. Thank you so much!” sagot ko sa kaniya habang pinupunasan yung luha ko tsaka ko siya niyakap ulit ng mahigpit.

“Wala yun baby. Para sayo, gagawin ko lahat. Mahal kaya kita.” Sagot niya sabay ngiti ng malaki.

“Awww. Thank you talaga, Baby. Mahal din kaya kita.” Sabi ko tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Niyaya niya akong kumain at baka daw masira yung pinahanda niya para samin. Masarap yung pagkain, kasing sarap ng Ken ko. Joke! Pero seryoso, masarap yung pagkain. Sa totoo lang feeling ko naglalaway ako kahit kumakain na ako eh. Ganun siya kasarap. Talo pa luto ni Mommy. Wag niyong sabihing kay Mommy na sinabi ko yun ah.

Pagkatapos namin kumain, nagpahinga muna kami. Pero ilang minuto lang, nagulat ako nung bigla na lang siyang tumayo. May kinakalikot siya eh, pero di ko makita. Bigla na lang may tumugtog at mas lalo akong nagulat nung bigla na siyang sumayaw. Waaaaaah! Teka okay lang bang mag-fanboy sa sarili kong syota? Siguro naman no!

“Waaaaaah! Kyaaaaaaaaaaaah! Oooh sshhh my gulay! Yeheeeeet! Asdfghjklbcjsuwisbjasjnandhuehfjhasdkjfjhadjfhakjdafjhdskdabcjasshjdikonakayaaaaaaaaa. I love you, Ken Anthony Co! Huhuhu!” yep, that’s me. Yan ang fanboy side ko, at hindi ako nahihiyang makita ni Ken yan. Sooner or later makikita din niya kaya ayan na. Natawa lang siya sa reaction ko pero nagpatuloy pa din siya sa pagsayaw tapos bigla pa siyang kumindat waaaaaaaah! “Mamamatay na ata ako! Waaaaaah!” tuloy ko. Pero nagpatuloy pa din siya sa pagsayaw. Lokong to ah, nahihirapan na ko huminga eeeh.

Nung natapos yung kanta, lumapit siya sakin... Tsaka siya nagsexy dance. Anak ng tooooooookwa! Edi ayun, sinuntok ko sa braso. Napakamot naman siya ng ulo tsaka kami tumawa pareho.

“Ang galing mo talaga sumayaw, baby. As in!” sabi ko habang pinupunasan yung pawis niya. Kung yung iba pawis ng mga crush nilang basketball player ng school o baranggay nila ang pinupunasan, ako pawis ng dancer. Dancer sa Stripper club, joke! Pawis ng syota kong dancer at football player! O ano kayo?

“Syempre naman. Ikaw ang galing mo din, Baby!” sabi niya sakin. Nagtaka naman ako, ano ibig sabihin niya dun?

“Saan naman, Baby? Eh ikaw nga tong nagpakita ng talent.” Sagot ko sa kaniya at nagpapacute. Sana effective lol.

“Sa pag tili. Haha! Ang cute mo nga eh para kang fan.” Sabi niya tsaka siya tumawa.

“Sus, yun lang naman pala ko eh. Fan mo. Tss.” Sagot ko. Tsk tsk. Mas mukha pala kong fan kesa syota. Sakit nun ah.

“Baby naman eh. Sorry poooooo. Wag ka na magalit oh. Valentine’s Day eeeh. Pag nagalit ka sakin, di ko kaya mabuhay. Sige ka, pag ako namatay hindi ka na ulit magkaka lovelife.” Sus. Argumentum ad Misericordiam at Argumentum ad Baculum to. Use of pity and blackmail. Pero syempre nagpapalambing lang ako. Landi lol.

“Eh nabuhay ka nga bago pa maging tayo tsaka nung habang bwisit ka pa sa buhay ko. FAN lang naman ako eh. Akala ko kasi supportive boyfriend ako, yun pala... Tsk.” Umiiling pa ko tapos medyo nagkakaluha na ko sa gilid ng mga mata ko. Best Actor wooooooo!

“Baby, sorry na pleeeeaaase. Ikaw kaya ang number one fanboy at supportive boyfriend ko. Pa-hug nga.” Sabi niya tsaka niya ko niyakap. Awww how sweet of my Baby Ken naman.

“Baby? Joke lang yung kanina, di talaga ko galit.” Bulong ko habang mahigpit ko siyang niyayakap.

“Ah ganun! Teka nga.” Nagulat na lang ako kasi bigla niya kong binuhat sa balikat niya at nagpaikot-ikot kami. Lord, nakakahilo. Parang ang pagmamahal ng Ken ko, nakakahilo sa sarap.

Binaba niya ko at naupo kami sa isang gilid ng studio para magpahinga. Actually, nakaupo siya tapos ako naman nakahiga sa binti niya. Pinaglalaruan niya yung buhok ako naman yung mga daliri niya.

“I love you.” Sabi niya habang nakangiti sakin.

“I love you too.” Sagot ko naman at ngumiti din ako sa kaniya. Yumuko siya at hinalikan ako sa labi ng medyo matagal din. Mukha kaming nageenjoy sa ginagawa namin.

“Baby, tiga san ka?” sabi ko sa kaniya ng nakangiti ng malaki. Nagpipigil ako ng tawa!

“Ha? Edi sa...” sasagot na sana siya pero sumingit ako.

“I mean, tinigasan ka!” di ko na napigilan, natawa na ko. Namula naman siya at napakagat ng labi.

“Alam na this... Tara na, Baby.” Nakangisi niyang sagot. Hala, ano daw?

“Tara san?” tanong ko, painosente effect syempre.

“Sa Sogo. Hindi na safe sa condo eh.” Sagot naman niya. Nyenye. Ang joke joke! Korni nito.

“Ha. Ha. Ha. Na.ka.ka.ta.wa. In your dreams, Baby!” sagot ko tsaka ako tumayo sa pagkakahiga.

“Puro na lang dreams! Gusto ko totoo na.” Pacute niyang sagot.Kung ako painosente effect, siya naman pacute effect hay nako. Nahawakan niya ko sa kamay at hinila papunta sa kaniya kaya napaupo ako sa kaniya. Nagulat naman ako kasi... Alam niyo na. Yung ano niya... Parang nagawa na din namin yung ano. Putek ang sakit. Partida at may suot pa kami nun pareho.

Tingin ko nagulat din siya sa nangyari kasi kita sa expression niya. Natahimik kami pareho. Walang gumalaw kahit isa saming dalawa. Hindi na ata siya nakapagpigil kasi bigla na niya akong hinalikan. Umayos ako ng upo para maharap ako sa kaniya, tsaka ko siya niyakap habang naghahalikan kaming dalawa. This is so hot. Nagpatuloy lang kami dun hanggang sa mahiga kami pareho sa lapag ng studio. And then it happened...

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...