The Princess' Heart (Complete...

By loveorhatethisgurl

5.1M 48.4K 3.7K

Love story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon.. More

Prologue
Chapter 1: Masquerade Ball
Chapter 2: Weekend Date
Chapter 3: The Noise
Chapter 4: Death Anniversary
Chapter 5: Man to Man
Chapter 6: The Suitor
Chapter 7: Bacon and Mushroom
Chapter 8: Birthday Party
Chapter 9: Cinderella's Shoe
Chapter 10: Cruise Trip
Chapter 12: Mysterious Girl
Chapter 13: I'm no Cinderella
Chapter 14: Bad Day
Chapter 15: A Chance
Chapter 16: Double Date
Chapter 17: Heart vs Mind
Chapter 18: Bet
Chapter 19: Stormy Afternoon
Chapter 20: First Night
Chapter 21: Talk of the Town
Chapter 22: Misha
Chapter 23: Kaylee's Confessions
Chapter 24: Flashback
Chapter 25: Kurt's Plan
Chapter 26: Xander's Version
Chapter 27: A night to remember
Chapter 28: I'm Your Man
Chapter 29: Roller Coaster Ride Feeling
Chapter 30: What a Relief!
Chapter 31: Alexander's Secret
Chapter 32: A Favor to Ask
Chapter 33: Man in Black
Chapter 34: Blackmail
Chapter 35: Monthsary
Chapter 36: A Threat
Chapter 37: An Accident
Chapter 38: Not an Accident
Chapter 39: Untitled Feelings
Chapter 40: Missing Bacon
Chapter 41: Unanswered Questions
Chapter 42: Evil Witch
Chapter 43: Dreams vs Reality
Chapter 44: Night Life
Chapter 45: Revelation
Chapter 46: Coincidence
Chapter 47: Stood Up
Chapter 48: Prisoner
Chapter 49: Invitation
Chapter 50: The Plan
Chapter 51: He's here
Chapter 52: Note
Chapter 53: Unexpected Guest
Chapter 54: STOP!
Chapter 55: Untitled
Chapter 56: Double Celebration
Chapter 57: "I d....."
Chapter 58: Where?
FINALE
Author's Note:
Andrey's Love Story POLL
Codes
Announcement

Chapter 11: Locked Up

86.1K 885 46
By loveorhatethisgurl

Dahil nagsalita si Ma'am, lahat kami na nasa dance floor umupo na. Inihatid ako ni Xander sa upuan ko katabi si Kaylee.

"Don lang ako sa kabilang table." sabi ni Xander

Tumango lang naman ako. Sayang iyong chance kanina. Akala ko kasi eh matatanong ko na siya pero  umepal si Ma'am. Di bale nalang, may next time pa naman diba?

"Alam mo? Ang bagay niyong dalawa." sabi ni Kaylee habang kumakain parin ng desserts

Hindi parin siya tapos kumain? haha. Si Kaylee talaga oh. Buti nalang at hindi siya tumataba kahit na ang laki ng kinakain niya. 

"Hindi ahh." sagot ko kay Kaylee habang tinatago iyong kilig na naramdaman ko

"Bago tayo magstart sa program natin, may special performance muna for tonight. Let's all welcome The Noise. Let's give them around of applause please." 

Umakyat naman si Xander kasama iyong mga bandmate niya. Tapos nireaready na nila iyong instruments nila. Hindi pa nga sila nagsisimula pero iyong mga tao dito naghihiyawan na. 

Xander. Xander. Xander



Iyong tatlong girls sa harap may dala pa talagang tarpaulin para kay Xander. Hindi ata handa? 

Feeling ko mas lalong gumagwapo si Xander kapag hawak niya ang gitara niya at kumakanta. Para akong nalulunod sa 16 feet na swimming pool. 

Tapos eh nagsimula na sila sa pagkanta nila..

♫ I was only looking for a shortcut home 
But it's complicated 
So complicated 
Somewhere in this city is a road I know 
Where we could make it 
But maybe there's no making it now    

As usual nakatitig padin ako kay Xander habang dinadala niya ako sa kabilang daigdig. Sa daigdig na kaming dalawa lang ang andun. Iyong tipong sa amin lang umiikot ang mundo.

   Too long we've been denying 
Now we're both tired of trying 
We hit a wall and we can't get over it 
Nothing to relive 
It's water under the bridge 
You said it, I get it 
I guess it is what it is 

Gwapo din naman iyong ibang bandmate ni Xander pero si Xander lang kasi nakikita ng mata ko.

Tahimik lang akong nakaupo dito pero feeling ko dinuduyan na ako ni Xander sa mga ulap. 

  I was only trying to bury the pain 
But I made you cry and I can't stop the crying 
Was only trying to save me 
But I lost you again 
Now there's only lying 
Wish I could say it's only me   

Gusto kong gumaya sa ibang mga students na pumunta sa harapan at tumalon talon. Iyong makikijam talaga sa kanila. Pero dahil hiya mode muna ako ngayon, dito nalang ako. Sa buong performance nila, sa'kin lang tumingin si Xander. Feeling na kung feeling pero iyon talaga iyong feeling ko, sa'kin talaga siya tumitingin.

Pagkatapos ng performance nila bumaba na sila..

One more. One More. One more.



Sigaw ng mga tao. Kahit ako nga naki one more pero hindi na daw pwede. Sayang naman oh.

Nagsalita ulit si Ma'am pero iyong mga students hindi na nakikinig. Ayun may ibang mundo na ata sila. 

"Louise huwag mo masyado ipahalata na kinikilig ka." sabi ni Kaylee

haha. Hinawakan ko iyong dalawang pisngi ko. Feeling ko ang pula pula na talaga. N

"Halata ba talaga?" 

"Sobra. Kahit hindi mo ipagsigawa na kinikilig ka halatang halata naman."

Ngumiti lang ako. Sorry hindi ko talaga mapigilan. Pagkatapos namang magsalita ni Ma'am isa isang nagpakilala iyong mga professors. Hindi naman namin kailangang makinig since kilala na namin sila. Iyong mga freshmen lang ang kailangan.

Pagkatapos magpakilala ng mga professors, nagsayawan ulit. Disco. Ayun, the crowd goes wild. 

"Princess, halika sayaw tayo." Bigla nalang akong hinila ni Aaron. Muntik ko na nga siyang sapakin dahil sa akala ko talaga kung sino iyong humila sakin.

"Ano ka ba Aaron ayokong sumayaw." sabi ko sa kanya pero huli na talaga kasi dinala na niya ako sa dance floor. Nagsasayaw na siya sa harap ko. Ako naman nakatayo lang. Nakakailang kasi.

"Ayaw mo bang sumayaw?" sabi ni Aaron

Umiling ako. 

"Babalik nalang ako ha? Sakit na masyado iyong paa ko." sabi ko tapos tumalikod na.

Pagbalik ko don sa table namin wala na si Kaylee. Hinanap ko siya. oh ayun! Sumasayaw. Ang dali ko lang siyang nahanap dahil sa suot niyang pula. Litaw na litaw kasi.

Dahil sa na OOP na ulit ako, naisipan kong lumabas na muna. Kill joy ko masyado noh? Magpapahangin lang ako.

Pumunta ulit ako don sa pinuntahan ko kanina. 

Naparelaxing pakinggan iyong mga alon na nabubuo sa gilid ng barko. Sabayan mo pa iyong simoy ng hangin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko.

"WOOOOOO!!!" at sumigaw.

Binaba ko na ulit iyong kamay ko at isinandal iyon sa railing ng barko ng bigla nalang akong may naramdaman ng malamig na bagay na dumikit sa balikat ko.

Pero paglingon ko..

"Para sa'yo." sabi ni Xander at inabot sa'kin iyong coke in can. ngumiti pa siya. Ngumiti narin ako. Sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti, nahahawa nadin ako sa pagngiti. Siguro malubhang sakit niya iyong ngumingiti. Nakakahawang sakit. 

Sinubukan kong buksan iyong coke kaso hindi ko magawa.Kinuha niya naman iyon at binuksan para sa'kin.

"Eto na." sabi niya

"Salamat. Ang galing mo kanina" sambit ko

"Ako lang iyong magaling?" sabi niya habang sinandal niya rin iyong kamay niya sa railing at hawak hawak iyong coke niya.

"I mean iyong banda niyo. Ang galing niyo."

Ngumiti lang siya. Tapos bumalik ulit kami sa katahimikan.

Nakakabingi pala ang sobrang katahimikan. Ngayon ko lang nalaman iyon.

"Mushroom?"

Tumingin ako sa kanya. Akala ko, pinagkakatuwaan na naman niya ako pero seryoso iyong mukha niya.

"Hmm?" tumingin ulit ako sa dagat.

"Naniniwala ka ba sa destiny? Soulmate? O kung ano pang tawag diyan?"

Destiny? Diba iyon iyong mga bagay na hindi natin kontrolado? 

Soulmate? Diba iyon naman iyong taong nakalaan para sa'yo? Ikanga iyong kapartner mo habang buhay?

Pero hindi ko alam kung naniniwala ba ako sa mga ganyang bagay.

"Sa totoo lang hindi ko alam. Ikaw? Naniniwala ka ba?" Ibinalik ko sa kanya iyong tanong.

Pero matagal din siyang sumagot.

"Ako? Oo naniniwala ako. Kung may bagay kasi na para sa'yo, maghahanap at maghahanap ang tadhana ng paraan para lamang makuha mo iyong dapat na para sa'yo." sabi niya

"Pero diba tayo naman ang gumagawa ng sarili nating tadhana? Sa tingin ko kasi, bawat desisyun na ginagawa natin, nakakaapekto iyon sa tadhana na pinapaniwalaan natin." pagpapaliwanag ko. Pero hindi naman din ako sigurado sa sagot ko. Paniniwala ko lang iyon. Iba iba naman kasi iyong paniniwala natin sa buhay diba?

*Eekk* *Eekk*

Pareho kaming napatingin ni Xander sa isa't-isa.

"narinig mo yun?" tanong ko

Tumango naman siya.

*Eekk* *Eekk*

"Hanapin natin." sabi ni Xander

"Ayoko noh. Baka multo iyan kagatin pa tayo."

Tumawalang si Xander.

"haha. Ang cute mo talaga mushroom. Pano naman magiging multo iyon eh ang liit liit ng boses. Halika na."

Hinawakan niya ulit iyong kamay ko tapos sinundan namin iyong maliit na boses ng kung ano man yun.

*Eekk* *Eekk*

"Dito ata." sabi ni Xander habang hawak hawak niya ako. Pareho pa kaming nakayuko dahil sa liit ng boses nong tumunog.

Hanggang sa pumasok kami ni Xander sa isang madilim na kwarto. Hindi ko alam kung asan na ito. 

"Oyy baka may white lady dito." sabi ko sa kanya pero tumawa lang ulit siya. Nakakatawa na pala ngayon ang white lady? Kelan pa naging clown ang white lady?

"Walang white lady dito." sabi niya

*Eekk* *Eekk*

"Ayunn pala oh!" tinuro ni Xander iyong maliit na butas sa dingding.

"Daga?" tanong ko

"Parang ganun na nga..Halika palabasin natin." Umupo kami ni Xander sa tapat ng maliit ng butas nong pader.

May kinuha siyang biscuit tapos dinurog ito at inilagay sa harap ng butas.

After 2 minutes may dalawang daga na lumabas sa butas tapos kinain iyong biscuit.

"Ayy ang kyooot!!" sabi ko pero biglang pumasok iyong dalawang daga sa butas..

"Shh!! Tumahimik kalang.Natatakot sila." sabi Xander

Ilang minuto lumabas ulit iyong dalawang daga. Haha. Pinakain lang namin ng biscuit. Muntik na maubos iyong biscuit eh. 

"Labas na tayo." sabi ni Xander

Tapos tumayo na kaming dalawa at tumungo sa pintuan na pinasukan namin. Kaso nga lang..

"Ba't ayaw bumukas?" sabi ko

"Ano?" Tapos inabot ni Xander iyong knob ng pinto kaso hindi talaga bumubukas.

"May naglock ng pinto. Baka hindi nila nalaman na andito tayo." sabi ni Xander pero ang calm parin ng pagkasabi niya.

"Ha? Pano na iyan?" nagsimula na akong kabahan dahil s

"May cellphone ka ba? tanong niya

Pero wala iyong bag ko dito. Nasa mesa. Hindi ko nadala.

"wala eh. Ikaw?"

"Iniwan ko sa kwarto ko."

Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Tulong! Pakibukas po itong pinto. May tao po ba diyan? Andito po kami!"



Sumigaw ako ng sumigaw kaso nga lang walang nakakarinig sa amin.

"Malamang hindi pa tapos iyong party kaya hindi pa nila alam na andito tayo." sabi ni Xander tapos umupo siya habang nakasandal iyong likod niya sa pader.

Hindi ba siya natatakot na baka hindi na kami makaalis dito? Baka dito na kami buong gabi? 

"Xander pano kung hindi na tayo makalabas dito?" tanong ko sa kanya

"Mayamaya malalaman nadin nila na nawawala tayo kaya hahanapin nila tayo. Huwag ka lang mag-alala. Mas mabuti pang umupo ka nalang at magpahinga para hindi ka mapagod." sabi niya

Umupo lang ako sa tabi niya. Pareho kaming hindi nagsasalita. Tahimik lang kami pareho.

Pano kung walang makakaalam na nawawala kami? Pano kung? Ang daming katanungan sa isipian ko. Kinakabahan pa naman ako kasi kami lang dalawa ni Xander sa madilim na lugar na ito. 

Tatayo na sana ako para sumigaw ulit pero hinawakan niya iyong kamay ko at pinaupo ako ulit.

"Xander. Paano kung.." pero hindi ko natapos iyong sentence ko

"sshh..Huwag kang mag-alala. Andito naman ako."

"Pero..."

"Natatakot kaba sa'kin?" tanong ni Xander. Hindi ko masyado makita iyong mukha niya dahil sa sobrang dilim pero alam ko at ramdam ko nakatingin siya sakin at ang lapit lang ng mukha namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko na iyong paghinga niya.

Natatakot ba ako kay Xander? 

Oo natatakot ako pero alam ko hindi kay Xander. May tiwala ako sa kanya.

Umiling ako..

"Huwag kang mag-alala." tapos ginulo niya iyong buhok ko kahit ang dilim dilim.

Pero bigla ko nalang naramdaman na hinubad ni Xander iyong suot niya. Alam ko madilim, pero hindi naman ibig sabihin non na hindi mo mararamdaman iyong galaw ng katabi mo.

"Xander? Anong ginagawa mo?" sabi ko sa kanya

"Bakit? Hindi ba pwede Mushroom?" 

"Xander? Huwag na huwag mo akong hahawakan kundi sasakalin talaga kita."

"hahaha.. Mushroom..Pwede ba kitang..." sabi ni Xander

Halikan? Yun ba? Kahit crush ko pa si Xander hinding hindi ko siya pagbibigyan. Dahil lang sa nalock kami dito hindi ibig sabihin na pwede na iyong mga iniisip niya.

"Huwag na huwag kang magkakamali Xander kung ayaw mong..."

Pero naramdaman ko nalang na inilagay niya sa mga balikat ko iyong coat niya.

O_o

Nahiya tuloy ako sa inisip ko.

"hahaha.. Ano ba kasing iniisip mo?" Hindi parin siya tumitigil sa pagtawa.

-____-

Kakainis!!

-____-

After 5 minutes naramdaman ko na ulit iyong gutom. Hindi kasi ako kumain ng maayos kanina.

*Growl*

Waahhh! Nakakahiya -___-

Ipinikit ko lang iyong mga mata ko dahil sa sobrang hiya. Narinig ata iyon ni Xander?

"Nagrereklamo na ata iyong mga little monsters mo sa loob ng tiyan mo." sabi ni Xander habang mahinang tumatawa

"...."

"Eto oh." May inabot siya sakin. Hindi ko alam kung ano pero nong nahawakan ko na alam ko chocolate iyon.

"Kainin mo na yan. Hindi ko pa naman iyan nakain. Sorry iyan lang yung meron ako." sabi niya

"Salamat." Kinain ko na iyong chocolate.

Hindi talaga ako nabusog pagkatapos kong kaninin iyong tsokolate pero kahit papaano naman eh nagkalaman na iyong tiyan ko.

Hindi parin kami nagsasalita sa isa't-isa..

*woooooooooo*

"WAAAAA! BACON!!!!!!!!" Napakapit ako bigla sa braso ni Xander

"Bacon...Na..Na-ri..narinig mo..yun? May mul-to di-to.." pautal utal kong sabi.

"Hahaha..Ano ka ba mushroom. Hangin lang iyon. Bakit ba ang dami mong iniisip?"

"Hindi.Hindi hangin yun.Multo talaga yun." Nakakapit parin ako sa kanya. Nanginginig na ata ang buong katawan ko sa takot. 

"SShh.. walang multo dito. Ipikit mo nalang muna ang mga mata mo. Kahit 5 minutes lang. Pagdilat mo, may magbubukas narin ng pinto." sabi ni Xander

"Ipipikit ko ang mga mata ko? Pano kung pagdilat ko nasa harap ko na iyong white lady?"

Hindi. Ayokong pumikit. Ayoko.

"5 minutes lang." sabi niya

Tapos inilalayan niya iyog ulo ko para sumandal sa balikat niya.

5 minutes. Pagkatapos ng 5 minutes may magbubukas na ng pinto namin.

Naramdaman ko lang iyong bigat ng ulo ni Xander na nakasadal sa ulo ko.

5 minutes.

"Bakit sila andito?"

"Anong ginawa nila kagabi?"

"Bakit silang dalawa lang?"

"Hala. Sila na ba?"

"Swerte naman ni Louise."

"Pero swerte din naman si Xander. Ganda kaya ni Louise, mabait pa."





May mga naririnig akong malilit na boses sa panaginip ko. Haaay!!

Dahan dahan kong iminulat iyong mga mata ko.

O_o

Bakit parang andameng mukha sa harapan ko? Pinikit ko ulit iyong mga mata ko at minulat..

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Continue Reading

You'll Also Like

190K 4.6K 33
Isang kwento ng pagibig na nag-umpisa sa maling tao, sa maling lugar, sa maling panahon, sa maling pagkakataon.
40.2K 1.2K 12
Him Series #2: Forgetting Him Sequel. Akala mo siya na? Malay mo hindi pa pala.
23.5K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
615K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...